• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Pagpasa ng panukalang mag-a-upgrade sa provincial hospital sa Danao City, panawagan ng mambabatas 

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA sa mas mahusay na pangangalagang pangkalusugan sa Northern Cebu, nanawagan ng suporta si Rep. Duke Frasco mula sa Cebu Provincial Government para sa pagpasa ng panukalang mag-a-upgrade sa provincial hospital sa Danao City.
Bukod sa provincial government, umapela rin ng suporta ang mambabatas kay Cebu Governor Pam Baricuatro para sa pagpasa ng House Bill No. 3313 o “An Act Upgrading the Cebu Provincial Hospital in the City of Danao, Province of Cebu, Into a Level II General Hospital to be Known as the North Cebu Medical Center, Increasing its Bed Capacity, Upgrading its Professional Health Care Services and Facilities, Authorizing the Increase of its Medical Personnel, and Appropriating Funds Therefor.”
Layon ng panukala na makapagbigay ng mas mahusay na healthcare access at serbisyong pangkalusugan hindi lamang para sa District 5, kundi sa lahat ng munisipalidad ng Northern Cebu.
Ang pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at imprastraktura ang nananatiling pangunahing prayoridad ng mambabatas. Sa pamamagitan ng HB No. 3313, ay layon nitong maipamahagi ang health services partikular na sa liblib at malalayong lugar kung saan kulang ang access sa specialized care.
Una nang inihain ng mambabatas ang panukala noong18th Congress o Disyembre 16, 2020 blilang House Bill No. 8275 subalit dala na rin sa pandemya at kakulangan ng panahon ay hindi ito naipasa. Noong 19th, Hunyo 30, 2022 ay muling inihain ng kongresista ang House Bill No. 107. Sa kabila na naitakda para sa deliberasyon sa komite ay nanatili itong nakabinbin habang hinihintay ang pagpasa ng provincial board resolution mula sa Cebu Provincial Board bilang suporta sa panukala. Ang kawalan ng nasabing endorsement ay may malaking epekto sa deliberasyon ng komite sa panukala.
Ngayong nasa ikatlong termino, muling inihain ni Frasco ang panukala sa ika-20th Congress.
Umaasa ito na maire-refer ito sa Committee on Health at makakuha ng suporta mula sa provincial government.
Kapag ganap na naging batas, mai-institutionalize ng panukala ang provincial hospital sa ilalim ng Department of Health (DOH), kung saan makakakuha ito ng direct funding mula sa national government. Maaalis sa Cebu Provincial Government ang financial responsibility para sa operasyon ng ospital at magagawang mai-redirect ang resources nito sa ibang programa at serbisyo.
Ani Frasco, “this is not just about improving the hospital, it is about investing in the future of healthcare for my constituents, while also being fiscally prudent.”
Isinusulong din sa panukala na matugunan ang problema sa overcrowding sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City, isang tertiary-level hospital na naninilbihan sa mga pasyente mula sa buong probinsiya at kalapit na rehiyon. Dala na rin sa lumalagpas na sa kapasidad ng operasyon ang VSMMC ang pag-upgrade sa Danao hospital ay makakatulong sa pagbibigay ng serbisyo sa norte.
“By establishing a fully capable Level II hospital in Northern Cebu, we will help decongest VSMMC and ensure that patients from distant municipalities will not have to travel far just to get life-saving treatment,” pagtatapos ni Frasco.
(Vina de Guzman)

