• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 8th, 2025

Tirada ni Davao Mayor Baste Duterte sa SALN ni Speaker Romualdez, tinuligsa ng mambabatas 

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINULIGSA ni House Spokesperson Atty. Princess Abante ang panibagong tirada ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na walang basehan at para siraan ang mambabatas.
“Mayor Sebastian Duterte’s latest tirade is another baseless attempt to smear Speaker Ferdinand Martin Romualdez. The figures he cites are nothing but absurd fabrications – proof once again of the Dutertes’ penchant for fake news,” ani Abante.
Sinabi ni Abante na hindi tulad ni speaker ay tumanggi umano ang mga Dutertes, ng may ilang taon, na ideklara sa publiko ang kanilang yaman sa kabila na may mataas na posisyon sa gobyerno.
“What makes this even more ironic is that the Dutertes are known for keeping their own SALNs a closely guarded secret, refusing to make them public despite years in power. Now they dare lecture others about transparency? That is hypocrisy of the highest order,” pahayag nito.
Giit ni Abante, ang SALN ng Speaker ay inihahain nito ng regular base na rin sa isinasaad sa batas.
“The Speaker’s SALN, unlike theirs, is filed in accordance with law. If the Dutertes truly believe in accountability, they should start by releasing their own SALNs to the public, instead of inventing lies to cover up their own failures,” aniya.
Ang pahayag ay kasunod na rin sa alegasyon ni Davao City Mayor Baste Duterte na lumaki ang idineklarang yaman ni Romualdez mula P200 million noong 2022 sa P3 billion ngayong 2025, at nanawagan ng imbestigasyon sa House Committee on Appropriations kaugnay dito. (Vina de Guzman)

Yorme Isko sa mga contractors:  Bayad buwis o blacklisted

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITO naman ang babala si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga contractors ng flood control na may unpaid taxes o utang sa city government na umaabot sa P247 milyon.
Sa press conference na isinagawa, sinabi ni Domagoso na batay sa report ng Office of the City Treasurer, nasa 305 contractors ng flood control projects ang hindi pa nagbabayad ng kanilang obligasyon sa city government na umaabot sa P247 milyon, habang siyam naman ang nakapagbayad na na umaabot sa P8.09 milyon.
Ang mga nasabing proyekto na isinagawa noong 2024at pinaglaanan ng pondo noong 2025 ay kabilang sa listahan ng SumbongSaPangulo.ph website.
“What will be the action of the city? We will make sure, paalala at babala na rin sa ibang ahensiya ng gobyerno, na itong mga hindi magco-comply na kumpanya will be blacklisted at the City Engineering Office and the Office of the City Building Official,” anang alkalde.
Dagdag pa ni Domagoso na isusumite rin nila kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang kanilang reklamo na nagdeklara na rin ng polisiya na blacklisted na ang mga tiwalang construction company.
Napag-alaman na 86 contractors ang nakatanggap na ng notice, habang 12 ang tumanggi, 192 ang pinadalhan via courier, 12 sa pamamagitan ng PhilPost at tatlo ang hindi napadalhan dahil sa pagbabago ng address.
“Ang mahirap nito, yung ordinaryong pamilya, nagpapagawa ng bahay, sinisingil ng contractor’s tax, building permit, zoning permit. But these big companies, nasanay sila na walang gobyerno sa Maynila. Those days are over,” ani Domagoso.

Mike Tyson at Mayweather maghaharap sa exhibition boxing

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Nagkasundong maglaban sa boxing ring ang dalawang legendary boxer sa mundo na sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr.Digital Radio
Kapwa pumirma na ng kasunduan ang kampo ng dalawang boksingero para isagawa ang exhibition match sa susunod na taon.
Inaayos pa ng organizers ang mga petsa ganun din ang lugar kung saan ito gaganapin.
Sinabi ng retiradong heavyweigh boxer na si Tyson na hindi niya inaasahan na mangyayari ang nasaibng laban kung saan hindi basta mahulaan kung sino ang maaaring manalo sa kanilang dalawa.
Hindi rin ito makapaniwala na pumayag din si Mayweather na isagawa ang laban kaya hindi ito nagdalawang isip na kumasa sa hamon.
Sa panig naman ni Mayweather na dahil sa exhibition ito ay hindi niya isusugal ang kaniyang malinis na 50 panalo at walang talo.
Itinuturing pa nito na isang magiging malaki ang laban kung saan matutunghayan ng mga fans ang kanilang matagal na inaasam sa laban.
Huling lumaban si Mayweather ay noong Agosto 2017 ng talunin si dating UFC fighter Conor McGregor habang si Tyson ay huling lumaban noong Nobyembre 2024 laban kay Jake Paul.

