• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:46 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 11th, 2025

Sa gitna ng flood control mess: gobyerno, ‘very, very stable’- ES Bersamin

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANINDIGAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin na “stable” ang gobyerno sa kabila ng alegasyon ng ghost at substandard flood control projects na yumanig din sa lehislatura.
“Very, very stable. Because alam mo yan, internal dynamics lang yan. Normal sa atin yan. There were eras or periods in our history that there were more supposedly perceived to be destabilizing but I don’t see any threats,” ang sinabi ni Bersamin sa isang panayam.
Umiwas naman si Bersamin na sagutin ang tanong hinggil sa pagkakadawit ng pangalan ng ilang mambabatas sa sinasabing di umano’y pagkubra ng kickbacks.
“We will leave that to the respective houses of Congress to evaluate what they have been receiving from their resource persons,” ayon kay Bersamin.
Sa kabilang dako, maaaring mayroong iaanunsyo ang Pangulo ukol sa independent commission na magiimbestiga sa flood control projects.
“Yung independent commission, we may have some word from the President yet because he just arrived yesterday,” aniya pa rin.
“I am not sure about that” naman ang sagot ni Bersamin nang tanungin kung kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa komisyon.
At sa sundot na tanong kung ang komisyon ay kompleto na, ang tugon ni Bersamin ay “Wala pa. We have to be quiet about that because the President has to give us the updates.”
Wala namang nakikitang problema si Bersamin kung ipagpapatuloy ng Kongreso ang imbestigasyon nito kahit pa magsimula na ang independent commission sa trabaho nito.
“Walang problema yun. Kasi our independent commission, if it ever comes out, may be about fact-finding lang. Now we all want all sectors of the Philippine society to contribute to the effort to find the facts about these issues on flood control anomalies.” aniya pa rin.
“As soon as possible. The President sees the urgency of doing many many things all at once,” dagdag na wika ni Bersamin.
Samantala, inurirat din si Bersamin kung isasama ang mga proyekto ng nakalipas na administrasyon sa iimbestigahan ng komisyon, ang sagot ni Bersamin ay “Alam mo, mahirap natin sabihin na will it include, etc. because, you know, this is a national concern. So, anything goes. Kung mayroon magsu-surface na issue, maybe that commission may address that issue. But we all have to look at the fact finding that it’s yet to happen. So we do not foreclose anything.” (Daris Jose)

Bagong overtime pay guidelines sa mga guro, napapanahon

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na napapanahon ang bagong guidelines ng Department of Education (DepEd) ukol sa overtime pay para sa mga public school teachers upang masiguro na makakatanggap ang mga ito ng tama at patas na kompensasyon para sa kanilang serbisyo.
Pinapurihan din ni Romualdez ang DepEd sa ginawa nitong pagtugon sa matagal na panahon na panawagan ng mga public teachers na mabayaran ang trabahong kanilang ginawa na lagpas sa kailang regular na schedules.
Ang pagpapalabas ng guidelines ay nging mas espesyal kasabay na rin sa selebrasyon ng 2025 National Teachers’ Month ngayong September.
“Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng ating mga guro bilang pangalawang magulang ng ating mga anak at taga-hubog ng kanilang kamalayan. Kadalasan ay higit pa ang oras na ginugugol nila sa trabaho, magampanan lang ang tungkulin na ilabas ang talino at talento ng ating mga mag-aaral,” ani Speaker Romualdez.
Ipinapakita rin aniya ng ipinalabas na bagong guidelines ang commitment ni Pangulong Marcos na iangat ang kapakanan at dignidad ng mga guro sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
“The Marcos administration is showing that it listens to the needs of our teachers and acts decisively to address them. Ang bagong patakaran na ito ay patunay na pinapahalagahan ng gobyerno ang ating mga guro—ang mga huwarang lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod nang buong puso,” dagdag nito.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 26, series of 2025, ang mga guro ay mabibiyayaan ng 125% ng kanilang actual hourly rate para sa authorized overtime work kapag weekdays at 150% naman para sa trabahong ginawa ng Saturdays, holidays at non-working days.
Sakop ng polisiya ang lahat ng DepEd-employed teachers na nagtatrabaho ng full-time classroom teaching, kabilang na yaong nasa Alternative Learning System, magingito ay permanent, substitute, o provisional appointments. Ang overtime ay papayagan sa mga pagkakataon na hindi natapos ang trabaho na direktang nakakaapekto sa learner development o school operations.
Umaasa naman si Romualdez na ipagpapatuloy ng DepEd, sa ilalim ni Secretary Sonny Angara, ang mga reporma na babawas sa administrative load ng mga guro at mapaganda ang welfare ng mga ito. (Vina de Guzman)

