• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 5th, 2025

Gamit ang isyu ng korapsyon sa gobyerno… Malakanyang, nanawagan sa publiko na mag-isip mabuti kung papatulan ang ginagawang panghihikayat ng rebeldeng komunista 

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga mamamayang Filipino na mag-isip mabuti kung magpapadala o papatulan ang panghihikayat ng rebeldeng komunista na sumama sa kanila.
Nagbabala kasi ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ginagawang taktika ng rebeldeng komunista na sinasamantala ang galit ng publiko sa korapsyon sa gobyerno para makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Putok na putok kasi ngayon sa mga headlines ang isyu ng maanomalyang flood control projects at ghost projects.
“Kaya nga po, maging mapanuri. iyan ang request natin at panawagan natin sa lahat ng mga kababayan natin, kabataan man o mga matured na mga katulad natin. mag-isip po tayo dahil hindi po ito nadadaan sa dahas,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang pakiusap pa rin ni Castro ay huwag sanang gamitin ang isyu ng korapsyon para magalit sa gobyerno o magalit kung kaninuman.
“Magtulong-tulong po tayong lahat para masawata ang korapsyon dito sa bansa,” ayon kay Castro.
Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na walang dapat na ikabahala ang publiko lalo pa’t naka-monitor ang NTF-elcac sa usaping ito.
Sa ulat, sinabi ni the NTF-Elcac executive director, Undersecretary Ernesto Torres Jr. na na- establish nito na sinasamantala ng mga rebeldeng komunista ang galit ng pubiko sa korasyon sa gobyerno para makapanghikayat ng mga bagong miyembro partikular na ang mga kabataan at mula sa vulnerable sectors.
“Former rebels, especially the youth, have long attested that corruption in the bureaucracy was among the systemic reasons they were agitated into taking up arms,” ani Torres.
“They have also revealed how the Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF) exploits this reality by preying on the youth, students, and vulnerable sectors, including even public servants, by twisting legitimate grievances into recruitment tactics for violent extremism,” aniya pa rin.
Nagpalabas ng kalatas ang NTF-ELCAC habang patuloy na nagiging headlines ang isyu ng korapsyon na sangkot ang government flood control projects.
May pangangailangan ayon kay Torres na tiyakin na ang mga eskuwelahan at komunidad ay nananatiling ligtas na lugar para sa lehitimong debate at constructive civic engagement.
“We have to be alarmed when, instead of fostering genuine love for our country, they become pipelines for terror grooming by the CPP-NPA-NDF,” ani Torres.
Dahil dito, hinikayat ni Torres ang mga magulang, guro, civil servants, at mga komunidad na “remain vigilant and guard not only our resources but the minds of our youth.”
Nanawagan naman ito sa mga mambabatas na makiisa na linisin ang gobyerno mula sa corrupt bureaucrats, “while also enacting measures that ensure terrorist recruiters are held accountable under the law.” ( Daris Jose)

Payo ng DFA sa mga Pinoy: Maingat na ikonsidera ang pagbiyahe sa Indonesia sa gitna ng patuloy na nangyayaring protesta roon

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BAGAMA’T wala namang ipinalalabas na ‘travel advisory’ sa Indonesia, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nagpaplanong pumunta sa nasabing bansa na ikonsiderang mabuti ang kanilang byahe dahil na rin sa patuloy na nangyayaring protesta roon.
Sa ulat, patuloy kasi ang malawakang demonstrasyon na yumanig sa Jakarta at ibang rehiyon sa nakalipas na mga araw, nag-ugat ito mula sa galit ng publiko ukol sa panukalang monthly allowance para sa mga miyembro ng parlyamento.
Umigting ang tensyon matapos makita sa viral video ang isang motorcycle taxi driver na namatay matapos makaladkad ng police vehicle sa gitna ng rally sa Jakarta.
“There are some areas that are calm at (and) business as usual but we are continuously monitoring developments ano. Kaya kung may mga kababayan tayo na nagbabalak magbiyahe ay isipin po muna nang mabuti,” ang sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.
Sa ulat, may 6,000 Filipino sa Indonesia, kung saan may 1,800 ang naka-base sa Jakarta. Mayorya sa mga ito ay guro, managers, accountants at engineers.
“So far, no Filipino has been reported affected by the unrest nor has sought assistance from the embassy,” ayon kay Escalona.
Samantala, muli namang inulit ni Escalona ang naunang advisory ng Philippine Embassy sa Jakarta na pinaaalalahanan ang mga Filipino sa nasabing bansa na iwasan ang mga lugar kung saan may nagpo-protesta at manatiling alerto. ( Daris Jose)

