• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:37 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

GCash users binalaan vs payment scams; fintech firm nanindigan kontra illegal e-gambling

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALA ang GCash sa publiko laban sa mapanlinlang o illegal payment accounts, partikular sa mga may kaugnayan sa online gambling operators at iba pang ilegal na entities.
Iginiit ng financial technology company ang “Zero Tolerance” policy nito sa mga ilegal na gawain at binigyang-diin na wala itong kaugnayan sa mga gambling operator.
Sinabi nito na ang anumang grupo o website na nagsasabing kumakatawan sa GCash sa ganitong mga gawain ay nagmi-misrepresent sa brand o ilegal na ginagamit ang platform nito.
“Illegal online gambling undermines financial integrity and public welfare. GCash has no links to illegal gambling operators. Anyone connecting our brand to these sites is either misrepresenting us or illegally using our platform,” sabi ni  Oscar Enrico A. Reyes Jr., president and CEO ng G-Xchange Inc.
Idinagdag niya na nakikipagtulungan ang kompanya sa mga regulators at law enforcement agencies upang ipatigil ang mga ilegal na gawain at pangalagaan ang mga user nito.
Pinayuhan ng GCash ang mga customer na maging maingat sa mga sumusunod:
QR codes na ipinadala via random links, chat apps, o social media posts
Mga alok na mistulang “too good to be true,” tulad ng gaming credits o quick-cash schemes
Codes na walang official merchant name o logo
Mga transaksiyon na nagpapakita ng personal name sa halip na beripikadong merchant
Hinikayat ng kompanya ang mga user na sundin ang mga hakbang na ito:
Mag-scan ng QR codes mula lamang sa mga pinagkakatiwalaang merchants at billers
Beripikahin ang payment details bago kumpirmahin ang mga transaksiyon
I-report ang mga kaduda-dudang aktibidad sa pamamagitan ng  in-app GCash Help Center, hotline 2882, o via the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Consumer Protection channels
Maaari ring iparating ang mga report direkta sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group via hotline (02) 8414-1560 / 0998-598-8116 o email messagecenter.acg@pnp.gov.ph.

Wizards star John Wall nagretiro na sa paglalaro

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSYO na ni Washington Wizards star John Wall ang kaniyang pagreretiro sa NBA.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video kung saan pinasalamatan niya ang mga fans at pamilya nito na sumuporta sa kaniyang career sa loob ng 11 season.
Wala itong pagsisisi sa pagreretiro dahil ibinigay niya ang lahat ng makakaya sa bawat laro.
Pumasok ito sa NBA noong 2010 at naging number 1 overall pick ito ng Wizards.
Mayroon ito ng average na 19.3 points, 8.8 asssist na naitala noong 2013-14 NBA Season na unang nakapaglaro sa NBA All-Star games.
Hindi ito nakapaglaro ng buong 2019-2020 NBA season dahil nagpapagaling siya sa kaniyang Achilles injury.
Bumalik ito sa paglalaro sa Houston Rockets noong 2020-21 season at nalimitahan ang laro dahil sa injury.
Kinuha siya ng Los Angeles Clippers noong 2022-23 season kung saan nag-average ito ng 11.4 points sa loob ng 34 games bago bumalik sa Rockets.

Lolo, Lola at PWD DIgital Age na rin

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKAKASABAY na sa digital age ang mga lolo, lola at PWD na maging produktibo at mabigyan ng pagkakataong lumago ang kaalaman sa digital technology.

Ito ay sa pamamagitan ng pangako ng pakikipagtulungan ng Nexus Technologies Inc. kay Manila Vice Mayor Chi Atienza sa pagpapahusay ng kaalaman sa digital technology ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa Lungsod ng Maynila.

Nangako sa bise alkalde si Juan Chua, may-ari ng Nexus Technologies Inc.na ipagagamit ang kanilang mga kagamitan nalayong matiyak na hindi maiiwanan ang mga senior ciizens at PWDs.

Sinabi ni VM Atienza na naimbitahan siya ng may-ari ng News Technology Inc .para sa proyekto na maturuan ang mga may kapansanan at matatanda na mabigyan ng skills na puwede nilang magamit sa paghahanap ng trabaho online.