Paglilinaw ni “Curlee” Discaya na wala siyang direkta at naging transaksiyon kay Speaker Romualde, IKINAGALAK ni Rep. Dean Asistio

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IKINAGALAK ni House Committee on Metro Manila Development Chairman at Caloocan City Rep. Dean Asistio ang ginawang paglilinaw ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya na wala siyang direkta at naging transaksiyon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez patungkol sa maanomalya at multi-milyong flood control projects.
Hinamon din ni Asistio si Discaya matapos ang ginawa nitong paglilinis sa pangalan ni Speaker Romualdez na linisin o bawiin na rin nito ang kaniyang mga ipinahayag sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kontrobersiyal na flood control projects laban sa mga kongresistang idinawit nito.
Dapat linawin aniya at sabihin na ni Discaya ang buong katotohanan patungkol sa pagkakadawit nito sa pangalan ng ilang kongresista na di-umano’y inambunan nito ng milyon-pisong kickback mula sa naturang proyekto.
Sinabi ng kongresista na malinaw na “nag-name dropping” lamang umano si Discaya sa imbestigasyon sa Senate Blue Ribbon kung saaan binanggit at pinangalanan nito ang mga kongresistang naka-transaksiyon nito sa flood control project.
Sa pagdinig ng InfraComm, nilinaw ni Discaya na wala siyang direktang transaksiyon at hindi nagkaroon mg anomang klase ng transaksiyon kay Speaker Romualdez kasama na si AKO Bicol Party List Rep. Zaldy Co habang hindi naman nito nilinaw ang isyu tungkol sa mga kongresistang pinangalanan nito sa nakalio\pas na Senate investigation.
Dahil dito, muling binigyang diin ni Asistio na malinaw na pawang mga kasinungalingan lamang ang mga ipinahayag ni Discaya sa Senate investigation dahil sa kaniya narin umano nanggaling na narinig lang nito sa mga politiko ang pagbanggit sa pangalan nina Speaker Romualdez at Congressman Co. (Vina de Guzman)

