• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno nangangamba sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP)

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pangamba si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa special human rights laws, kabilang na ang Anti-Torture Law at Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Law ng Commission on Human Rights (CHR).
Nadismaya si Diokno matapos mabatid mula kay CHR chairperson Richard Palpal-latoc sa isinagawang Committee on Appropriations briefing na sa kabila na may ilang special laws na ibinigay na karagdagang mandato sa CHR, ay wala naman itong kaukulang budget para sa implementation nito sa ilalim ng the panukalang 2026 NEP, maliban sa nasa ₱2 million na nakalaan sa gender programs sa ilalim ng Magna Carta of Women.
“In other words, for the implementation, for example…(of) the anti-torture law and the anti-enforced disappearance, there’s nothing in the NEP. It’s good that we learned that because hopefully we can do something about it,” ani Diokno kay Palpal-latoc.
Sinabi ng mambabatas na importanteng matugunan ang isyu, hindi lamang para mabalanse ang bilang kundi para na rin maipatupad ng komisyon ang kanilang mandato at pangako sa publiko.
Sa ulat ng Congressional Policy and Budget Research Department, nasa 200 batas na naipasa mula 1991 hanggang 2023 ang nananatiling unfunded o walang sapat na pondo.
(Vina de Guzman)

Venus Williams proud pa rin kahit bigo sa US Open

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MASAYA pa rin si American tennis star Venus Williams kahit na bigo ito sa unang round ng US Open.
Tinalo kasi siya ni Karolína Muchová ng Czech Republic sa score na 6-3, 2-6, 6-1.
Ayon sa 45-anyos na si Williams ay maipagmamalaki pa rin niya ang sarili dahil sa kaniyang paglalaro.
Ito ang unang grand slam na laro ni Williams mula pa noong 2023 US Open at ang pang-apat na laro mula ng bumalik sa tennis noong Hulyo matapos ang 16 na buwan na hindi paglalaro.

Alex Eala makakaharap si Bucsa ng Spain sa 2nd round ng US Open

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKAKAHARAP ni Pinay tennis star Alex Eala si Cristina Bucsa ng Spain sa ikalawang round ng US Open.
Tinalo kasi ng 27-anyos ng Spanish player sa unang round si Claire Liu.
Si Bucsa ay ranked 95 sa buong mundo habang si Eala ay ranked 75.
Ang sinumang manalo sa kanila ay makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan nina Elise Mertens ng Belgium at Lulu Sun ng New Zealand.
Magugunitang nagtala ng kasaysayan si Eala ng magwagi sa unang round ng US Open matapos talunin si Clara Tauson.
Gaganapin ang laban ng dalawa mamayang alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.

Inaming baka pumanaw na kung wala ang asawa: GARY, labis ang pasasalamat kay ANGELI sa 41 years na pagsasama

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAARAWAN ng misis, ina ng mga anak niya at the same time, tumatayo rin na manager ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan nitong August 26. 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, binati ni Gary si Angeli. At sa mensahe niya, malinaw na naiparating nito kung gaano siya nagpapasalamat na sa loob ng 41 taon ay kasama niya ito. 

Na kung wala raw siguro ito sa buhay niya, malamang na matagal na siyang wala sa mundo.

Ilang beses na naming nakakausap si Tita Angeli sa mga napagdaanan nila dahil sa pagiging matagal ng diabetic ni Gary. Na ilang beses na rin na talagang nanganib ang buhay niya.

Sabi ni Gary, “Hey hon. What would my world have been like without you? Perhaps it may have ended sometime ago. I know it sometimes gets tough for us to journey through life together but I’m blessed to have been journeying with you for the past 41 years.

“It’s your bday hon, as we both come around the bend and head into the home stretch… I pray we fulfill all that our Lord Jesus still has in store for us to achieve.

“You’ve been instrumental in keeping this heart of mine pumping and for as long as it still beats, I will hold your hand as we walk, run, laugh, cry, pray, praise, and worship together, loving the One who brought us together. I love you hon. Happy, happy bday!!!”