Malakanyang, irerekomenda na rebisahin ang class suspension policy

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IREREKOMENDA ng Malakanyang sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang pagrerebisa sa umiiral na polisiya pagdating sa class suspension.
Ito’y bilang tugon sa kamakailan lamang na apela ng Coordinating Council of Private Education Association (COCOPEA) na bigyan ang private school administrators ng sapat na kakayahan na magdeisyon kung isususpinde ang klase, lilipat sa online methods, o magtatalaga ng asynchronous tasks, matapos ang maingat na pagsusuri sa situwasyon na nakakaapekto sa kanilang stakeholders at sa academic calendar ng eskuwelahan.
“Opo, irerekomenda po ito sa NDRRMC,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sa ulat, sinabi kasi ng COCOPEA na ang “blanket” at “automatic” orders of suspension ng klase ng Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng eskuwelahan sa mga piling lokalidad ay “hamper school preparations, discourage resilience in school communities, and devalue the education of students.”
“It also deprives school administrators of the proper exercise of academic judgment in matters affecting student learning, the number of school days lost, preparations for major examinations, and their overall development,” ang sinabi pa rin ng grupo.
Hinikayat naman ng grupo ang Pangulo na “support our call for a policy environment in education that prioritizes student safety while also promoting their quality education and consequently, their desired future.”
Samantala, sinabi ni Castro na pagdating naman sa deklarasyon ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno, ang Office of the President (OP) at Office of the Executive Secretary (OES) ang gumagawa nito.
“Pero tandaan din po natin ang suspension po sa work ay nanggagaling po sa Office of the President or OES through PCO,” ayon pa rin kay Castro.
( Daris Jose)

