
(RUEL J. MENDOZA)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
(RUEL J. MENDOZA)
(ROHN ROMULO)
(PETER S. LEDESMA)
MAGKAKAROON na ng panibagong format ang NBA All-Star Game sa susunod na taon.
Mula sa dating dalawang team ay magiging tatlong team ito na USA vs. World.
Mayroong dalawang USA team na binubuo ng walong miyembro at isang World team kung saan maglalaro ang mga ito ng single round robin format.
Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver, naging maganda ang feedback mula sa mga manlalaro at mga koponan.
Gaganapin ang NBA All-Star sa Intuit Dome sa Los Angeles sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.
PASOK na sa semifinals ng Guadalajara 125 Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Italian player Nicole Fossa Huergo, 7-6(2), 6-2 sa quarterfinals.
Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala laban sa 30-anyos na Italian player subalit pagpasok ng second set ay nadomina nito ang laro.
Ang nasabing panalo ni Eala ay ilang oras matapos na talunin niya si Varvara Lepchenko ng US sa round of 16.
Susunod na makakaharap ni Eala si Kayla Day ng US na gaganapin sa araw ng Sabado.
Umusad si Eala sa quarterfinals, matapos nitong dominahin ang deciding set Round of 16, laban kay Varvara Lepchenko. Ang naturang laban ay dating naudlot dahil sa mabibigat na pag-ulan.
Matapos ang ilang oras, hinarap ni Eala si Italian tennis player Nicole Fossa Huergo sa quarterfinals.
Sa naturang laban, agad gumawa ng dominanteng performance ang Pinay star at opinoste ang 7-6 win sa unang set.
Pinilit naman ni Huergo na bumangon sa ikalawang set ngunit sa ikalimang game, hawak na ni Eala ang 3-2 lead.
Pinalawig pa ito ni Eala at sa pagtatapos ng 7th game, hawak na niya ang score na 5-2 hanggang sa tuluyang matapos ang laban, 6-2.
Dahil sa panalo, si Eala na ang itinuturing na highest-seeded player sa Guadalajara Open.
Kung mananalo siya sa semis, tiyak na ang paghawak niya sa ikalawang puwesto, habang nananatili ring buhay ang kaniyang tyansa na maging champion sa naturang turneyo.
PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na iwasan na makisama o sumawsaw sa mga grupo na nangunguna sa karahasan at hayaan na gumalaw ang legal na proseso sa usapin ng flood control.
Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na magsagawa ang protesta ang militanteng grupo at flood survivors sa mga ari-arian na pag-aari ng kontrobersiyal na contractor couple Pacifico at Sarah Discaya.
Ayon sa ulat, binato ng mga putik at nag-spray ng salitang “magnanakaw” ang mga ito sa compound gate ng Discaya-owned St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. sa Pasig City, Huwebes ng umaga.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anumang public disorder.
“Sabi nga po ng Pangulo, sinusunod po natin ang due process. Ang pag-uutos na imbestigahan lahat ay para rin po sa taumbayan. Pero hindi po ninanais na magkaroon ng kaguluhan,” ani Castro.
“Hindi po iyan ang nais ng Pangulo. Nais ng Pangulo ay maliwanagan lahat tayo kung ano ang nangyayari sa mga flood control projects at maibigay ang nararapat sa taumbayan,” aniya pa rin.
Winika pa ni Castro na nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa kuwestiyonableng flood control projects dahil layon nitong tugisin ang mga nasa likod nito upang matiyak ang ‘transparency at accountability.’
Pinayuhan din niya ang taumbayan na huwag magpadala sa mga maling impormasyon na “further fuel their anger,” sabay sabing ang ganitong pagsisikap ay ‘counterproductive.’
Sa kabilang dako, inatasan na aniya ang law enforcement agencies na pigilan na maulit ang senaryo at tiyakin ang kapayaan at kaayusan sa gitna ng imbestigasyon sa flood control projects.
Samantala, hinikayat naman ni Castro ang publiko lalo na ang mga kabataan at nasa vulnerable sector na maging biglante at mag-isip matapos sabihin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na sinasamantala ng rebeldeng komunista ang isyu ng korapsyon sa gobyerno para makapag-recruit ng kanilang bagong miyembro.
