• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2025

Pilipinas nagkampeon sa Padel Cup sa Malaysia

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGKAMPEON ang pambato ng bansa sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2025 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Tinalo ng Padel Pilipinas ang pitong ibang mga bansa.
Pinamunuan ni Senator Pia Cayetano ay tinalo ng Pilipinas sa championship round ang Hong Kong sa score na 3-0.
Habang nakuha ng host country na Malaysia ang bronze medal.
Nakuha naman ni tennis icon Johnny Arcilla ang men’s Most Valuable Player habang si Joanna Yee Tan naman ay tinanghal bilang women’s MVP.

Alex Eala, sasabak sa Guadalajara Open matapos ang historic US Open win

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MASIGLANG magsisimula si Alex Eala sa Guadalajara Open sa Mexico ngayong Miyerkules ng madaling araw (oras sa Pilipinas), matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa US Open.
Makakaharap ni Eala ang Arianne Hartono ng Netherlands sa Women’s Tennis Association (WTA) 125 tournament.
Matatandaang tinalo na ni Eala si Hartono sa kanilang tatlong nakaraang laban.
Ang 20-anyos na si Eala ay gumawa ng kasaysayan sa Philippine tennis matapos pabagsakin ang world No. 14 na si Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6 (13-11) sa US Open —ang kanyang unang panalo sa isang Grand Slam singles main draw.
Gayunman, nabigo siya sa ikalawang round laban kay Cristina Bucsa ng Spain, 6-4, 6-3.
Sa kasalukuyan nasa ranked No. 75 si Eala sa mundo. Matapos ang torneo sa Mexico, tutungo siya sa Sao Paulo Open sa Brazil mula Setyembre 8 hanggang 14.

Community based kitchen, Inilunsad sa Tanza ES

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco at A Child’s Trust Is Ours to Nurture (ACTION), Inc. Founder at President Hajime Yokota ang paghain ng mga pagkain sa mga bata, kasunod ng paglagda ng mga ito sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagtatag ng isang community-based kitchen sa Tanza Elementary School na layong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng 100 piling bata mula sa Tanza ES sa pamamagitan ng Akamegane Kitchen Project. (Richard Mesa)

ICC pinagbawalan ang mag-anak na Duterte, ‘no more updates’ ukol kay Digong Duterte mula sa detention center

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
 PINAGBAWALAN na ng detention unit ng International Criminal Court’s (ICC) ang mga bisita ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte mula sa pagbibigay ng public updates hinggil sa situwasyon sa loob ng pasilidad.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pinayagan lamang siyang kumpirmahin na buhamaayos ang kalagayan ng kanyang ama.
“So, from now on, bawal ikuwento kung ano yung mga nangyari sa loob at ano yung mga pinag-usapan sa loob,” ang sinabi ni VP Sara kay dating presidential spokesman Harry Roque sa isang panayam.
“I can only say na (former) President Duterte is still alive. Yan lang po,” dagdag na pahayag ni VP Sara.
Pinaalalahanan din aniya sila ng detention unit na sundin ang kondisyon ng pagbisita.
“We are not allowed to give updates,” diing pahayag ni VP Sara.
Ang Bise-Presidente ay nasa The Hague, Netherlands mula pa noong nakaraang buwan para bisitahin ang kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid na sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.
Ito’y matapos hilingin ni dating Pangulong Duterte na makita niya ang lahat ng kanyang mga anak ng sama-sama. ( Daris Jose)