US, hindi isinasara ang pinto sa posibleng FTA sa Pinas– envoy

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
 HINDI isinasara ng Estados Unidos ang pintuan nito para sa posibleng free trade agreement (FTA) sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa mga nagdaang engagements na US Trade Representative Jamieson Greer, sinabi nito sa Philippine side na ang Washington DC ay “going to consider” nang tanungin kung ang FTA ay hindi na isang posibilidad.
“‘No, We’re going to consider’. So, in other words, the Trump administration is not closing the door on the FTA. So, who knows, we might be able to work something out, perhaps after the midterm in the United States,” ayon kay Romualdez.
Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na itinutulak ng Pilipinas ang posibleng free trade deal sa Estads Unidos at sa ibang bansa.
Kasunod ito ng negosasyon sa pagitan nina US President Donald Trump at President Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo, inanunsyo na magpapataw ang Estados Unidos ng 19% tariff sa Philippine goods — isang rate na 1% na mas mababa kaysa sa orihinal na pigura.
Tinuran ni Romualdez na ang nasabing taripa ay “not written in stone,” sinabi pa na kamakailan lamang ay nagpadala ng liham ang Philippine side na humihiling sa Estados Unidos na gumawa ng ‘certain exemptions.’
“I think that’s being digested and being discussed right now. But, as you know, the Trump administration is doing a lot of other things, which obviously is a priority for them also. We’re just waiting,” aniya pa rin.
Maliban sa kalakalan, sinabi ni Romualdez na ang Maynila at Washington ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa para palakasin ang pamumuhunan sa bansa, kabilang ang nasa konteksto ng Luzon Economic Corridor (LEC) at defense manufacturing.
“On the economic front, there is a lot of movement in that sector. We will be able to see more of these types of investments coming not only from the private sector of the US but also from the US government,” anito.
Nauna rito, inanunsyo ng Estados Unidos ang foreign assistance package na magde-develop sa LEC, isang trilateral initiative sa pagitan ng Maynila, Tokyo, at Washington para palakasin ang investments sa high-impact infrastructure projects sa Luzon, lalo na sa Subic Bay area.
Aniya, nagpapatuloy ang pag-uusap at progreso sa planong US ammunition hub sa Subic Bay kasunod ng kaugnay na insertion sa panukalang 2026 US defense appropriation plan o National Defense Authorization Act (NDAA).
“Congressman [Ryan] Zinke was actually the one who inserted this in the NDAA, where the manufacturing of ammunition is being discussed,” ani Romualdez.
Sinabi pa ni Romualdez na maghahanap ang US side ng local partners sa Pilipinas para magtayo ng ammunition facility.
“[It could be] all kinds of ammunition, it can be for Howitzers, for regular ammunition for rifles… It’s a big investment, but it’s still being worked out. That just came out right now in the NDAA of the US — It’s part of the insertion,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Walang away sa mga Villar, prayoridad ng gobyerno na plantsahin ang problema sa tubig at suplay ng kuryente- PBBM

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang hakbang ng administrayson na i-take over ang palpak na pasilidad ay hindi nag-ugat sa personal na away sa makapangyarihang business families.
Binigyang diin ng Pangulo na kailangan lamang na tiyakin na nananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang suplay ng tubig at kuryente.
Sa kanyang pinakabagong podcast episode, tinugunan ng Pangulo ang pag-takeover ng gobyerno sa Siquijor Island Power Corporation (Sipcor), isang Villar-owned power firm.
Ang desisyon aniya ay upang kaagad na maibalik ang serbisyo ng kuryente matapos ang mahabang panahon ng kawalan ng suplay nito.
“Hindi na tayo puwedeng mag-antay. Kawawa ang tao eh. So sabi ko, kunin na natin, tayo na magpatakbo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Mula noon aniya ay ginawang matatag ng National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente sa nasabing lalawigan.
Ukol naman sa usapin ng suplay sa tubig na iniuugnay pa rin sa Villar-owned firm, PrimeWater, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi dapat iniisip na ito’y pamumulitika. Nais lamang aniya ng pamahalaan na ayusin ang public services.
“Nothing is personal. They are friends of mine and I respect them. But we have to fix the problem. People have to have electricity, people have to have water. So whatever the reason is, let’s fix it. Help me fix it,” ang sinabi ng Pangulo.
Tinukoy ng Punong Ehekutibo sina dating senador Manny at Cynthia Villar, at mga anak nito na sina incumbent Senators Mark Villar at Camille Villar.
Sinabi pa ng Pangulo na may ilang electric cooperatives sa buong bansa ang ‘underperforming’ dahil sa politicized management.
“The electric cooperatives were created with the consumers as members… but when politics came in, the competence level dropped,” ani Pangulong Marcos.
Binigyang diin naman ng Chief Executive ang agarang reporma sa mga lugar sa Metro Manila kung saan ang tubig ay nananatiling unavailable sa loob ng 12 oras kada araw.
“Kung anong kailangan kong gawin para magkaroon ng kuryente at tubig, gagawin ko,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Pinas, bukas sa kooperasyon sa gitna ng ‘unpredictable’ Indo-Pacific

