• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 17th, 2025

Finland, itinumba ang Olympic champion na France sa nagpapatuloy na 2025 FIVB

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINATUMBA ng Finland ang Back-to-back Olympic champion na France sa nagpapatuloy na FIVB Men’s Volleyball World Championship.
Pinangunahan ni Finnish spiker Joonas Mikael Jokela ang naturang koponan at nagbulsa ng 20 points sa kaniyang overtime performance.
Hindi naging madali para sa Team Finland na itumba ang Olympic gold medalist matapos itong paabutin ang laban sa limang set.
Nagawa kasi ng Finland na ipanalo ang unang set (25-19) ngunit tuluyan naman itong tinambakan ng France sa ikalawang set, 25-17.
Muling napunta ang ikatlong set sa Finland (29-27) at pinilit na ibulsa ang ika-apat na set para sana sa mas maikling laban. Gayunpaman, muling bumawi ang Olympic champion at ibinulsa ang 25-21 win.
Pagpasok ng deciding set, agad gumawa ng dominanteng laban ang Finnish team at ibinulsa ang 15-9 na panalo.
Kung babalikan ang laban ng Finland at Argentina sa nagpapatuloy na turneyo, umabot din sa ito sa limang set ngunit natalo ang Finnish team.
Nakatakdang labanan ng Finland ang Team Korea sa susunod na laban. Kung maipapanalo nito ang laban, aangat na sa Round of 16 ang naturang koponan.

Alas Pilipinas nagtala ng record sa unang panalo kontra Egypt sa FIVB Men’s World Championship

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GINULAT ng Alas Pilipinas ang Egypt sa kanilang paghaharap sa FIVB Men’s World Championship.
Itinuturing na isang makasaysayan ang panalo ng Alas Pilipinas dahil ito ang kauna-unahang panalo sa nasabing torneo.
Nadomina ng Alas Pilipinas ang laro at naitala ang score na 29-27, 23-25, 25-21, 25-21 na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Bumida sa panalo si Bryan Bagunas na nagtala ng 25 points habang mayroong 21 points si Leo Ordiales at 13 points naman ang naitala ni Marck Espejo.
Dahil dito ay pasok na sa Round of 16 ang Pilipinas na magsisimula sa araw ng Huwebes, Setyembre 18.

Kapalit ni Speaker Romualdez… Bagong House Speaker si Isabela Sixth District Rep. Faustino “Bojie” Dy III

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SI sabela Sixth District Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang pumalit kay Leyte Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker matapos na bumaba nito sa puwesto upang magbigay daan sa independent investigation sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Nakakuha siya ng botong 253, 28 abstention at 4 na hindi bumoto. Wala namang bumoto ng negatibo.
(Vina de Guzman)

Pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker, ‘acceptable’ para iligtas ang integridad ng Kongreso

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KATANGGAP- TANGGAP ang planong pagbibitiw ni Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang House SpeakerHouse Speaker Martin Romualdez kung ito’y naglalayon na iligtas ang integridad ng Kongreso.
“If Speaker Romualdez were to resign and it was for the sake of free investigation, especially since his name was mentioned, it would be fine and acceptable if his reason was to save the integrity of the institution and for free investigation,” ang sinabi ni Castro.
Tinuran pa ni Castro na ang pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker ay hindi magiging isang avenue para sa mambabatas para makataks sa pananagutan kapag napatunayan na sangkot siya sa mga usapin na ibinabato sa kanya.
Nauna rito, kinumpirma ni Castro na nagpulong sina Pangulong Marcos Jr. at Rep. Romualdez sa Palasyo ng Malakanyang, Martes ng gabi, Setyembre 17 sa gitna ng kontrobersya ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Mirasol:  2.5 milyong food packs at iba pang relief items, nakahanda na- Malakanyang

