• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 13th, 2025

Sa pangunguna ni DPWH Sec Vince Dizon… Graft isinampa vs 20 DPWH execs, 4 contractors

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pagsasampa ng kasong graft sa Office of the Ombudsman laban sa 20 opisyal ng ahensiya at apat na kontratista na itinuturong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang St. Timothy Construction Corporation, na kinakatawan ni Sarah Discaya; dating DPWH district engineer Henry Alcantara, at dating Bulacan 1st district assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Respondents din sa kaso ang mga DPWH officials na sina John Michael Ramos, Ernesto Galang, Lorenzo Pagtalunan, Norberto Santos, Jaime Hernandez, Floralyn Simbulan, Juanito Mendoza, Roberto Roque, Jolo Tayao, Benedict Matarawan, Christina Mae Pineda, Paul Jayson Duya, Merg Laus, Jaron Laus Lemuel Roque, Arjay Domasig, John Carlo Rivera, John Francisco, at iba pang John Does at Jane Does.
Kinasuhan din ang mga kontratista ng SYMS Construction Trading, na kinakatawan ni Sally Santos; Wawao Builders, na kinakatawan ni Mark Allan Arevalo, at IM Construction Corporation, na kinakatawan ni Robert Imperio.
Ayon kay Dizon, ang pagsasampa ng kasong malversation through falsification of public documents, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at paglabag sa Government Procurement Act laban sa mga respondents ay may kaugnayan sa limang maanomalyang proyekto sa Bulacan.
Tiniyak rin ni Dizon na simula pa lamang ito at marami pa silang taong pananagutin. Sisimulan na rin nila ang proseso ng dismissal o pagsibak sa mga sangkot dito. ( Daris Jose)

Kelot, kalaboso sa pagbabanta, panunutok ng baril sa kalugar sa Valenzuela 

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan papatayin ang kanyang kalugar sa Valenzuela City.
Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, habang naglalakad pauwi ang 38-anyos na lalaking biktima sa Brgy., Ugong dakong alas-11:30 ng gabi nang harangin ng suspek na si alyas “Buang”, 38.
Kinumpronta ng suspek ang biktima sabay naglabas umano ng baril bago tinutukan at pinagbantaan itong papatayin.
Sa labis na takot, nagtatakbo ang biktima hanggang sa makahingi ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Ugong Police Sub-Station 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala at nang hanapan siya ng mga kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing armas ay wala siyang naipakita.
Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

19-anyos na wanted sa rape sa Leyte, nalambat sa Navotas

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAKAS na ang pagtatago ng 19-anyos na kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang babaeng biktima sa lalawigan ng Leyte matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Navotas City.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) na nagtatago sa Navotas ang akusado na si alyas “Ricki”, matapos umanong tumakas sa kanilang lugar sa Brgy. Tugas, Bato, Leyte nang malaman na sinampahan siya ng kaso ng mga kaanak ng biktima.
Ayon kay Northern NCR MARPSTA chief P/Major Dandy Ferriol Jr., nakatala ang akusado bilang Top 4 Regional at Top 1 Municipal Most Wanted Person.
Mismong si Major Ferriol ang namuno sa binuo nitong team na nagsagawa ng joint operation, katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya mula NCR at Eastern Visayas na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Ricki dakong alas-10 ng umaga sa Pier IV, Navotas Fish Port Complex.
Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 18, Hilongos, Leyte para sa kasong Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Northern NCR MARPSTA habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

3 drug suspects, kulong sa P172K shabu sa Malabon, Valenzuela

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KALABOSO ang tatlong drug suspects kabilang 18-anyos na teenager matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Ampot”, 42, ng Brgy., Malanday.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad dinamba ng mga operatiba SDEU ang suspek sa R. Jacinto St., Brgy., Canumay West dakong alas-5:45 ng hapon.
Ayon kay PLT Sherwin Dascil na nanguna sa operation, nakumpiska sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 12 pirasong 500 boodle money at P200 recovered money.
Sa Malabon, timbog naman sa mga operatiba ng Malabon Police SDEU team sina alyas “Maoy”, 45, at alyas “Totoy”, 18, sa buy bust operation sa Halaan St., Brgy., Longos matapos magsabwatan na bentahan ng shabu isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang ang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70.040 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

