• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Ads August 20, 2025

Posted on: August 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

20 – 4-merged

Bukod sa kulong may P1-M danyos sa bawat miyembro: BINI, tuluyan nang nagsampa ng kaso laban sa isang indibidwal

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TULUYAN nang nagsampa ng reklamo ang Nation’s Girl Group na BINI laban sa hindi pa pinangalanang indibidwal.
Personal na nagtungo ang mga miyembro ng naturang grupo na kinabibilangan nina Gwen, Aiah, Sheena, Mikha, Maloi, Jhoanna, Stacey at Colet sa Hall of Justice ng Santa Rosa, Laguna nitong Lunes, August 18
Kasama ng BINI ang kanilang legal counsel na si Atty. Joji Alonso sa pagsasampa ng kaso na ayon sa kanya ay hindi libel case.
“It is a case for cybercrime under Section 4B and 6 of RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 in conjunction with unjust vexation under Article 287 of the RPC,” pahayag ni Atty. Joji.
This emanated from the splicing of a 25-minute video of the BINI members, trying and rating Filipino street food. The uploaded spliced version was cut to 2-minutes and only showed only their negative reactions, completely changing the show’s narrative.
“This fueled online hate and bashing against BINI. This even escalated to personal attacks, name-calling, and grave insults. The malicious splicing of the video unjustly threw them in a bad light, causing irreparable emotional and mental distress.
“It must be remembered that freedom to post online is not an absolute right, and must be accompanied by truth, accountability and responsibility. Right to free speech ends when it starts to malign reputations or cause harm and damage upon others.”
Dagdag paliwanag pa ng celebrity attorney, “BINI is taking a strong stance against this digital form of abuse which is prevalent. Literally anyone may fall victim. In filing this case, BINI stands as a voice in fighting for all those who remain unheard.”
Kapag napatunayan ang kinakasuhang personalidad, maaari itong maparusahan ng pagkakulong hanggang anim na taon.
“Penalty is here is not that small, ha. It’s prision mayor, which is imprisonment of six years and a day to twelve years.
“And on top of that I’d just like to add, we also are asking damages in the amount of P1 million for each girl,”  sambit pa ni Atty. Joji.
 
(ROHN ROMULO)

Robert Pattinson’s ‘Batman’ Could Meet David Corenswet’s ‘Superman’ in the DC Universe

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THERE is a possibilities of seeing Robert Pattinson’s Batman meeting David Corenswet’s Superman in the DC Universe get addressed by one of the key creatives from the 2025 film.

Following the Superman ending, the Man of Steel’s latest cinematic journey has just begun, with DC Studios already working on bringing Krypton’s last son back to the DCU.

Time will tell what other DC characters David Corenswet’s hero will cross paths with after the Superman post-credits scenes, as there are plenty of options for him in the franchise. One of the most famous ones that fans are looking forward to seeing Superman with is Batman, while some are specifically wanting Pattinson’s version to be the one to team up with Corenswet.

ScreenRant’s own Joe Deckelmeier recently interviewed Wētā’s Guy Williams, who worked on Superman as a VFX supervisor, about the making of the DCU installment. When Williams was asked if he could ever see Pattinson’s Batman fitting into the same world as the DCU’s Superman from a visual aesthetic standpoint, he shared the following:

Guy Williams: That is a hell of a good question. I would say yes. You’ve got to understand, directors are some of the most amazing creative people in the world. Their job is to figure out how to take a concept that barely holds in your brain and turn it into a two-hour story that you can see. So, I guarantee you that there’s a handful of directors out there that could figure out how to tie those two together and make it work. It’s like saying, “Do you think that Rogue One Star Wars fits into the universe of the original Star Wars?” Because Rogue One was a lot darker than the original Star Wars trilogy.

There’s a certain assumption that cinematography is the emotion that the viewer feels when they’re watching a film as aprivileged voyeur, for lack of a better term. And if I watch dogs running on a beach, and then I watch war, my brain sees those different ways. So to say that just because one’s sunny and one’s dark doesn’t mean that dogs exist in a different world and can never be on a beach.

There are movies that do that all the time, where you have a horrific movie and, all of a sudden, the guy looks out to the water and sees a moment of beauty, and it reminds him that the world’s [beautiful.] I totally see that you could tie those two together.