Ayon pa sa bise alkalde, makakatulong din ang kanilang
partnership na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng suporta sa kalusugan sa pag-iisip, na noon pa man ay malapit na sa kanyang puso, makaraang lumikha pa siya ng hotline service para sa mga Manileños na nakakaranas ng magulong pag-iisip at depresyon.

"I am happy to bring opportunities to our fellow citizens to restore hope for their families," sabi ni VM Atienza.

Nakalinya rin ang naturang inisyatiba sa pangako ni VM Atienza hinggil sa kapakanan ng matatanda na isang pagpapatuloy sa legasiya ng kanyang pamilya na pagkakaloob ng serbisyo publiko kabilang ang patuloy na pagtataguyod ng pangangailangan ng mga lolo at lola.

Hinimok din niya ang Manileño na suportahan ang paparating na bagong hakbangin dahil nakasalalay ang paglakas ng Maynila sa pagkakaisa ang pagdadamayan. (Gene Adsuara)

Iga Swiatek, haharapin si Jasmine Paolini sa finals ng Cincinnati Open

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA UNANG pagkakataon ay umabot sa finals ng Cincinnati Open si World No. 2 Iga Swiatek, kasunod ng kaniyang panalo laban kay Elena Rybakina, 7-5, 6-3.

Sa pag-usad niya sa finals, makakaharap niya si World No. 4 Jasmine Paolini

Ang dalawang tennis star ay kapwa nagtatangkang gumawa ng kasaysayan sa pagsabak sa finals kung saan para kay Paolini, ito ang kanyang ika-apat na title kung maipapanalo ang laban.

Ito naman ang ika-13 finals appearance ni Swiatek sa mga tennis competition na may 1000 level.

PBBM nagmana ng P12.8 trilyong utang mula sa Duterte admin

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGMANA ng P12.8 trilyong pagkakautang sa panahon ng ­COVID-19 pandemic si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa admi­nistrasyon ni dating P­angulong ­Rodrigo Duterte na patuloy na binabayaran ng kasalukuyang ­gobyerno.
Ito ang isiniwalat ni Finance Secretary Ralph Recto sa briefing ng economic team ng adminis­trasyon sa House Committee on Appropriations sa pagsisimula ng pagtalakay sa panukalang P6.793 trilyong 2026 national budget.
Sa kasalukuyan ay nasa P16.76 trilyon ang kabuuang pagkakautang ng Pilipinas hanggang nitong Abril 2025.
Sa kabila nito, sinabi ni Recto na kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asya ay mas mababa ang pagkakautang ng Pilipinas sa foreign at domestic.
Ayon kay Recto, ang pinakamalaki ang pagkakautang ay ang Japan na nasa P485.94 trilyon; Singapore P53.68 trilyon; South Korea P46.89 trilyon; Indonesia P31.37 trilyon at Thailand P17.73 trilyon.
Nasa 69% ng outstanding debt ng Pilipinas ay domestic.
Hindi naman dapat mabahala ang mga Pilipino dahil ang nasabing pagkakautang ay galing mismo sa sarili natin na ang ibig sabihin ang interes na ibinabayad ay napupunta rin bilang dagdag na kita ng ating mga kababayan. ( Daris Jose)