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANDA ang Pilipnas na palalimin pa ang kooperasyon sa ibang bansa para harapin ang “unpredictable” security challenges sa Indo-Pacific.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi ikokompromiso ng Maynila ang soberanya nito kahit pa at habang pinapalakas ang alyansa nito.
Sa pagsasalita sa pambungad na Manila Strategy Forum, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng bansa “at the forefront” ng regional tensions, tinukoy ang araw -araw na harassment na hinaharap ng Philippine vessels at mangingisda sa West Philippine Sea.
“Today, the most significant threat to the peace and stability we strive for is right here in our own neighborhood, here in the Indo-Pacific region. And this is not just an opinion. It is a fact,” ayon sa Pangulo.
“Our government vessels and fisherfolk continue to be harassed in our own waters, and we remain on the receiving end of illegal, coercive, aggressive, and dangerous actions in the South China Sea.”ang pahayag pa rin ni Pangulong Marcos.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tila nakagapos na ang Pilipinas at Tsina sa long-standing maritime dispute sa ilang bahagi ng West Philippine Sea, bahagi ng South China Sea na inaangkin ng Tsina bilang pag-aari nito. Sa naging pagpapasya ng 2016 arbitral tribunal na pabor sa Maynila at pinawalang-saysay ang pag-angkin ng Beijing.
Ani Pangulong Marcos, ang collective action ngayon ay “absolutely essential” inilarawan nito ang hamon ngayon bilang “not bound by borders.”
“The alliance of the Philippines and the United States has reached a necessary and natural progression towards trilateral and minilateral, multilateral engagements, building individual and collective capabilities to address common challenges,” ang winika pa rin ng Pangulo.
Tinukoy ang lumalagong partnerships ng bansa sa ilalim ng joint maritime activities sa Estados Unidos, Japan, Australia, Canada, at New Zealand, at maging ang trilateral economic projects gaya ng Luzon Economic Corridor kasama ang Washington at Tokyo.
Tinuran ng Pangulo na “security cannot stand without shared prosperity.”
“Strengthening our common security requires strengthening our economies. We do not take our mature security alliance as a license to remain on autopilot, to be complacent,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Gayunman, giit ng Pangulo na habang ang Plipinas ay bukas sa kooperasyon, mananatiling ‘paramount’ ang soberanya.
“Respect for our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction is, and has always been and will always be, non-negotiable,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Aniya pa, ” The Philippines’ 2026 chairship of ASEAN and its 80th year of diplomatic ties with the United States would be opportunities to showcase “a free and open Indo-Pacific that is connected, inclusive, and prosperous.”
( Daris Jose)

Presensiya ng Estados Unidos sa Indo-Pacific, magpapatuloy- PBBM

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
 MAGPAPATULOY ang presensiya ng Estados Unidos sa Indo-Pacific Region.
Sa pambungad na Manila Strategy Forum, isang two-day event na hinost ng Center for Strategic and International Studies (CSIS), tampok ang high-level panel discussions ukol sa US–Philippines alliance ay sinabi ng Pangulo na “The place of the United States is here with us in the Indo-Pacific.”
“It will be crucial to the free and open nature of our region that your vigor, inventiveness, and resilience, essential drivers of the great American nation, continue to play a leading role in nurturing a strong and peaceful Indo-Pacific,” aniya pa rin.
Binigyang diin ng Pangulo na may mahalagang papel ang Estados Unidos sa mundo na hindi madaling palitan at ang patuloy na pagkakaugnay nito sa global affairs ay napakikinabangan ng lahat kabilang na ang Estados Unidos mismo.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang Estdaos Unidos sa suporta nito na paghusayin ang maritime domain awareness ng Pilipinas at palakasin ang maritime security efforts, partikular na habang ang government vessels at mangingisda ay “continue to be harassed in our own waters” and are subjected to “illegal, coercive, aggressive, and dangerous actions in the South China Sea.”
“Today, the most significant threat to the peace and stability we strive for is right here in our own neighborhood, here in the Indo-Pacific region,” ang tinuran ng Pangulo.
“And this is not just an opinion; it is a fact. We in the Philippines can say this with certainty because we face the threat every single day,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Nakatakda namang ipagdiwang ng Pilipinas at Estados Unidos ang 80 taon ng diplomatic relations sa 2026, habang mamarkahan naman ng Estados Unidos ang 250th anniversary ng pagkabansa nito.
“We have achieved so much together throughout history. I am humbled that there is still so much to be accomplished in the future,” ang sinabi ng Pangulo. ( Daris Jose)

