• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:39 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 3rd, 2025

PDEA, BUREAU OF CUSTOMS NAKATIMBOG NG ₱75-M HALAGA NG SHABU SA CLARK FREEPORT ZONE SA JOINT AIRPORT INTERDICTION OPERATION

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs at Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, ang isang shipment ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng ₱75,072,000.00 sa isinagawang joint airport na interdiction sa Clarkehouse, Clarke. Pampanga.
Nasamsam ng mga awtoridad ang isang kahina-hinalang parsela na idineklara bilang “Industrial Water Chiller” na may tracking number na 883725003206, na ipinadala mula sa Mexico at naka-consign sa isang address sa Cainta, Rizal. Sa pag-inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang 11.04 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng kargamento.
Dalawang suspek ang naaresto sa operasyon:
•Alyas Dexs, 52, ng Cebu;
•Alyas Maca, 54, ng Tarlac.
Parehong mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 4, 11, at 20, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Kinumpirma ng PDEA Regional Office III na sasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang substance habang nasa kustodiya na ngayon ang mga naarestong personalidad. Kung mapatunayang nagkasala ito ay may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000.00 hanggang ₱10M.
Pinapurihan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang tuluy-tuloy na pagtutulungan ng lahat ng law enforcement at border control agencies, na idiniin na ang pagharang ay nagtatampok sa walang humpay na pangako ng gobyerno na putulin ang supply ng iligal na droga sa mga daungan ng pagpasok ng bansa.
Nangako ang CLARK-IADITG na paigtingin ang mga operasyon alinsunod sa whole-of-nation approach sa ilalim ng direktiba at pananaw ng Bagong Pilipinas na kampanya ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., laban sa ilegal na droga. (PAUL JOHN REYES)

Crime rate sa ‘Pinas bumaba ng 16.5 percent – PNP

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng krimen sa bansa sa 16.5% mula Enero hanggang Agosto 2025, kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Sa datos ni PNP Public Information Chief Brig. Gen. Randulf Tuaño, nakasaad na mula sa 26,969 focus crimes noong nakaraang taon, bumaba ito sa 22,519 ngayong taon.
Kabilang sa mga focus crimes ang murder, homicide, rape, physical injury, carnapping, at theft.
Ani Tuaño, indikasyon lamang na patuloy na pinaiigting ng PNP ang kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa bansa kabilang na ang police vi­sibility at 5-minute response timepartikular ngayong pagpasok ng “ber” months.
Nilinaw ni Tuaño na taliwas ito sa pahayag ng Chinese embassy na lumalala ang kaso sa bansa kung saan target ang mga Chinese nationals.
Inatasan naman ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Directorate for Intelligence na makipag-ugnayan sa Chinese Embassy upang malaman ang kanilang mga reklamo at nalalamang kaso na kinasasangkutan ng kanilang mga kababayan.

Ads September 3, 2025

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

3 – page 4-merged