Para sa taong kasalukuyan: 35 diplomatic protests, inihain laban sa Tsina- DFA

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY KABUUANG 35 diplomatic protests na ang inihain laban sa Tsina ngayong taon.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang diplomatic protests ay isinumite sa Chinese Embassy sa Maynila.
Subalit nilinaw ni DFA spokesperson Ambassador Angelica Escalona na hindi kasama ang protesta na maaaring isumite ng bansa kasunod ng insidente ng harassment at mapanganib na pagmamaniobra ng Chinese assets laban sa Philippine vessels at aircraft sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal noong nakaraang linggo.
Nauna rito, napaulat na nagbanggaan ang China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army (PLA) Navy sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong ika-11 ng Agosto habang hinahabol ang barkong BRP Suluan ng Philippine Coast Guard (PCG).
May insidente rin na binugahan ng tubig ng CCG ships ang dalawang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels na nagsasagawa ng maritime patrol malapit sa Bajo de Masinloc.
Nito lamang Agosto 13, nagkasa ng dangerous maneuvers ang Chinese fighter jet sa Philippine aircraft.
Ito ay ilang araw matapos ang pagbangga ng barko ng China sa isa pang Chinese ship habang umano’y hinaharass ang barko ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nangyari ang mapanganib na aksyon ng Chinese aircraft habang isinasagawa ng PCG Cessna Caravan ang maritime domain awareness flight sa Scarborough Shoal.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Escalona na “Regarding the diplomatic protest for these specific incidents, pinag-aaralan pa ito.”
Tiniyak naman ni Escalona na nananatiling nakabukas ang linya ng komunikasyon ng Pilipinas sa Tsina sa pamamagitan g diplomatic channels.
“Regarding the bilateral dialogue with China, yes, we are looking at existing platforms for discussing all these important matters with China,” aniya pa rin.
“The instruction sa atin is we continue using dialogue and we keep lines open to China, alinsunod sa instructions ng pangulo to manage the issue in a peaceful manner,” dagdag na wika ni Escalona. ( Daris Jose)

DOE, nagtakda ng public consultation ukol sa draft Carbon Credit Policy

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG makapulong ng Department of Energy (DOE) ang 120 stakeholder representatives mula sa pribadong sektor ngayog linggo para mangalap ng feedback ukol sa draft Carbon Credit Policy na dine-develop nito sa hangarin na makahikayat ng investments o pamumuhunan sa clean energy.
Sinabi ng DOE na ang public consultation ay gagawin ngayong araw ng Martes, Agosto Tuesday, upang marinig ang feedback hinggil sa draft department circular na magbibigay ng general guidelines para sa pagpapalabas, pangangasiwa at monitoring ng carbon credits sa sektor ng enerhiya.
“This Carbon Credit Policy is a game-changer for the Philippine energy sector,” ayon kay DOE undersecretary Felix William Fuentebella.
“It will equip our energy sector with the tools to generate and manage carbon credits with integrity, ensuring every ton of reduced carbon dioxide is real and verifiable. This builds trust and unlocks investment in effective climate solutions,” aniya pa rin.
Layon ng Policy ay ang tiyakin ang environmental integrity sa pamamagitan ng pagpo-promote sa mga proyekto na “reduce emissions, enhance transparency at accountability”, ay nakahanay sa commitments ng Pilipinas sa ilalim ng Paris Agreement at iba pang climate frameworks.
Sa ilalim ng draft circular, “Carbon Credit Certificates (CCCs) will be given to parties for every one tonne of carbon dioxide equivalent of greenhouse gas emissions reduced, avoided, or removed from the atmosphere, verified as real and additional by accredited independent third-party entities.”
ito’y maaaring ipagpalit o gamitin sa pag-offsett sa domestic at international compliance markets, at boluntaryong carbon market.
Matatandaang, tinintahan ng Pilipinas at Singapore noong August 2024 ang memorandum of understanding para magtulungan sa carbon credits sa ilalim ng Article 6 ng Paris Agreement.
Ito ay nakikitang makatutulong na maikasa ang implementasyon ng kasunduan na kasalukuyang pinag-uusapan.( Daris Jose)

CONSTRUCTION WORKER, PINUKPOK NG KUWATRO QUANTOS SA ULO NG KABARO 

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KRITIKAL ang isang obrero nang pukpukin sa ulo gamit ang isang bote ng quatro quantos ng kanyang kabaro matapos na nagtalo sa Quiapo, Manila kahapon ng madaling araw.
Wala pang malay habang ginagamot sa Jose Reyes Memoria Medical Center ang biktima na si Gerald Mordido, 20, isang construction worker ng Sitio Watawat, Brgy Lecheria, Calamba City, Laguna dahil sa pukpok sa ulo ng kabaro ito na si Ronaldo Gomez, 42, isang balo ng Brgy Lecheria, Calamba City, Laguna.
Nag-iinuman ang biktima, suspek at ilang kasamahan sa trabaho sa loob ng coonstruction site sa 1681 Cammandante St., Brgy 309, Quiapo, Manila na inabot hanggang alas-12:05 kahapon ng madaling araw at dala ng maraming nainom, ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo dahil.
Ang kanilang pagtatalo ay nauwi sa suntukan at tinangka naman ng mga kasamahan nito na awatin subalit hindi nagpapigil hanggang sa dinampot ng suspek ang bote ng Ginebra San Miguel beer at ipinukpok sa ulo ng biktima.
Isa sa kanilang kainuman ang tumawag ng tulong sa barangay na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kusang loob namang sumama habang ang biktima ay isinugod sa ospital.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basag na bote ng Ginebra San Miguel. (Gene Adsuara)