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG preparasyon sa pagdating ng Bagyong Mirasol, sinigurado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda na ang higit sa 2.5 milyong food packs at iba pang relief items para sa mga Filipino na maaapektuhan ng nasabing bagyo.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-ibayuhin ang disaster preparedness ng bansa.
Sa katunayan, nakatutok na aniya ang DSWD sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo para makapagpaabot ng agarang tulong sa mga maaapektuhang komunidad.
Ayon sa ahensiya, ‘ready to deploy’ na ang mga family food packs maging ang higit 100,000 ready-to-eat food boxes para sa mga maaaring ma-stranded dahil sa inaasahang sama ng panahon.
Bukod aniya sa mga food packs, may higit 300,000 relief items din gaya ng kumot, hygiene kits, modular tents at iba pa na naka-standby para sa ikagiginhawa ng mga pamilyang tutungo sa evacuation center.
Samantala, patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga Local Government units (LGUs) para siguruhin na mapabilis ang pagtulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Pinaalalahanan naman ni Castro ang lahat na mag-ingat at sumunod sa mga direktiba ng mga LGUs para sa kanilang kaligtasan. ( Daris Jose)

‘WALANG KARAPATANG MAGBANTAY SA DAGAT ANG MGA SUMISIRA NITO” – GOITIA

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING nagbabala si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating mga mangingisda at sa lantad na pagkukunwari ng China sa West Philippine Sea.
Paglalarawan ni Goitia na marami nang mangingisda ang lumipat sa konstruksiyon at tinalikuran ang tradisyunal na bumubuhay sa kanila ng maraming henerasyon- ang pangingisda at ito ay dahil sa pinsala at agresyon ng China.
Matatandaan na unang tinuligsa ni National Security Adviser Sec. Eduardo Ano ang hakbang ng China na magtatag ng nature reserve sa Bajo de Masinloc kung saan hinuhuli ang mga endangered species at nasisira ang mga bahura.
Naniniwala si Goitia na hindi kailanman maituturing silang tagapangalaga dahil sila mismo ang sumira sa bahura, hindi lang pinapatay nila ang kalikasan kundi ang kabuhayan at pagkain ng pamilyang Pilipino.
Malinaw kay Goitia na ang tinatawag nilang nature reserve ay pagtatakip lamang ng kanilang illegal na layunin at ito ay makuha ang kontrol sa ating karapatan at kapalit nito ay mas matinding pangha-harass, may pamilyang mapapalayas sa pagyurak sa batas pandaigdig.
At sa huli, nagpaalala si Goitia na ang laban sa West Philippine Sea ay hindi lamang tungkol sa dagat, kundi tungkol sa mismong kinabukasan ng bayan. “Bawat bangkang nakatiwangwang ay tanda ng pagkakanulo,” aniya. “Ito ay laban ng buong sambayanan, hindi lang ng mga mangingisda.”
Nanawagan siya ng pagkilos at pagkakaisa: mula sa fuel subsidy at modernong bangka, hanggang sa pagtiyak ng ligtas na pangingisda.
 “Ang dagat ay hindi kayang ipagtanggol ng mga sumira nito,” giit niya. “Tanging mga Pilipinong mangingisda—ang mga tunay na nagmahal at namuhay kasama ng dagat—ang karapat-dapat na maging tagapangalaga. At tungkulin nating lahat na ipaglaban sila.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon:, ang ABKD), PADER, LIPI at FDNY.
(Gene Adsuara)

DPWH BUDGET, natapyasan ng P252B matapos ang REVIEW ORDER ni PBBM

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASUNOD ng naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binago ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 2026 panukalang budget nito, nauwi sa isang ‘substantial reduction’ sa flood control projects.
Sa press briefing sa Malakanyang, kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nabawasan ang initial budget ng DPWH na P881.3 billion ng halos 30%.
Tinuran ni Castro na ang panukalang budget para sa 2026 ay in-adjust sa P625.8 billion kasunod ng pag-alis sa P252 billion sa locally funded flood control projects na napuna dahil sa iregularidad.
“Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na repasuhin ang budget ng Department of Public Works and Highways, tinapyasan na ng ahensya ang kanilang proposed budget ng halos 30 percent mula sa original proposal nito na P881.3 billion pesos. Aabot na lang sa P625.8 billion pesos ang kanilang budget proposal matapos na tanggalin ang lahat ng locally funded flood control projects na nagkakahalaga ng P252 billion pesos,” ayon kay Castro.
Sinabi pa ni Castro na hiniling ng DPWH sa Kongreso na i-reallocate ang P252 billion sa mga programa at mga proyekto na direktang mapakikinabangan ng mga tao, partikular na sa larangan ng agrikultura, edukasyon, healthcare, pabahay, labor, social welfare, at information technology.
Muli namang inulit ni Castro na isinusulong ng administrasyon ang accountability laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa ilalim ng Executive Order No. 94 na ipinalabas noong September 11, bumuo si Pangulong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para imbestigahan at magrekumenda ng angkop na kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno, emopleyado o mga indibiduwal na sangkot sa anomalya sa flood control at kaugnay na proyekto sa DPWH sa loob ng nakalipas na 10 taon.
(Daris Jose)

