• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:11 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

HIGH-VALUE DRUG PERSONALITY NAARRESTO NG PDEA SA ANTIPOLO CITY BUY-BUST OPERATION

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang isang suspek na tinaguriang high-value drug personality sa isang buy-bust operation sa kahabaan ng Michelle Street, Blue Mountain, Batangay Sta Cruz, Antipolo City, Rizal noong Agosto 14, 2025 ng 11:20 AM.
Nadakip ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Rizal Provincial Office, PNP RIU4A-PIT at Antipolo City Police Station ang suspek na kinilalang si alyas Anowar, 36, lalaki, may asawa, residente ng Better Living Subdivision, Paranaque City habang nananatiling nakalaya si alyas Nor.
Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu at isang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek na pansamantalang nakakulong sa PDEA Regional Office 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna. (PAUL JOHN REYES)

Pinas, patuloy na nakikipag-usap sa Estados Unidos ukol sa planong 100% semiconductor tariff ni Trump– Romualdez

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY na nakikipag-usap ang Pilipinas sa Estados Unidos kaugnay sa plano ng administrasyong Trump na magpataw ng 100% tariff sa semiconductors at computer chips.
Nagbabala naman si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang bagong US tax policy ay makasasakit sa dalawang pinakamalaking export industries ng Pilipinas.
Nagpahayag naman ng paga-alala si Romualdez sa pagpapataw ng ‘fresh steep tariffs’ na kanyang inilarawan bilang “very disturbing” ay makaaapekto sa global semiconductor supply chain, makakaapekto sa “a lot of companies, not only here in the Philippines, but all over the Asia-Pacific region.”
“We are asking our friends also from other organizations that have been helping us…to be able to exempt this particular industry, especially those that have been established here in the Philippines for so many decades now,” ang pahayag ni Romualdez sa moderated discussion kasama ang media sa isinagawang US-ASEAN Business Council meeting sa Maynila.
Winika ni Romualdez na ang epekto sa semiconductor manufacturing industry sa Pilipinas ay “substantial” kung ang bagong ikot ng mga taripa ay matutuloy.
Ang Pilipinas ay ang ‘ninth-largest chip exporter’ ng buong mundo at ang semiconductor sector ay ang pinakamalaking export industry ng bansa.
“It’s a very substantial amount. I can just tell you that it’s very important for us to make sure that this industry is maintained here,” ang sinabi ni Romualdez sa hiwalay na panayam.
“American semiconductor manufacturer Texas Instruments, which has maintained decades-long presence in the Philippines, for example, recently made huge investments in the country, but remains “in limbo” until details on the new chip tariff are finalized,” ayon pa rin kay Romualdez.
Ani Romualdez, nagpapatuloy ang konsultasyon kasama ang US trade officials, ang US-ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce at ang Semiconductor Association sa Estados Unidos at Washington D.C.
Sa ulat, inanunsyo ni US president Donald Trump na magpapatupad siya ng 100 porsyentong taripa sa mga semiconductor na gawa sa labas ng bansa, bagama’t magkakaroon ng mga eksepsyon para sa mga kumpanyang namuhunan na sa US.
Lumabas ang balitang ito matapos ang hiwalay na anunsyo na mag-iinvest ang Apple ng $600 bilyon sa US, ngunit hindi ito ikinagulat ng mga tagasubaybay sa Amerika.
Sinabi ni Trump sa na plano niyang ihayag ang bagong taripa sa semiconductors sa loob ng susunod na linggo o higit pa, ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye.
Kaunti rin ang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ipatutupad ang mga taripa, ngunit mabilis na nagbigay ng reaksiyon ang mga semiconductor powerhouse sa Asya ukol sa posibleng epekto nito.
“Manila, on the other hand, is still in the process of finalizing details on the new 19% duties imposed by the Trump administration on Filipino products entering America,” ang tinuran ni Romualdez sabay sabing hindi lahat ng US imports ay duty-free.
“The tariff on the Philippines is considered final, he said, but trade officials from Manila and Washington are “still on the negotiating stage” on the specifics and exemptions contained in the trade deal. US agricultural products are likely not included in the list of duty-free American goods,” ang sinabi ni Romualdez.
“Of course, we have to consider the agricultural sector, which is very important for us,” aniya pa rin