Sa totoo lang, madalaas din na may nakaka-misinterpret o misunderstood kay Tita Angeli, pero hindi matatawaran ang pag-aalaga niya sa isang Gary V.

 

***

 

KUNG kailan may anak na ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, saka naman hindi namamatay ang isyu na diumano’y hiwalay na sila. 

Posibleng ang hindi nila palaging pagpo-post ng mga photos, video nilang dalawa unlike before na maya’t-maya ay may upload sila ang isa sa dahilan kung bakit nababalitang hiwalay na sila.

Galing ng Bali, Indonesia si Derek at nag-training sa isang klase ng wellness program na kung tawagin ay Kami No Ken in Bali. Ang Afghan head na si Coach Nasser Qazi ang nagte-training kay Derek.

Pero sa recent IG post ni Derek, nag-post ito ng picture ng anak nila na si Baby Lianna at ang caption niya, “Papa is on his way home, my love.” 

Obviously, miss na nito ang kanyang baby girl.

Ang isa sa malapit kay Derek na si Nay Cristy Fermin ay nagsalita na wala raw katotohanan na hiwalay na ang mag-asawa. 

Sa isang banda, dahil kilala namin si Derek na sumasagot agad kapag may isyu na nasasangkot ang pangalan nila or lalo na kung hindi maganda, pero hanggang ngayon kasi, tikom lang ang bibig nito.

Hopefully it’s really not true.

Pero, madali kay Derek at maging kay Ellen na supalpalin ang mga nagsasabing hiwalay na sila kung gusto nilang matigil na, ‘di ba?

 

(ROSE GARCIA) 

‘Di nakalilimutan at tinatanaw na utang na loob: KRIS, hinihiling na dapat pa ring ipagpatuloy na ipagdasal