Panukalang 2026 budget ng DPWH, isasailalim sa 2-week review

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DALAWANG linggo ang bubunuin nina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Public Works Secretary Vince Dizon para kompletuhin ang pagrerebisa sa panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nagpulong sina Pangandaman at Dizon, kasunod ng “unprecedented” na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling suriin ang DPWH budget sa 2026 National Expenditure Program sa gitna ng alalahanin ukol sa di umano’y ‘inconsistencies at double entry’ ng mga proyekto.
Sa isang press conference matapos ang pagpupulong sa DBM central office sa San Miguel, Manila, tinanggap ni Dizon ang pinakabagong kautusan mula sa Pangulo, kahit pa aniya hindi siya pamilyar sa pagpoproseso ng budget allocation para sa libo-libong proyekto sa ilalim ng DPWH
Ani Dizon, ang spending plan ng DPWH para sa 2026 ay binubuo ng 700 pahina.
“Tingin ko lang kailangan meron itong deadline kasi limitado ang ating oras. Importanteng mapasa natin itong budget na ito. Hindi lang ito budget ng DPWH kundi budget ng buong gobyerno,” ang sinabi ni Dizon.
“Nag-usap kami ni Sec. Minah. We both agreed on a two-week timeline. Dalawang lingo maximum. Pwedeng mas maigsi. Kailangan lang syempre, pagtrabahuan natin itong maigi,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ni Dizon na sisimulan na ng DBM at DPWH ang pagrerebisa sa mga proyekto na pinuna ng Kongreso.
Nauna rito, i nirekumenda ng mga major party leaders sa House of Representatives na kanilang ibabalik ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM).
Batay sa isinagawang pag rebyu ng House Leaders sa NEP kanilang nadiskubri ang seryoso at sistematikong anomalya sa 2026 NEP partikular sa DPWH, DILG, PNP at DA.
Ayon kay Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno na hindi nila magawang simulan ang deliberasyon kung nababalot sa anomalya at mga kwestiyunableng budget allocations ang 2026 national budget.
Sinabi ni Puno kabilang sa kanilang mga natuklasan mga flood control projects with identical amounts, Double appropriations, Oversized lump sum nationwide allocations under DPWH, Reports of unsolicited proposals for billions worth of firearms sa ilalim ng DILG/ PNP, Reports of allocation for sale scheme sa budget ng DA para sa farm to market roads.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Pangandaman na ang gagawing pagrerebisa sa panukalang budget ng DPWH para sa 2026 ay matatapos bago pa ang two-week deadline.
“Ipapadala natin sa kanila ‘yung bagong listahan, ‘yung mga changes na mangyayari doon. Sa tingin po namin mas madali yan na proseso at procedure kaysa magbalikan tayong ganyan. Kasi never pa po siya nangyari,” ang sinabi ng Kalihim.
Winika ni Pangandaman na ang panukalang budget ng DPWH ay maaaring bumaba, depende sa resulta ng review.
Habang handa naman ang DBM sa reenacted budget, ang departamento at ang buong executive branch ay “very much willing” na makatrabaho ang Kongreso para tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa spending plan ng DPWH para sa 2026.
“Dito naman sa DBM, ready. I think ginagawa na nila ang guidelines, assuming na magkaroon tayo ng reenacted budget. Pero syempre, ‘di ba nga sinabi natin na ‘yung reenacted budget magko-cause ng downturn ng ating ekonomiya especially now na nakikita ‘yung malaking kontribusyon ng budget sa ekonomiya,” aniya pa rin sabay sabing “Ayaw naman nating mawala ‘yun with what’s happening with the world. Ayaw naman nating masira ang trajectory natin. Mabilis ang andar ng ekonomiya natin. Gusto pa nating bumilis, lalo na itong last three years ng administrasyon at ng ating Pangulong Bongbong Marcos.” ( Daris Jose)

Order of Sikatuna, ipinagkaloob ni PBBM kina outgoing Permanent Representative to the United Nations (UN) Antonio Manuel Lagdameo at dating Department of Foreign Affairs (DFA) chief coordinator Bernadette Therese Fernandez

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAGKALOOBAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Order of Sikatuna sina outgoing Permanent Representative to the United Nations (UN) Antonio Manuel Lagdameo at dating Department of Foreign Affairs (DFA) chief coordinator Bernadette Therese Fernandez.
Ang conferment ceremony ay idinaos sa joint courtesy call nina Lagdameo at Fernandez kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Ang Order of Sikatuna ay national order ng diplomatic merit, ipinagkakaloob sa mga indibiduwal na nagbigay ng kanilang ‘exceptional at meritorious service’ sa Republika ng Pilipinas.
Si Lagdameo, nagpahayag ng kanyang hangarin na magretiro mula sa government service noong Mayo, ay papalitan ni dating DFA secretary Enrique Manalo, kung saan ang pinakabagong appointment ay kinumpirma ng Commission on Appointments, araw ng Miyerkules.
Si Lagdameo ay itinalaga bilang permanent representative ng Pilipinas sa UN sa Estados Unidos noong September 2022.
Nanungkulan siya sa ilang diplomatic posts, nagsilbi bilang Philippine ambassador to London, United Kingdom, at Northern Ireland mula July 2009 hanggang September 2010 at mula June 2016 hanggang July 2022.
Nagtrabaho rin siya bilang Philippine ambassador to Madrid, Spain at Andorra mula August 2008 hanggang July 2009.
Itinalaga rin siya bilang ambassador to the US at Mexico na may concurrent jurisdiction sa Belize, Costa Rica, El Salvador, Guatemala, Honduras, Nicaragua, at Panama mula January 2007 hanggang 2008.
Sa kabilang dako, si Fernandez naman ay nagsilbi bilang consul general ng Pilipinas sa Milan, Italy at deputy consul general sa Toronto, Canada.
Itinalaga rin siya bilang minister at consul general ng Philippine Embassy sa London mula 2006 hangagng 2012, at second secretary at consul sa Philippine Embassy sa Beijing mula 1997 hanggang 2003.
Sa Maynila, siya ang executive director at acting assistant ng Office of the UN and International Organizations sa pagitan ng 2014 at 2016, director ng Office of European Affairs mula 2013 hanggang 2014, acting director at director ng Office of Personnel and Administrative Services mula 2003 hanggang 2006, at assistant director at acting director ng Office of Asia-Pacific Affairs noong 1997. ( Daris Jose)

