• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:37 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 17th, 2025

Mga Japanese na kumpanya interesado sa operasyon ng NSCR

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INTERESADO ang mga kumpanya mula sa Japan na sila ang hahawak ng operasyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) matapos ang ginawang market sounding para sa P229 bilyon na deal ng nasabing railway.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na matapos ang final leg ng market sounding para sa NSCR ay may nakuha silang mga Japanese rail builders at operators matapos na ipakita sa kanila ang operasyon at maintenance ng NSCR.

Sinabi   ni   DOTr   undersecretary   Timothy   John   Batan   na   ang   mga   Japanese multinationals na nagpakita ng kagustuhan ay ang Alston Japan, Hitachi Ltd., Mitsubishi Corp., Sumitomo Corp., at Tokyo Metro Co.

Ang Mitsubishi ay ang kumpanya na humawak ng P110 bilyong kontrata upang

gawin ang signaling, telecommunication at trackwork systems ng NSCR. Maliban dito sila rin ang nag produce ng airport trains na gagamitin sa pagitan ng Clark International Airport at Alabang sa Metro Manila.

Habang ang Tokyo Metro naman ay siyang may hawak ng operasyon ng 9 na linya ng subways sa Japan na nagsasakay ng 7 milyon kada araw sa may 179 na estasyon at may habang 195 kilometers na train na tumatakbo sa Tokyo, Japan.

“We are very happy to see the attendance in this fourth leg of our operations and maintenance roadshow, as it only goes to show that we are on the right direction in terms

of structuring and in developing this concession,” wika ni Batan.

Inihayag ng DOTr na ang kanilang timeline para sa bidding ng dokumento

para sa concession ay kanilang ilalabas bago matapos ang September o di kaya ay sa loob ng October. Ayon kay Batan ay dito makikita ang resulta ng ginawang four legs ng market sounding para sa NSCR.

“The DOTr held market sounding for the NSCR in Singapore, Paris and Manila

prior to the latest one in Tokyo. The goal of the market sounding is to pitch the project to prospective operators, as well obtain insights on overseas railways,” saad ni Batan.

Ang mananalo sa bidding ay siyang hahawak sa operasyon at pagmimintina ng trains ng NSCR, kasama ang mga estasyon at depot. Kasama rin dito ang interoperations sa ibang railways na tatagal ng 15 taon.

May pondo ang NSCR na nagkakahalaga ng P873.6 bilyon na tatakbo sa may 35

na estasyon at may habang 147 na kilometro sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Luzon. LASACMAR

QC LGU, 2 lang sa 331 flood control projects ang inaprubahan mula 2022-2025

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagkakatuklas sa diumano’y maanomalyang flood control projects at sinabi na handa ang lokal na pamahalaan na magsumite ng sarili nitong imbestigasyon sa harap ng bagong tatag na Independent Commission for Infrastructure (ICI) na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tukuyin ang mga nasa likod ng umano’y multibillion-peso irregularities.

Sinabi ni Belmonte sa isang press conference nitong Setyembre 15, 2025, na isusumite rin nito ang kaparehong findings na pinasimulan ng City Engineering Department sa pangunguna ni Atty. Mark Dale Perral kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon gayun din sa Senado na nagsasagawa rin ng sarili nitong pagtatanong ‘in aid of legislation.’ Sa 331 na proyekto mula 2022-2025 na may kabuuang halaga na P17-bilyon, dalawa lang ang inaprubahan ng pamahalaang lungsod, ani Belmonte na nakikitang galit na galit na naniniwala na karamihan sa mga ito ay mga ghost project.

Samantala, sinabi ni Belmonte na agad siyang nakipag-ugnayan sa mga mambabatas na nakabase sa lungsod, ilan sa mga ito ay sina Rep. Patrick Michael Vargas, Rep. Arjo Atayde, Rep. Marvin Rillo at Rep. Marivic Co-Pilar na pinangalanan ng contractor-couple na sina Pacifico ‘Curlee’ Discaya at Cezarah ‘Sarah’ na sinasabi na nanghingi ng pera sa kanilang kumpanya matapos itong manalo sa government project bid.