Pattinson is set to reprise the role of the Caped Crusader in 2027’s The Batman 2, with Matt Reeves back to direct the latest installment. As of right now, The Batman 2 filmingis set to begin in 2026, with a handful of actors from 2022’s The Batman returning for the sequel. (Source: screenrant.com)

Tim Cone walang balak na baguhin ang ‘Triangle offense’ na ipinapatupad sa Gilas Pilipinas

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALANG balak si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na palitanang ipinapatupad nitong triangle offense.
Ito ay dahil sa batikos ng maraming mga fans na luma na ang nasabing sistima.
Dagdag pa nito na kahit dekada na niya itong ipinapatupad ay tanggap na rin niya ang mga puna at batikos ukol sa nasabing sistema.
Giit nito na magiging katawa-tawa lamang siya kung ang ituturo niya ay ang sistema na hindi niya kabisado.
Sa mga nababasa niyang mga puna ay kaniya itong pinag-aaralan kung ano ang mga maaring pagbabago na kanilang ipapatupad.
Magpapatuloy pa rin itong gampanan ang trabaho ng tama para tuluyang mangibabaw ang Gilas Pilipinas sa mga torneo.

Australia nagkampeon sa FIBA Asia Cup kontra China 90-89

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGKAMPEON ang Australia sa FIBA Asia Cup laban sa China 90-89.
Hawak ng China ang kalamangan kung saan umabot pa sa 14 na puntos hanggang mahabol ito ng Boomers sa laro na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Naitabla ng Australia 40-40 sa second quarter at mailayo ng China sa 46-42 sa pagtatapos ng first half.
Bumida sa panalo ng Australia si Xavier Cooks na mayroong 30 points at siyam na rebounds.
Ito na ang pinakamalapit na puntos na nagkampeon ang Australia dahil noong 2022 final ay tinalo nila ang Lebanon 75-73 na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

GOV. UMALI, KINALAWIT NG OMBUDSMAN GUILTY SA QUARRY CASE!

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
‘GUILTY’ ang naging hatol ng Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na may kinalaman sa irregular na pag-isyu nito ng 205 quarry permits na walang Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2014 hanggang 2016.
Sa inilabas na hatol ng Ombudsman, si Umali ay napatunayang lumabag sa Section 25(2) ng Republic Act 6770, OMB Act of 1989, at Section 10(b), Rule III ng Administrative Order No. 7 ng Rules of Procedure ng graft court, kaya sinuspinde ito ng isang taon na walang suweldo.
Ang kaso ay nag-ugat sa isinampang reklamo ni Roberto M. Duldulao sa Ombudsman kung saan ibinunyag nito ang pag-‘hokus-pokus’ ni Umali sa 205 Commercial Sand and Gravel Permits (CSGPs) na ibinigay sa mga hindi kuwalipikadong haulers at walang ECC mula sa Mines and Geosciences Bureau ng DENR.
“There is a basis to hold Aurelio Umali administratively liable. He was remiss in his duty to ensure the enforcement and compliance with all laws, rules and regulations within his jurisdiction,” ayon sa desisyon ng Ombudsman.
Ang hatol kay Umali ay base sa rekomendasyon na isinumite ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Leilani P. Tagulao-Marquez sa opisina ni Assistant Ombudsman Pilarita T. Lapitan at inaprubahan naman ni Ombudsman Samuel R. Martires sa pamamagitan ni Deputy Ombudsman Dante F. Vargas.
“While Gov. Aurelio Umali’s act of issuing the CSGPs from 2014 to 2016 was neither motivated by a premeditated, obstinate, or intentional purpose, his acts still sufficiently constitute the offenses of Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service and Simple Misconduct,” giit pa sa desisyon.
Maliban sa illegal na pag-iisyu ng quarry permits, iginiit din ng Ombudsman na sumblay din ang provincial government sa pamumuno ni Umali na mag-remit ng tamang koleksyon para sa nakukuhang buwis sa quarry.
Base sa desisyon ng OMB, hindi katanggap-tanggap ang idineklarang quarry collection ng Kapitolyo ng Nueva Ecija noong 2014 hanggang 2016.
Lumabas din kamakailan sa ulat ng Commission on Audit (COA) na kulelat sa quarry collection ang Nueva Ecija kung saan umabot lamang sa halos P400,000 ang idineklarang kita ng probinsya noong 2022 at nasa P1M lamang ang kinita noong 2023. Malayong-malayo umano ito sa projection ng paniningil ng buwis sa quarry.
“He was remiss in his duty to ensure the enforcement and compliance with all laws, rules, and regulations within his jurisdiction,” ayon pa sa desisyon. (PAUL JOHN REYES)