 VP Sara, inihalintulad ang flood control probe ng administrasyon sa zarzuela

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA kay Vice President Sara Duterte, walang ipinagkaiba ang imbestigasyon ng gobyerno sa ghost at maanomalyang flood control projects sa zarzuela.
Sinabi ni VP Sara na kung nais lang talaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang usapin at kaya niyang gawin ito ng isang araw lamang.
“Magdududa ka kung bakit bigla ngayon ay merong silang palabas ng malaking investigation ng flood control projects. Ibig sabihin meron na naman siguro silang niluluto na behind the scenes na, syempre, hindi natin nakikita dahil lahat tayo nakatutok doon sa flood control,” ang tnuran ni VP Sara sa isang panayam sa The Netherlands.
“Kung seryoso lang talaga ang Presidente, tapos na ‘yan isang araw lang, matuturo niya lahat ng may kagagawan ng corruption sa budget. Pero, well, as you can see, para ngang nanonood tayo ng zarzuela,” dagdag na wika ni VP Sara.
Gayunman, sinabi ni VP sara na ang imbestigasyon ay “too little, too late.”
Aniya, ang usapin ng flood control corruption ay umiiral na bago pa ang termino ng kanyang ama bilang Pangulo, o maging ito ay isa pa lamang Alkalde ng Davao. Gayunman, mas lumala aniya ito ngayon.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na magpapalabas siya ng Executive Order na pormal na lilikha ng Independent Commission na titingin sa mga anomalya.
Samantala, sinabi ni VP Sara na nananatiling buhay pa ang kanyang ama. Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si VP Sara sa bagay na ito.
Ang dating Pangulo ay nasa The Hague, Netherlands para harapin ang asunto sa kanyang crimes against humanity case dahil sa drug war. ( Daris Jose)

12 luxury car ng pamilya Discaya, 2 lang ang nakita matapos ang isinagawang raid ng BOC

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DALAWA lamang sa labindalawang luxury vehicles na tinukoy sa search warrant ang natagpuan ng Bureau of Customs (BOC) sa raid na isinagawa sa mga ari-arian ng pamilya Discaya nitong Martes ng umaga, ayon kay BOC Chief of Staff Jek Casipit.
Sa isang pahayag sinabi ni Casipit, tanging isang Toyota Land Cruiser at isang Maserati lamang ang nakita sa lugar.
Habang ang iba pang sasakyan na nakalista sa warrant ay wala sa property ng mga Discaya.
Bagama’t inamin umano ni Sarah Discaya na may 28 luxury cars ang kanilang pamilya, labindalawa lamang sa mga ito ang nakasaad sa search warrant —mga sasakyang walang record sa Customs.
Kabilang sa mga tinukoy sa warrant ang mga high-end na sasakyan tulad ng Rolls Royce Cullinan, Mercedes-AMG G63, Bentley Bentayga, at Lincoln Navigator.
Dagdag pa ni Casipit, dalawang beses nilang sinubukang ihain ang warrant noong Lunes ng gabi pero hindi sila pinapasok.
Kung saan Martes ng umaga lamang sila pinayagang makapasok at magsagawa ng inspeksyon. (Daris Jose)

Na titingin sa mga anomalya ng flood control projects… Independent commission para sa flood control probe, isinasapinal pa- PBBM

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIPID si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng detalye ukol sa komposisyon ng independent commission na titingin sa mga anomalya ng flood control projects.
Ang dahilan ng Pangulo ay isinasapinal pa ang nasabing komposisyon.
Tinanong kasi ang Pangulo kung bahagi ng independent commission si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magi-imbestiga sa ‘faulty at substandard flood control projects’ sa bansa.
Ang naging tugon ng Pangulo, ang istraktura ng independent body ay maisasapinal ”very very soon.”
”I don’t want to talk about it until buo na. ‘Di pa namin nabubuo ‘yung plano eh.. Pero malapit na ‘yan, very very soon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Nauna rito, binabalangkas na ng Malakanyang ang Executive Order para sa pagtatatag ng Independent Commission na mag-iimbestiga sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang opisyal na sangkot sa anomalya sa flood control projects, kasama na dito ang mga ghost flood control project.
Sinabi ng Pangulo na kasama din sa iimbestigahan ng komisyon ang mga impormasyon na magmumula sa mga Sumbong sa Pangulo website (sumbongsapangulo.ph) at sila rin ang gagawa ng mga rekomendasyon kung kakasuhan sa Ombudsman o sa Department of Justice ang mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian.
“The independent commission will be the investigative arm, so that they will continue to investigate whether whatever information is received,” anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na habang dumarami ang kanilang mga tinitingnan proyekto, lalong dumarami ang kanilang natutuklasang mga anomalyang proyekto kaya dapat na matigil na ang mga ganitong panloloko sa taumbayan.
Kahit mismo aniya sa proposed 2026 national budget ay marami pa ring mga nakasingit na mga proyekto kaya kailangang malinis ito ng maayos.
“Unfortunately, the more we look, the more we find. Kahit sa 2026 budget marami pa ring siningit. So alang it really needs to be cleaned out properly,” dagdag ng Pangulo.
Sa itatatag na independent commission, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na kailangan ang mga forensic investigator, abogado, justice, at prosecutor na susuri sa mga ebidensiya at mga impormasyon para makabuo ng rekomendasyon na isusumite sa DOJ o sa Ombudsman.
“And they will put together that information and make the recommendation to either the DOJ or the Ombudsman, depending on who is found to be liable for some of these nefarious activities,” dagdag ng Pangulo. (Daris Jose)