Upang protektahan ang tiwala ng publiko… Rep. Ferdinand Martin Romualdez, nagbitiw sa puwesto bilang Speaker of the House 

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang pagbaba bilang lider ng Kamara.
Ayon sa Leyte representative, ang kanyang desisyon ay upang protektahan ang tiwala ng publiko at hayaan ang Independent Commission for Infrastructure na ituloy ang imbestigasyon nito ng walang impluwensiya mula sa mataas na lider.
“Mga minamahal kong kababayan, with humility and gratitude, I address you today (Wednesday). Together with my colleagues, we worked hard to pass reforms that put food on the table, created jobs, expanded education, and strengthened healthcare. These are milestones that will stand beyond my time as Speaker, and I will always be proud of what we have achieved as your people’s House,” ani Romualdez.
Idinepensa naman ng outgoing Speaker ang kanyang integridad at iginiit na ang kanyang desisyong magbitiw ay hindi isang pag-amin na may ginawa siyang mali o masama.
“Let me be clear: Wala akong kasalanan at wala akong itinatago. Ang tanging layunin ko ay maglingkod at magpabuti ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Yet I also know that when questions arise, it is the people’s trust that must always come first,” giit nito.
“Masakit man sa akin, I am stepping aside so that the independent investigation may proceed freely—without pressure, without influence, and without fear. This is not surrender, but conscience. Ginawa ko ito dahil naniniwala ako na ang tunay na paglilingkod ay ang pagpapahalaga sa tiwala ng taumbayan higit sa anumang posisyon,” paliwanag nito.
Idinagdag nito na umaasa siya na ang kanyang naging aksyon ay makakatulong para palakasin ang tiwala sa democratic institutions.
“This is not farewell, but a reaffirmation of service. I will continue to serve as Representative of Leyte, and as a servant of the Filipino people. My faith in due process, in our democracy, and in you—our people—remains unshaken,” dagdag nito. (Vina de Guzman)

Pagtapyas sa budget ng DPWH ngayong 2026 suportado ni CIBAC Party List Rep. Eddie Villanueva

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Suportado ni CIBAC Party List Rep. Eddie Villanueva ang ginawang defunding at resetting ng flood control projects sa 2026 budget ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Sa ginanap na the DPWH budget hearing sa Kamara, sinabi ni Dizon na binawasan ng ahensiya ng P252 bilyong halaga ng locally funded flood control projects para sa badyet sa susunod na taon.
“We welcome Secretary Dizon’s resolve to clean up the flood control budget, defund inefficient and non-delivering projects, and remove duplicate projects, to come up with a really genuine and responsive flood control plan,” anang mambabatas.
Sinabi nito na inihain niya ang House Resolution No. 208 na nagsusulong para sa pagpapatupad ng isang comprehensive, interconnected, at corruption-free national flood control master plan base sa naging finding ng mga eksperto tulad ng Project NOAH.
Binanggit sa resolusyon ang lumalalang pagbaha sa Metro Manila at ilang probinsiya sa kabila ng mahigit na ₱1.5 trillion nakalaan sa DPWH flood control budget simula 2019.
“Our people deserve real solutions—not ghost or overpriced projects, not piecemeal intervention, not corruption-ridden deals. We call for a flood control master plan that truly safeguards Filipino families and reflects the highest standards of stewardship and accountability,” pagtatapos ni Villanueva. (Vina de Guzman)

Rider na tulak, laglag sa drug bust sa Valenzuela

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAMSAM sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P.1 milyong halaga ng shabu matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng gabi.
Sa report ni P/Lt. Swerwin Dascil, OIC chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police kay Acting Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi niya nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Waway”.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si Lt Dascil bago ikinasa ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Sakay ng kanyang motorsiklo, nakipagtagpo umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa ilalim ng West Service Road Footbrigde, sa West Service Road, Brgy., Paso De Blas.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa police poseur buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Lt Dascil dakong alas-11:05 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P136,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money at gamit niyang motorsiklo.
Ayon kay SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, nakatakda nilang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings. (Richard Mesa)