“Lahat sila ay tumanggi na nakatanggap sila ng pera ngunit aalamin natin ang lahat, dahil ang pamahalaang lungsod ay handang makipagtulungan sa ICI at simulan natin sa pamamagitan ng pagsusumite ng ating mga natuklasan mula sa ating sariling imbestigasyon,” sabi ni Belmonte.

Tinataya ni Perral na sa P17-bilyon, humigit-kumulang P14-bilyon ang halaga ng flood control projects sa ilalim ng Drainage Master Plan (DMP) ng lungsod.

Sinabi ni Belmonte na may mga proyektong may mga katulad na gastos sa proyekto “na parang copy-paste lang, mayroong parehong halaga – P14,499,000 – para sa bawat proyekto ngunit mula sa iba’t ibang lugar at may iba’t ibang disenyo ng proyekto,” sabi ng punong ehekutibo ng lungsod.

“Ang masama pa, mayroong 91 sa 117 na proyekto na nakategorya sa ilalim ng drainage projects ngunit itinayo sa mga lugar sa lungsod na hindi binabaha,” dagdag pa ni Belmonte.

Ang parehong pagsisiyasat ay nagpahiwatig na ang rehabilitasyon ng San Juan River ay may kasamang 91 phase para sa isang proyekto lamang. Sa listahan ng 15 nangungunang kontratista na ibinunyag ni Marcos, sinabi ni Belmonte na pito sa mga ito kabilang ang mga kumpanyang pag-aari ng Discaya, na mayroong walo, ay mayroong mga proyekto sa pagbaha ng DPWH sa lungsod.

Sa parehong pulong balitaan, nilagdaan ni Belmonte ang isang Memorandum of Agreement kay Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay, executive director ng University of the Philippines- Resilience Institute at NOAH Center; at Philippine Institute of Civil Engineers-QC Chapter sa layuning suriin kung ang ilan sa mga natuklasang proyekto ay maaari pa ring i-rehabilitate o ibalik upang maisalba ang pinaghirapang kinita ng mga nagbabayad ng buwis.

Samantala, sinabi ni Belmonte na lubos niyang sinusuportahan ang indignation rally na itinakda sa Setyembre 21 ngunit umaasa siyang hindi ito mauwi sa nangyari sa Nepal. (PAUL JOHN REYES)

QCPD doble seguridad sa mga establisimyento ngayong ‘Ber’ months

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG nagsimula na ang “Ber” months, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio na mas paiigtingin pa ang seguridad sa mga malls, restaurants, hotels, financial institutions at mga vital installations sa lungsod.

Sa pakikipagpulong kay PBGen. Manuel Abrugena, ADRDO, NCRPO, sinabi ni Silvio na may dodoblehin na ang  police visibility sa lungsod  bunsod ng inaasahang dagsa ng mga mamimili, kumakain at mga nagnenegos­yo habang papalapit ang  Pasko.

Tinalakay din sa pagpupulong ang mabilis na res­ponde sa mga tawag at ang  8-Focus Crime Statistics mula Enero 1 hanggang Agosto 30, 2025.

Ayon kay Silvio, regular ang kanyang paalala sa kanyang Command  Group,  District  Staff at mga Station Commanders laban  sa mga illegal operations ng mga kriminal at mabigyan ng kapanatagan ang mga QCitizens.

Dagdag ni Silvio ang kanilang kampanya ay alinsunod sa direktiba ni Acting PNP chief LtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na siguraduhin na ligtas ang  publiko anumang  oras.

“Ang paglaban sa krimen ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan, kundi tungkulin din ng bawat mamamayan. Alinsunod sa ALLIED program ng ating NCRPO Regional Director, PM.Gen. Anthony Aberin, nakatuon sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, patuloy nating pinagtitibay ang ugnayan sa mga commercial establishments upang matiyak ang isang ligtas at payapang Quezon City. Gaya ng aking mantra: Magtulungan po tayo, QCitizen at QCPD laban sa krimen,” dagdag pa ni Silvio.

Ads September 17, 2025

Posted on: September 17th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

17 – page 4-merged