• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

“Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho”-ACT Teachers Representative Antonio Tinio

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING tinuligsa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ukol sa education system ng bansa na nanatili sa “paper and pencil” level.
Ayon sa mambabatas, isa umanong kaipokritohan ang pahayag na ito ng VP kung bibigyang pansin ang naging pangit na performance noong kalihim pa ito ng Department of Education.
“Vice President Duterte has the audacity to criticize the education system when she herself  is the worst DepEd secretary ever. Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho,” ani Tinio.
Sinabi ng mambabatas na hindi dapat magreklamo ang VP sa kakulangan ng access ng mga estudyante sa modernong teknolohiya gayong hindi nito nagawang masiguro na may sapat na basic textbooks at learning materials ang mga ito.
“Paano niya nasabing kulang tayo sa teknolohiya eh hindi nga niya naibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante?” pagtatanong pa ni Tinio.
Ayon sa Commission on Audit (COA), ang Department of Education sa ilalim ni VP Sara ay nakapagpatayo lamang ng 192 building mula sa target na 6,379 bagong classrooms noong 2023.
 “Mas inatupag pa niya ang confidential funds sa Deped sa halip ng learning crisis. You are definitely the worst Deped secretary ever!!” giit ni Tinio.
Inihayag pa nito na ang tinutuligsa ni Duterte na education crisis ay produkto ng kanyang kapabayaan.
“Under her watch, school-based feeding programs achieved only 48% implementation while billions of pesos allocated for education remained unutilized. Ang mga batang gutom at walang aklat, paano matututo ng robotics at coding?” sabi ni Tinio.
Inihayag pa ng VP na problema ng mga high school students na hindi makabasa ngunit hindi nito nabanggit na lumala ang krisis na ito ay lumama sa ilalim ng kanyang liderato.
(Vina de Guzman)

PBBM, planong dumalo sa UNGA sa Setyembre — envoy

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PLANO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa United Nations General Assembly sa Setyembre.
“There is a plan,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez sa isang panayam matapos tanungin kung dadalo ang Pangulo sa UNGA na nakatakda ngayong taon.
Ani Romualdez, mahalaga ang presensiya ni Pangulong Marcos sa UNGA para sa hangarin ng Pilipinas na masungkit ang isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC) “since he will have the chance to engage with many world leaders.”
Samantala, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi pa kumpirmado ang pagdalo ng Pangulo sa UNGA.
Sa ulat, kada Setyembre, karaniwan nang bumi-byahe ang mga world leaders patungong New York para dumalo sa taunang United Nations General Assembly.
Ang bawat high-level gathering ay tanda ng pagsisimula ng taunang General Assembly na may tema, kung aling mga pinuno ang may posibilidad na madaling sanggunian bago magsalita tungkol sa kung ano ang gusto nila.
Matatandaang, taong 2023 at 2024, hindi dumalo si Pangulong Marcos sa UNGA at sa halip ay itinalagang kinatawan si dating Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Taong 2022, dumalo si Pangulong Marcos sa UNGA kung saan tinalakay niya ang kapayapaan at katatagan sa Asya, na ayon sa kanya, ay nasa ilalim ng pagbabanta bunsod ng ‘ideological tensions.’ ( Daris Jose)

