• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:28 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

LTO INILAGAY SA ALARM STATUS ANG 19 RIDERS NA SANGKOT SA DRAG RACING

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILAGAY ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, sa alarm status ang 19 motorsiklo na sangkot sa ilegal na karera sa isang bypass road sa San Rafael, Bulacan.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ipinatawag ang lahat ng rehistradong may-ari ng mga naturang motorsiklo sa pamamagitan ng magkakahiwalay na show cause order na inilabas ng ahensya sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division.
Nakumpiska ang 19 motorsiklo at batay sa ulat ng pulisya, ang mga indibidwal na sangkot ay nagsasagawa ng ilegal na motorcycle exhibition nang walang suot na helmet, walang dalang lisensya, at gumagamit ng motorsiklo na walang nakalagay na plaka.
Lalong ikinagalit ni Asec. Mendoza ang ulat na kabilang sa ilegal na karera ang hindi bababa sa 12 menor de edad, kabilang na ang mga batang pitong taong gulang.
Batay sa ulat ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG), umabot sa 12 katao ang inaresto habang 12 menor de edad, na nasa edad pito hanggang 16, ang na-turn over matapos ang operasyon sa Mabalas-Balas–Galas–Maasim Bypass Road noong Agosto 17.
Batay pa sa ulat ng pulisya, isa sa mga tumatakas na motorista ay nakabangga ng isang menor de edad habang sinusubukang makalayo sa operasyon ng lokal na pulisya at ng HPG.
Sa inilabas na SCO na pirmado ni LTO-IID Chief Renante Melitante, inaatasan ang mga may-ari na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa mga paglabag tulad ng Duty to Have License, Reckless Driving, Failure to Wear Protective Helmet, Driving a Motor Vehicle without a License Plate, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Inaatasan ang mga rehistradong may-ari na humarap sa LTO Central Office sa Quezon City sa Agosto 27.
“Ang hindi pagdalo at hindi pagsusumite ng nakasulat na paliwanag ay ituturing ng Tanggapan bilang pagtalikod sa inyong karapatan na marinig, at ang kaso ay dedesisyunan batay sa ebidensyang hawak ng ahensya,” nakasaad sa SCO. (PAUL JOHN REYES)

Independent fact finding body na mag-iimbestiga sa flood control projects

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINANUKALA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isang independent fact-finding body, ang ‘Task Force Bantay-Baha, Bantay-Kaban,’ ang siyang magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng korupsyon at ghost flood control projects na inihayag ni Presidente Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at ituloy ang site inspection.
Hindi lang dismayado kundi galit ang pangulo sa panibagong ghost flood control project na nadiskubre sa Baliuag, Bulacan.
“Katulad ng Pangulo, galit na galit ang bawat manggagawang Pilipino. Habang pilit nilang pinagkakasya ang pang-araw-araw na budget dahil sa kakarampot na sahod, ang pambansang budget naman na galing sa buwis na kinakaltas sa kanilang sahod ay hayagang nilulustay, ninanakaw, at ginagawang negosyo ng mga tiwali,” ani TUCP General Secretary Arnel Dolendo.
Ang mas masakit aniya ay ang milyun-milyong manggagawa na lubog na nga sa pagdurusa dahil sa barya-baryang umento at walang katapusang ENDO at sila pa ang laging lubog sa baha.
“Araw-araw nilang nilulusong ang baha at panganib ng leptospirosis, makapasok lang sa trabaho at makauwi lang sa kanilang tahanan. Sa halip na pagtuunan ng serbisyo publiko ang kalayaan mula sa kahirapan at kagutuman, pinapahamak sila ng katiwalian,” pahayag nito.
Una ng inihayag ni House Majority Leader Rep. Sandro Marcos (1st District, Ilocos Norte) na wala siyang nakikitang masama sa panukalang independent probe sa flood control project controversy kung makakatulong sa pagkakaroon ng transparency at accountability.
Sa pamamagitan ng isang independent fact-finding body na binubuo ng expert at sectoral representation, kabilang na ang labor, na agad magiimbestiga sa lahat ng aspeto flood control controversy, ay agad na matatanggalan ng maskara at matukoy ang dapat managot sa isyu. (Vina de Guzman)

Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez’s birthday message for First Lady Liza Araneta-Marcos

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“On this joyous occasion, I join the Filipino nation in celebrating the life of our beloved First Lady, Atty. Liza Araneta-Marcos.
Your grace, wisdom, and quiet strength have been a constant source of inspiration to your family and countless Filipinos who admire your steadfast dedication to service.
Behind your humility is a resolute spirit that uplifts those around you and reinforces our President’s vision of building a stronger and better Philippines.
Happy birthday, Madam First Lady! On behalf of the House of Representatives, I extend our warmest greetings and sincere prayers for many more years of joy, resilience, and blessings in the company of your loved ones. “
(Vina de Guzman)

