• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2025

Metropolitan Manila Regional Administration, isinusulong ni Cong. Erice

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA gitna ng lumalaking populasyon at lumalalang suliranin ng trapiko, baha, polusyon at iba pa, isinusulong ni Caloocan City District 2 Congressman Egay Erice ang isang regional government na may sapat na pondo at kapangyarihan upang tugunan ang mga problema ng National Capital Region (NCR).
Saklaw ng pagbuo ng House Bill No. 3584 na ito o ang tinatawag na Metropolitan Manila Regional Administration (MMRA), ang mga serbisyo tulad ng Development Planning para sa maayos na plano sa paglago at imprastraktura ng NCR.
Gayundin, ang Transportation & Traffic Management, upang gumawa ng solusyon laban sa matinding trapiko at mas maayos na biyahe habang ang Solid Waste Management ay para sa malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng basura.
Nakapaloob din sa panukalang batas na ito ang Flood Control & Sewerage para sa mga proyektong laban sa pagbaha at pagpapaunlad ng sistema ng imburnal, at Urban Renewal, Zoning, Land Use & Shelter Services para sa pagpapaganda ng komunidad at serbisyong pabahay.
Ang Health, Sanitation & Pollution Control, ay para naman sa kalinisan, kalusugan, at proteksyon laban sa polusyon, Public Safety & Disaster Management para sa seguridad at mabilis na pagtugon sa sakuna at Ang Public Works & Highways upang tiyaking mas ligtas at maayos ang mga kalsada at imprastraktura.
Ayon kay Cong. Erice na siya ring Senior Deputy Minority Leader sa 20th Congress, ang mga hakbanging ito ay isang epektibong pamamahala upang mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang bawat mamamayan ng Metro Manila. (Richard Mesa)

La Niña mananalasa ng 6 na buwan – PAGASA

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPALABAS ng “La Niña Watch” ang PAGASA dahil sa posibilidad na maranasan ang La Niña sa loob ng susunod na anim na buwan.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay patuloy pang binabantayan ang El Niño Southern Oscillation (ENSO) sa tropical Pacific at maaaring magpatuloy ang ENSO-neutral hanggang Oktubre.
Gayunman, base sa nakikita nilang model forecasts, tumaas ang posibidad ng pagkakaroon ng short-lived La Niña conditions sa September-October-November season at maaaring tatagal hanggang sa October-November-December season.
Ipinaliwanag ng PAGASA na kapag ang posibilidad na maranasan ang La Niña ay umabot sa 55 percent ay inilalabas na ang “La Niña Watch”.
Ang La Niña ay ang pagkakaroon ng above-average na bilang ng bagyo at maaaring maranasan sa maraming lugar sa bansa ang above-normal rainfall conditions.

PBBM, biyaheng Cambodia sa susunod na buwan para sa State Cisit

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang nakatakdang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong Cambodia sa susunod na buwan.
Sa katunayan, ayon kay Castro ang travel date ay mula Setyembre 7 hanggang 9.
Kinumpirma rin ni Castro ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa Setyembre.
“There is a plan,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez sa isang panayam matapos tanungin kung dadalo ang Pangulo sa UNGA na nakatakda ngayong taon.
Ani Romualdez, mahalaga ang presensiya ni Pangulong Marcos sa UNGA para sa hangarin ng Pilipinas na masungkit ang isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC) “since he will have the chance to engage with many world leaders.”
( Daris Jose)