REP. LEILA DE LIMA, NAGSAMPA NG REKLAMO SA DOJ

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL na naghain ng reklsmo sa Department of Justice (DOJ) si Mamamayang Liberal Party-List Leila De Lima laban sa mga prosecutor.
Nais ng kampo ni De Lima na maimbestigahan ang mga prosecutors na umabuso sa kapangyarihan .
Sa isinumiteng pormal na reklamo ng mambabatas sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty.Dino de Leon, reklamong grave misconduct and gross ignorance of the law ang kanilang inihain.
Sinabi ng kampo ng mambabatas na hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil ang mga prosecutors sa paghahabol sa kaso ni De Lima .
Ayon sa ML Party-List, naabswelto na ito at nadismis na ang kaso sa hukuman.
Noong July 23, inatasan na rin anya nina Justice Secretary Crispin Remulla at Prosecutor General Richard Fadullon sa pamamagitan ng memorandum noong July 23 ang mga DoJ Prosecutors na i-withdraw o iatras na ang Motion for Reconsideration na dating inihain ng DoJ.
Paliwanag ni Atty.De Leon, nais nilang maimbestigahan ang umano’y umabuso sa kapangyarihan na mga prosecutors .
Dagdag pa ng abogado, ang hakbang na ito ay simula pa lamang dahil nais din nilang papanagutin ang mga nasa likod kung bakit ito nakulong noong panahon ng administrasyong Duterte. (Gene Adsuara)

Tulak, tiklo sa Valenzuela drug bust, P204K shabu, nasamsam

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga na naaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
          Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Joseph Talento ang naarestong suspek na si alyas “Bunso”, 38, ng Dulong Tangke, Brgy. Malinta.
          Ayon kay Col. Talento, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek.
Nang magawang makipagtransksyon ng isa sa mga operatiba kay ‘Bunso’, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.
          Matapos umanong tanggapin ni ‘Bunso’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-11:20 ng gabi sa Ibaba St., Brgy. Bignay.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P204,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 cash at coin purse.
          Ani SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 isinampa nila laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Lalaki na akusado sa panggagahasa sa Caloocan, kalaboso

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NALAMBAT ng pulisya ang isa sa Most Wanted Person (MWP) ng Northern Police District (NPD) na akusado sa panghahalay sa isang babaing biktima sa Caloocan City.
          Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni ni District Special Operation Unit (DSOU) Officer-in-Charge P/Lt. Col. Emmanuel Gomez na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang 23-anyos na si alyas “Cris” sa Brgy. 187, Tala, North Caloocan.
          Agad ikinasa ng mga tauhan ng DSOU ang operasyon sa pangunguna ni Lt.Col. Gomez bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC), Family Court Branch 1 laban sa akusado na nahaharap sa kasong panggagahasa.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang dakpin siya ng mga operatiba ng DSOU dakong ala-1:30 ng hapon sa tinutuluyang bahay sa North Sta Rita, Caimito St. Tala, Brgy 187.
Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DSOU-NPD si alyas Cris habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Richard Mesa)

Top 3 sector, makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon mula sa NEP 2026

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANANATILING mga ‘top sector’ ang edukasyon, public works, at kalusugan na makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa ilalim ng panukalang National Expenditure Program (NEP) para sa 2026.
Ayon sa government budget data na isinapubliko, araw ng Miyerkules, ang ‘top three sectors’ ay mayroong parehong ranking sa 2025 NEP.
Ang panukalang national budget para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P 6.793 trillion, 7.4% na mas mataas kaysa sa enacted 2025 budget.
Ang sektor ng edukasyon ay makakukuha ng P928.5 billion allocation, public works ay makatatanggap ng P881.3 billion habang ang health sector ay makakukuha ng P320.5 billion sa alokasyon.
Ang Defense ay umakyat sa fourth place na may P299.3 billion, naungusan nito ang interior and local government sector, na bumaba naman sa fifth place na may P287.5 billion.
Ang Agriculture ay tumaas sa sixth place na may P239.2 billion, pagpapalit ng spot sa social welfare, na ngayon ay nasa 7th place na may P227 billion.
Ang Transportation, 8th place na na may P198.6 billion at Judiciary, 9th place na may P67.9 billion, habang ang labor and employment (P55.2 billion) pumasok sa top 10 kapalit ng justice sector.
Sa kabilang dako, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), sa isang budget briefer, na ang 2026 NEP ay naglalayon na panatilihin ang economic growth momentum ng bansa habang pinalalakas ang commitment na “investing in the Filipino people.”
“With the overriding commitment to fulfill our dream of a Bagong Pilipinas , the National Budget seeks to nurture future-ready generations towards achieving the full potential of the nation,” ang sinabi ng ahensya.
Matatandaang, nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga posibleng pagkaantala ng pagpapatupad ng mga programa, aktibidad at mga proyekto sakaling may mga pagbabago sa mga panukalang pondo para sa 2026.
Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikaapat na ulat sa bayan na kaniyang ive-veto ang 2026 proposed budget sakaling hindi ito akma sa plano ng gobyerno at sambayanang Pilipino kahit magresulta pa ito sa reenacted budget.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na seryoso si Pangulong Marcos sa pagtiyak na dapat wala ng malaking mga pagbabago sa panukalang pondo o National Expenditure Program (NEP), na kilala bilang pondo ng Pangulo.
Paliwanag ng kalihim na pinag-isipang maigi ng Pangulo kung paano babalangkasin ang naturang pondo, kung saan inabot aniya ang punong ehekutibo kasama ang kaniyang mga gabinete ng anim na buwan sa pagbalangkas ng panukalang pondo para sa susunod na taon.
Babala pa ni Sec. Pangandaman na anumang pagbabago sa 2026 national budget na ipinanukala ng Pangulo ay magpapabagal sa implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno, at maaaring maging mahirap para sa mga ahensiya ng gobyerno para ipatupad ang bagong mga programa na isisingit ng mga mambabatas sa mga deliberasyon ng pondo sa Kongreso. ( Daris Jose)