CONSUMERS TO GOV’T: TUGUNAN ANG BAHA NG MATAAS NA PRESYO NG KURYENTE

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Power for People Coalition (P4P) sa isang press conference nitong Biyernes, September 5, 2025, sa pambansang pamahalaan na tugunan ang mataas na gastos sa kuryente na kasalukuyang dinaranas ng mga Pilipino na may parehong antas ng pagsisiyasat at alarma na kinakaharap ngayon ng katiwalian sa mga proyektong pangkontrol sa baha.
Sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address, inamin ni Pangulong Marcos na ang mga problema sa sektor ng kuryente na kinakaharap ng bansa ay nagpapatuloy tatlong taon sa kanyang termino, lalo na ang mahal na presyo ng kuryente.
“Si Pangulong Marcos ay nagtayo para sa kanyang sarili ng isang midterm legacy ng pagkakaroon ng kakayahan sa pagtaas ng presyo ng kuryente. Mula nang magsimula ang kanyang termino, ang mga presyo ng kuryente sa franchise area ng Meralco lamang ay tumaas ng Php 3/kWh – o Php 600 bawat isang buwan para sa mga sambahayan na kumokonsumo ng 200 kWh,” paliwanag ni Gerry Arances, Convenor ng P4P Coalition.
“Ang mga Pilipino ay namamatay mula sa mga sakuna ng klima kada taon; Ang parehong antas ng pagsisiyasat ay kailangang gawin para sa sektor ng kuryente bilang ang mga mamimili ay nalulunod din sa mataas na halaga ng kuryente.” Dagdag pa ni Arances
Noong Agosto 2025, ang Meralco residential rates ay tumaas ng isa pang Php 0.63 cents/kWh dahil sa mas mataas na generation cost mula sa spot market ang gas-fired independent power producers, pagbabago sa foreign exchange rates, at mas mataas na transmission cost.
“Ang pinakahuling pagtaas ng rate na ito at ang katayuan ng Meralco bilang pinakamataas na naniningil na pribadong distributor sa buong bansa ay malinaw na naglalarawan kung gaano kalupit sa mga consumer ang ating sistema ng kuryente sa kasalukuyan” sabi ni Arances.
Sinabi ng grupo na ang paglaganap ng profit-driven na interes ng mga oligarko sa sektor ng kuryente, pag-asa sa imported na coal at gas sa buong bansa, hindi napigilang korapsyon sa regulasyon at pamamahala ng kuryente, at mga bigong pangako ng privatization sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang dapat sisihin sa pagtaas ng mga rate.
Nagpahayag ng pakikiisa si Bishop Gerry Alminaza ng Diocese of San Carlos, sa pagsasabing “Ngayong panahon ng paglikha, ipinaalala sa atin na ang pangangalaga sa ating karaniwang tahanan ay nangangahulugan din ng pangangalaga sa dignidad ng ating mga mamamayan. Ang mga tao ay karapat-dapat sa liwanag sa kanilang mga tahanan, hindi sa kadiliman na dulot ng hindi kayang bayaran.” Si Bishop Alminaza ay ang National Coordinator ng Laudato Si’ Convergence, ang network ng mga ecological diocesan at civil society groups na pinatawag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. (PAUL JOHN REYES)

11 katao, huli sa akto sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGKAKASAMANG isinelda ang 11 katao, kabilang ang apat drug suspects matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operations sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl Christopher Quaio kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, dakong alas-5:15 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng Patrol Base 2 ang tatlong lalaki na nagsusugal ng 'cara y cruz' sa Lower Tibagan Compound, Brgy. Gen T De Leon.

Nasamsam sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang 'pangara', bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakumpiska kay alyas "Jayson", 27.

Alas-8:20 ng gabi nang mahuli naman sa akto ng mga tauhan ng Patrol Base 4 sa Pinagpala Ext., Bukid Pinalagad, Brgy. Malinta ang dalawang kelot na abala sa paglalaro umano ng 'cara y cruz'. Nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso coins 'pangara' at isang plastic sachet ng umano'y shabu na nasamsam kay alyas "Matt", 24.

Sa Brgy., Ugong, huli rin sa akto ng mga tauhan ng Patrol Base 8 ang tatlong lalaki na nagka-cara y cruz sa Building 16 ng AMVA Homes dakong alas-5:10 ng hapon. Nasamsam sa kanila ang bet money, tatlong peso coins 'pangara' at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at nakuha kay alyas "Gil', 42.

Samantala, tiklo naman sa mga tauhan ng Patrol Base 6 ang tatlong indibidwal nang maabutan na naglalaro ng sugal na 'cara y cruz' sa gilid ng basketball court sa I. Marcelo St., Brgy., Malanday. Nakumpiska sa kanila ang tatlong peso coins 'pangara' at bet money habang ang isang plastic sachet ng sinasabing shabu ay nakuha kay alyas "Abed", 42.

