• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 11th, 2025

Birthday wish ni PBBM: Matagumpay na inisyatiba ng gobyerno, natapos na mga proyekto

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na magtatagumpay ang mga programa ng gobyerno at matatapos sa itinakdang oras ang mga mahahalagang proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang birthday wish ni Pangulong Marcos na magdiriwang ng kanyang ika- 68 taon sa darating na Sept. 13.
“Simple lang naman ang aking hangarin lalo na dito para sa administration na ito. Matapos namin lahat ng aming ginagawa,” ang pahayag ng Pangulo sa fourth episode ng kanyang podcast nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish.
“Or syempre marami diyan hindi talaga matatapos sa anim taon kaya sana masimulan lang para kahit papaano sa susunod na administration matutuloy dahil sayang naman. Maganda naman ang nagiging resulta. Maganda ang takbo ng ekonomiya,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Ipinagmalaki naman ng Pangulo ang positibong kalagayan ng ekonomiya ng bansa, at maging ang lumalagong ‘international respect’ para sa Pilipinas at mga mamamayang Filipino.
Inilarawan naman niya ang global recognition sa exceptional skills ng mga pinoy bilang “heartwarming.”
“Maganda ang takbo ng ekonomiya. Mataas ang tingin sa atin ng ating mga kaibigan sa buong mundo. Mataas ang tingin sa Pilipinas at lalo pang mas mataas ang tingin sa Pilipino. Alam mo lahat kahit saan ako pumunta, unang unang sasabihin ang gagaling ng mga Pilipino doon sa amin,” anito.

Natupad ang isa sa matagal ng pangarap: PAOLO, nahirapang mag-English habang nanginginig sa sobrang lamig

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NATUPAD ang isa sa mga matagal na pangarap ni Paolo Gumabao, ang makapag-shoot ng pelikula abroad.
Sa Prague na pinakamalaking siyudad at capital ng Czech Republic sila nag-shoot ng malaking bahagi ng pelikulang “Spring In Prague” kung saan siya bida.
“Una sa lahat, sobrang dream come true kasi tagal ko na talagang pinangarap na makagawa ng pelikula sa ibang bansa,” pahayag ni Paolo.
Pero siguro ang masasabi ko is sobrang lamig, ang hirap pala mag-English ng dire-diretso ng malamig, nanginginig yung lahat ng parte sa katawan mo, ang hirap mag-English, mahirap yun. Ha! Ha! Ha!
Pero it was a great experience and it was an honor working with Sara and siyempre sila direk Lester and everyone on the team, si Atty. Sa lahat ng mga cast, congrats po sa inyo and iyon, it was a wonderful experience.”
Leading lady sa pelikula ang Czech actress na si Sara Sandeva at ang direktor naman nila ay Lester Dimaranan.
Prinodyus ito ng Borracho Films ng executive producer na si Atty. Ferdinand Topacio.
Ipalalabas ang pelikula bago matapos ang taong 2025.
Ano ang eksena sa “Spring In Prague” ang pinaka-memorable para sa kanya?
“Siguro yung eksena na nag-aaway kami ni Sara.
“We were shooting ano yun, minus 10 degrees, so away tapos ang hirap itago e, kasi everytime nangyayari, okay on the set, lahat kami balot na balot kami, naka-comforter kami, nanginginig kami, tapos ‘action’, biglang straight ang kilos, parang it’s tricky to maneuver around like learning… like having to work with the weather.
“And siyempre sa mga equipment pa natin, kailangan ingatan, so ayun, iyon yung pinaka-memorable sa akin, yung minus 10 degrees.”
Kumusta si Sara bilang leading lady?
“Sarap katrabaho! Kasi isa sa pinaka na-appreciate ko sa pag kunwari meron mga katrabahong artista is yung pagiging collaborative nila and si Sara, every time, every scene, you know, we would sit through it, we would throw lines.
“Hindi mo na kailangan na alam mo yun, yung pipilitin mo pa, and you just ask her and, ‘Yeah let’s go!’
“And every time na nag-throw lines kami, talagang 100% siya, bigay na bigay siya sa mga eksena.
“That’s one of the traits about her na na-appreciate ko. “Aside from that, yun nga, yung professionalism, di ba, making sure she’s prepared before siya dumating sa set, so pagdating sa set, 100% prepared na.”
Katatapos lang mapanood si Paolo sa sexy stageplay na “Walong Libong Piso” ng BenTria Productions sa direksyon ni Dante Balboa.
(ROMMEL L. GONZALES)