Tangka umanong insertion na P8 Billion sa panukalang 2026 national budget for the procurement of firearms, pinaiimbestigahan

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL na hiniling ni House Committee on Human Rights chair at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. ang Committee on Public Order and Safety na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y “attempted insertion” ng P8 billion sa panukalang 2026 national budget for the procurement of firearms.
Sa isang liham na may petsang September 3 at naka-address kay Manila Rep. Rolando Valeriano, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Abante na dapat mabusisi ang nasabing isyu upang mabatid ang halaga na sangkot at posibleng paglabag sa batas nito.
“I write to formally request for the House Committee on Public Order and Safety to initiate a formal investigation on the attempted insertion of P8 Billion Pesos in the PNP Budget for 2026 for the purchase of guns and ammunitions in violation of the procurement law, and RA No. 6975, as amended by RA No. 8551,” ani Abante sa kanyang kahilingan.
Tinukoy ni Abante ang naglabasang ulat sa online, kung saan isang liham na nagmula umano sa Philippine National Police para kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na humihingi ng pagsama ng P8 billion sa 2026 budget “specifically for the procurement of 80,000 units of standardized caliber 5.56 mm basic assault rifles.”
Ang kopya ng naturang sulat ay kasama sa kanyang request bilang annex.
Ayon kay Abante, lumabas sa social media reports na ang liham ay dinala ng isa umanong Adrian Sanares, anak ng retired general at kasalukuyang DILG undersecretary for peace and order Nestor Sanares, kay noon ay PNP chief Nicolas Torre III para lagdaan.
Ang pagtanggi ni Torre na lagdaan ito ang siya umanong isang dahilan sa pagkakatanggal nito sa tanggapan.
Iginiit ni Abante na ang nasabing usapin ay dapat bigyan ng masusing pagsisiyasat.
“Why is a budget insertion request being facilitated by the son of an undersecretary of the agency that would approve such a request?” pagtatanong nito sa kanyang liham
Pinalilinaw din ng mambabatas kung may nilabag si Torre ang anumang batas na dahilan sa kanyang pagkakatanggal sa kanyang puwesto.
“What specific law or rule did PNP Chief Torre violate that led to his relief/removal?” nasaad pa sa sulat ni Abante,
Sa kahilingan na pagbili ng armas, ang P8B para sa 80,000 units ay lumalabas na nagkakahalaga ng P100,000 per unit.
“Also, the amount requested for the intended purchase of guns is quite staggering. P8 billion for 80,000 units is Php100,000 per unit. What is now the status of this requested budget insertion? These questions call for answers. The public has the right to know,” giit pa nito. (Vina de Guzman)

Hikayat ng mambabatas na huwag tawagin ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy na pastor

