• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 16th, 2025

Mga laro sa FIFA Futsal Women’s World Cup gaganapin na lahat sa PhilSport Arena sa Pasig City

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Philippine Football Federation (PFF) na ang lahat ng mga laro para sa FIFA Futsal Women’s World Cup ay gaganapin na sa Pasig City.

Ayon sa PFF, hindi na kasama ang Victorias City, Negros Occidental na maging host city.

Sa isinagawa nilang komprehensibong pag-aaral sa mga logistical at operationl consideration ganun din sa nararanasang sitwasyon ay nagpasya sila na hindi magiging host city ang Negros Occidental.

Nais kasi ng FIFA at ang Local Organizing Committee na mabawasan ang mga lugar ng paggaganapan.

Una kasing napili ang Victorias City Coliseum bilang paggaganapan ng laro subalit ngayon ay sa PhilSport Arena na lamang.

Magsisimula ang torneo mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.

British boxer Ricky Hatton pumanaw na, 46

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW  na ang world champion na Ricky Hatton sa edad na 46.

Ayon sa tagapagsalita ng Greater Manchester Police na nakatanggap sila ng tawag kung saan wala ng buhay ang boksingero sa bahay nito sa Bowlace Road, Hyde, Tameside.

Hindi naman na binanggit pa ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng boksingero.

Binansagang “The Hitman” si Hatton kung saan nagwagi ito ng world titles sa light welterweight at welterweight class.

Nakaharap nito ang ilang mga sikat na boksingero sa mundo gaya nina Floyd Mayweather Jr, Manny Pacquiao at Kostya Tszyu.

Taong 2007 ng pinatikim sa kaniya ni Mayweather ang unang talo kung saan mayroon ito sanang malinis na 43 panalo.

Noong nagretiro na ito sa 2012 ay mayroon itong malinis na record na 45 panalo at tatlong talo.

Sa mga nagdaang taon ay hindi nito itinanggi ang pagkalulon niya sa alak, droga at depresyon.

Nakatakda sana itong bumalik sa boxing ring sa Disyembre ngayong taon para labanan si Eisa Al Dah na gaganapin sa Dubai sa Disyembre 2.

Navotas Centenarian, binati ni Mayor Tiangco

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para batiin si Lola Prudencia Solomon ng Brgy. Bangkulasi, na kamakailan ay naging centenarian matapos magdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan. Siya ay nakatanggap ng P10,000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas at makakatanggap din siya ng P100,000 mula sa pamahalaang nasyonal. (Richard Mesa)

Kasong inihain ni Baste Duterte, tinawag na forum shopping  

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG na forum shopping ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla  ang paghahain ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte ng kasong kidnapping laban sa kanya sa Ombudsman Mindanao.

Giit ni Remulla, gusto lamang subukan na pabagsakin ang kanyang kagustuhang maging Ombudsman.

Aniya, may naka-pending pang kaso si Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema hinggil sa illegal na pag-aresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Internationa Criminal Court (ICC).

Ayon pa kay Remulla, gusto nilang gawing imposible para sa JVC na makuha ang mga kinakailangan na requirements na kanyang isinumite.

“It’s really an organized effort to shoot down my candidacy sa Ombudsman”, dagdag pa ni Remulla.

Aminado naman ang kalihim na wala pa rin siyang clearance para sa aplikasyon nito sa posisyon para maging Ombudsman dahil sa inihaing Motion for Reconsideration ni Sen. Imee Marcos sa pagbasura ng kaniyang mga pending cases sa Ombudsman.  (Gene Adsuara)

3 milyong registered voters target ng COMELEC

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng hindi bababa sa tatlong milyong overseas voters para sa 2028 national at local elections (NLE).

Positibo si Comelec Chairperson George Garcia sa pagkamit ng target na overseas voter registrants dahil ito ay magiging presidential elections.

Sinabi ni Garcia na umaasa silang makakuha ng humigit-kumulang dalawang milyong bagong botante kapag natuloy ang rehistrasyon ng botante sa ibang bansa sa Disyembre 1.