Ayon kay PMSg Carlito Nerit Jr., kasong paglabag sa PD 1602 at paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor's Office. (Richard Mesa)

Historic ace: Alex Eala nasungkit ang kauna-unahang WTA title

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GUMAWA ng kasaysayan ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title nang talunin si Panna Udvardy ng Hungary, 1-6, 7-5, 6-3, sa finals ng Guadalajara 125 Open.
Sa edad na 20, ipinamalas ni Eala ang kanyang katatagan matapoçs mabigo sa unang set bago bumawi at tuluyang makuha ang kampeonato.
Bago ang makasaysayang tagumpay, muntik na niyang masungkit ang korona sa Eastbourne Open (WTA250) sa Great Britain noong Hunyo, ngunit natalo siya sa finals kay Maya Joint.
Ang panalo sa Guadalajara ay dagdag sa lumalaking koleksyon ng kanyang mga titulo, kabilang ang limang singles titles sa International Tennis Federation.

Power supply sa Siquijor, sapat na – PBBM

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat na ngayon ang power supply sa Siquijor.

Ito'y kulang-kulang dalawang buwan matapos na mangako si Pangulong Marcos sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) na lutasin ang power shortage ng isla.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos, araw ng Biyernes ang ceremonial switch-on ng 17.8-megawatt Siquijor Power Plants sa Province of Siquijor Electric Cooperative (PROSIELCO) facility sa bayan ng Larena.

Sinabi nito na ang bagong kapasidad ay 'more than doubles' sa demand na nine megawatts ng isla.

"Dito sa ating pagbalik dito sa Siquijor ay maga-garantiya na natin na ang kuryente dito ay sobra-sobra na ang supply dahil kung ang demand ng Siquijor ay nine megawatts ay 17 na ang supply natin kaya't hindi na talaga magkukulang," ang sinabi ni Pangulong Marcos.

"Ngayon, malakas na ang loob ko na i-proclaim na buo na ang supply ng kuryente dito sa Siquijor," aniya pa rin.

Sa ulat, matagal ng inirereklamo ng mga residente at negosyante ang paulit-ulit na blackouts na tumatagal ng 10 oras.

Sa isinagawang malalimang imbestigasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nauwi sa pagbawi sa SIPCOR's Provisional Authority to Operate, nailagay ang lalawigan sa panganib ng 'power shortages at unreliable supply.'

"The government has since expedited the development of the new Siquijor Diesel Power Plants Project, which have a total installed capacity of 17.8 megawatts (MW), with a guaranteed dependable capacity of 12.25 MW and an N-1 reserve of 1.7 MW to provide sufficient backup power should one generating unit goes offline," ayon sa Malakanyang.

Tinatayang tatlong bagong diesel power plants ang itinayo at kinomisyon, matatapuan sa munisipalidad ng Larena, Siquijor at Lazi.

"Hopefully, we keep on improving at kakaunti na ang blackout dito at gumanda sana ang hanapbuhay sa Siquijor—Wala pong problema sa supply ngayong kasi ang Siquijor ay nine or 10 megawatts and peak demand," ang sinabi naman ni Energy Secretary Sharon Garin sa isang panayam.  
(Daris Jose)

Binara ng Malakanyang ang House of Representatives… Bersamin sa Kamara: ‘Clean your house first!’

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINARA ng Malakanyang ang mga pahayag kamakailan ng ilang miyembro ng House of ­Representatives na ibinabaling ang sisi ng korapsyon sa Ehekutibo.

Sinabi ni Bersamin na hindi kukunsintihin ng mga miyembro ng Gabinete ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Executive branch, at anumang hakbang para i-hostage ang budget process sa pamamagitan ng dulaang pampulitika.

Giit ng Kalihim na ang lahat ng kanilang imbestigasyon sa anomalya ay mawawalan ng kabuluhan kung ang sources o pinagmulan ng korapsyon ay hindi nadidiskubre.

Dahil dito kaya hinihikayat niya ang House na sumunod sa panawagan ng publiko para sa full accountability.