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY na humihingi ng dasal  ang mga malalapit kay Kris Aquino.
Ito ay para sa kagalingan ng aktes na ina nina Joshua at Bimby.
Sa latest update ni Kris kahapon kung saan sinabi niyang sumailalim siya sa mga surgical procedure, kabilang ang paglalagay ng port-a-cath, habang sinisimulan niya ang mas agresibong bahagi ng kanyang medical treatment.
Sabi pa rin sa naturang post mismo ni Kris ay inilipat daw siya sa isang cardiac operating room para nga sa port-a-cath, isang maliit na implanted device na nagbibigay-daan sa madaling pag-access sa mga ugat ng pasyente na parehong proseso raw na dinaanan ng ina niyang namayapa, si former Pres. Cory Aquino.
“I asked my team of doctors to please get my surgical procedures done before August 21. We started on August 20, 8:15 PM that was the time check i heard before “daddy Doc” my anesthesiologist and my cousin in law, Dr Nick (he’s an interventional cardiologist) started their work… i remember being transferred to another cardiac OR for my port-a-cath. And i was back in my room before 12 midnight
“While writing this happy tears are flowing- because i’m remembering how much our mom endured for us, she also had a port-a-cath surgically inplanted, yet we never heard her complain, and she didn’t have a pain management doctor,” pagbibigay niya ng impormasyon sa kanyang pinagdadaanang laban.
“I have an entire team of doctors, and my vascular surgeon, Dr Lucban did a great job (and Dr Kash his senior resident/fellow- while waking up from my anesthesia i said “where’s the cutie pie doctor and can i now please have my DAIM” coincidentally my brother Noy & i had the same favorite chocolate)?”
Ilang beses na ring nabanggit ni Kris na
ang mga anak niya ang dahilan kung bakit siya nagiging matapang.
“You saw a lot of pics of kuya Josh & Bimb (he’s the last pic wearing the protective outfit for people to get into the post-op recovery area)- my sons are the reason i continue to endure- if i wasn’t their mama, matagal na po akong sumuko.
“It’s very difficult to be as brave as my dad & my mom because i know this is just the beginning of more aggressive treatment to keep me alive and get me to a point of remission.
“My doctors have the next 6 months while i’m in isolation, to figure out the best treatment plan for someone with as many allergies to medicine, food and the environment… for me it’s rehabilitation physical therapy, resuming my love for cooking (i’m not allowed to be near the flame for more than a few minutes because it triggers my lupus, Polymyositis, rheumatoid arthritis, and progressive systemic sclerosis flares) with an “assistant” and another tutorial based activity because one is never too old to continue stimulating the brain.”
At may bagong hashtag din daw siya: “to remind myself how much i owe all of you who continue praying for me.”
(JIMI C. ESCALA)
Matapos isugod sa ospital dahil sa depression:
VILMA, nagbigay ng comforting words sa anak-anakan na si CLAUDINE
ISA pang kailangan din ng dasal ngayon  ay ang aktres na si Claudine Barretto.
Nagkaroon daw kasi ng depression ang kapatid ni Gretchen Barreto na si Claudine kamakailan lang.
Nagbigay agad ng kanyang comforting words ang Star for all Season after mabasa ang post ni Claudine matapos siyang isugod sa hospital dahil sa depression.
“Yes this is what depression looks like. So pls dont judge. We all need more understanding & compassion,” .
Ang naturang ipinakitang video ay nasa hospital bed si Claudine at sinusuotan ng medyas ng adopted son.
Agad-agad ay nagkomento ang Star for All Seasons.
“Hi, my dearest baby Claude. We are all here loving you. Dito lang kami para sayo, ” post pa g grand slam actress.
“Tomorrow is another day! Be happy, smile and enjoy life cause you are blessed. I love you!”
Matandaang naging close sina Ate Vi at Claudine  at nagtu­ringang tunay na mag-ina dahil sa pelikulang ‘Anak’ ilang taon na ang nakalilipas.
Sinabi naman ng social media star na si Small Laude na ipinagdarasal niya ang actress, “Praying for you [folded hands emoji] Hugs.”
Inamin na rin naman noon ni Claudine na nagpapa-rehab nga siya sa Thailand.
Pero diniin niyang hindi dahil sa droga kundi sa post-traumatic stress disorder.
Samantala kumalat na rin ang balita dito sa Tondo na papasukin na rin daw ni Claudine ang pulitika.
Dalawang magkasunod na namamahagi si Claudine ng mga relief goods dito sa nasasakupang district one sa Tondo, Manila.
Hindi nga lang malinaw kung kunsehal o kungreso ang papasukin ni Claudine.
Sabi pa ng naghatid ng balita sa amin na malakas daw ang loob ni Claudine kasi may isang maimpluwensiyang individual daw ang nasa likuran ng aktres.
(JIMI C. ESCALA)

Ads August 28, 2025

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

28 – page 4-merged

Nabigo sa unang round ng US Open si Australian Open champion Madison Keys.

Posted on: August 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINALO siya ni Renata Zarzua ng Mexico sa score na 6-7 (10), 7-6 (3), 7-5.
Nagkaroon ng maraming pagkakamali ang six-seeded na si Keys kabilang na ang 14 double-faults.
Habang ang ranked 82 na si Zarazua ay natalo sa una o ikalawang round ng lahat ng walong Grand Slam appearance niya.
Magugunitang nitong Enero na nagwagi si Keys sa Australian Open ng talunin si world number 1 Aryna Sabalenka sa finals.

Medvedev pinagsisira ang raketa matapos mabigo sa US Open

Posted on: August 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI napigilan ni Russian tennis star Daniil Medvedev na magwala matapos na matalo ito sa unang round ng US Open.
Hindi maiwasan ng mga audience na batikusin ang Russian tennis dahil sa pagwawala noong ito ay talunin ni Benjamin Bonzi sa Louis Armstrong Stadium sa New York.
Makikitang pinagpapalo ni Medvedev ang kaniyang tennis racket hanggang tuluyan itong nasira.
Bahagyang nahinto kasi ang laro ng kinuwestiyon niya ang tawag ng opisyal ukol sa service subalit ng hindi ito napagbigyan ay doon na nagwala at sinira ang raketa.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik siya sa paglalaro subalit natalo ito.
Inaasahan na ni Medvedev na mahaharap siya matinding parusa dahil sa ginawa niya.