Dagdag pa niya, hihingi rin sila ng tulong sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maabot ang kanilang target sa pagpaparehistro.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng botante sa ibang bansa ay tatakbo hanggang Setyembre 30, 2027.

Ginanap noong Disyembre 9, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024, ang huling pagpaparehistro sa ibang bansa kung saan humigit-kumulang 200,000 ang nagparehistro.

Mayroong kabuuang 1.241 milyong rehistradong botante sa ibang bansa noong Mayo 12 midterm elections. (Gene Adsuara)

PBBM sa mga nagpo-protesta: Be heard, be enraged but keep it peaceful

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na awatin at umapela na huwag nang ituloy ang kilos-protesta, hinikayat pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga protesters o mga nagpo-protesta na ihayag ang kanilang mga sentimyento sa umano’y korapsyon sa multi-billion peso flood control projects.

Giit ng Pangulo sa isinagawang press conference sa Kalayaan Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Setyembre 15 na may karapatan ang mga ito na magalit.

“(Ipaalam) ninyo ang inyong sentimiyento. (Ipaalam) ninyo kung paano nila kayo sinaktan, kung paano nila kayo ninakawan. (Ipaalam) niyo sa kanila, sigawan niyo, lahat gawin niyo, mag-demonstrate. Just keep it peaceful,” ayon sa Pangulo.

“Kasi pagka hindi na peaceful, the police will have to do its duty to maintain peace and order,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulong Marcos na ang kilos-protesta ay pagbibigay katuwiran lamang sa galit ng mga tao sa iregularidad sa infrastructure projects.

“Look what we have found. You have to remember I brought this up and it is my interest that we find the solution to what has become a very egregious problem,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Do you blame them for going out into the streets? If I wasn’t President, I might be out in the streets with them. So you know, of course they are enraged. Of course they’re angry. I’m angry. We should all be angry, because what’s happening is not right,” aniya pa rin.

Pinagtibay naman ng Pangulo ang karapatan ng mga mamamayan na ihayag ang kanilang galit at humingi ng pananagutan.

“To show that you are enraged, to show that you are angry, to show that you are disappointed, to show that you want justice, to show that you want fairness. What’s wrong with that?… I want to hold these people accountable just like they do. So I don’t blame them. Not one bit,” ang sinabi nI Pangulong Marcos.

Samantala, ikinakasa na ng mga lider ng Simbahang Katoliko at ng mga Pro­testante kasama ang civil society groups ang malakihan at malawakang rally na binansagang ‘Trillion Peso March’ na itinakda sa Setyembre 21, araw ng linggo sa People’s Power Monument sa EDSA sa panulukan ng White Plains sa Quezon City at iba pang bahagi ng bansa.

Ang nasabing rally ay kasabay ng paggunita sa ika-53rd anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa ilalim ng diktaturyang rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng incumbent na Pangulo ng bansa.

Nabatid sa progressive groups na ang “Trillion Peso March” ay ang P1.9 trilyon o $33.27 bil­yong alokasyon sa flood control projects sa loob ng nakalipas na 15 taon na ang malaking bahagi ay napunta lamang sa korapsyon.

Lalahok din sa kilos protesta ang mga civil society organizations upang batikusin ang garapalang korapsyon sa DPWH kaugnay ng nabulgar na pambubulsa ng pondo sa flood control projects sa gitna na rin ng kalbaryo ng mamamayan sa matin­ding mga pagbaha.

Sinabi ng mga progressive groups na hindi lamang ito pinansyal na iskandalo kundi pagtataksil sa dignidad at buhay kung saan ang bawat pisong ninanakaw ay naglalagay sa kapahamakan sa buhay ng mga Pilipino. Ayon sa mga ito bawat korapsyon sa flood control projects ay naglulubog sa kinabukasan ng bansa.

