• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Malakanyang, hinikayat ang LGUS na magprisinta ng mga ebidensiya sa sinasabing anomalya sa FLOOD CONTROL PROJECTS

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ng Malakanyang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magsumite ng ebidensiya na magpapatunay sa kanyang sinabi na mayroon siyang impormasyon ukol sa iregularidad sa flood control projects.
Sa press briefing sa Malakanyang, tila hinamon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa Magalong na magpakita ng ebidensiya laban sa mga indibiduwal na sangkot sa korapsyon sa flood control projects, na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan.
“At kung ano po ang maitutulong ni Mayor Magalong, mas maganda po na ito’y mailahad niya sa Pangulo,” ang sinabi ni Castro nang hingan ng komento ukol sa akusasyon ni Magalong na may ilang mambabatas ang nambubulsa ng kickbacks na 30 hanggang 40 % ng flood control at infrastructure project funds.
“Iyong sinasabi nilang 67 congressmen, at mukhang sila ay identified na ni Mayor Magalong, hindi po ba mas maganda na ibigay na niya ang report na ito sa ating Pangulo?  At kung kinakailangan ma-idemanda o makasuhan ng may sapat na ebidensiya, agad-agad na din pong gawin,” ang sinabi ni Castro.
Sa kabilang dako, sa alok naman ni Magalong na pangunahan ang imbestigasyon, sinabi ni Castro na nagbigay na ng kautusan si Pangulong Marcos ukol sa mekanismo at sistema para sa imbestigasyon, pagtiyak sa patas at transparent na proseso.
“Unang-una po naibigay na po ng ating mahal na Pangulo ang mekanismo, ang sistema kung papaano ito maimbistigahan. At nagbigay na rin po siya ng direktiba sa Regional Project Monitoring Committees,” ang sinabi ni Castro, tinukoy ang mekanismo sa ilalim ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
“Kung ano po ang meron siya, kung ito po ay kumpleto maari niya po ito isumite agad-agad sa ating Pangulo,” ang winika ni Castro.
“Dahil ang sinabi niya po ay marami niya po siyang nalalaman. So mas maganda po na ito ay detalyado. Hindi po pwede muli na tayo ay magturo lamang,”aniya pa rin. (Daris Jose)

Chezka Centeno, silver medalist sa 2025 World Games matapos makatikim ng masakit na pagkatalo

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Nasungkit ni Chezka Centeno ang silver medal sa women’s 10-ball event ng 2025 World Games sa Chengdu, China, matapos matalo sa dikit na laban kontra kay Yu Han ng China, 6-7.
Bumawi si Centeno mula sa 0-3 na umpisa at muntik nang kunin ang gintong medalya, ngunit dahil sa pagkakamali —isang scratch sa safety play ang nagbigay ng pagkakataon kay Han na dominahin ang huling rack.
Bagama’t talo, masaya pa rin si Centeno sa kanyang naging laban.
Ito na ang ikalawang silver medal ng Team Philippines sa World Games, kasunod ng kay Kaila Napolis (ju-jitsu, women’s 52kg), habang si Carlos Baylon Jr. ay nakakuha naman ng bronze sa wushu sanda 56kg class.
Sa kanyang paglalakbay patungong finals, tinalo ni Centeno sina Mayte Ropero ng Spain sa quarterfinals at Shasha Lui ng China sa semis.
Habang sa preliminaries, pinataob niya si Savannah Easton ng Eastados Unidos bago unang natalo kay Yu Han.

Duplantis muling nagtala ng record sa pole vault

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGTALA ng panibagong world record ang Swedish pole vaulter na si Armand ‘Mondo’ Duplantis.
Nakuha ang clearance na 6.29 meters sa isang torneo sa Budapest.
Ito na ang pang-13 beses na nabasag niya ang record kung saan nitong Hunyo pa lamang ay nagtala ito ng 6.28 meters sa torneo mula sa Stockholm.
Ang nasabing record ay siya ring pangatlo ng 25-anyos na si Duplantis ngayong 2025 na una ay noong Pebrero na mayroong 6.27 meters.
Mula noong maitala ni Sergey Bubka ng Ukraine na siyang unang atleta na nagtala ng clearance ng 6 meters noong Hulyo 13, 1985 sa Paris ay 26 beses na itong nabasag.
Ang 12 ay nalagpasan ni Bubka, 13 beses naman kay Duplantis at isa naman kay Renaud Lavillenie ng France.
Unang nabasag ni Duplantis ang record noong 2020 na mayroong 6.17 meters.