Pinas sa Washington:  Ikonsidera ang Subic bilang warship manufacturing hub

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos na ikunsidera ang bansa bilang potential manufacturer nito ng US warships, habang naghahangad ang Washington, DC na patatagin ang fleet nito sa susunod na 30 taon.
“Subic, obviously the (former) Hanjin Subic Shipyard, is (in) shipbuilding operation and we’re sure it could possibly be part of what the United States is looking at,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, araw ng Huwebes sa isang panayam sa sidelines ng US – Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Council meeting.
Layon aniya ng Estados Unidos na buhayin ang long-stalled shipbuilding industry nito, habang aktibo na ang shipbuilding operations ng Pilipinas.
“(The US) wants to increase their shipbuilding industry. It’s been sort of like on hold for many years, decades, and now they are reviving it. Ours is already operating right now,” ang sinabi pa rin ni Romualdez.
Ang panukala aniya na magtayo ng US Navy ships sa Subic shipyard, tinatawag ngayon na Agila Subic multi-use facility, ay napag-usapan sa nakalipas na pagpupulong kasama ang Pentagon.
Sa nasabing pagpupulong, hinikayat ni Romualdez ang mga US stakeholders na palawigin ang defense industrial partnerships kasama ang Pilipinas habang namumuhunan sa ibang mahahalagang sektor.
“Economic strength is the foundation of strategic strength. When US companies invest here, it’s not just about returns on capital. It’s about returns on alliance,” aniya pa rin sabay sabing ang mas malakas na ekonomiya ng Pilipinas ay mas may kakayahan at maaasahang US defense partner.
Maliban sa shipbuilding, pinag-usapan din ng Estados Unidos at Pilipinas ang “defense manufacturing plants” sa bansa, kabilang na ang usapin hinggil sa ‘ammunition at drone production.’
Habang dine-develop ng Estados Unidos ang national defense strategy nito, sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na umaasa ang Washington, DC ng “continued positive upward trajectory” ukol sa ‘defense at security ties’ sa susunod na mga taon.
Sa kabilang dako, tinipon ng US-ASEAN Business Council ang 35 US companies sa Pilipinas mula Aug. 11 hanggang 14, itinuturing na pinakamalaking ‘business mission’ sa bansa.
Dinala din nito ang Aerospace, Defense, and Security (ADS) Mission sa Pilipinas, kasama ang 26 leading US companies sa larangan ng defense and security sectors para makilahok.
“With close to 60 companies joining this historic back-to-back business missions, the US private sector demonstrates its steady, deep, and enduring commitment to the Philippines as a key partner in the region,” ang sinabi ni US-ASEAN Business Council Senior Vice
President and Regional Managing Director Ted Osius.
“The US-Philippines relationship is a unique one, and our delegation reflects our collective commitment to supporting the Philippines’ long-term economic growth, innovation, and regional competitiveness,” aniya pa rin.
(Daris Jose)

DOE, pinangunahan ang pagrerepaso sa nuclear laws

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN na ng Nuclear Energy Program-Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ng gobyerno ang masusing pagrepaso sa umiiral na ‘nuclear laws, regulations and policies’ para ihanay sa layuning i-diversify ang energy mix ng bansa para sa higit na seguridad at mas malinis na power generation.
Ang pagrerebisa ay nagsimula noong Aug. 12 at magtatapos ngayong araw ng Biyernes, Agosto 15,
ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa katunayan, pinulong ng NEP-IAC’s Subcommittee 3 ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at stakeholders para suriin ang kasalukuyang legal frameworks at tukuyin ang susog o pagbabago o mga pagpapahusay na kinakailangan para suportahan ang ligtas, secure at napapanatiling paggamit ng modern nuclear technology sa bansa.
“We want to make sure that all legal hurdles are cleared before we take major steps forward in fulfilling our nuclear power objectives. From the review of the laws and issuances, we will propose enactment or amendment of laws as appropriate,” ang sinabi ni DOE Legal Services Director Myra Fiera Roa.
Ikinasa ang inisyatiba habang kinokonsidera ng gobyerno ang nuclear power na kabilang sa maaaring opsyon para tugunan ang mga hamon sa ‘energy supply, at security and environmental sustainability.’
Buwan ng Hunyo, niratipikahan ng Kongreso ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act, lumikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM), isang independent body na inatasan na pangasiwaan ang lahat ng aspeto ng nuclear energy infrastructure — mula sa lokasyon at konstruksyon hanggang sa paglilisensya, kaligtasan at operasyon.
( Daris Jose)