Mga manggagawa, deserve mabigyan ng 14th month pay

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAIN ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang panukalang batas bilang 3808 upang mabigyan ng 14th month pay ang lahat ng manggagawa sa private sector matapos ang halos kalahating siglo o mula 1976 nang ibigay ang  13th month pay sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 851.
Katapat nito sa Senado ang inihain ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang pagbibigay ng private employers ng 14th month pay. ssa kanilang empleyado.
“Ang pagkakaroon ng panukala sa parehong kapulungan ng Kongreso ay patunay na hindi na sapat ang 13th month pay at panahon na para sa 14th month pay na matagal nang hinihintay ng ating mga manggagawa,” ani TUCP Party-list Representative at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza.
Kapag naging ganap na batas, ang 13th month pay ng mga manggagawa ay ibibigay ng Hunyo habang ang 14th month pay ay siyang ibibigay naman sa Disyembre.
Mayroon nang pang-matrikula para sa mga anak sa pasukan sa Hunyo, mayroon pang pang-noche buena sa pasko para sa buong pamilya!,” dagdag ng mambabatas,
Para naman sa mga kumpanya o opisina na hindi kayang magbigay ng 14th month, nakasaad sa panukala ang pagbibigay exemptions ngunit ito ay sa pamamagitan ng pag-apruba ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“These exemptions prove that we heed the concerns of employers, especially those who are struggling. But let us be clear: when workers receive more and better benefits, they are not only happier but more motivated and productive at work. And when productivity rises, so does profitability. Working families become more comfortable as businesses and the economy grow stronger. Together, we can make this 14th month pay work not only for our workers but our employers and the country,” paliwanag ni Mendoza.
(Vina de Guzman)

Mister, kalaboso sa baril at pagbabanta sa delivery rider sa Valenzuela 

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kulungan ang bagsak ng 59-anyos na lalaki matapos pagbantaan ang isang delivery rider habang nakatututok umano ang hawak na baril sa Valenzuela City, Lunes ng gabi.
Batay sa ulat ng Bignay Police Patrol Base 7 kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, paalis na sana ang 31-anyos na delivery rider sa kanilang tirahan sa Disiplina Village, Brgy., Bignay nang komprotahin ng suspek sa hindi malaman na dahilan.
Nagsisigaw umano ang suspek ng hindi magandang mga salita saka pinagbantaan papatayin ang biktima habang nakatututok ang hawak nitong baril.
Sa takot sa kanyang kaligtasan, kaagad humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Patrol Base 7, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:50 ng gabi.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Talento sa suspek ang isang kalibre .38 Smith and Wesson revolver na kargado ng apat na bala at walang kaukulang mga dokumento para sa ligaledad nito.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting officers na sina PCpl Decster Esparagoza at Pat Pimentel Bolibol para sa kanilang kasipagan at professionalism na binibigyang-diin ang
hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Lalaki, isinelda sa patalim at shabu sa Caloocan 

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SWAK sa kulungan ang isang lalaking drug suspect nang mabisto ang dalang shabu makaraang damputin ng pulisya dahil sa pagdadala ng patalim sa Caloocan City.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth mula sa isang barangay tanod hinggil sa isang lalaki na may bitbit na patalim habang pagala-gala sa Narra Street, Barangay 181.
Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Amparo Police Sub-Station 15 at naaktuhan nila ang naturang lalaki na iwinawasiwas pa ang hawak nitong patalim.
Nilapitan nila ito saka nagpakilala bilang mga pulis at kinumpiska sa suspek na si alyas “Ryan”, 40, ang hawak na patalim na may habang samsung pulgada bago ipinapaalam sa kanya ang nalabag niyang pagkakasala.
Nang kapkapan, nakumpiska pa sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.9 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang ₱33,320.00. (Richard Mesa)