Interim guidelines sa papel ng civil society sa budget deliberations

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPALABAS ang Kamara, Lunes, ng interim guidelines para sa partisipasyon ng people’s organizations at iba pang civil society groups sa legislation at oversight ng national budget habang nagsasagawa ng permanenteng House rules o law.
“The national budget is our clearest statement of priorities. At kapag kasama natin ang mga CSOs at POs sa pagbuo nito, mas masisiguro natin na ang bawat piso mapupunta sa tunay na pangangailangan ng bansa’t mamamayan. Sa bawat pisong ilalaan sa programa’t proyekto, may kasamang partisipasyon ng mamamayan. The national budget should truly reflect the people’s dreams and aspirations,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa Memorandum Circular No. 20-002 para sa operasyon ng House Resolution (HR) No. 94sa sa budget deliberations, ang mga accredited groups ay papayagang mag-obserba ng committee at plenary hearings, makakuha ng materyales na iprinisinta sa deliberations, maghain ng written position papers sa loob ng itinakdang deadlines, at magpresenta ng consolidated sectoral views at points.
Para mapangasiwaan ang partisipasyon, nagbuo ang Secretariat ng Task Force on People’s Participation na binubuo ng indibidwal mula sa opisina ng Secretary General, Committee on Appropriations, Committee on People’s Participation, Congressional Policy and Budget Research Department, Press and Public Affairs Bureau at Legislative Security Bureau.
Ang task force ang siyang mangangasiwa sa accreditation, circulate schedules and briefings, assist observers during proceedings, and route submissions to members and committees.
Ang lahat ng accredited groups ay dadalo sa orientation ukol sa code of conduct at rules of decorum na sumasakop sa document access, behavior inside halls at galleries, at basic security at safety protocols.
Hanggang dalawang representatives kada organization ang maaaring bigyang akreditasyon, ang mga accredited observers ay maaaring maka-access sa hearing briefs at magsumite ng position papers sa loob ng 48 hours matapos ang budget hearing ng ahensiya para maisama sa record.
Mayroon ding livestreams at archives ng budget sessions sa official House channels para mapalawak pa ang public access, habang ang task force ang maaaring maglimita sa in-person gallery attendance kung kinakailangan.
“We are working on the most open Congress in recent memory. Sisiguruhin natin na ang Kongreso ay bukas, nakikinig at handang makipag-ugnayan, para tunay na ‘Budget of the People’ ang ating maipasa dito,” ani Speaker Romualdez. (Vina de Guzman)

2 tulak, laglag sa Caloocan, Valenzuela drug bust, P272K droga, nasabat

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAMSAM sa dalawang tulak ng droga, kabilang isang high-value individual (HVI) ang mahigit P270K halaga ng shabu nang maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.
          Ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan City Police Station OIC Chief P/Col. Joey Goforth ang buy bust operation kontra kay alyas “Amo”, 42, (HVI), sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasypn hinggil sa umano’y illegal drug activities nito.
          Nang matanggap ang signal mula sa kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang transaksyon, agad lumusob ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police saka dinamba ang suspek sa NPC Road, Barangay 163.
          Nakumpiska kay ‘Amo’ ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P136,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at anim na P1,000 boodle money.
          Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, si alyas “Barote” nang kumagat sa isinagawang buy bust operation sa Karuhatan Public Cemetery sa Brgy. Karuhatan bandang alas-2:55 ng madaling araw.
          Sa ulat ni Lt. Dascil kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, nakuha nila sa suspek ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 cash, driver license at itim na coin purse.
          Kapwa sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan at Valenzuela City Prosectuor’s Office.
          Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga operatiba sa kanilang pagsisikap at teamwork na binibigyang-diin na ang mga naturang operasyon ay nagpapakita ng determinadong pangako ng PNP sa paglaban sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Mayor Jeannie, naghatid ng ‘Ulat Sa Malabueño’ 2025