Susunod na hakbang ukol sa GSIS investment, pinag-aaralang mabuti ni PBBM- Malakanyang

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MALALIMANG pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang susunod na hakbang kaugnay sa kontrobersiyal na Government Service Insurance System (GSIS) P1.4 billion investment sa nakatalang renewable energy firm Alternergy Holdings Corporation.
”Kanina lamang po ay tinanong natin ang opinyon dito at ayon sa Pangulo ay inaaral pa po ito ng mas malaliman. Most probably by next week ay mayroon po tayong maibibigay na update patungkol po diyan,” Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Nauna rito, inilagay ng Office of the Ombudsman si GSIS President Jose Arnulfo “Wick” Veloso at anim na iba pang opisyal sa ilalim ng preventive suspension ‘without pay’ ng anim na buwan sa gitna ng imbestigasyon sa P1.4 billion deal sa Alternergy.
Sa isang kautusan, may petsang July 11, sinabi ng Ombudsman na Ayon sa Ombudsman, may nakitang sapat na basehan para suspendihin si Veloso at anim pang opisyal ng GSIS sa posibleng grave misconduct, gross neglect of duty, at violation of reasonable office rules and regulations dahil sa pagbili sa stock mula sa AlterEnergy Holdings Corporation na nakakahalaga ng P1.4 bilyon.
Sinabi naman ni Veloso, na makikipagtulungan ito sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa ginawang investment ng GSIS sa Alternergy. ( Daris Jose)

Kelot na armado ng baril, arestado sa Caloocan

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BAGSAK sa kulungan ang 24-anyos na lalaki matapos inguso ng isang marites sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) hinggil sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang pagala-gala at tila may inaabangan sa Hasa Hasa Alley, Brgy. Longos.
Agad inatasan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, Officer-In-Charge ng DSOU ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar na agad namang rumesponde at nakita ng mga ito ang suspek na may bitbit na baril dakong alas-11:10 ng gabi.
Maingat siyang nilapitan ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez bago sinunggaban ang hawak niyang baril na isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Nang walang naipakita ang suspek na si alyas “Ungas” na kaukulang dokumento na nagpapatunay na magmay-ari at magdala siya ng baril ay pinosasan siya ng mga pulis.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni ni NPD Acting Ditrict Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting team sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagresponde na dahilan ng agarang pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

2 tulak, nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga matapos nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Charl”, 30, massage therapist ng Brgy. 14, Caloocan City.
          Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makipagtransaksyon umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa kanya sa P. Aquino St., Brgy. Tonsuya.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 140 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may katumbas na halagang P16,800 at buy bust money.
          Sa Navotas, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas Police OIC Chief P/Col. Renante Pinuela Ang 46-anyos na tulak sa buy bust operation sa Road 10, Brgy., NBBN at nakuha sa kanya ang nasa 4.99 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P33,932.
          Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon at Navotas Cities Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Lobby ng pribadong paaralan inararo ng SUV, 6 estudyante,1 staff, sugatan