NHA, AGARANG NAGBIGAY NG P29.36M TULONG PINANSYAL SA MANAVA CALAMITY VICTIMS

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng aabot sa P29.36 milyon sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), upang mabilisang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng mga bagyong nagdaan at Habagat, umabot sa 2,936 pamilya mula sa Malabon, Navotas, at Valenzuela ang nakatanggap ng tulong pinansyal.
Personal na pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang serye ng pamamahagi na ginanap sa Malabon Sports Center, Navotas Convention Center, at Alert Center Multi-Purpose Hall.
Ang bawat benepisyaryo, na naapektuhan ng mga sunod-sunod na bagyo, tulad ng Crising, Dante, at Emong, pati na rin ng Habagat, ay nakatanggap ng P10,000 bilang tulong pinansyal para sa pagpapaayos ng kanilang mga bahay at buhay.
Mula sa kabuuang bilang, 816 na pamilya ang galing sa Malabon, 599 naman sa Navotas, at 1,521 para sa Valenzuela.
“Ang NHA po, sa ilalim ng aking pamumuno at alinsunod sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at adhikain ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program ng Department of Human Settlements and Urban Development, ay walang humpay at agarang aagapay tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” diin ni GM Tai sa kanyang pahayag.
Kabilang din sa mga panauhin ang mga district representatives at chief executives ng tatlong lungsod na sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval; Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Reynald Tiangco; at Valenzuela Congressman Kenneth Gatchalian at Mayor Weslie Gatchalian.
Nagpahayag ng pasasalamat naman ang mga benepisyaryo mula Malabon, Navotas at Valenzuela. “Lubos po ang aking pasasalamat sa ating Pangulong BBM at sa pamunuan ng NHA sa agarang pagtulong po sa amin at sa aking mga kapitbahay na lubos na sinalanta ng mga bagyong dumaan,” saad ni Jentlie Perenal.
Samantala, ang EHAP ay isa sa mga kasalukuyang programa ng NHA na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang apektado ng iba’t ibang kalamidad, upang mabigyan sila ng bagong pag-asa at katiyakan sa kanilang pagbangong muli.
Nakatakdang magsawa muli ng EHAP ang NHA para sa mga ibang pamilya na biktima rin ng mga bagyo sa Manila City at Caloocan City. (PAUL JOHN REYES)

Ads August 22, 2025

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

22 – 4-merged

Hidilyn Diaz, mariing pinabulaanan ang kaugnayan sa pekeng online gambling endorsement

Posted on: August 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING pinabulaanan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang isang pekeng video na kumakalat sa internet, kung saan siya umano’y nag-eendorso ng isang online gambling app.
Ayon kay Diaz, ang naturang video ay gawa-gawa lamang at ginamitan ng artificial intelligence upang gayahin ang kanyang boses.
Sa kontrobersyal na video ay may isang babaeng tila si Diaz na nagbibigay ng instruction kung paano i-download ang isang gambling application.
Ngunit sa isang post nitong Martes, iginiit ng weightlifting champion na hindi siya ang content ng video.
Hinimok din ni Diaz ang publiko na i-report ang naturang misleading post upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics, matapos ang kanyang tagumpay sa women’s 55kg weightlifting event sa Tokyo 2020.
Bukod sa kanyang mga karangalan sa larangan ng sports, kilala rin siya bilang isang aktibong tagapagsalita laban sa mga isyung panlipunan at tagapagtaguyod ng kabataan at edukasyon.
Hinimok din ni Diaz ang publiko na i-report ang naturang misleading post upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics, matapos ang kanyang tagumpay sa women’s 55kg weightlifting event sa Tokyo 2020.
Bukod sa kanyang mga karangalan sa larangan ng sports, kilala rin siya bilang isang aktibong tagapagsalita laban sa mga isyung panlipunan at tagapagtaguyod ng kabataan at edukasyon.

PBBM sa ghost flood projects sa Bulacan: ” I’m not disappointed but very angry.” 

