NAGSASAGAWA na ang gobyerno ng pangunahing reporma para palakasin ang maritime industry ng bansa at tiyakin ang kahandaan ng susunod na henerasyon ng mga filipino seafarers.
Sa isinagawang commencement exercises ng Philippine Merchant Marine Academy’s (PMMA) Kadaligtan Class of 2025 sa San Narciso, Zambales, tinukoy ni Pangulong Marcos ang mga mahahalagang inisyatiba na naglalayong paghusayin ang ‘training quality at global competitiveness’ ng Philippine maritime workforce.
“Each path is different, but you carry the same compass guiding you towards excellence and service. The seas are rife with danger. It will test you, it will push you to your limits, but above all, it will shape you into the mariner that you are meant to be,” ayon sa Pangulo.
“I believe your safe arrival at your destination is a triumph for yourself and for the people that you serve. Kaya naman tinitiyak ng pamahalaan na mas matibay at mas mataas ang antas ng pagsasanay ng ating bansa,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Pangulo na masusukat ng National Merchant Marine Aptitude Test ang kahandaan ng mga estudyante na ituloy ang maritime courses sa tertiary level, tiyakin na taglay nila ang kinakailangang foundational skills na kailangan para sa napakahigpit na academic at practical training.
Winika pa ng Pagulo na isinasapinal pa ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang ‘maritime education at training program’ para pahintulutan ang’ smoother transition’ mula sa non-degree programs tungo sa full maritime degrees, buksan ang oportunidad para sa mga Filipino seafarers.
Aniya pa, tinatrabaho rin ng MARINA ang pagpapalawak sa oportunidad para sa onboard training.
“To our cadets, do not forget to carry your mission and carry on the tradition of excellence of the PMMA. Let this day inspire you to live up to your class’ name, bringing your own light event to the darkest of seas,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang Kadaligtan Class, kumakatawan sa “Kawal ng Dalampasigan, Liwanag ng Karagatan,” binubuo ng 252 kadete, na may 144 graduating ng Bachelor of Science (BS) in Marine Transportation at 108 naman ay BS in Marine Engineering.
Sa kabilang dako, hinirang si Midshipman 1st Class Marc John Castañeto mula Llanera, Nueva Ecija, bilang ‘top of the class.’ Siya ay anak ng retiradong elementary school teacher at isang retiradong bus conductor.
Ang PMMA ay isang government-funded institution na itinatag 205 taon na ang nakararaan, “dedicated to maritime higher education, producing the finest Filipino merchant marine officers to serve in marine and maritime-related industries worldwide.”
“Its graduates are bound to join the Philippine Navy, Philippine Coast Guard, and Merchant Marine Fleet as licensed marine engineers and deck officers, playing key roles in the global maritime industry and in strengthening the country’s maritime defense,” ayon sa ulat. ( Daris Jose)