“Mag-isip po tayo dahil hindi po ito nadadaan sa dahas, at huwag po sanang gamitin ito kung ito ay naaayon sa report ng mga rebelde, ng mga obstructionists o mga kalaban sa pulitika,” ang sinabi ni Castro.
“Hindi po ito kailangang gamitin para magalit kayo sa gobyerno o magalit kung kanino man. Magtulung-tulong po tayong lahat para masawata ang korapsyon dito sa bansa,” aniya pa rin.
(Daris Jose)
HINDI pa nagtatagal ang pagsilip ng buwan ng Setyembre ay ipinalabas na ng Malakanyang ang opisyal na listahan ng regular holidays at special non-working days para sa taong 2026.
Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, nito lamang Setyembre 3 ang Proclamation 1006, naglalaman ng listahan ng holidays para sa susunod na taon.
Base sa proklamasyon, ipinalabas araw ng Huwebes, ang mga sumusunod na petsa ay deklaradong regular holidays at special non-working days:
Regular Holidays:
January 1 (Huwebes) – New Year’s Day
April 2 – Maundy Thursday
April 3– Good Friday
April 9 (Huwebes) – Araw ng Kagitingan
May 1 (Biyernes) – Labor Day
June 12 (Biyernes) – Independence Day
August 31 (huling Lunes ng Agosto) – National Heroes Day
November 30 (Lunes) – Bonifacio Day
December 25 (Biyernes) – Christmas Day
December 30 (Miyerkules) – Rizal Day
Special (Non-Working) Days:
August 21 (Biyernes) – Ninoy Aquino Day
November 1 (Linggo) – All Saints’ Day
December 8 (Martes) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Huwebes) – Last Day of the Year
Additional special (non-working) days:
February 17 (Martes) – Chinese New Year
April 4 – Black Saturday
November 2 (Lunes) – All Souls’ Day
December 24 (Huwebes) – Christmas Eve
Sa kabilang dako idineklara naman ng Proclamation 1006 ang Feb. 25, 2026 (Miyerkules) bilang special working day, bilang paggunita sa 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, na naghatid sa “political, social, and economic reforms in the country.”
Inatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng ‘implementing guidelines’ para sa proklamasyon, na kagyat na magiging epektibo.
Ayon pa rin sa Proclamation 1006, ang proklamasyon na nagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang ng
Eidul Fitr at Eidul Adha ay ipalalabas matapos na madetermina ang approximate dates ng Islamic holidays, alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa pamamagitan ng Islamic astronomical calculations, alinman ang naaangkop.
Irerekomenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos sa Pangulo ang aktuwal na petsa ng mga holiday na ito kung saan babagsak.
Sa ilalim ng proklamasyon, ang Feb. 17. 2026 ay maaaring ideklara bilang special (non-working) day nang walang idudulot na masama sa public interest, habang ang Chinese New Year ay isa sa “most revered and festive events” na ipinagdiriwang hindi lamang sa Tsina kundi sa Pilipinas.
Nakasaad sa proklamasyon na Black Saturday, babagsak sa April 4, 2026, ay tradisyonal na idineklara bilang special non-working sa buong bansa, bilang pangingilin sa Mahal na Araw, itinuturing bilang “one of the most cherished traditions of our predominantly Catholic people.”
Sa bisa ng Republic Act 9256, ang Aug. 21 ng bawat taon ay deklaradong national non-working holiday para gunitain ang death anniversary ni dating Senador Benigno S. Aquino Jr.
Ang Disyembre 8 ng bawat taon ay ipinagdiriwang bilang special non-working holiday sa buong bansa para gunitain ang Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.
Samantala, ayon pa rin sa Proclamation 1006, idinedeklara ang Nov. 2, 2026 (Lunes) at Dec. 24, 2026 (Huwebes) bilang karagdagang special non-working days sa buong bansa “will strengthen family ties by providing more time for the traditional All Saints’ Day, All Souls Day activities, and Christmas Day activities, as well as promote domestic tourism.”
Ang kopya ng Proclamation 1006 ay inilathala sa lokal na pahayagan na Manila Bulletin. (Daris Jose)