Football star Lionel Messi hindi pa tiyak kung makakapaglaro sa World Cup sa susunod na taon

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hindi pa matiyak ni football star Lionel Messi na makasali ito sa 2026 World Cup.
Ito ay kahit na nagwagi ang Argentina 3-0 laban sa Venezuela sa pagsisimula ng round ng South American qualifiers.
Ayon sa 38-anyos na national captain , na apektado na ito sa mga injuries kaya hindi ito nakapaglaro ng madalas sa Inter Miami.
Bagama’t mayroon pang siyam na buwan ay kaniyang titignang mabuti kung tuluyan itong makakapaglaro sa nasabing World Cup.

Eala inaasahang tataas ang ranking kapag magtagumpay sa Sao Paulo

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Inaasahan na aangat pa lalo ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala kapag tuloy-tuloy ang tagumpay nito sa WTA250 Sao Paulo Open sa Brazil.
Matapos kasi ang pag-kampeon nito sa WTA125 Guadalajara Open sa Mexico ay nag-improve ito sa ranked 61 mula sa dating ranked 75.
Unang makakaharap niya sa Sao Paulo Open si WTA No. 380 Yasmine Mansour ng France.
Matapos ang laban nito sa Brazil ay may ilang torneo pang lalahukan si Eala na malapit sa Asya bago ang pagrepresenta niya ng bansa sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand na gaganapin sa Disyembre.

LUXURY CARS NG DISCAYA, POSIBLENG KUMPISKAHIN

Posted on: September 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
POSIBLENG kumpiskahin ng Bureau of Customs (BOC) ang 15 sa mga luxury cars ng pamilya Discaya na nasa kustodiya ngayon ng Bureau.
Sinabi ni customs Commissioner Ariel Nepomuceno na inihahanda na ang warrant of seizure and detention sa mga ito.
Partikular dito ang 8 na luxury vehicles na lumabas sa paunang imbestigasyon ng BOC na walang import entry sa bansa at wala ring certificate of payment na pruweba na binayaran ang kaukulang buwis ng mga ito.
Ayon naman kay Customs Spokesperson Asst Comm Vincent Maronilla , posibleng smuggled ang mga ito na misdeclared o hindi dumaan sa mga pantalan.
Dagdag pa ni Commissioner Nepomuceno, may import entry ang 7 rin na sasakyan pero wala namang sertipikasyon na binayaran ang buwis sa pagpasok nito
Isasailalim aniya sa post clearance audit ang naturang mga sasakyan pati ang mga transaksyon ng consignee para malaman kung sangkot sila sa kuwestyunableng transaksyon
Sinabi pa ni Nepomuceno na bibigyan din ng 15 araw na deadline ang mga consignee o nagpasok ng mga sasakyan para maglabas ng mga dokumento na lehitimong dumating sa bansa ang naturang mga sasakyan
Bagama’t may mga dokumento ang 14 pang sasakyan, sasailalim pa rin sa post clearance audit ang mga ito para matiyak na lehitimo ang mga dokumento maging ang proseso ng importasyon
Sa 30 sasakyan ng mga Discaya na nasa kustodiya ng BOC, ang pinakahuling nakuha na Mercedes Benz Maybach ay isasailalim pa lamang sa imbestigasyon
Dumaan aniya sa pantalan sa Batangas, Cebu, Maynila at Manila International Container Port (MICP) ang mga sasakyan habang ang 8 na walang dokumento ay hindi matiyak kung paano nailusot sa bansa.(Gene Adsuara)