PCO, naglaan ng P16-M para labanan ang fake news

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IMINUNGKAHI ng Presidential Communications Office (PCO) ang P16 milyong alokasyon sa 2026 budget para labanan ang “fake news.”
“We do a significant amount of work in terms of combating fake news and misinformation, from the digital front to coordination with other government agencies for data on these fake news sites,” ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez sa budget briefing para sa panukalang 2026 budget ng PCO, araw ng Martes.
“We continue to educate our people against fake news; we only have an allocation of P16 million for it. When we see something in social media that is obviously fake and is obviously based on misinformation, we counter that with content that would clarify the misinformation, correct the misinformation, and outright dispute that fake news. It’s content versus content,” ang sinabi pa rin ni Gomez.
Sinabi pa ni Gomez na “it is more of maximizing and leveraging all the social media platforms available to PCO’s disposal through its attached agency system.”
Pagdating na isasagawang sistema, sinabi nito na ang PCO ay mayroong tiyak na fact-checking at verification processes na nakalatag na.
“We have the media information literacy (MIL) campaign and the digital governance and unified messaging platforms,” ani Gomez.
Sa ilalim ng MIL campaign, ang PCO ay mayroong ilang programa, workshops, trainings na gagamitin ng mga miyembro ng lipunan sa paglaban sa fake news at idetermina ang kabuuan nito.
Nagsagawa ito ng isang MIL fact-checking workshop series kasama ang Vera Files. Hangad din nito na palakasin ang fact-checking capacity sa government media sa pamamagitan ng sanayin ang 75 fact-check officers mula state media outlets sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Tinitiyak naman ng inisyatiba na ang state media communicators ay may magagamit na ‘tools at methodologies’ para ma-detect at kontrahin ang fake information.
Nagsagawa rin ito ng pagsasanay sa mga trainers o tagapagturo para makalikha ng multipliers para sa MIL education.
Sa ilalim ng programa, “the PCO trains educators nationwide, and these educators will later cascade the knowledge to their respective schools and institutions to ensure the sustainability and the consistency of the program.”
Samantala, dinepensahan naman ni Gomez ang panukala ng PCO na P252-million advertising expenses para sa 2026.
Aniya, ang advertising budget ay naaayon sa mga plano kung saan ang Pilipinas ang siyang magho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.
“At the same time, we’re looking at several other important milestones for next year. And that’s why we need to advertise not just locally, but in some international outlets as well,” aniya pa rin.
Winika pa ni Gomez na ang hangarin ng Pilipinas na maging isang non-permanent member ng United Nations (UN) Security Council ay mangailangan din ng karagdagang halaga.
“It will require a lot of lobbying, a lot of projecting our country externally, on why we deserve to be nominated and elected,” ang pahayag ni Gomez.
Para sa taong 2026, nag-request ang PCO ng P2.808 bilyong budget para sa operasyon nito at para sa mga attached agencies at government-owned and controlled corporations nito.
Ang bulto o ang P972.02 milyong piso ay ilalaan para sa PCO proper.
Ang natitira ay para sa Philippine Information Agency (P527.49 million), Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services (P512.54 million), Radio Television Malacañang (P254.21 million), News and Information Bureau (P163.15 million), Bureau of Communications Services (P99.54 million), and National Printing Office (P20.99 million).
Kasama rin sa PCO budget proposal ang budgetary support para sa Intercontinental Broadcasting Corporation (P122 million) at People’s Television Network (P136.76 million).
Ang APO Production Unit Inc. ay hindi tumatanggap ng anumang subsidya mula sa gobyerno. (Daris Jose)

SENIOR HIGH SCHOOL TEACHER, GUSTONG MALINAWAN SA SUPREME COURT ANG TERMINONG FORTHWITH 

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG Senior High School teacher ang humihingi ng paglilinaw sa Korte Suprema ang terminong “forthwith” sa Konstitusyon.
Sa 15 pahinang Motion for Reconsideration na inihain nig petitioner na si Barry Tayam, nanindigan ito na nabigo  ang High Tribunal  sa pagbigay ng desisyon sa usapin dahil sa trancendental na kahalagahan nito.
“The use of the term “forthwith” in the recent 97-page Supreme Court decision was only limited to four (4) instances, and the term was neither given specific constitutional definition nor was its meaning elaborated upon in detail. The decision did not provide a clear, time-bound interpretation of the term, leaving its precise meaning whether in days, weeks, or months without a proper constitutional framework,” saad sa MR.
Dagdag pa niya, na ang kakulangan ng isang tiyak na interpretasyon sa desisyon ng SC ay lumilikha ng isang kalabuan na maaring mangailangan ng karagdagang judicial clarification upang magtatag ng isang malinaw na timeline.  (Gene Adsuara)

Permanenteng pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill, ikinababahala ng mambabatas