(Daris Jose)

Mag-iimbestiga sa mga maling paggamit ng pondo at iregularidad sa mga flood control project, buo na…   ICI TEAM magsasagawa ng malalim at walang kinikilingang imbestigasyon sa mga katiwalian

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUO na ang komposisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng Executive Order No. 94. para magsasagawa ng malalim at walang kinikilingang imbestigasyon sa mga ulat ng katiwalian, maling paggamit ng pondo at iregularidad sa mga flood control at iba pang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon.

Sa press conference ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kalayaan Hall, Palasyo ng Malakanyang, kahapon araw ng Lunes, Setyembre 15, pinangalanan nito si dating SC Justice Andres Reyes Jr. bilang ICI chairperson.

Si Reyes ay dating presiding judge ng Court of Appeals. Mayroon itong good record ng katapatan at pagiging patas, may magandang rekord sa paghahanap ng hustisya para sa mga nabiktima.

Makakasama naman ni Reyes sina dating of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Babe Singson at Rosana A. Fajardo, isang certified public accountant (CPA).

“Of course, Babes Singson of who I think is familiar to everyone as a former DPWH secretary but beyond that, he has always been working in terms of the infrastructure. And, as the former DPWH secretary, he has a good idea of… shall we say where the bodies are buried. So, that will give us immediately an advantage when we are doing this—not we, when the commission is doing its investigation,” ayon kay Pangulong Marcos.

“And, of course, the last member is Rossana Fajardo who is the Country Managing Partner of SGV and Co. She is a Certified Public Accountant and she has, again with her experience, and they are hoping to take advantage also with some of the experts that they have in SGV in terms of accounting, forensic accounting, all of these things that will be necessary,” aniya pa rin.

Binanggit din ng Pangulo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser to the Independent Commission.

“We have included Mayor Benjie Magalong as a Special Adviser as well. There have been questions as to why Mayor Benjie has been included and the answer is very simple – when I went to Baguio at tiningnan ko iyong mga malabo na flood control project ay sinalubong niya kaagad ako ng isang report. Imbestigador naman talaga si Mayor Benjie,” ang kuwento ng Pangulo.

“Kung maalala ninyo, he was the one who wrote, as CIDG head, he was the one who wrote the seminal report on the Mamasapano incident and that was… immediately, that gave me… put him—that’s when I came to know of him and saw that he has integrity. And then, again when I went to Baguio, mayroon na siyang—being a good investigator, he had a very, very detailed, very good report already. So, he’s been working on this for a while so marami siyang mako-contribute,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Higit 1000 pamilya sa Caloocan, nakatanggap ng P10K ayuda 

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 1,000 pamilya na benepisyaryo ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) na bahagi ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat para sa Lahat program ang nakatanggap ng tig-P10K tulong pinansyal na emergency relief para sa kanilang gastusin sa pabahay.

Ito’y naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa NHA sa pamamagitan ng Housing and Resettlement Office (HARO) at Caloocan City Social Welfare and Development Department (CSWDD).

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa NHA at binigyang-diin ang sariling hakbangin ng pamahalaang lungsod na palakasin ang mga lokal na programa sa pabahay.

“Makaaasa po ang pamunuan ng NHA at ng iba pang ahensya ng pamahalaang nasyonal na mananatili nilang katuwang ang ating administrasyon sa pagsasaayos ng sistema ng pabahay sa ating lungsod. Maraming salamat po sa inyo,” ani Mayor Along.

“Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na mayroon pa tayong mga kababayan na wala pang kasiguraduhan pagdating sa kanilang mga tahanan. Kaya naman mula noong nagsimula ang ating pamumuno, sinimulan natin ang pagpapatayo ng Deparo at Banker’s Residences, kasabay pa ng pagtulong sa ating mga matagal nang residente ng Caloocan na magkaroon ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA),” dagdag niya. (Richard Mesa)

Badyet para sa Farm-to-Market Roads at Rice Competetiveness Enhancement Fund, pinabubusisi

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng piket ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), AMIHAN National Federation of Peasant Women at mga magsasaka sa harap ng Kongreso kasabay ng pagdinig sa badyet ng Department of Agriculture (DA) kahapon Lunes, Setyembre 15.