LISTAHAN NG MGA APLIKANTE SA COURT OF TAX APPEAL INILABAS NA NG JBC 

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INLABAS na ng Judicial and Bar Council ang listahan ng mga aplikante para sa susunod na Presiding Justice ng Court of Tax Appelas kasunod ito ng pagreretiro sa posisyon ni Justice Roman Del Rosario.
Itinalaga si Del Rosario noong Marso 13,2013 at nakatakdang matapos ang kanyang termino sa October 6,2025.
Kabilang sa mga naghain ng aplikasyon sina:
Marlon Agaceta
Cresencjo Aspiras Jr.
Rosauro David
Vicky Fernandez
Marc Joseph Quirante
Marian Ivy Reyes-Fajardo
Ma. Belen Ringpis-Liban
Maria Rowena San Pedro.
Samantala, naglabas din ng survey ang JBC na makikita sa kanilang social media platform na maaaring sagutan hanggang alas 4:30 ng hapon upang malaman ang saloobin ng publiko. (Gene Adsuara)

Panawagang ‘total overhaul,’ pagkadismaya lang

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANINIWALA si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Chief Communications Officer ng Office of the Speaker, na ang panawagang total overhaul ng Kamara ni Navotas Rep. Toby Tiangco ay isang ‘political frustration.’
“Rep. Tiangco’s statements are nothing more than the voice of frustration. Let us recall that he failed to secure either the Speakership or the powerful Appropriations chairmanship at the start of the 20th Congress. Neither he nor Rep. Albee Benitez was even nominated for Speaker. Not a single member of the House cast a vote in their favor. That reality speaks louder than today’s rhetoric,” ani Barbers.
Sinabi pa ni Barbers, na nagsilbing lead chair ng House Quad Comm ng 19th Congress, na nananatili ang mga lider ng partido sa pagbibigay suporta sa supermajority coalition sa ilalim ni Speaker Romualdez.
“This unity has been the cornerstone of the House’s record productivity. Under Speaker Romualdez, the 19th Congress was one of the most productive in our nation’s history, passing landmark laws in support of the Bagong Pilipinas agenda. The 20th Congress is on track to build on that momentum,” dagdag nito.
Nananatili rin aniyang malakas ang tiwala ng mga mambabatas kay Speaker Romualdez sa kabila ng mga pagtatangka na kaladkarin ito sa alegasyon ukol sa flood control projects kasama ang iba pang mambabatas.
“The trust and confidence of House Members in the leadership of Speaker Romualdez remain unshaken. Allegations raised against him and other lawmakers regarding flood control projects are baseless, without evidence, and sourced from polluted origins. Hindi po overhaul ang kailangan ng Kongreso. Ang kailangan ay tuloy-tuloy na trabaho at mas maraming batas na pakikinabangan ng taumbayan,” anang dating mamabatas. (Vina de Guzman)

