• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 29th, 2025

Pamamahagi ng graduation incentive

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT SA 758 mag-aaral na nagsipagtapos sa Navotas Polytechnic College para sa AY 2024-2025 ang kanilang graduation incentive na P1,500 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa pag-aaral sa kolehiyo kung saan personal silang binati ni Mayor John Rey Tiangco. (Richard Mesa)

Cong. Leviste, malaki ang maitutulong sa pagsugpo sa korapsyon- Malakanyang

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MALAKI ang maitutulong ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa pagsugpo sa korapsyon lalo na sa usapin ng ‘suhulan’ para makalusot ang maanomalyang flood control projects.
Ito ang dahilan kung bakit nabanggit ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pangalan ni Leviste sa isang press briefing sa Palasyo ng Malakanyang.
“Nabanggit lang natin ang pangalan ni Cong. Leviste sa press briefing dahil makakatulong siya sa pagsugpo ng corruption. Open ang Pangulo sa lahat ng nais na makipagtulungan kaya nabanggit natin ang kanyang nagawa,” ang sinabi ni Castro.
Sa ulat, nabiktima kasi si Leviste ni Batangas 1st DPWH District Engineer Abelardo Calalo kung saan tinangka siyang suhulan ng nasa mahigit 3M upang hindi umano imbestigahan ang mga flood control projects sa kanyang distrito.
Pinalagan ni Leviste ang nasabing suhol.
Kasabay nito, ibinunyag rin ni Leviste na nagkakaroon ng mahigit 300M kada taon na Standard Operation Procedure (SOP) o ‘kickbacks’ mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inilalaan umano sa mga congressman. Aniya ito ay base sa kanyang pakikipag-usap kay Calalo ng sinubukan siyang suhulan.
Nauna rito, snabi kasi ni Castro na “Kung sinuman po ang behind dito, mas maganda po na makausap din po ng Pangulo si Congressman Leviste, at kung ano ang kanyang mga nalaman kasi personal po siyang nakahuli dito kay district engineer at most probably, may mga contractor na nabanggit dito.”
“So, mas magandang makipag-ugnayan siya sa Pangulo para kung sinuman ang mga malalaking tao diumano na behind dito ay dapat ding makasuhan, hindi lamang po iyong district engineer,” aniya pa rin
Tiniyak naman ni Castro na handa ang Pangulo na makipag-usap kahit kanino lalo na patungkol sa mga anomalya.
Samantala, wala namang ideya si Castro kung ipapatawag ng Pangulo si Leviste sa Malakanyang para maka-usap niya ito o magkukusa si Leviste na puntahan ang Pangulo at ibahagi ang kanyang nalalaman. ( Daris Jose)

19 NA NAHULING NAGSASAGAWA NG MOTORCYCLE SHOW AT ILEGAL NA KARERA, INIREKOMENDA NG LTO NA BAWALANG KUMUHA NG DRIVER’S LICENSE

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIREKOMENDA ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbabawal sa pagkuha ng driver’s license ng 19 na residente ng San Rafael, Bulacan na nahuling nagsagawa ng motorcycle show at ilegal na karera sa isang bypass road nitong unang bahagi ng buwan.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang rekomendasyon ay inilabas matapos ang pagdinig noong Miyerkules, Agosto 27, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na habulin ang mga lumalabag sa batas-trapiko.
Bukod sa anim na nasa hustong gulang na dumalo sa pagdinig at apat na hindi nakaharap dahil nananatili pa sa kulungan, sinabi ni Asec. Mendoza na sakop din ng diskwalipikasyon ang siyam na menor de edad na napatunayang nagmaneho rin ng motorsiklo.
Ang naturang pagdinig ay bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng LTO kaugnay ng operasyon ng Highway Patrol Group (HPG) sa San Rafael, Bulacan, matapos makatanggap ng mga reklamo na ginagamit ang bypass road para sa motorcycle race at exhibition.
Sa operasyon, inaresto at kinasuhan ang siyam na nasa hustong gulang habang 12 menor de edad naman ang pansamantalang isinailalim sa kustodiya ng pulisya, kabilang na ang ilan na aktwal na nagmamaneho ng motorsiklo.
Sa siyam na nasa hustong gulang, anim lamang ang nakadalo sa pagdinig ng LTO, habang apat ang nananatili pa rin sa kulungan dahil hindi nakapagpiyansa sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
“Sa pagdinig, lumabas na wala ni isa sa kanila ang may lisensya. Malubha itong kaso, at magsilbi sana itong babala na hindi namin palalampasin ang sinumang lalabag sa mga alituntunin at regulasyon sa kaligtasan sa kalsada,” pahayag ni Asec. Mendoza.
Sa pagdinig, kinilala at inamin ng lahat ng dumalong respondent ang mga paglabag na nakasaad sa kanilang Show Cause Orders (SCOs), at nagsumite sila ng kani-kaniyang sagot at komento kaugnay ng insidente.
Bukod dito, nakumpirmang walang plaka at hindi rin rehistrado ang mga motorsiklong ginamit.
Ang anim na nasa hustong gulang, pati na ang mga hindi dumalo, ay nahaharap sa kasong driving without license, failure to wear the standard protective motorcycle helmet, driving a motor vehicle without a license plate, at being an improper person to operate a motor vehicle. Isinumite na ang kaso para sa pinal na resolusyon. (PAUL JOHN REYES)