Col. Cayaban, tumanggap ng Leadership at Excellence Awards

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TUMANGGAP si P/Col. Nixon Cayaban, Class President 02-080-DO-2025-001 ng Award of Excellence at Leadership Award sa Closing Ceremony of the Provincial Directors/ City Directors Qualification Course (PD/CD QC) na ginanap noong August 8, 2025 sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City kung saan nagsilbing Guest of Honor and Speaker si Philippine Nation Police (PNP) Chief P/Gen. Nicolas Torre III. (Richard Mesa)

Ads August 16, 2025

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

16 – 4-merged

Ads August 15, 2025

Posted on: August 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

15 – page 4-merged

NBA champion Jaylen Brown, bumisita kay Manny Pacquiao

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Bumisita si 2024 NBA champion Jaylen Brown kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Si Brown ay nasa Pilipinas bilang bahagi ng kaniyang 2025 Asia Tour.
Tulad ng laging ginagawa ni Pacquiao sa kanyang mga bigating bisita, inalok din niya ang Boston star na maglaro ng chess habang nanonood ang iba pang kasamahan.
Nagstare down din ang dalawa bago naglaro ng chess.
Ayon kay Brown, isa si Pacman sa kaniyang mga iniidolo sa sports.
Huling lumaban sa ring ang 8-division world champion nitong buwan ng Hulyo na nagresulta sa isang draw. Ito ang kaniyang unang professional fight kasunod ng naunang pagreretiro, apat na taon na ang nakakalipas.
Hawak naman ni Brown ang 2024 NBA championship ring, kasama ang NBA Finals MVP.

MPBL, pinatawan ng habambuhay na ban si Michole Sorela dahil sa marahas na pagsiko

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Pinatawan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng habambuhay na ban at P200,000 multa si Michole Sorela ng Gensan Warriors matapos ang marahas na foul laban kay Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws noong Lunes, Agosto 11.
Nangyari ang insidente sa 7:33 mark ng third quarter sa Batangas City Coliseum, kung saan biglaang sinuntok ni Sorela si Tibayan habang nagpapatuloy ang laro.
Nawalan ng malay si Tibayan at agad dinala sa ospital, kung saan siya ay na-diagnose na may bali sa panga at concussion.
Sa opisyal na pahayag ng MPBL, kinondena nito ang insidente: “Hindi kami magtutolerate ng ganitong aksyon. Nilalagay nito sa panganib ang mga manlalaro at sinisira ang imahe ng liga.”
Gayunpaman nanalo ang Mindoro Tamaraws sa laro, 76-72.
Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes: “Isa ito sa pinakamalalang insidenteng nakita ko sa basketball. May buong kapangyarihan ang liga na magpataw ng parusa sa ganitong kahindik-hindik na asal.”