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang mga kapwa mambabatas na huwag tawagin ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy na pastor, dahil isa umano itong insulto sa mga tunay na pastor na nagsilbi sa kanilang kongregasyon na may integridad.
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Justice sa limang dekadang taon na extradition law, sinabi ni Cendaña na ang kanyang “simple and earnest request” sa mga kasamahan ay tawagain si Quiboloy bilang “Mister.”
“Insulto po sa mga totoong pastor na tawaging pastor si Quiboloy. Hindi matatawag na totoong pastor ang sinumang nananakit ng kanyang mga miyembro at nangmomolestiya siya ng mga bata,” ani Cendaña.
Sinimulan na ng Justice Committee ang motu proprio investigation nito kasunod ng liham mula kay Cendaña noong August 23, na humihiling sa pagsasagawa ng legislative review kasunod na rin sa pending cases ni Quiboloy sa Pilipinas at United States.
Sinabi ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na ang inquiry ay naglalayong ma-“evaluate, study and revisit” ang Presidential Decree 1069, o Philippine Extradition Law of 1977, at ang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at US na napagkasunduan noong 1994.
Si Quiboloy, kasalukuyang nakadetine sa Pasig City Jail dahil sa kasong child sex trafficking.
(Vina de Guzman)

Para mabigyan ng lakas, ngipin:  PBBM, pagkakalooban ng ‘ subpoena power’ ang independent commission na mag-iimbestiga sa usapin ng flood control 

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PAGKAKALOOBAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng ‘subpoena power’ ang independent commission na mag-iimbestiga sa usapin ng flood control.
“Noon po ay sinasabi po natin na mukhang walang subpoena power. Pero ang nais po ng Pangulo sa nasabing independent commission ay mabigyan po ng lakas, mabigyan ng ngipin para po mas mapatupad kung ano ang mandato ng independent commission na ito,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
“At nais po ng Pangulo na magkaroon po ng subpoena power ang independent commission,” aniya pa rin.
Winika ni Castro na ang pagpapalabas ng executive order na magtatatag ng independent body ukol sa flood control probe ay isinasapinal na.
Sa ngayon, tanggap naman ni Castro na may ilang indibidwal kabilang na ang mga kontratista na iniuugnay sa tinatawag na “ghost” flood control projects, ay maaaring umalis ng bansa lalo pa’t wala pa namang kaso na isinasampa laban sa mga ito.
“Sa ngayon po, since wala naman kasing kaso pang naisasampa, hindi talaga natin mapipigilan ang sinumang lumabas ng bansa dahil may freedom of movement po tayo at ‘yun ay nire-respeto,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, inanunsyo ni Castro na kagyat na gumawa ng aksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, kabilang na rito ang hilingin ang immigration lookout bulletin order laban sa mga agency officials at mga kontratista na nauugna sa maanomalyang flood mitigation projects.
Sa katunayan, ipinag-utos ni Dizon ang perpetual blacklisting ng contractors Wawao Builders at SYMS Construction Trading kasunod ng natuklasan na non-existent flood control projects sa Bulacan province.
Ipinag-utos din ng Kalihim ang pagpapaalis sa puwesto at paghahain ng criminal charges laban kay DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara dahil sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control projects. ( Daris Jose)

Malakanyang sa mga ahensiya ng gobyerno: i-check kung may posibleng ‘insertions’ sa 2026 spending plan

