BINIGYANG diin ng Malakanyang ang kahalagahan ng ‘responsible at ethical journalism’ para i-navigate ang mga hamon at sunggaban ang mga oportunidad sa digital era.
Sa pagsasalita sa harap ng mga media practitioners sa Ibis Styles Hotel Manila Araneta City sa Quezon City, kinilala ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mahalagang papel ng Philippine press na pinangangalagaan ang demokrasya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘accurate, fair, at transparent information’ sa publiko.
“This conference is more than just a gathering of writers, reporters, scholars, and journalists. It is an exercise in ethical and responsible reporting – a reassurance that information is power and those who wield it have more responsibility than they can imagine,” ayon kay Castro sa idinaos na National Press Freedom Day conference.
“As we conclude this conference, I hope all the lessons you’ve learned will continue to empower you to do your absolute best in defending press freedom. May these learnings open new doors to you as you improve your craft. May they also mold into champions of responsible and ethical journalism in a rapidly evolving media landscape,” aniya pa rin.
Nanawagan naman si Castro sa mga miyembro ng media na manatiling matatag sa kanilang commitment sa ‘katotohanan, transparency, equality o pagkakapantay-pantay sa kabila ng mga hamon na kanilang hinaharap, kabilang na ang pagtaas ng misinformation at disinformation sa social media at tumataas na pag-aalinlangan ng publiko.
Sinabi pa ni Castro na patuloy ang mga mamamahayag na gampanan ang kanilang mahalagang papel na panatilihin ang demokrasya na “alive, healthy and working.”
“Challenges will always be present in any profession and era. I pray you see them just as they are and not as an obstacle to run away from it. Whether you are in print, radio, TV, or digital media, let these challenges shape you into members of the press that future generations of citizens and journalists will look up to,” ang winika ni Castro.
Muli namang pinagtibay ni Castro ang commitment ng administrasyong Marcos na panindigan ang press freedom at patuloy na pagsuporta sa media.
“As your partners in government, we, too, strive to defend the citizens’ right to free speech. We expect your desire to bring forward the truth in every article you write, in every broadcast you air, and every story you pursue,” aniya pa rin.
Pinuri naman ni Castro ang mga guest speakers gaya nina Peterno Esmaquel II ng Rappler, Presidential Task Force on Media Security executive director Undersecretary Jose Torres Jr., at Department of Information and Communication Technology Undersecretary Sarah Sisob — sa pagbabahagi ng mga ito ng kanilang mahahalagang pananaw sa pagpapanatili ng ‘journalistic integrity’ sa isang mabilis na media landscape na dino-dominahan ng digital platforms.
Binigyang diin din ng mga ito ang nagpapatuloy na government initiatives para pangalagaan ang mga journalists at talakayin ang umuusbong na digital threats at legal challenges na nakaaapekto sa media workers.
Ang event, may temang “Press Freedom in the Digital Age: Rights, Responsibilities and Realities,” pinagsama ang mga kinatawan mula sa state media, media professionals, at journalism students.
Samantala, inorganisa naman ng Presidential Communications Office ang one-day conference alinsunod sa Republic Act 11458, dinedeklara ang Aug. 30 ng bawat taon bilang National Press Freedom Day bilang pagbibigay galang kay Marcelo H. del Pilar, kilala sa kanyang pen name na Plaridel at kinokonsidera bilang Ama ng Philippine Journalism. (Daris Jose)