
IMINUNGKAHI ng Presidential Communications Office (PCO) ang P16 milyong alokasyon sa 2026 budget para labanan ang “fake news.”
“We do a significant amount of work in terms of combating fake news and misinformation, from the digital front to coordination with other government agencies for data on these fake news sites,” ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez sa budget briefing para sa panukalang 2026 budget ng PCO, araw ng Martes.
“We continue to educate our people against fake news; we only have an allocation of P16 million for it. When we see something in social media that is obviously fake and is obviously based on misinformation, we counter that with content that would clarify the misinformation, correct the misinformation, and outright dispute that fake news. It’s content versus content,” ang sinabi pa rin ni Gomez.
Sinabi pa ni Gomez na “it is more of maximizing and leveraging all the social media platforms available to PCO’s disposal through its attached agency system.”
Pagdating na isasagawang sistema, sinabi nito na ang PCO ay mayroong tiyak na fact-checking at verification processes na nakalatag na.
“We have the media information literacy (MIL) campaign and the digital governance and unified messaging platforms,” ani Gomez.
Sa ilalim ng MIL campaign, ang PCO ay mayroong ilang programa, workshops, trainings na gagamitin ng mga miyembro ng lipunan sa paglaban sa fake news at idetermina ang kabuuan nito.
Nagsagawa ito ng isang MIL fact-checking workshop series kasama ang Vera Files. Hangad din nito na palakasin ang fact-checking capacity sa government media sa pamamagitan ng sanayin ang 75 fact-check officers mula state media outlets sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Tinitiyak naman ng inisyatiba na ang state media communicators ay may magagamit na ‘tools at methodologies’ para ma-detect at kontrahin ang fake information.
Nagsagawa rin ito ng pagsasanay sa mga trainers o tagapagturo para makalikha ng multipliers para sa MIL education.
Sa ilalim ng programa, “the PCO trains educators nationwide, and these educators will later cascade the knowledge to their respective schools and institutions to ensure the sustainability and the consistency of the program.”
Samantala, dinepensahan naman ni Gomez ang panukala ng PCO na P252-million advertising expenses para sa 2026.
Aniya, ang advertising budget ay naaayon sa mga plano kung saan ang Pilipinas ang siyang magho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.
“At the same time, we’re looking at several other important milestones for next year. And that’s why we need to advertise not just locally, but in some international outlets as well,” aniya pa rin.
Winika pa ni Gomez na ang hangarin ng Pilipinas na maging isang non-permanent member ng United Nations (UN) Security Council ay mangailangan din ng karagdagang halaga.
“It will require a lot of lobbying, a lot of projecting our country externally, on why we deserve to be nominated and elected,” ang pahayag ni Gomez.
Para sa taong 2026, nag-request ang PCO ng P2.808 bilyong budget para sa operasyon nito at para sa mga attached agencies at government-owned and controlled corporations nito.
Ang bulto o ang P972.02 milyong piso ay ilalaan para sa PCO proper.
Ang natitira ay para sa Philippine Information Agency (P527.49 million), Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services (P512.54 million), Radio Television Malacañang (P254.21 million), News and Information Bureau (P163.15 million), Bureau of Communications Services (P99.54 million), and National Printing Office (P20.99 million).
Kasama rin sa PCO budget proposal ang budgetary support para sa Intercontinental Broadcasting Corporation (P122 million) at People’s Television Network (P136.76 million).
Ang APO Production Unit Inc. ay hindi tumatanggap ng anumang subsidya mula sa gobyerno. (Daris Jose)