PBBM, lumikha ng Pasig River rehab office, muling inorganisa ang inter-agency body

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) 92, lumilikha ng Office of the Presidential Adviser on Pasig River Rehabilitation (OPAPRR) upang pangasiwaan at i-fast-track ang rehabilitasyon, development, at pagpapanumbalik ng Ilog Pasig.
Sa ilalim ng EO 92, tinintahan ni Pangulong Marcos noong Agosto 13, ang OPAPRR ay pamumunuan ng Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation (PAPRR), hahawak ng ranggong Cabinet Secretary.
Ang tanggapan ay inatasan na payuhan ang Pangulo ukol sa ‘policy directions, monitor government initiatives, at makipag-ugnayan sa local government units (LGUs), government agencies, at private sector partners sa pagpapatupad ng rehabilitation programs.
Ang OPAPRR ay may mandato na pangasiwaan ang episyente at napapanahong implementasyon ng Pasig River rehabilitation projects, at maging ang i-monitor at pagtugmain ang mga polisiya at aktibidad ng mga ahensyang nagpapatupad.
Inatasan din ito na matiyak ang pagsunod sa presidential directives na may kinalaman sa river development; manawagan sa ibang government bodies at private groups para sa tulong; at magsumite ng bi-annual reports sa Pangulo ukol sa estado o kalagayan ng rehabilitation efforts.
Maliban sa paglikha ng OPAPRR, muli ring inorganisa ng EO 92 ang Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD).
Magsisilbing chairman ng council ay ang PAPRR, kasama ang hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisilbi naman bilang vice chairperson.
Ang mga Kalihim ng mga departamento ng Environment, Public Works, Local Government, Labor, Tourism, Transportation, Finance, and Budget ay magsisilbi naman bilang mga miyembro ng IAC-PRUD.
Ang iba pang mga miyembro ay kinabibilangan ng National Historical Commission of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Laguna Lake Development Authority, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, National Housing Authority, at National Development Company.
“The IAC-PRUD will continue implementing river rehabilitation programs and is authorized to accept funding through investment contracts and agreements with government and private entities to support its initiatives, ” ayon sa EO 92.
Ang pondo na gagamitin para sa operasyon ng OPAPRR ay huhugutin mula sa ‘appropriations’ ng mga kinauukulang ahensiya, nakasalalay sa pagsang-ayon ng Department of Budget and Management.
“The convergence of concerned government agencies is necessary to rehabilitate and develop the Pasig River, a historically and culturally important waterway, and to improve water quality, restore marine life, and develop its banks, tributaries, and surrounding communities, all integral to the Administration’s renewal strategy,” ang sinasabi pa rin ng EO 92.
“Considering the urgent and effective action required for the rehabilitation of Pasig River, there is a need to create a dedicated office to oversee and ensure the efficient, effective, and timely implementation of the rehabilitation and development of the Pasig River,” ayon pa rin sa EO 92.
Samantala, ang EO 92 ay kagyat na magiging epektibo, nakaayon sa commitment ng administrasyong Marcos na i-restore o muling ibalik ang Pasig River bilang isang mahalagang daluyan ng tubig, ecological resource, at cultural landmark sa bansa.
(Daris Jose)

Cong. Erice, nag-ocular inspeksyon sa C3 Road

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGSAGAWA ng ocular inspeksyon si Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice sa C3 Road, kasama ang mga kinatawan mula sa NLEX, DPWH, DOTr, PNR at mga opisyal ng barangay.
Aniya, layunin nitong mabigyang-solusyon ang lumalalang problema sa C3 Road na matinding nakakaapekto sa mga motorista, residente, at mga negosyong nasa paligid ng NLEX-C3 area.
Sinabi ni Cong. Erice na patuloy ng kanyang pagkilos upang masiguro na sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng konkretong aksyon at solusyon para sa kapakanan ng lahat. (Richard Mesa)