
PERSONAL na binisita ngayong araw ng Lunes, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Department of Health – Eastern Visayas Medical Center (DOH EVMC) para muling pagtibayin ang commitment ng kanyang administrasyon na magbigay ng ‘accessible, equitable, at high-quality healthcare’ para sa bawat Filipino.
“Nandito tayo ngayon sa Eastern Visayas Medical Center at napunta lang ako dito because I wanted to see kung maganda naman ang patakbo sa ‘yung ating zero billing na ginagawa ngayon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kasama si Health Secretary Dr. Teodoro J. Herbosa, tsinek ng Pangulo ang ganap na implementasyon ng ‘Bayad na Bill Mo o zero balance billing program ng DOH hospital, upang siguruhin na walang filipino na in-admit sa basic accommodation sa DOH hospital ang may pasanin sa pananalapi ng mahahalagang pangangalagang medikal.
Ang high-level visit ay kinabilangan ng talakayan kasama ang mga opisyal ng ospital sa pangunguna ni Medical Center Chief, Dr. Joseph Michael Jaro, frontline healthcare workers, at mga pasyente para i-assess ang epekto ng Bayad na Bill Mo program.
Ginarantiya naman ni Pangulong Marcos na “no out-of-pocket expenses” para sa kahit na sino mang mamamayang Filipino na naka-admit sa basic accommodation sa DOH hospitals, kabilang na ang DOH EVMC.
“Wala na sila. Walang dagdag na bayad, wala ng dokumento, wala ng kailangang gawin. Pipirma na lang, puwede na lang nilang iuwi ang kanilang pasyente,” ang sinabi pa rin ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“Ang pasyente lang o ‘yung kanyang pamilya. Well, what they have to do? Kagaya ng ginawa nitong ating kaibigan. She just came down to bring – parang hotel, mag-check out. Kasi kung titingnan ninyo wala na ang ano, zero talaga, zero billing. Wala na siyang kailangang bayaran. Ito ‘yung contribution nung PhilHealth, ito ‘yung sa DOH. So, makikita ninyo talagang ganyan na,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, inikot naman ng Pangulo ang mahahalagang hospital facilities at personal na nakipag-ugnayan sa mga benepisaryo na nakaranas ng ‘life-changing benefits ng programa.’
Bilang pinakamalaking DOH-run hospital sa rehiyon, ang DOH EVMC ay isang Level 3 tertiary hospital na may iimplementing bed capacity na 1100. Nagbibigay ito ng mahalagang health services hindi lamang para sa mga pasyente mula Tacloban City at Leyte, kundi maging mula sa Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Biliran, at maging sa ibang lalawigan na kalapit ng rehiyon.
“With 17 specialty centers, DOH EVMC serves as a key referral facility for complex and high-risk cases across the region – solidifying its role as a cornerstone of healthcare delivery in Eastern Visayas and a vital partner in achieving the Bagong Pilipinas vision of health equity and resilience,” ayon sa ulat.
“DOH EVMC continues to enhance its systems to expand the efficiency, transparency, and reach of the BBM program amid growing patient demand. These advancements reflect the Marcos administration’s whole-of-government approach to healthcare reform, where no Filipino is left behind,” ayon pa rin sa ulat.
Samantala, ang pagbisita ng Pangulo ay nagpatibay lamang sa kanyang pangako na “healthcare is a right, not a privilege.”
Sa pamamagitan ng personal na pagmo-monitor sa reporma, binigyang diin ng Pangulo ang kanyang pananaw na “every Filipino deserves dignity, protection, and care—dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.”
( Daris Jose)