Alex Eala bigo kay Bucsa sa 2nd round ng US Open

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa US Open.
Ito ay matapos na talunin siya sa second round ng torneo ni Cristina Bucsa ng Spain.
Dominado ng Ranked 95 na Spanish tennis player ang laro at naitala ang 6-4; 6-3 na score para makausad ito sa third round.
Bagama’t nabigo ay maraming Pinoy fans pa rin ang nanood sa nasabing laban at nagbigay suporta sa kaniya.
Magugunitang nagtala ng kasaysayan ang Pinay tennis star matapos magwagi sa first round ng US Open laban kay Clara Tauson.

Jordan Clarkson, todo-suporta sa kapwa atletang si tennis star Leylah Fernandez sa US Open

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAKITA muli ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ang kanyang suporta sa kapwa atletang may dugong Pinoy ng manood siya sa laban ni Filipino-Canadian tennis star Leylah Fernandez sa US Open sa New York.
Kung saan matagumpay na naipanalo ni Fernandez ang unang round laban kay Rebecca Marino, 6-2, 6-1. Matapos ang laban, ibinahagi niya sa Instagram ang litrato nila ni Clarkson at sinabing, “Great meeting you yesterday!!”
Bukod kay Fernandez, pinuri rin ni Clarkson ang tagumpay ng Filipina tennis prodigy na si Alex Eala, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-kunahang Filipina na nanalo sa US Open main draw matapos talunin si Clara Tauson ng Denmark.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinuportahan ni Clarkson si Fernandez—noong nakaraang buwan ay napanood din siyang nasa player’s box ni Fernandez sa Wimbledon.
Ikinatuwa naman ni Fernandez ang pagkakaroon ng koneksyon sa kapwa atleta na may dugong Filipino tulad nina Clarkson at Eala, at sinabi niyang may mutual respect sila ni Eala tuwing sila’y nagkikita.
Samantala parehong umabante sa ikalawang round ng US Open sina Fernandez at Eala.

 Cong. Erice, nagsagawa ng public consultation

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Caloocan City District 2 Congressman Egay Erice ang isinagawang public consultation kasama ang mga residente ng tatlong Barangay upang tugunan ang kanilang reklamo hinggil sa pagbaha na dulot ng isang proyektong imprastraktura na sinimulan noong nakaraang termino.
Ito ay dinaluhan ng DPWH, Nova Ventus bilang contractor ng proyekto, at ng Caloocan City Engineering Office, gayundin ang mga punong barangay na sina P/B Dante Sotto (Brgy. 117), P/B Geralyn Bolo (Brgy. 118), at P/B Nancy Magat (Brgy. 119) kasama ang kanilang mga kagawad, upang makiisa sa paghahanap ng tamang solusyon.
Ayon kay Cong. Erice, Senior Deputy Minority Leader sa 20th Congress, sa pamamagitan nito ay hindi lamang nabigyang-linaw ang isyu kundi nahanapan din ng konkretong katugunan ang problema.
Dagdag niya, patunay lang ito na kapag sama-sama ang pamahalaan at mamamayan, nagiging posible ang bawat hakbang tungo sa mas ligtas at mas maayos na pamayanan. (Richard Mesa)