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga ahensya ng gobyerno na muling bisitahin at tingnan ang kani-kanilang mga spending plans para sa 2026 para i- check kung may anumang posibleng budget insertions.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na dapat gumawa ng inisyatiba ang ibang ahensiya para rebisahin ang kanilang budget proposals sa 2026 National Expenditure Program upang itama ang anumang mga hindi pagkakaayon at pigilan ang pagsisingit.
Ang panawagan na ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘sweeping review’ sa panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang magawan ng kaukulang pagwawasto, kasunod ng mga alalahanin ukol sa double entry at insertions o pagsisingit ng mga proyekto.
“Siguro sa ganitong klase na nakikita, mas maganda na rin na iyong ibang mga ahensiya tingnan din nila kung ano iyong nai-report nila at baka nga mayroong naisingit sa proposal nila na hindi na dapat maisingit,” ang pahayag ni Castro.
Tinuran pa ni Castro na ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagrerebisa ng spending plans ng iba pang ahensiya ng gobyerno kapag may nakitang inconsistencies.
“Maganda na rin po nakita rito para sa umpisa pa lamang ay maisaayos na ang budget. At nirirespeto rin po natin ang liderato ng House of Representatives at kung anuman ang mangyayari dito, dapat lamang ay kung ano iyong naaayon sa Konstitusyon,” aniya pa rin.
“So, kung may iba pang mga ahensiya na involved ay ganoon din po ang magiging utos ng Pangulo, kung mayroon po talaga. Kasi ngayon po ay kailangan lang tingnan. Hindi pa po natin masasabi na talagang mayroong mga anomalyang naisingit,” ang pahayag ng Pangulo.
Sa ulat, inirekomenda ng mga major party leaders sa House of Representatives na kanilang ibabalik ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM).
Batay sa isinagawang pagrebyu ng House Leaders sa NEP kanilang nadiskubri ang seryoso at sistematikong anomalya sa 2026 NEP partikular sa DPWH, DILG, PNP at DA.
Ayon kay Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno na hindi nila magawang simulan ang deliberasyon kung nababalot sa anomalya at mga kwestiyunableng budget allocations ang 2026 national budget.
Sinabi ni Puno na kabilang sa kanilang mga natuklasan ay ang “flood control projects with identical amounts, Double appropriations, Oversized lump sum nationwide allocations under DPWH, Reports of unsolicited proposals for billions worth of firearms sa ilalim ng DILG/ PNP, Reports of allocation for sale scheme sa budget ng DA para sa farm to market roads.”
Nanawagan si Puno sa mga kapwa house members na itigil muna ang pagdalo sa mga budget deliberations habang hindi nareresolba ang isyu. (Daris Jose)

Sa planong ipakulong si VP Sara, mga kaalyado nito:  ‘Wild imagination lang- Malakanyang

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINASURA ng Malakanyang ang itinuturing nitong “wild imagination” ni Vice-President Sara Duterte na plano ng administrasyong Marcos na ipakulong siya at kanyang mga kaalyado bago pa ang 2028 presidential race.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na walang dapat ipag-alala si VP Sara at kanyang mga political allies, kabilang na rito si Senator Imee Marcos na may ganitong plano.
“They are just creations of fertile and wild imagination,” ang sinabi ni Castro.
Sa ulat, ipipilit umano ng administrasyong Marcos na italaga si Department of Justice Secretary Boying Remulla bilang Ombudsman upang maipakulong si VP Sara at ang mga kaalyado nito.
Ito ang iginiit ni Presidential Sister Imee Marcos na kilalang kaalyado ng pamilya Duterte.
Ayon kay Imee Marcos, malinaw ang hakbang laban kay VP Sara dahil sa sunod-sunod na plano umano upang alisin ito sa landas ng 2028 presidential race.
Dagdag pa ng senadora, dalawang kaso pa ang nakabinbin laban kay Remulla sa kasalukuyan sa Ombudsman, administrative at criminal cases, ngunit tila pinipilit umanong maibasura ang mga ito upang bigyang daan ang kanyang appointment.
Malinaw umano ang mga galaw para mapabilis ang proseso, kabilang ang biglaang pagpapalit kay Deputy OIC Ombudsman Ma. Flor Punzalan-Castillo na aniya’y kilalang “walang bahid” at independent-minded.
Dahil dito sinabi ni Marcos na tututulan nya ang planong pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman kung saan maghahain siya ng oppostion sa judical and bar council.
Hind aniya dapat na politiko ang maitalaga sa Ombudsman dahil may conflict of interest bukod pa sa mayroon itong dalawang nakabinbing kaso. ( Daris Jose)