BILANG isang kilalang Christian at isa rin sa talaga sa mga Pinoy artist na talagang hangga’t maibabahagi niya, siguradong ibabahagi niya ang kanyang pananampalataya sa Panginoon ay ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
Nag-post si Gary ng tila tribute niya sa American right wing political activist, Christian apologist na si Charlie Kirk at ang pinag-uusapang pagbaril dito sa leeg.
Hati ang napapansin namin na komento, damdamin ng mga netizens sa nangyari sa kanya. Obviously, kung marami ang humahanga sa kanya, marami rin ang galit sa kanya—sadly, despite his untimely death at 31.
Napakaganda ng tribute ni Gary kay Charlie. In short, hanga siya sa tapang nito to share the gospel.
And part of his message, “But the truth can sometimes hurt… but it always sets captives free. Charlie knew this and I believe that’s why he was passionate in letting listeners know about the faithful, unfathomable, unconditional, and sacrificial love that Jesus has always had even for the most sinful of individuals.”
May mensahe rin siya sa mga natutuwa pa sa naging kamatayan nito here and abroad. Sana raw yung mga shameless who was celebrating will be healed and restored their weary souls.
Nang dahil dito, nakatanggap si Gary ng pamba-bash o pagpe-persecute sa ilang followers niya.
Nandiyang, “Omg. I am very disappointed in you posting this!”
“Time to unfollow. Sad because I am a fan. But seeing this disgusted me.”
Pero ilan ay nireplayan ni Gary at sinabihan na lang ng God bless you still.
Sa isang banda, hindi naman siguro dahilan ang magkaibang paniniwala para ipagdiwang ng kahit sino ang kamatayan at sa paraan pa ng pagpatay rito.
Dahil sa social media, mas lalong nagiging evident kung gaano na kasama o ka-negatibo ang ilan sa mga tao ngayon.
(ROSE GARCIA)