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PITO, kabilang ang anim na estudyante ang sugatan matapos araruhin ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) ang lobby ng isang pribadong paaralan sa Caloocan City, Huwebes ng hapon.
Lumabas sa imbestigasyon na nasa lobby ng Basic Education Building ng Manila Central University (MCU) Campus sa Brgy. 81, ang mga biktima na pauwi na sana matapos ang kani-kanilang klase nang biglang humarutot ang isang SUV na may plakang TQK 469 dakong alas-4:23 ng hapon papasok sa gusali na dahilan upang mahagip ang mga estudyante.
Kaagad dinala sa MCU Hospital ang mga biktima sina alyas “Hayley”, 8, at amang si alyas “Mark”, 37, na estudyante rin sa paaralan, alyas ” Xaria”, 8, alyas “Marica” 13, alyas Mattheus” 17, alyas “Patrick” 18, at ang faculty staff ng paaralan na si alyas “Nesh”, 35, na pawang nagtamo ng mga pasa at sugat sa kani-kanilang katawan.
Kusang loob naman na sumuko ang 70-anyos na driver ng SUV na si alyas “Lolo Manny”, residente ng Brgy. 84, na susundo sana sa kanyang babaing apo na nag-aaral din sa naturang paaralan at inako ang kasalanan na aniya ay hindi niya kagustuhan.
Sa pahayag ng driver kay Caloocan Acting Chief of Investigation and Detection Management Section (IDMS) P/Capt. Rommel Caburog, paparada na sana siya sa tapat ng entrance ng gusali ng paaralan nang hindi niya sinasadyang matapakan ang silinyador ng sasakyan na dahilan upang nagdire-diretso ito sa loob ng gusali.
Mabuti aniya ay nakabig pa niya sa kaliwa ang manibela nang mamataan niya ang napakaraming estudyanteng naglalabasan na sa gawing kanya. “Buti at nakabig ko sa kaliwa, kung hindi, ang daming mga batang masasagi,” pahayag ni lolo Manny.
Bagama’t handa ang driver na tulungan sa gastusin sa ospital ang mga biktima, sasampahan pa rin siya ng pulisya kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injures at damage to property sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

QC LGU, DHSUD TARGET ANG RENTAL HOUSING SCHEME O 4PH PROGRAM PARA SA MGA INFORMAL SETTLER

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKIPAGPULONG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na pinangunahan ni Secretary Engr. Jose Ramon Aliling upang talakayin ang mga programang pabahay sa Lungsod Quezon.
Batay sa isinagawang pagpupulong nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at QC Mayor Joy Belmonte, kanilang napagkasunduan na alisin ang mga informal settler families na naninirahan sa mga delikadong lugar at nahaharap sa panganib lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Aabot sa 13,000 pamilya na naninirahan sa iba’t ibang daluyan ng tubig sa Qurezon City ang target na mailigtas sa sakuna na dulot ng mga pagbaha sa tuwing may nararanasang malakas na pagbuhos ng ulan at bagyo.
Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang paglulunsad ng proyektong pabahay o expanded 4ph program para sa mga mahihirap na sektor na nangangailangan ng serbisyo sa lungsod.
Ayon kay DHSUD Sec. Aliling, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilikas ang mga residenteng nakatira sa mga tabing ilog, estero at iba pang daluyan ng tubig at ilipat sa disente at ligtas na lugar.
Katuwang ang DHSUD, dadagdagan pa ng lokal na pamahalaan ang mga rental housing projects para sa informal settler families.
Sinabi naman ni Mayor Belmonte, handa ang QC Local Government na magbigay ng angkop na lugar para sa programang rental housing scheme para sa mga apektadong residente.
Dumalo sa pulong sina Usec. Marisol Anenias, Usec. Eduardo Robles Jr., Asec. Frank Gonzaga, Director Mario Mallari, Chief of Staff Rowena Macatao, at Housing Community Development And Resettlement Department Head Atty. Jojo Conejero. (PAUL JOHN REYES)

Poll chief: Voter registration, ipagpapatuloy sa Oktubre

Posted on: August 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKARAANG  pirmahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula December 1, 2025 sa Nobyembre 2026, pagpapatuloy naman ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre ang voters registration.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ay isang magandang development para sa poll body dahil nagkakaliwanag na ang isyu sa pagdaraos ng halalan at magiging epektibo matapos ang 15-araw nang pagkalathala sa mga pahayagan o sa Official Gazette.
Gayunman, maaari pa rin aniya itong kuwestiyunin ng sinuman sa Korte Suprema.
Matatandaang plano ng Comelec na magdaos muli ng voter registration sa ikatlong linggo ng Oktubre hanggang sa Hulyo 2026 kung ipagpapaliban ang 2025 BSKE.
Kamakailan lamang ay nagtapos na ang 10-araw na voter registration na idinaos ng poll body mula Agosto 1 hanggang 10, kung kailan, halos 2.8 milyong botante ang nagparehistro.