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Committee on Metro Manila Development Chair Caloocan City Rep. Dean Asistio sa permanenteng pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill.
Inaasahan na makakapagpabagal ito ng koleksyon at lalong makakadagdag sa tambak ng basura sa buong Metro Manila at magpapalala sa patuloy na pagbabara ng mga estero, drainage at iba pang waterways na dulot ay patuloy na pagbabaha.
“Sa gitna ng problema natin sa patuloy at palagiang pagbaha sa Metro Manila, malilipat at maiipon ang ang lahat ng basura mula sa 17 LGUs sa San Mateo Landfill. Nakakatakot isipin ang implikasyon nito at sa dami ng environmental related issues na kailangan natin agarang aksyunan – ang patuloy na pagbaha, ang paglilinis ng ating mga estero, drainages at waterways, at ngayon ang hamon ng pagkakaroon ng mas epektibong koleksyon at pagproseso sa mga nakokolektang basura – maituturing na itong environmental emergencies,” paliwanag ni Asistio.
Isinusulong ng kongresista ang pagkakaroon ng isang komprehensibo at integrated na Flood Management Plan sa Metro Manila na dapat standard na ipapatupad sa lahat ng barangay at syudad sa Metro Manila. Kasama sa Masterplan na ito ang pag-aaral kung paano gawing mas epektibo ang koleksyon at pagproseso ng mga nahahakot na basura.
“Alam natin na hindi pangmatagalang solusyon ang mga sanitary landfill. Nakikita natin na naiipon, napupuno na at lumalagpas na sa kapasidad ang mga landfill na ito – ayaw na po nating maulit ang masasamang karanasan natin sa mga dumpsites at ang pagkalat ng mga toxins o lason sa ating mga lupa at likas tubig,” dagdag ng mambabatas.
Giit ni Asistio na kailangan nang sama-samang pag-usapan ang mas komprehensibo at sustenableng solusyon. “Sa ganitong environmental emergency, kailangan nating iexplore ang mga alternatives, halimbawa ang pagpapalawak ng waste-to-energy technologies sa pagproseso ng basura. Makakatulong pa ito upang mapailaw halimbawa ang komunidad at mas maeengganyo ang partisipasyon ng mga mamamayan.”
Sa ilalim ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Republic Act 9003, binibigyang prayoridad ang pagproseso at segregation ng basura at source, recycling, composting at pagtatayo ng Material Recovery Facilities (MRF) sa lebel pa lang ng barangay. Bagama’t huli sanang proseso ang pagtatayo ng landfills, 13,000 toneladang basura ang naitatapon sa mga landfills kada araw mula sa Metro Manila pa lamang.
“Ito ay isa nang emergency. Kailangan na natin ang mabilisang aksyon pero dapat kumprehensibo at sustenable. Ito ang magiging direksyon ng mga ipapatawag nating Committee Hearings ng Metro Manila Development. Hindi po natin hihintayin na patuloy tayong malubog sa baha o sa basura,” pagtatapos ni Asistio.
(Vina de Guzman)

Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno nangangamba sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP)

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pangamba si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa special human rights laws, kabilang na ang Anti-Torture Law at Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Law ng Commission on Human Rights (CHR).
Nadismaya si Diokno matapos mabatid mula kay CHR chairperson Richard Palpal-latoc sa isinagawang Committee on Appropriations briefing na sa kabila na may ilang special laws na ibinigay na karagdagang mandato sa CHR, ay wala naman itong kaukulang budget para sa implementation nito sa ilalim ng the panukalang 2026 NEP, maliban sa nasa ₱2 million na nakalaan sa gender programs sa ilalim ng Magna Carta of Women.
“In other words, for the implementation, for example…(of) the anti-torture law and the anti-enforced disappearance, there’s nothing in the NEP. It’s good that we learned that because hopefully we can do something about it,” ani Diokno kay Palpal-latoc.
Sinabi ng mambabatas na importanteng matugunan ang isyu, hindi lamang para mabalanse ang bilang kundi para na rin maipatupad ng komisyon ang kanilang mandato at pangako sa publiko.
Sa ulat ng Congressional Policy and Budget Research Department, nasa 200 batas na naipasa mula 1991 hanggang 2023 ang nananatiling unfunded o walang sapat na pondo.
(Vina de Guzman)

Venus Williams proud pa rin kahit bigo sa US Open

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MASAYA pa rin si American tennis star Venus Williams kahit na bigo ito sa unang round ng US Open.
Tinalo kasi siya ni Karolína Muchová ng Czech Republic sa score na 6-3, 2-6, 6-1.
Ayon sa 45-anyos na si Williams ay maipagmamalaki pa rin niya ang sarili dahil sa kaniyang paglalaro.
Ito ang unang grand slam na laro ni Williams mula pa noong 2023 US Open at ang pang-apat na laro mula ng bumalik sa tennis noong Hulyo matapos ang 16 na buwan na hindi paglalaro.