"All our investigation into the anomalies will be futile if the sources of corruption remain unchecked. Hence, we urge the House of Representatives to heed the demand of the peple for full ­accountability; 'CLEAN YOUR HOUSE FIRST!'," pahayag ni Bersamin. (Daris Jose)

Malakanyang, ipinalabas na ang opisyal na listahan ng 2026 holidays

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa nagtatagal ang pagsilip ng buwan ng Setyembre ay ipinalabas na ng Malakanyang ang opisyal na listahan ng regular holidays at special non-working days para sa taong 2026.
Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, nito lamang Setyembre 3 ang Proclamation 1006, naglalaman ng listahan ng holidays para sa susunod na taon.
Base sa proklamasyon, ipinalabas araw ng Huwebes, ang mga sumusunod na petsa ay deklaradong regular holidays at special non-working days:
Regular Holidays:
January 1 (Huwebes) – New Year’s Day
April 2 – Maundy Thursday
April 3– Good Friday
April 9 (Huwebes) – Araw ng Kagitingan
May 1 (Biyernes) – Labor Day
June 12 (Biyernes) – Independence Day
August 31 (huling Lunes ng Agosto) – National Heroes Day
November 30 (Lunes) – Bonifacio Day
December 25 (Biyernes) – Christmas Day
December 30 (Miyerkules) – Rizal Day
Special (Non-Working) Days:
August 21 (Biyernes) – Ninoy Aquino Day
November 1 (Linggo) – All Saints’ Day
December 8 (Martes) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Huwebes) – Last Day of the Year
Additional special (non-working) days:
February 17 (Martes) – Chinese New Year
April 4 – Black Saturday
November 2 (Lunes) – All Souls’ Day
December 24 (Huwebes) – Christmas Eve
Sa kabilang dako idineklara naman ng Proclamation 1006 ang Feb. 25, 2026 (Miyerkules) bilang special working day, bilang paggunita sa 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, na naghatid sa “political, social, and economic reforms in the country.”
Inatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng ‘implementing guidelines’ para sa proklamasyon, na kagyat na magiging epektibo.
Ayon pa rin sa Proclamation 1006, ang proklamasyon na nagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang ng
Eidul Fitr at Eidul Adha ay ipalalabas matapos na madetermina ang approximate dates ng Islamic holidays, alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa pamamagitan ng Islamic astronomical calculations, alinman ang naaangkop.
Irerekumenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos sa Pangulo ang aktuwal na petsa ng mga holiday na ito kung saan babagsak.
Sa ilalim ng proklamasyon, ang Feb. 17. 2026 ay maaaring ideklara bilang special (non-working) day nang walang idudulot na masama sa public interest, habang ang Chinese New Year ay isa sa “most revered and festive events” na ipinagdiriwang hindi lamang sa Tsina kundi sa Pilipinas.
Nakasaad sa proklamasyon na Black Saturday, babagsak sa April 4, 2026, ay tradisyonal na idineklara bilang special non-working sa buong bansa, bilangpangingilin sa Mahal na Araw, itinuturing bilang “one of the most cherished traditions of our predominantly Catholic people.”
Sa bisa ng Republic Act 9256, ang Aug. 21 ng bawat taon ay deklaradong national non-working holiday para gunitain ang death anniversary ni dating Senador Benigno S. Aquino Jr.
Ang Disyembre 8 ng bawat taon ay ipinagdiriwang bilang special non-working holiday sa buong bansa para gunitain ang Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.
Samantala, ayon pa rin sa Proclamation 1006, idinedeklara ang Nov. 2, 2026 (Lunes) at Dec. 24, 2026 (Huwebes) bilang karagdagang special non-working days sa buong bansa “will strengthen family ties by providing more time for the traditional All Saints’ Day, All Souls Day activities, and Christmas Day activities, as well as promote domestic tourism.”
Ang kopya ng Proclamation 1006 ay inilathala sa lokal na pahayagan na Manila Bulletin. ( Daris Jose)

2 tulak, tiklo sa P300K marijuana sa Caloocan drug bust

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa P300K halaga ng marijuana ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nang buy bust operation, katuwang ang DSOU-NPD at Sub-Station 15 ng Caloocan CPS sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dakong alas-8:13 ng gabi nang makipagtransaksyon umano ang dalawang umano’y tulak na sina alyas “Juan”, 28, at alyas “Tunying”, 27, sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila sa Brgy., 180 ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price value na P300,000.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
News 2
Kamara nagpalabas ng ng subpoena sa ilang contractors upang dumalo sa pagdinig ng House Infrastructure Committee
NAGPALABAS ang Kamara ng subpoena sa ilang contractors upang dumalo sa pagdinig ng House Infrastructure Committee na pinamumunuan ni Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon sa Martes, September 8, 2025, dakong alas-9 ng umaga.
Kabilang sa pinadalhan ng subpoena ay sina Sarah Discaya (Alpha & Omega General Construction), Mark Arevalo (Wawao Builders Corp.), Miguel Juntura (St. Timothy Construction Corp.), Eumir Villanueva (Topnotch Catalyst Builders), at Sally Santos (Syms Construction Trading).
Kasabay nito, hiniling din ng komite kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order para naman kina Sally Santos at Herbert Matienzo, dating PCAB Executive Director.
(Vina de Guzman)