Sec. Remulla, handang harapin ang imbestigasyon hinggil sa panukalang PNP gun purchase

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na handa niyang harapin ang imbestigasyon kaugnay ng panukalang P8-billion gun na napaulat na inayawan ni dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III.
“If I’m called by Congress and Senate para ibigay lahat ng detalye, gagawin ko,” ayon kay Remulla sa isang pulong balitaán sa Quezon City.
Handa rin aniya siya na sumailalim sa lie detector test para patunayan na maging siya ay hindi sumang-ayon sa nasabing panukala.
Ang pahayag na ito ni Remulla ay matapos na mapaulat na may kinalaman sa usapin ng pagbili ng P8 bilyong mga armas ang pagkakatangal sa puwesto ni Torre.
Itinanggi ni Remulla na ang panukalang arms procurement para sa PNP na hindi umano pinirmahan ni Torre, ang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya sa puwesto.
Ani Remulla, natanggap ng kanyang tanggapan ang panukala isang buwan na ang nakalilipas subalit hindi naman nito binanggit kung kanino nangggaling.
“Sumulat ako kay General Torre at sabi ko sa kanya, sya ang competent na mag-judge kung ano quality ng product, kung kailangan ng product at kung pipirma siya kung i-o-order,” aniya pa rin.
Sa katunayan pa nga aniya, sinang-ayunan nya ang ginawang pagbasura ni Torre sa panukala dahil naniniwala siya na hindi naman ito kailangan.
Samantala, nilinaw din ng kalihim na walang namamagitang gusot sa pagitan nila ni Torre at posibleng pinag- aaway lamang sila gaya ng kumakalat  sa social media may kinalaman sa usapin ng mga armas. (Daris Jose)