Umalma na rin si Maine dahil sa pambabatikos: Cong. ARJO, mariing itinanggi ang alegasyon ng mag-asawang DISCAYA

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING itinanggi ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde ang alegasyon ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na kasama siya sa tumanggap ng porsyento mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pagsasangkot ay ginawa ng mga Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry nitong Lunes, Setyembre 8, 2025, kasama pa ng ilan pang politiko.
Sa official statement na nilabas ng actor-politician sa pamamagitan ng Instagram post, sinabi nito na…
“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor.
“I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.
“I have never used my position for personal gain. And I never will.
“I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”
Samantala, umalma ang TV host-actress na si Maine Mendoza sa mga pambabatikos na natatanggap niya ngayon at kanyang asawa.
Naglabas nga ng pahayag si Maine, sa kanyang post sa X (dating Twitter), at sinabi nito na “baseless allegations” ang mga paratang laban kay Cong. Arjo.
“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out.
“I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob.
“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning,” pahayag niya.
Dagdag pa ng Eat Bulaga! host“I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess.
“Napaka unfair.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Papa Art Atayde na isinangkot din sa isyu, maging ang kanyang asawa, ang aktres na si Sylvia Sanchez, tungkol nga sa akusasyon ng mag-asawang Discaya.
 
(ROHN ROMULO) 

After ng basketball, golf, boxing at mixed martial arts: ROCCO, gusto ring pasukin at mag-excel sa professional wrestling

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AFTER mag-excel sa sports na basketball, golf, boxing at mixed martial arts, ang professional wrestling naman ang gustong pasukin ni Rocco Nacino.
Matutupad ang pangarap ng Kapuso actor na sumabak sa isang professional wrestling match ngayong buwan dahil makakaharap niya sa wresting ring ang Pinoy pro wrestler na si Thiago “The Gym Bro” Santiago sa darating na Sept. 14.
Nais din ng actor na makilala sa larangan ng pro wrestling. Kaya noong April pa raw siya naghahanda para sa pagsabak niya sa sasalihang wrestling match.
“Dream ko kahit saglit lang maranasan ‘yan, i-try natin,” sey ni Rocco na huling napanood sa mga teleserye na ‘Lolong 2’ at ‘Mommy Dearest.
***
BAGO raw magpakasal ang Sang’gre star na si Angel Guardian, dapat ay ready siya mentally and financially.
“Sa generation natin ngayon, kung mapapansin mo medyo iba na ‘yung pananaw nila sa pagpapakasal nang maaga. Kaya nag-iba na rin ‘yung statistics ngayong 28 to 30 na ‘di ba?
“Pero, ideally it’s 25. And I think, kung ako siguro kung sa estado ng buhay ko ngayon, e, okay na ako financially, mentally. Feeling ko magse-settle down na ako,” sey niya sa vodcast na ‘Your Honor’ nila Chariz Solomon at Buboy Villar.
Kaya sa edad niya ngayon na 26, hindi pa niya nakikita ang sarili na magpakasal dahil may mga priorities pa siya na gustong gawin.
“Kapag nagpapakasal ka ng maaga I guess ‘yun ‘yung nagiging isyu rin, kasi, yes masaya na kasama mo partner mo or ‘yung soulmate mo, growing together.
“Pero may mga changes pa in your 20s, sobrang dami mo pang gustong i-explore like career changes. Minsan, hindi na kayo nagko-connect and that leads to breaking up or divorce.
***
NAGSALITA na si Orlando Bloom tungkol sa paghihiwalay nila ni Katy Perry noong June 2025.
They were engaged in 2019 pero hindi sila nagpakasal.
Maayos daw ang relasyon nila ni Katy dahil sa daughter nilang si Daisy.
“I’m great. I’m so grateful. We have the most beautiful daughter. You know when you leave everything on the field like I did in this movie?
“I feel grateful for all of it. And we’re great. We’re going to be great. Nothing but love,” sey ng 48-year old English actor na bida sa pelikulang ‘The Cut.’
Ayon sa rep ni Perry: “Katy has every intention of maintaining a positive and respectful relationship with Orlando. He’s the father of their daughter and that will always come first for her.
“They’re still very much in touch and co-parenting Daisy together. For the sake of their daughter, they’re committed to keeping things amicable.
(RUEL J. MENDOZA)