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGHATID si Mayor Jeannie Sandoval ng kanyang “Ulat sa Malabueño 2025” para muling pagtibayin ang dedikasyon nito sa paghahatid ng mga progresibo, inklusibo, at community-centered programs na ginanap sa Malabon Sports Center.
Sa kanyang talumpati, itinampok ni Mayor Jeannie ang mga pangunahing tagumpay ng Malabon, mga prayoridad na programa, at mga layunin sa hinaharap sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, trabaho, negosyo, pabahay, imprastraktura, at iba pang mahahalagang serbisyo na naglalayong bumuo ng isang mas maunlad, matatag, at matitirahan na lungsod.
          Ibinida ni Mayor Jeannie ang Malabon Ahon Blue Card (MABC) na kanyang pangunahing programa na idinisenyo upang ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga residente na mula nang ilunsad noong Disyembre 2023, ay nakapaghatid ng humigit-kumulang ₱492 milyong halaga ng tulong sa mahigit 91,375 na kabahayan.
Noong Mayo, kinilala ang MABC bilang 2025 Public Sector Initiative of the Year sa GovMedia Conference and Awards sa Singapore para sa kahusayan at epekto nito sa pagpapasigla ng mga pamilya sa Malabon.
“Ang Blue Card ay higit pa sa isang ID — ito ay simbolo na ang Malabon ay may kakayahang maglatag ng programang may epekto, may saysay, at kinikilala sa mas malawak na entablado,” ani alkalde.
Tiniyak din ni Mayor Jeannie sa mga Malabueño ang pagpapalakas ng mga serbisyong pangkaligtasan, kapakanan, at kalusugan sa pamamagitan ng pinalawak na pabahay at mga programang medikal.
Nagpatupad din si Mayor Jeannie ng mga programang nakikinabang sa iba’t ibang sector, mga mag-aaral, senior citizen, PWD, solo parents, at manggagawa.
          Inulat din niya ang pinaigting ng lungsod na mga cleanup drive, declogging operations, tree planting, park beautification, roadworks, at modernization ng pumping stations para matiyak ang mas malinis at ligtas na kapaligiran.
Kabilang pa aniya sa mga pangunahing paparating na proyekto sa imprastraktura ang 5-palapag na Multi-Purpose Building at ang Malabon Sports and Convention Center para sa sports, kultura, at mga kaganapan sa komunidad.
Ipinagmalaki din niya ang pagkamit ng Malabon ng pandaigdigang pagkilala sa pamamagitan ng pag-secure ng Guinness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, na nagpapakita ng culinary heritage ng lungsod sa pamamagitan ng Pancit Malabon.
“Sa nakaraang taon, hinarap rin natin ang mga hamon nang magkasama, at patuloy tayong kumilos para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Malabon. Ngayong ay ipapakita nating muli na handa tayong ipagpatuloy at palawakin ang ating mga nasimulan,” aniya.
Binigyang-diin ni Mayor Jeannie na ang lahat ng mga ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga kagawaran ng lungsod, barangay, at komunidad, na nagpapatunay na ang pag-unlad ng Malabon ay isang pinagsamang tagumpay. (Richard Mesa)

NHA, Valenzuela LGU, namahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at habagat

Posted on: August 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAMAHAGI si National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai, kasama si Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo at Habagat na ginanap sa ALERT Multi-purpose Center Hall, Barangay Malinta.
Nasa 1,521 pre-assessed beneficiaries na tinukoy ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng tig-P10,000 tulong pinansyal. Ang monetary assistance sa ilalim ng EHAP ay naglalayon na tulungan ang mga apektadong pamilya ng bagyo para ayusin at muling itayo ang kanilang mga nasirang tahanan.
          Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tai na “Dito po sa Valenzuela, ako po ay isa ring kapwa valenzuela, at bilang tugon sa kautusan ng Pangulong Bongbong Marcos na tulungan ang lahat ng mga biktima ng bagyo, narito po kami ngayon, ang NHA, para bigyan kayo ng financial assistance sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program. Ang programang ito ay nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga pamilyang naapektuhan ng mga natural na kalamidad at sana ay makatulong ito sa inyo para unti-unting makabawi sa buhay.”
          Sa kabilang banda, ipinahayag ni Mayor WES ang kanyang pananabik na maibsan ang mga isyu sa baha sa lungsod.
“Labindalawang barangay po ang naapektuhan ng matinding pagbaha at umabot po sa higit sampung libo ang nag evacuate sa ating mga evacuation centers, kaya’t napakabigat po nito para sa atin. Kaya natutuwa po ako dahil sa tulong po nitong biyayang ito at sana ay matulungan tayong makabangon mula sa mga bagyong nagdaan. Nagsasagawa rin po tayo ng Oplan Linis Ganda, para po sa tuloy tuloy na paglilinis, pagaayos ng mga kable, pagpuputol ng puno at marami pang iba. Ginagawa po natin ito araw araw at asahan po ninyong makakarating ito sa inyong mga lugar. Kaya’t humihingi po ako ng tulong sa inyo sa pamamagitan ng hindi pagkakalat at paglilinis para po mabawasan ang pagbaha sa ating lugar.” sabi niya.
Nakiisa rin sa kaganapan sina Valenzuela 1st District Representative Kenneth Gatchalian, Vice Mayor Marlon Alejandrino, Councilors Sel Sabino-Sy at Cris Feliciano-Tan at NHA NCR North Sector Regional Manager Jovita Panopio na muling nagpatibay ng kanilang pangako sa pagpapalakas ng disaster response at recovery efforts sa lungsod.
Ang pamamahagi ng EHAP ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng lungsod, kasama ang mga pambansang ahensya na maghatid ng agarang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. (Richard Mesa)