Maging ang NEP 2026, may kuwestiyonableng alokasyon- PBBM

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGING ang National Expenditure Program para sa taong 2026 ay naglalaman ng kuwestiyonableng alokasyon na kailangang matugunan ng maayos.
Nabanggit ito ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang ipinaliliwanag ang magiging trabaho ng komisyon na plano niyang itayo at imbestigahan ang maanomalyang flood control projects nang banggitin niya na may natuklasan ang executive branch na iregularidad.
”The more we look, the more we find. Kahit sa 2026 budget, marami pa ring siningit. So… it really needs to be cleaned out properly,” aniya pa rin
Sa ulat, kinuwestiyon ni House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno ang isinumiteng 2026 National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso matapos mabunyag na muling napondohan dito ang mga tapos ng proyekto.
Ibinunyag ni Puno na muling napondohan ang mga infrastructure project ng DPWH na gawa na.
“Yung pinaka-nakakatawang example ‘yung sa Marikina kay Congressman Marcy Teodoro. Dumating ‘yung kanyang proposed NEP for 2026. Nung nakita niya, magkatabi kami dun sa hearing, eh sabi niya Sec. sosoli ko na ito sa DBM? Bakit? Eh sabi niya lahat ng projects na nakalista dito tapos na eh,” ani Puno.
Ayon kay Puno, sinabi sa kanya ni Teodoro na hindi nakasama sa 2026 NEP ang proyekto na pinuntahan ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Puno, chairman ng National Unity Party (NUP), hindi lamang sa Marikina mayroong problema ang mga proyekto ng DPWH na nakasaad sa NEP.
Ipinaliwanag niya na ang mga flood control projects na kailangan sa kanyang distrito at nasimulan na sa mga nakaraang taon subalit hindi pa natatapos ay nawala sa NEP.
Sa kabilang dako, nang hingan naman ng komento si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga ipinahayag nina Pangulong Marcos at Puno, sinabi ng una na titingnan niya ang sinasabing alokasyon sa NEP para sa mga proyektong tapos na.
Sa katunayan, kinausap na niya si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon hinggil sa bagay na ito.
”Nag-usap na po kami kahapon ni Vince Dizon na iisa-isahin namin ‘yan, papatingnan namin lahat ‘yan, kung saan nanggagaling ‘yang mga proyekto na substandard, ghost, nadodoble gawa na tapos nakalagay pa siya,” ayon kay Pangandaman.
”We will do our best to check and then moving forward, we will ensure na hindi na ulit ito mangyari,” aniya pa rin.
At nang hingan naman ng paglilinaw ang Malakanyang sa usaping ito, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na dapat na makipag-ugnayan at i-tsek ang bagay na ito sa DPWH.
”Unang-una, huwag muna po tayong maging judgmental agad ‘di ba dahil kailangan po nila muna makipag-cooperate/makipag-coordinate sa DPWH at kung anuman iyong ahensiya na sinasabi nilang nagawa na iyong proyekto pero nandoon pa rin po iyong budget,” ayon kay Castro.
”So, halimbawa na lamang po, example po natin ang Marikina River – kung may proyekto po diyan dapat eksakto po iyong coordinates, kung ano talaga iyong lokasyon dahil baka sa haba niyan eh ibang parte ay tapos na pero iyong ibang coordinates naman o ibang lokasyon ay hindi pa,” dagdag na wika nito.
Biniyang diin ni Castro na hindi kailanman kukunsintihin ni Pangulong Marcos ang sinasabing ‘insertions.’
”So, mas maganda pong makipag-coordinate at makipag-cooperate muna sila sa DPWH para malaman din po natin kung ang kanilang sinasabi na proyekto ay talagang natapos na. At kung talaga naman pong natapos na at ito ay isiningit sa 2026 budget, hindi po ito papayagan ng Pangulo,” ang dagdag na pahayag ni Castro. ( Daris Jose)

Justice Sec Remulla, maghahain ng mosyon sa reklamo ni Sen Imee sa Ombudsman 

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGHAHAIN ng mosyon si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa nakabinbing reklamo laban sa kanya na inihain ni Senator Imee Marcos.
Ito ay kasunod sa reklamo ng senadora sa Ombudsman kaugnay ng pag-areto at paglilipat sa International Criminal Court o ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“I’ll be filing a motion to resolve it asap,” sabi ni Remulla sa isang panayam matapos ang kanyang Judicial and Bar Council (JBC) interview para sa posisyon ng Ombudsman.
Ayon kay Remulla, isinagawa ang pag-aresto at paglilipat kay Duterte sa The Hague upang mapanatili ang katatagan ng bansa at maiwasan ang anumang karahasan o hindi kanais-nais na pangyayari.
“I think we were able to peacefully bring him out abroad to face the charges against him without hurting anybody physically,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Marcos na may sapat na batayan upang panagutin si Remulla sa usurpation of judicial functions sa ilalim ng Article 241 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa kasong administratibo ng Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Samantala, sa isang press conference, sinabi ni Sen. Imee na plano niyang maghain ng opposition paper sa JBC para kontrahin ang aplikasyon ni Remulla bilang Ombudsman.
Sinabi pa ni Sen.Imee, sakaling mapili bilang Ombudsman si Remulla, klarong-klaro aniya na may conflict of interest.
Hinalimbawa pa ng senadora sakaling maupo si Remulla ay magiging in-effective na ang mga kaso sa PRRD arrest.
Bukod dito, iginiit ni Sen.Imee na target iluklok ng administrasyon si Remulla sa posisyon bilang Ombudsman para maisakatuparan ang ilang plano laban kay VP Sara Duterte at iba pang personalidad. (Gene Adsuara)