Top 3 most wanted ng Region 8, nalambat ng NPD sa Navotas

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa manhunt operation sa Lungsod ng Navotas ang isang drug suspect na wanted sa patung-patong na kaso ng ilegal na droga sa Eastern Visayas.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni DSOU Chief P/Lt. Col. Emmanuel  Gomez na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Navotas City ang presensya ng akusadong si alyas “Joey”, 50, residente ng Valenzuela City.
Napag-alaman ng DSOU na ang akusado ay nakatala bilang No. 3 Regional Level Most Wanted Person (MWP) sa Region 8, Eastern Visayas, at No. 5 Municipal Level MWP ng Babatngon, Leyte.
Kaagad nakipag-koordinasyon si Lt. Col. Gomez sa Office of Regional Intelligence Division (ORID), PRO8, Babatngon Municipal Police Station, at 805th Maneuver Company, RMFB 8, bago ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:15 ng umaga sa Taliba Street, San Rafael Village, Navotas City.
Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trail Court (RTC) Branch 46, Tacloban, Leyte at walang inirekomendang piyansa para sa paglabag sa Section 5 ng R.A 9165 habang may inilaan namang piyansa na P200K para sa paglabag sa Section 11 ng R.A 9165.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng DSOU-NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)

Caloocan LGU, magbibigay ng mahigit 10K tablets, 1,500 laptops sa mga pampublikong paaralan 

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AABOT 10,000 smart tablets at 1,500 bagong laptops ang ipamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan upang tulungan ang mga mag-aaral at mga guro sa pampublikong paaralan na umangkop sa hamon ng mga bagong paraan ng pagkatuto para mapadali ang mahusay at epektibong paghahatid ng mga aralin at iba pang aktibidad na nauugnay sa paaralan.
Ang mga tablet at laptop ay ipagkakaloob nang maramihan sa Schools Division Office (SDO), na siyang magbibigay ng nasabing gadgets sa kani-kanilang mga benepisyaryo.
Sinabi ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na patuloy uunahin ng pamahalaang lungsod ang digitalization ng educational programs upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga paaralan na matugunan ang mga indibidwal na pangangailangan sa pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral.
“May 260,960 na mag-aaral po tayo ngayong taon at pangalawa po ang Caloocan sa may pinakamaraming mag-aaral sa Metro Manila kung kaya’t aminado po tayo na marami pa tayong kailangang ayusin sa sektor ng edukasyon. Ngunit ang mahalaga ay tuloy-tuloy po tayo sa ating pagsisikap na bigyan ng mga modernong kagamitan ang ating mga mag-aaral sa Caloocan,” aniya.
“Inuna natin na magkaroon ng disenteng silid-aralan at pasilidad ang ating mga mag-aaral, ngayon kasama sa ating prayoridad na dagdagan pa ang mga gadget, IT equipment, at mga smart classroom at laboratory upang matulungan ang mga mag-aaral na makasabay sa makabagong panahon,” dagdag niya.
Ang target ng petsa ng pamamahagi ng mga tablet at laptop sa mga beneficiary-school ay sa katapusan ng taong ito. (Richard Mesa)

50% discount ng students sa LRT, MRT hanggang 2028

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGTATAGAL  hanggang sa taong 2028 ang 50% fare discount para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang mga education-related expenses ng mga estudyante.
Nabatid na ang naturang fare discount, na naging epektibo noon pang Hunyo 2025, ay aplikable para sa mga estudyante mula sa kindergarten hanggang graduate school.
Kasama rin dito ang mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at Special Education (SPED) programs.
Sa ilalim ng programa, ang mga eligible na estudyante ay makakatanggap ng 50% diskwento sa pasahe, tuwing sasakay sila ng tren, ng walang daily o monthly limit.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, “Kapag nakakatipid ng pamasahe ang isang pamilya, mas mara­ming oportunidad para magamit ito para sa mga aklat at educational tool na kailangan nila. Malaking ginhawa ito para sa ating mga estudyante.”
Kinumpirma naman ng DOTr na ang proyekto ay ipinatutupad na ng lahat ng Metro Manila train lines.
Nakatakda na rin umano nilang ikasa ang pilot “Libreng Sakay” programs sa Cebu at Davao, gamit ang mga modernong jeepney at mga bus sa mga piling ruta.

4 na contractors pagpapaliwanagin sa umano’y ipinagbabawal na campaign contributions

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAGPAPALIWANAG ng Commission on Elections (Comelec) ang apat na contractors sa kanilang panig sa umano’y ipinagbabawal na campaign contributions, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Ang usapin ay kaugnay sa mga contractors na isiniwalat ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at mga senador sa maanomalyang flood control projets sa buong bansa.
Sinabi ni Garcia na nakatanggap sila ng tip na ang apat na contractor ng gobyerno ay nagbibigay ng campaign contributions sa ilang pulitiko.
Ayon kay Garcia, susulatan nila ang mga contractors na ito upang magpaliwanag.
Samantala, binanggit ni Garcia na sa ngayon, ang batas ay nalalapat lamang sa mga “natural at judicial’ na campaign contributions.
Sa ngayon, inaalam pa ng Comelec kung ang liability ay maaaring umaabot din sa mga kandidatong tumanggap ng kontribusyon.
Paliwanag ni Garcia, iniimbestigahan nila ang 2022 SOCE ng mga kandidato dahil sa loob lamang ng limang taon matapos ang halalan maaring imbestigahan ang SOCE. (Gene Adsuara)