Ikalawang NavoRun, inilunsad ng Navotas LGU

Posted on: August 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ikalawang edisyon ng NavoRun, noong Linggo sa Navotas Centennial Park.
Umabot sa 636 runners ang sumali sa 16-kilometer at 8-kilometer categories fun run na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan sa Backpack Runners.
Unang inilunsad ang NavoRun noong 2024 na naging taunang run for a cause na pinagsama ang fitness, sports tourism, at community service.
Ang kikitain nito ay pakikinabangan ng Josefheim Foundation na sumusuporta sa mga may sakit, matatanda at Navotas Drum and Bugle Corps, isang grupong naghahasa ng talento sa musika.
Ayon Kay Mayor John Rey Tiangco, layon nito na maisama ang lungsod sa mapa bilang isang running destination na binabanggit ang lumalagong running culture nito sa kahabaan ng C4 Road at R-10 kung saan regular na tumatakbko, nagbibisikleta at nag-eehersisyo ang mga residente.
“Hinihikayat natin ang lahat na ipagpatuloy ang ganitong mga gawain, at isulong pa natin ang aktibo at malusog na pamumuhay,” aniya.
Sa 16-kilometer male category, nasungkit ni Pinmark Balagon ng Mandaluyong ang championship, na sinundan nina Redie Kim at Symon Santos, kapwa ng Navotas.
Para sa female division, nanguna sa karera si Lorelyn Magalona ng Dasmariñas, Cavitet, pumangalawa si Kimberly Ilustrisimo ng Navotas at pangatlo naman si Marjorie Tan ng Dasmariñas, Cavite.
Ang 8-kilometer male categor ay pinamunuan ni Aljur Rendon ng Quezon City na nanguna kay Cyrus Lasibal ng Malabon at Merck Jounes Tribo ng Pulilan, Bulacan.
Sa female division, si Renelyn Tribo ng Pulilan, Bulacan ang nanguna na sinundan nina Aubrey Mata ng Malabon at Sophia Yurango ng Imus, Cavite.
Ang turnout ngayon taon ay nagpatibay sa lumalagong reputasyon ng NavoRun bilang parehong tradisyon ng komunidad at isang showcase potensyal ng lungsod hub para sa sports and wellness tourism. (Richard Mesa)

Biglaang pagkakasibak sa hepe ng PNP, nagpapakita sa lumalaking bitak sa administrasyong Marcos

Posted on: August 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MALAKI ang paniniwala nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Louise Co na ang biglaang pagtanggal kay PNP Chief Nicolas Torre III ng matapos lamang ang 85 araw na maluklok ito sa nasabing posisyon ay ebidensiya nang tumitinding internal conflicts at systemic breakdown sa loob ng Marcos administration.
“Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan sa gitna ng malalang korapsyon sa gobyerno, kapos na serbisyong panlipunan, at lumalalang kahirapan ng mamamayan,” ani House Deputy Minority Leader Tinio.
Ang komprontasyon ni Torre kay Napolcom at Interior Secretary Remulla kaugnay sa unauthorized personnel changes ay nagpapakita sa seryosong dibisyon sa loob ng law enforcement machinery ng pamahalaan.
“This recent development mirrors the typical behavior of reactionary and authoritarian governments where rival elite factions wage internal battles while ordinary citizens endure worsening public services, escalating costs of living, and persistent human rights abuses. Hindi masosolusyunan ng simpleng pagpapalit ng mga opisyal ang malalim na problema ng PNP bilang kasangkapan ng pang-aapi laban sa mamamayan,” pahayag naman ni Assistant Deputy Leader Co.
Hinikayat naman ni Tinio ang publiko na sa halip na pagtunan ng pansin ang internal power struggles ay tutukan na lamang ang usapin ng hustisya para sa human rights victims, panagutin ang mga opisyal sa isyu ng korupsyon sa flood control projects, confidential at intelligence, at iba pang pork barrel funds, at kabiguan ng admnistrasyon na sigurhin na sapat ang sahod at abot kayang cost of living ng sambaayan.
(Vina de Guzman)