Malakanyang, pinabulaanan ang napaulat na suspensyon ni DOH chief Herbosa

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINANGGI ng Malakanyang na inilagay sa preventive suspension si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa dahil sa ga-bundok na kontrobersiya na bumabalot dito.
“From OP (Office of the President) and OES (Office of the Executive Secretary), wala po as of now na suspension of Sec. Ted,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Si Herbosa ay napaulat na nahaharap sa ilang reklamo, kabilang na ang di umano’y kaso na isinampa laban sa kanya ng mga empleyado ng DoH sa Office of the Ombudsman noong Hulyo, may kinalaman ito sa di umano’y hindi awtorisadong pagpapalabas ng P44.6 milyong halaga ng psychiatric drugs sa Rotary Club of Quezon City, na hindi awtorisado na magbigay ng mga medisina.
Naging paksa din ang Kaihim sa maanomalyang reklamo hinggil sa di umano’y paglilipat ng P1.29 billion na cash advances sa UNICEF mula Pebrero hanggang Hulyo 2024, maliban sa procurement request para sa P524 milyong halaga ng bakuna mula sa ahensiya. (Daris Jose)

Publiko, maaari nang subaybayan ang flood control projects sa pamamagitan ng Project DIME ng DBM

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAAARI nang subaybayan ng publiko ang government-funded infrastructure sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng kontrata.
Ito’y matapos na ilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang isang online tracker para sa flood control projects, nagbibigay sa publiko ng direct access para i-monitor ang mga nasabing government-funded infrastructure.
Ang inisyatiba ang bumubuo ng bahagi ng Project DIME (Digital Information for Monitoring and Evaluation), isang platform na gumagamit ng satellites, drones, at geotagging para i-monitor ang progreso ng big-ticket projects, na opisyal na inilunsad, araw ng Miyerkules.
Pinahihintulutan nito ang mga mamamayan na mag- post ng feedback sa pamamagitan ng kanilang Google o social media accounts.
“Kabilin-bilinan po ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kung ano po ang pinopondohan natin, let’s make sure po na makararating sa ating mga kababayan sa lalong madaling panahon,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isinagawang paglulunsad ng Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City, araw ng Miyerkukles.
Ang pag-rollout ng flood control component ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.
Ang Project DIME ay unang ipinakilala noong 2018 subalit muling binuhay sa ilalim ng Executive Order 31, nilagdaan noong 2023, naglalayong i-institutionalize ang Philippine Open Government Partnership para i-promote ang ‘transparency at accountability.’
( Daris Jose)

Former Senator at “People’s Champ” Manny Pacquiao, nag-courtesy call kay  PBBM

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKASAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si former Senator at “People’s Champ” Manny Pacquiao sa isang courtesy call kahapon Agosto 28, 2025 sa Malakanyang.
Bitbit ni People’s Champ Manny Pacquiao ang isang karangalang hindi lamang para sa mundo ng boxing kundi para rin sa puso ng bawat Pilipino.
Maraming salamat sa pagkakataong muling magkaisa ang sambayanan para sa tagumpay ng isang tunay na kampeon na hinubog ng sipag, tapang at puso ng pagiging Pilipino.

Sec. Bonoan, nanindigang hindi nakinabang sa mga ghost project ng DPWH

Posted on: August 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANINDIGAN si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na hindi siya nakinabang o kumita sa mga una nang nabunyag na ghost project sa bansa.
Ayon sa Kalihim, wala siyang kinalaman sa mga naturang proyekto, at wala tin siyang kaugnayan sa mga DPWH official na nagpatupad nito, kasama na ang mga contractor.
Una nang nabunyag ang ghost project sa Baliuag, Bulacan, matapos magsagawa ng inspection si Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ang naturang proyekto ay may project description na ‘Construction of Reinforced Concrete River Wall’ at may actual address na Purok 4, Barangay Piel, Baliuag, Bulacan
Bagaman ito ay pinondohan ng P60M sa ilalim ng 2025 National Budget, ang contract cost ng nanalong contractor ay nagkakahalaga ng kabuuang P55,730,911.60
Naipasakamay ito sa Syms Construction Trading habang ang Bulacan 1st District Engineering Office naman ang nag-implementa sa naturang proyekto.
Maliban sa naturang proyekto, ilang mga flood control project sa naturang probinsya ang tinutukoy ngayon bilang ghost project.
Pero giit ni Sec. Bonoan, sinisiyasat na ng DPWH ang mga naturang proyekto at tiyak ang pagpapataw ng parusa sa sinumang matutukoy na responsable o nakinabang sa mga ito.
Ayon sa kalihim, ilan sa mga district engineer na natukoy na responsable sa naturang isyu ay pinatawan na ng preventive suspension habang gumugulong ang imbestigasyon.
( Daris Jose)