Alex Eala makakaharap si Bucsa ng Spain sa 2nd round ng US Open

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKAKAHARAP ni Pinay tennis star Alex Eala si Cristina Bucsa ng Spain sa ikalawang round ng US Open.
Tinalo kasi ng 27-anyos ng Spanish player sa unang round si Claire Liu.
Si Bucsa ay ranked 95 sa buong mundo habang si Eala ay ranked 75.
Ang sinumang manalo sa kanila ay makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan nina Elise Mertens ng Belgium at Lulu Sun ng New Zealand.
Magugunitang nagtala ng kasaysayan si Eala ng magwagi sa unang round ng US Open matapos talunin si Clara Tauson.
Gaganapin ang laban ng dalawa mamayang alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.

Inaming baka pumanaw na kung wala ang asawa: GARY, labis ang pasasalamat kay ANGELI sa 41 years na pagsasama

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAARAWAN ng misis, ina ng mga anak niya at the same time, tumatayo rin na manager ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan nitong August 26. 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, binati ni Gary si Angeli. At sa mensahe niya, malinaw na naiparating nito kung gaano siya nagpapasalamat na sa loob ng 41 taon ay kasama niya ito. 

Na kung wala raw siguro ito sa buhay niya, malamang na matagal na siyang wala sa mundo.

Ilang beses na naming nakakausap si Tita Angeli sa mga napagdaanan nila dahil sa pagiging matagal ng diabetic ni Gary. Na ilang beses na rin na talagang nanganib ang buhay niya.

Sabi ni Gary, “Hey hon. What would my world have been like without you? Perhaps it may have ended sometime ago. I know it sometimes gets tough for us to journey through life together but I’m blessed to have been journeying with you for the past 41 years.

“It’s your bday hon, as we both come around the bend and head into the home stretch… I pray we fulfill all that our Lord Jesus still has in store for us to achieve.

“You’ve been instrumental in keeping this heart of mine pumping and for as long as it still beats, I will hold your hand as we walk, run, laugh, cry, pray, praise, and worship together, loving the One who brought us together. I love you hon. Happy, happy bday!!!”

Sa totoo lang, madalaas din na may nakaka-misinterpret o misunderstood kay Tita Angeli, pero hindi matatawaran ang pag-aalaga niya sa isang Gary V.

 

***

 

KUNG kailan may anak na ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, saka naman hindi namamatay ang isyu na diumano’y hiwalay na sila. 

Posibleng ang hindi nila palaging pagpo-post ng mga photos, video nilang dalawa unlike before na maya’t-maya ay may upload sila ang isa sa dahilan kung bakit nababalitang hiwalay na sila.

Galing ng Bali, Indonesia si Derek at nag-training sa isang klase ng wellness program na kung tawagin ay Kami No Ken in Bali. Ang Afghan head na si Coach Nasser Qazi ang nagte-training kay Derek.

Pero sa recent IG post ni Derek, nag-post ito ng picture ng anak nila na si Baby Lianna at ang caption niya, “Papa is on his way home, my love.” 

Obviously, miss na nito ang kanyang baby girl.

Ang isa sa malapit kay Derek na si Nay Cristy Fermin ay nagsalita na wala raw katotohanan na hiwalay na ang mag-asawa. 

Sa isang banda, dahil kilala namin si Derek na sumasagot agad kapag may isyu na nasasangkot ang pangalan nila or lalo na kung hindi maganda, pero hanggang ngayon kasi, tikom lang ang bibig nito.

Hopefully it’s really not true.

Pero, madali kay Derek at maging kay Ellen na supalpalin ang mga nagsasabing hiwalay na sila kung gusto nilang matigil na, ‘di ba?

 

(ROSE GARCIA)