Calling all besties! Director Jon M. Chu along with Cynthia Erivo and Ariana Grande are searching best Filipino duets of “For Good” in the “Awiting Wicked: For Good” competition

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IT’S time to grab your musical bestie and start practicing as “Wicked: For Good” director Jon M. Chu, Cynthia Erivo, and Ariana Grande are on the lookout for talented Filipinos to sing their version of the iconic “For Good” duet.
In anticipation of “Wicked: For Good,” the sequel to last year’s musical phenomenon, Universal Pictures Philippines is doing an open call for duos to sing their best rendition of “For Good,” to be posted on TikTok starting September 15 until October 5. Three pairs of singers, handpicked by Chu, Erivo, and Grande, will be announced as winners on October 13.
Watch the announcement [Tiktok]: https://tinyurl.com/4h38mwma
“Awiting Wicked: For Good” has also partnered with SM to set up audition stations in select SM Malls to provide aspiring contestants the perfect environment for their entries. The stations will be available starting September 15 until October 5. Check out the participating branches: SM Mall of Asia, SM Lanang, SM City Iloilo and SM Seaside Cebu.
Check out UniversalPicsPH (TikTok) for more details about the “Awiting Wicked: For Good” competition, including a vocal guide video to help with practicing for the auditions. “Wicked: For Good” arrives in Philippine theaters on November 19.
About Wicked: For Good:
And now whatever way our stories end, I know you have rewritten mine by being my friend.
Last year’s global cinematic cultural sensation, which became the most successful Broadway film adaptation of all time, now reaches its epic, electrifying, emotional conclusion in Wicked: For Good.
Directed once again by award-winning director Jon M. Chu and starring the spectacular returning cast, led by Academy Award® nominated superstars Cynthia Erivo and Ariana Grande, the final chapter of the untold story of the witches of Oz begins with Elphaba and Glinda estranged and living with the consequences of their choices.
The film is produced by returning Tony and Emmy winning powerhouse Marc Platt p.g.a. and by multiple Tony winner David Stone. The executive producers are Stephen Schwartz, David Nicksay, Jared LeBoff, Winnie Holzman and Dana Fox. The first film, Wicked, released in November 2024, earned 10 Academy Award® nominations, including Best Picture, and won the Oscars® for Costume Design and Production Design. To date, the film has grossed $750 million worldwide.
Wicked: For Good is based on the generation-defining musical stage play with music and lyrics by legendary Grammy and Oscar® winning composer and lyricist Stephen Schwartz and book by Winnie Holzman, from the bestselling novel by Gregory Maguire. The screenplay is by Winnie Holzman and Winnie Holzman & Dana Fox. The film score is by John Powell & Stephen Schwartz, with music and lyrics by Stephen Schwartz.
(ROHN ROMULO)

Icon Utada Hikaru joins forces with “Kick Back” singer Kenshi Yonezu for “Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc” 

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Japanese singer-songwriter Kenshi Yonezu is back to produce music again for “Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc.” The singer previously created the hit opening theme song of the “Chainsaw Man” anime series “Kick Back.” This time, he’s collaborating with icon Utada Hikaru, who will lend their voice as a guest singer for the ending song “Jane Doe.” Kenshi Yonezu is also making the “Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc” opening song “Iris Out.”

 

Check out the “Jane Doe” teaser: https://tinyurl.com/3css38nh

 

Get in on the action as Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc opens in Philippine cinemas on September 24.

 

About Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc:

 

For the first time, Chainsaw Man slashes his way onto the big screen in an epic, action-fueled adventure that continues the hugely popular anime series. Denji worked as a Devil Hunter for the yakuza, trying to pay off the debt he inherited from his parents, until the yakuza betrayed him and had him killed. As he was losing consciousness, Denji’s beloved chainsaw-powered devil-dog, Pochita, made a deal with Denji and saved his life. This fused the two together, creating the unstoppable Chainsaw Man. Now, in a brutal war between devils, hunters, and secret enemies, a mysterious girl named Reze has stepped into his world, and Denji faces his deadliest battle yet, fueled by love in a world where survival knows no rules.

Directed by:        Tatsuya Yoshihara

Based on the original work “Chainsaw Man” by Tatsuki Fujimoto (Serialized in Shueisha’s “Shonen Jump+”)

Screenplay by:            Hiroshi Seko

Production by:                MAPPA

(ROHN ROMULO)

Ads September 12, 2025

Posted on: September 11th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

12 – 4-merged