DOTr-CAR at PDEA-CAR nagsagawa ng surprise drug test sa mga driver, 4 nagositibo

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Department of Transportation – Cordillera (DOTr-CAR) at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera (PDEA-CAR) ang “OPLAN HARABAS” sa Baguio City, Setyembre 11, 2025.
Sa ilalim ng inisyatibong ito, may kabuuang tatlong daan at labing-isang (311) driver ng mga bus, taxicab, at jeepney na bumibiyahe sa Lungsod ang na surprise drug test ng PDEA Chemists, habang ang mga lisensya at rehistro ng mga sasakyan ay sinuri ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO). Bilang resulta ng inisyal na screening, apat (4) na tsuper ang nagpositibo sa paggamit ng droga.
“Ang kanilang mga lisensya sa pagmamaneho ay naka-hold muna hanggang sa makumpirma ang resulta pagkatapos ay magsasagawa ng kaukulang aksyon” sabi ni Atty. Jose Villacorta, ARD of DOTr.
“Ire-refer sila para sa nararapat na interbensyon, depende sa resulta ng drug dependency examination na isinagawa ng DOH”, sabi ni Dir III Derrick Arnold C Careeon, RD PDEA.
Layunin ng aktibidad na matiyak na ang mga driver ay fit at hindi nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga habang ligtas na naghahatid ng mga pasahero sa kanilang mga destinasyon. (PAUL JOHN REYES)

DILG inilunsad Unified 911 sa buong bansa

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL nang inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon ang Unified 911, na iisang emergency hotline na pinagsasama-sama ang lahat ng lokal na emergency numbers sa Pilipinas.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas, pinagsama na sa iisang linya ang tawag para sa pulis, bumbero, ambulansya o disaster response.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layon ng proyekto na gawing mas simple at mabilis ang emergency­ response. Mula sa dating 200 iba’t ibang emergency numbers, ngayon ay 911 na lang ang kailangang tandaan.
Bukod dito layon din ng ahensya na magtayo ng 8 karagdagang call centers sa loob ng 120-araw. Layunin nitong bawasan ang kalituhan at delay sa pagtugon.
Target pa ng ahensya ang 5-minutong res­ponse time, at kayang tumanggap ng tawag sa iba’t ibang wika gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug.
Samantala P1.4 bil­yon ang inilaan ng gob­yerno para sa unang yugto ng proyekto na may kasamang dagdag na sasak­yan, drones, at push-to-talk radios para sa mga res­ponder.

Oktoberfest Kick-off Party ng SMB, gaganapin sa Okada

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SIMULA na naman ang pinakahihintay na Oktoberfest party na kung saan ang alcoholic beer beverage event ay gaganapin sa Okada Manila Crystal Pavilion bilang bahagi ng 135th taon ng San Miguel Brewery Inc. (SMB).
Asahang mas kapana-panabik, nakakagiliw at indakang kasiyahan ang magaganap sa San Miguel Oktoberfest party sa September 20 at 21, 2025.
Ibibida ng SMB sa kanilang 135th year milestone ang tanyag na winding walkway gamit ang multi-awarded at global beer ng SMB at matitikman ng mga bisita ang kanilang beer samplers mula sa global collection of brews.
Bukod pa rito ang pagtikim sa SMB culinary creations mula sa Las Flores, Café Fleur by Chef Sau, Purefoods Deli, Pop-up restaurants will bel set up at the venue to best pair with San Miguel’s range of brews that are guaranteed to catch any beer-drinker’s taste.
Hahataw rin ang San Miguel Oktoberfest party sa pagpapasikat ng mga singer na sina Rico Blanco, Lola Amour, December Avenue, Maki, Arthur Nery, Brownman Revival, The Dawn, Autotelic, The Juans, Over October, The Cohens, Paprika, DWTA, Carousel Casualties, It All Started in May, Magiliw Street, Sean Archer, Accapellago, Paprika, DJ Chelsea, at DJ Rammy.
Bida rin sa San Miguel Oktoberfest party ang mga players ng PBA All-Filipino Cup Champions na San Miguel Beermen, kasama rin sa kasiyahan si Billiards legends Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na magbibigay ng exhibition match.
Maaaring makabili ng limited-edition ng San Miguel Oktoberfest merchandise bilang souvenir.
Mula pa noong 2005, kinikilala ng Department of Tourism (DOT) ang San Miguel Oktoberfest bilang pinakamalaking fiesta sa bansa, kaya inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa engrandeng kick-off sa Okada Manila. (Richard Mesa)

Ads September 13, 2025

Posted on: September 13th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

13- Page 4-merged