PLANO SA MANILA GARBAGE CRISIS, IBINIDA SA MGMACPLANO SA MANILA GARBAGE CRISIS, IBINIDA SA MGMAC

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILATAG ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang estado ng garbage crisis ng Maynila sa ginanap sa Meeting of Governors and Mayors of ASEAN Capitals (MGMAC) kamakalawa.
Sa naturang forum, ipinahayag  ng Bise Alkalde ang mga tungkuling hinarap nila ni Mayor Isko Moreno ukol sa mga garbage at pre-termination notices for waste collection contracts dulot ng isyu sa pondo.
Isa rin sa binanggit ang pagpasa ng 13th City Council sa Resolution No. 147 na ang layunin ay magkaroon ng kolaborasyon ang gobyerno, private sector, mga mamamayan.
Inihayag din ni Atienza ang istratehiya ng Manila gaya ng Comprehensive 10-year Solid Waste Management Plan (2025-2034), na nais abutin ang 56% waste diversion rate sa pamamagitan ng proactive segregation, recycling at pagpapatayo ng 686 material recovery facilities.
Sa huli, iginiit ang pagsasanib pwersa ng mga lider at mamamayan, para sa mas matatag na pagharap sa mga sakuna.
“When leaders and citizens join forces, as we do in ASEAN, there’s no mess we can’t tackle, no crisis we can’t overcome,” Ani Atienza. (Gene Adsuara)

Sumbong sa Pangulo, nakapagtala na ng 1K reports simula ng ilunsad

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKAPAGTALA na ng mahigit sa 1,000 reports ang sumbongsapangulo.ph website simula ng ilunsad ito ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. , araw ng Lunes.
“As of August 11 to 13, 2025, may 84,892 total views, may 1,148 reports, at may 823 feedbacks,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Hindi naman idinetalye ni Castro ang mga report o sumbong mula sa publiko.
Kamakailan ay pormal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘Sumbong sa Pangulo’ o sumbongsapangulo.ph, isang online platform na magbibigay sa publiko ng access sa impormasyon tungkol sa mga flood control project sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, matagal na rin umanong ginagawa ang naturang website at kahit nasa India siya ay tinatrabaho ito ng pamahalaan.
“(We) put it into a form that is accessible to the public, and most importantly, it is in a form that the public can use so that they can first identify the flood control projects that are within their area,” anang Pangulo.
Dagdag pa niya, maaari ding mag-ulat ng mga iregularidad ang publiko tungkol sa mga proyekto sa kanilang lugar at mapapadali ang paghahanap dito sa pamamagitan ng interactive map feature.
“If they already have information, they can tell us about it. Kung maganda ang naging project, kung hindi naging maganda ‘yung project, anong naging problema,” lahad nito.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na mahalaga ang partisipasyon ng mga Pilipino sa pagtukoy ng mga anomalya at sa pagpapatupad ng transparency sa P545 bilyong flood control program.
“Of course, we want the people who have taken advantage of the system to pay… And if there is evidence of corruption, of embezzlement, of any kind of wrongdoing, that’s when we will move,” aniya.
“We cannot do all of this without the help of the ordinary citizen,” dagdag pa ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