Tinutukan ng mga magsasaka ang P16-bilyong pondo para sa Farm-to-Market Roads (FMR) sa 2026, sa gitna ng higit 36,000 kilometrong backlog na katumbas ng P300 bilyon. Ayon sa datos ng DA, umaabot sa P15 milyon ang halaga bawat kilometro ng FMR, ngunit libo-libong kilometro pa rin ang hindi natatapos. Kagaya sa mga ghost flood control projects, kailangan maisiwalat kung nasaan ang mga “ghost roads” na pinopondohan mula sa buwis ng taumbayan.

Kasabay nito, hihilingin din ng KMP ang pagbusisi sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na pinalaki mula P10 bilyon tungong P30 bilyon kada taon ngunit mababa ang paggamit at delayed ang pagbibigay ng pondo sa magsasaka. Mula sa 86% utilization noong 2020 bumagsak sa halos 29% pagsapit ng 2023. Nanawagan ang mga magsasaka ng malinaw na ulat kung saan napupunta ang bilyon-bilyong pondo at kung paano ito direktang nakikinabang sa kanila.

“Bawat pisong inilaan sa FMR at RCEF ay dapat mapunta sa magsasaka at sa produksyon ng pagkain, hindi sa korapsyon,” giit ng KMP.

Hihilingin din ng grupo na ang P260 bilyong badyet para sa flood control na nakalagay pa rin sa NEP 2026 ay ilipat o ilaan para sa pondo para sa production subsidy o ayuda sa mga magsasaka at mangingisda. (Vina de Guzman)

Pag-Abot Program na naglalaan ng short-term at long-term assistance hinikayat ni Speaker Romualdez na palawagin

Posted on: September 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawigin ang Pag-Abot Program na naglalaan ng short-term at long-term assistance sa naninirahan sa kalsada at disadvantage families, at mabigyan ang mga ito ng pangkabuhayan at buhay na may dignidad.

Ang panawagan ay kasunod na rin sa ginawang pamamahagi ng DSWD ng ilang farming implements sa 521 Aeta families sa Barangay Maruglo, Capas, Tarlac, bilang bahagi ng patuloy nitong pagbibigay tulong sa mga indigenous people na maging self-reliant at iwasan ang pamamalimos sa kalsada partikular kapag panahon ng Kapaskuhan.

“The Pag-Abot Program is a critical social safety net that fills gaps in our poverty alleviation measures. It is also proof of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s strong commitment to eradicate poverty in line with the Philippine Development Plan 2023-2028 and the United Nations Sustainable Development Goals,” ani Romualdez.

Binanggit nito ang Executive Order No. 52, series of 2024, na nilagdaan ni Presidente Marcos noong January 18, 2024, para sa Pag-Abot Program bilang susi sa inisyatibo ng gobyerno na maipaabot ang tulong at suporta sa mga vulnerable, disadvantaged, at hard-to-reach populations sa bansa.

Bahagi ng ibinigay na suporta ng DSWD sa pamilya Aeta ay 50 kalabaw, 10 hand tractors na may trailers, 9 mini-tiller cultivators, 10 grass-cutters, 10 water pumps, 33 knapsack sprayers, 6 power sprayers, 4 mini palay threshers, at 3 rice mills.

Bukod pa ito sa 91 kalabaw na una nang ipinamahagi ng ahensiya sa pamilyang Aeta ni-rescue na nagpunta sa Metro Manila noong December 2023.

“These farm implements for our Aeta brothers and sisters in Tarlac are not just tools to till the land. They are also symbols of hope—hope that with hard work and determination, supported by responsive government programs, a brighter future is within reach for their families and communities,” pahayag ni Speaker.

Pinapurihan naman nito ang liderato ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagsisiguro na matukoy ng Aeta community ang kinakailangan nilang tulong. (Vina de Guzman)