MAYNILA NALUBOG SA BAHA

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LUBOG sa baha ang ilang bahagi sa lungsod ng Maynila kabilang ang mismong Manila City Hall at paligid nito.
Agad namang kumilos ang lokal na pamahalaan para tuluyang humupa ang tubig baha lalo na sa mga pangunahing kalsada kasunod ng pagsasagawa ng cleaning at declogging operations ang mga personnel ng Department of Public Services (DPS).
Partikular sa kahabaan ng Taft Avenue kung saan bawat box cluvert ng drainage ay binuksan.
Dito ay isa-isang tinanggal ang mga basurang nakabara upang magpatuloy ang daloy ng tubig.
Kaugnay nito, idineploy na rin ng Manila LGU ang kanilang mga sasakyan upang magsagawa ng libreng sakay sa mga pasaherong mai-stranded dahil sa baha.
Patuloy naman naka-monitor ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa sitwasyon sa buong lungsod habang nakaalerto rin ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sakaling kailanganin ilikas ang ibang residente. (Gene Adsuara)

Malakanyang, ginagalang ang pagsusulong ng mandatory drug test push, subalit iginiit ang ‘unconstitutional’

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Senado na isulong ang mandatory drug testing subalit iginiit na ang panukalang batas ay salungat sa Konstitusyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tanging “random and suspicion-less” drug testing ang sinang-ayunan ng Korte suprema, tinukoy ang 2008 ruling nito sa Social Justice Society vs. Dangerous Drugs Board.
“[Ang] universal drug testing ay labag sa constitution lalo na sa right to privacy kumpara sa random drug testing,” ang sinabi ni Castro sa isang text message.
“Kung nais nilang ituloy iyan, nasa kanila naman po yan. Sinasabi lang po natin kung ano ang jurisprudence patungkol sa universal drug testing,” aniya pa rin.
“Nabasa po natin ito at pinapatungkulan rito na lehitimo at constitutional ay ang random drug testing. Ang sabi sa decision ‘the operative concept[s] in mandatory drug testing are randomness and suspicion-less,'” ang sinabi pa rin ni Castro.
“Kinumpara ito sa mga persons charged with crimes na pinarerequire ng mandatory drug testing kung saan they will not be ‘randomly picked’ at sa pagkakataon na ganito, na waive nila ang right to privacy,” anito.
Nag-ugat ang pahayag na ito ni Castro nang tanungin ukol sa nasabing panukala, iminungkahi kasi ni Padilla na gawing mandatory sa lahat ng elected at appointed officials ang pagsasailalim sa drug testing kung saan kabilang na rito ang Pangulo.
Sinagot naman ng kampo ni Senador Robin Padilla sa pamamagitan ng kanyang Chief-of-Staff na si Atty. Rudolf Philip Jurado ang naging patutsada ni Castro sa isinusulong ng senador na mandatory drug testing sa mga kawani ng gobyerno.
Samantala, kung maisabatas ito, dadaan sa dalawang testing method ang mga opisyales na kinabibilangan ng hair follicle drug test at urine drug test.
Bilang komento, sinabi kamakailan ni Castro na hindi ito maaring gawin dahil paglabag ito sa batas ayon sa desisyon ng Korte sa Social Justice Society versus Dangerous Drugs Board 2008.
Pinayuhan din niya ang senador na aralin muna niya ang kanyang batas kaysa na magsayang siya ng oras at pondo.
Bilang tugon ng kampo ni Padilla, sinabi ni Jurado na mainam kung babasahin din muli ni Castro ang nasabing kaso at hayaan na lang ang mga senador na pagdebatehan at pagdesisyunan ito bilang ito ang kanilang mandato sa konstitusyon. ( Daris Jose)

PBBM, personal na pupuntahan ang mga lugar na isinusumbong na mayroong ghost at palpak na flood projects

Posted on: August 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PERSONAL na pupuntahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lugar na may bahid ng anomalya at may kaugnayan sa flood control projects.
Sa katunayan, sinabi ng Pangulo na handa niyang puntahan at personal na makita ang mga isinusumbong na kung hindi palpak na flood projects ay wala naman pala talagang existing o ghost project.
Aniya, kung hindi man siya makapunta ay may mga engineer na magpupunta sa site at hihingan niya ng ulat hinggil sa kanilang nakita.
Sa kabilang dako, patuloy naman ang panawagan ng Punong Ehekutibo sa publiko na magpadala ng litrato o video na may kaugnayan sa mga kuwestiyonableng proyekto sa baha.
Malaking bagay aniya at napapakinabangan sabi ng Pangulo ang mga impormasyong kanilang natatanggap sa Sumbong mo sa Pangulo. (Daris Jose)