PBBM, nangako na magtatayo ng 10 bagong makabagong fish ports sa Pinas

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINAPUBLIKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang plano na magtayo ng 10 bagong fish ports na may ‘state-of-the-art facilities at mga kagamitan’ sa bansa.
Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na i-develop ang agri-fishery sector at makamit ang food security.
Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang commitment habang pinangunahan ang inagurasyon ng ‘rehabilitated and improved’ Philippine Fisheries Development Authority – Iloilo Fish Port Complex (PFDA-IFPC) sa Barangay Tanza-Baybay, Iloilo City.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, tinukoy nito ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga bagong fish ports na may pinakamahalagang istraktura gaya ng cold storage facilities, para palakasin ang operational efficiency at tugunan ang logistics issues.
“Kaya inaayos natin itong mga fish port na ganito para dito puwedeng isakay kaagad. Hindi na kailangan isakay sa truck, tapos kung saan-saan pa dadalhin. Napakalaki ang bayad ng transportasyon,” ang sinabi ng Pangulo.
“I’m looking forward ngayon doon sa ating ibang itatayo na… Iyon hindi na rehabilitation ‘yun, bago ‘yun,” dagdag na wika nito.
Ayon pa sa Pangulo, kailangang makipagsabayan ang Plipinas sa mga neighboring countries nito gaya ng Thailand at Vietnam, na pinagtibay ang kahalintulad na sistema para gawing mahusay ang sektor ng pangisdaan, maging globally competitive, at mapalakas ang food production.
Ang mga bagong fish ports ay magiging kapaki-pakinabang sa mahigit sa 2 milyong mangingisdang filipino, inaasahan na mas lalaki ang kita ng mga ito.
“This is why our infrastructure is important, dahil kahit na simpleng-simple lang na disenyo, eh mayroon lang tayong hallway na malaki, napakalaking bagay na kasi magiging sentro na ‘yan para sa ating mga mangingisda na connection,” aniya pa rin.
“They have a connection to our ice plants, they already have a connection to frozen food retailers, to retailers – the small ones and then the small stores that sell them,” ang winika nito.
Ang rehabilitated fish port, pinondohan sa pamamagitan ng Multi-Year National Government Subsidy ng PFDA na may contract price na P885.14 million, ay nakompleto noong Marso, tampok ang mga makabagong pasilidad at dinagdagang kapasidad upang mas makapagsilbi sa mga kliyente at mga stakeholders.
Ang rehabilitated PFDA-IFPC naman ay mayroong 390-kilowatt peak (kWp) Solar Photovoltaic (PV) system na may 1,152 370-watt PV solar panel modules na may nakakabit na pinakamahalagang istraktura kabilang na ang bagong market hall, refrigeration building, cold storage facility, commercial building, public toilet, at administration building.
“Serving as a bustling hub of fisheries and trade in Western Visayas, the PFDA-IFPC is home to more than 1,400 industry players who drive the region’s economy,” ayon sa ulat.
Samantala, sa loob ng bagong market hall ay ang 21 licensed fish brokers na suportado ng 369 helpers, 503 fish viajeros na may 344 helpers, kasama ang 66 major overland fish suppliers, pitong fishing vessel operators, at 37 retailers na tutulungan ng 74 personnel, lilikha ng ‘connected at fast-moving fishery supply chain’ mula karagatan hanggang pamilihan. (Daris Jose)

3 kelot na nagnakaw sa kumpanya sa Valenzuela, arestado

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa selda ang tatlong lalaki na nagsabwatan sa pagnanakaw sa isang kompanya noong nakaraang linggo matapos malambat sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, pinasok ng mga suspek ang Webert Marketing Corp. sa P. De Guzman St., Brgy. Parada dakong alas-2 ng madaling araw at tumakas, tangay ang malaking halaga ng salapi, mga mobile phones, at mga selyado pang electrical wires.
Bumuo ng Special Investigation Team si Col. Talento sa pangunguna ni P/Maj. Jose Hizon, Assistant Chief of Police for Operation at P/Capt. Robin Santos, OIC ng Station Invetigation and Detective Management Section na silang nagsagawa ng backtracking sa mga kuha ng CCTV camera.
Nagawang matunton ng pulisya nitong Lunes ng gabi ang mga suspek na sina alyas “Edwin”, 34, at “Edward”, 20, sa harap ng Barangay Hall ng Maysilo, Malabon City at nabawi sa kanila ang gamit na motorsiklo, ninenok na mga mobile phones, bolt cutter, electric wires, at ilang dokumento.
Ikinanta naman ng dalawa ang kanilang kasabuwat na si alyas “Gerald”, 33, na caretaker ng kompanya na kalaunan ay nadakip din nitong Miyerkules at nakuha sa kanya ang P14,000 na bahagi ng nakulimbat na salapi. (Richard Mesa)