Posted on: August 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na galit na galit siya sa ghost flood projects sa Bulacan province.
Inihayag ito ng Pangulo matapos inspeksyunin ang pinatibay na konkretong riverwall project sa Barangay Piel, Baliuag.
”Extremely, more than disappointed, I’m actually… I’m getting very angry with what’s happening here… Nakaka… Papaano naman, 220 meters, P55 million completed ang record ng Public Works, [pero] walang ginawa. Kahit isang araw hindi nagtrabaho… Puntahan ninyo, wala kayong makita kahit ano… Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila,” ang sinabi ng Pangulo.
Tinuran pa ng Pangulo na kung ang proyekto ay maayos na ipinatupad, malaking tulong ito sa irrigation system ng lalawigan.
”I’m not disappointed, I’m angry,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, base sa dokumento ng Department of Public Works and Highways, ang kontratista ng ‘reinforced concrete riverwall project’ sa Purok 4 ay Syms Construction Trading, na may kabuuang contract cost na P55,730,911.60.
Ang aktuwal na pagsisimula ng petsa na nakalagay ay February 2, 2025 at ang contract expiry date ay October 22, 2025.
Sa pag-inspeksyon naman ng Pangulo, sinabi nito na ‘as of June 2025″ sinasabi sa report na ang proyekto ay kompleto na at fully paid.
Sinabi pa nito na ang proyekto na kamakailan lamang inilunsad sumbongsapangulo.ph website, isang online portal kung saan maaaring magreklamo ang publiko ukol sa maanomalyang flood control programs.
”Wala kaming makita na kahit isang hollow block, isang ano ng semento, walang equipment dito. Lahat ng project na ito, ghost projects,” ayon sa Pangulo.
Nauna rito, nangako si Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Rodante Marcoleta na nakahanda ang naturang komite na makipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gagawin nitong imbestigasyon sa mga ghost public infrastructure project.
Sa pagdinig ng komite sa naturang isyu, inamin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na may mga ghost public infra project sa bansa, lalo na ang mga flood control.
Ngunit pagtitiyak ng kalihim, nagsasagawa na ang ahensiya ng mga serye ng imbestigasyon laban sa mga sangkot upang mkapaghain ang mga ito ng kaukulang kaso.
Ayon kay Sen. Marcoleta, nakahanda ang komite na tulungan ang DPWH sa imbestigasyon nito sa mga ghost project atbpang maanomalyang public infra projects, saanmang bahagi ng bansa.
Nakahanda rin aniya ang komite na mag-deputize ng isa nitong staff upang makatulong sa isasagawa nitong imbestigasyon.
Sa katunayan aniya, nakahanda rin siyang sumama sa mga field validation na gagawin ng DPWH sa lahat upang tukuyin ang kalidad ng mga itinatayong istraktura, kasabay ng malawakang imbestigasyon.
Hiniling din ng senador kay Sec. Bonoan na magpahiram muna ito ng isang backhoe upang tunguhin ang ilang project site at tingnan ang kalidad ng mga ito.
Pagbibiro pa ng makapangyarihang Blue Ribbon Committe chair, wala siyang kakayahang bayaran ang isang backhoe kaya’t nakiki-usap siya sa kalihim na maglaan muna mula sa kanilang mga heavy equipment. (Daris Jose)

Nagsumite ng false claims laban sa gobyerno, dapat managot

Posted on: August 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAIN ni Quezon City Rep.Jesus "Bong" Suntay ang House Bill No. 3857 o False Claims and Whistleblower Protection Act upang mapalakas ang kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon at maling paggamit ng pondo ng bayan.


"Panahon na para mas maging accountable ang lahat. Kung sino man ang mag-submit ng false claim laban sa gobyerno, mananagot — at may kasama pang triple damages," ani Suntay.


Sa ilalim ng panukalang batas:
• Mabigat na Parusa – Multa mula ₱500,000 hanggang ₱4,000,000 bawat violation, kasama ang treble damages (tatlong beses ng halagang nawala sa gobyerno).

• Reward System – Mga ordinaryong mamamayan na maglalantad ng katiwalian ay pwedeng tumanggap ng 15–30% ng halagang mababawi.

• Proteksyon sa Whistleblowers – May safeguards laban sa harassment, panggigipit, at illegal dismissal. Garantiyado rin ang reinstatement, back pay, at damages kung sakaling mag-retaliate ang kanilang employer.


"Hindi lang ito laban kontra pandaraya. Isa itong panukala para bigyan ng boses at proteksyon ang mga matitinong Pilipino na handang lumaban para sa tama," dagdag ni Suntay.


Bukod pa dito, ayon sa mambabatas, "hindi biro ang magkaso ng recovery cases. Masyadong mabagal, magastos, at minsan nauuwi sa wala. Sa ilalim ng panukalang ito, mas magiging mabilis ang proseso, mas mabigat ang parusa, at mas protektado ang mga maglalakas-loob na magsumbong".


Kung maisasabatas, ang HB 3857 ay magbibigay ng malinaw na mensahe: ang kaban ng bayan ay hindi laruan ng mga mandaraya.
(Vina de Guzman)