Medical cannabis para sa medikal o therapeutic purposes, muling inihain

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING inihain ng isang mambabatas ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana para sa medikal o therapeutic purposes.
Nakapaloob ito sa House Bill (HB) No. 420 na inihain ni Camsur Rep. Miguel Luis “Migz” Villafuerte.
Umaasa ito na maipapasa ngayon 20th Congress ang panukala na magbibigay ng kahit kaunting kaginhawaan sa mga Pilipinong dumaranas ng epilepsy sa pamamagitan ng paggamit ng non-addictive strain ng marijuana.
Ipinanukala rin sa HB 420 ang pagbuo ng Medical Cannabis Office (MCO) bilang pangunahing regulatory, administrative at monitoring agency na siyang mangangasiwa sa importation, cultivation, manufacture at paggamit nito sa bansa.
“This proposed legislation seeks to legalize the medical use of cannabis for qualified patients. It establishes the MCO under the Department of Health (DOH), and which shall exercise administrative, regulatory, and monitoring functions on medical cannabis use, including its cultivation, importation, production, and distribution,” ani Villafuerte.
Legal sa nasa 60 bansa ang paggamit ng medical cannabis kabilang na ang Australia, Canada, Germany, Israel at United Kingdom (UK).
(Vina de Guzman)

Badyet, uumpisahang talakayin ng Kamara sa Agosto 18

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG talakayin ng kamara sa Lunes (Agosto 18) ang pagrerebyu at deliberasyon ng National Expenditure Program (NEP) para sa panukalang P6.793-trillion national budget para sa fiscal year 2026, natinatayang tatapusin pagdating ng Oktubre 10.
Inihayag ito ni House Committee on Appropriations chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing sa isang press briefing matapos na isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang NEP kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Miyerkules.
“As we always do and as the Speaker said, we will do our best to finish the budget as soon as possible. So we will work hard po, tuluy-tuloy iyong ating mga deliberasyon para po kung kakayanin natin ay ma-approve na rin po on third and final reading. We will work as fast as we can at kung anuman po ang kaya nating tapusin on Oct. 10,” ani Suansing.
Orihinal na nakatakdang umpisahan ng Kamara ang deliberasyon ng badyet simula Setyembre 1, 2025. Sa pagkakasumite ng NEP, maagang sisimulan ang pagtalakay dito na gagawain sa Lunes (agosto 18).
Sinabi ni Suansing na nakalista na ang gagawing reporma ng kamara tulad ng pagbuwag sa small committee, open bicam at pagsali ng civil society organizations (CSOs) sa committee deliberations.
“We would like to do the reforms in the course of the (budget) deliberations. That’s why we want to allow for more time for the deliberations so we are starting on Aug. 18 all the way through Oct. 10,” pahayag nito.
(Vina de Guzman)

One-strike policy vs. corrupt engineers

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad magpatupad ng one-strike policy laban sa mga personnel, partikular na ang mga district engineers na napatunayang sangkot sa korupsyon o iregularidad sa kanilang hurisdiksyon.
Ayon kay Santos, importante na magkaroon ng agarang aksyon upang maibalik ang tiwala ng publiko at masiguro na ang pondo para sa imprastraktura ay nagagamit ng tama at transparent para na rin sa ikabubuti ng komunidad.
“Public works projects are vital to national development. We cannot allow corrupt practices to compromise the quality, safety, and integrity of these initiatives. DPWH Secretary Manuel Bonoan must adopt a zero-tolerance approach, and that starts with immediately removing officials involved in anomalies,” anang mambabatas.
Isinuwestiyon pa ng bagitong mambabatas na ilipat o ilagay sa floating status ang sinumang district engineer na napatunayang sangkot sa korupsyon, ghost projects, bribery mula sa contractors, at iba pang anomalya.
Inihalimbawa nito ang ginawa ng Philippine National Police may limamg taon na ang nakalilipas na one-strike policy sa kampanya nito laban sa illegal gambling, agad na pag-relieve sa station commanders na nabigong umaksyon laban sa naturang aktibidad sa kanilang lugar.
Ganito ring polisiya ang ipinatupad sa mga hepe ng pulisya na ang subordinates ay nahuli o nakasuhang sangkot sa illegal drugs.
(Vina de Guzman)