• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:16 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2025

PHILIPPINE HEART ASSOCIATION USAPANG PUSO SA PUSO: Treat Your Leg Like Your Heart 

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LEG PAIN, most especially when its recurring should be a cause for alarm. What many dismiss as simple fatigue or aging may, in fact, be an early sign of a vascular condition known as limb ischemia (LI) and an impending heart attack.  LI can also lead not only to amputation but also to stroke, and death if ignored. LI is not simply a circulation problem. There is a fatal link between limb pain and cardiovascular disease.
During the

August 26, 2025 Philippine Heart Association (PHA) Usapang Puso sa Puso webinar, Dr. Paolo Joel Nocom, chair of PHA Council on Coronary Artery Disease, explained that “LI is not just a disease of the legsit is a reflection of your overall cardiovascular health.”

Nocom, cardiologist-vascular medicine specialist, who is also the head of Philippine Heart Center Section of Peripheral Artery Disease, Division of Vascular Medicine, added that “kapag may bara sa ugat ng paa, malaki ang posibilidad na may bara rin sa ugat ng puso o utak. Kaya’t ang simpleng pananakit o panlalamig ng binti ay maaaring senyales na nasa panganib ang iyong puso.
Severe, overlooked condition
Nocom said that LI has two kinds. Acute Limb Ischemia (ALI) occurs when blood flow to the arms or legs is suddenly cut off, putting tissues at risk of death within hours. Without urgent intervention, this can lead to permanent disability or even death.
Meanwhile, Critical Limb Ischemia (CLI) develops over time, often in people with diabetes, hypertension, or existing heart disease. CLI is marked by persistent pain, wounds that refuse to heal, and gangrene. Studies show that many patients with CLI face amputation and also suffer from high rates of heart attack and stroke within five years of diagnosis.  CLI and surgical intervention will be tackled in the UPP Segment 2 on August 29, 2025, 10 AM via the PHA Facebook page. A team of thoracic and cardiovascular surgeons and wound specialists were tapped as resource persons.
Spot the early warning signs
Nocom urged the public that the symptoms of like: persistent leg pain often worse at night or even at rest, or a sudden severe pain in one limb that does not subside; coldness and paleness in the skin of the arms or legs, along with numbness, tingling, or weakness; the presence of non-healing wounds, ulcers, or darkened patches on the feet or toes, which may signal poor circulation, should be a cause for alarm.
For ALI, Nocom emphasized the importance of the 6Ps as a quick diagnostic guide: Pain (sudden, severe pain in the limb), Pallor (pale or bluish skin), Pulselessness (weak or absent pulse in the affected area), Paresthesia (tingling or pins and needles sensation), Paralysis (weakness or loss of movement), and Poikilothermia (coldness compared to the rest of the body).
LI is diagnosed through a combination of physical examination, medical history and diagnostic test such the ankle-brachial index, doppler ultrasound and angiography to visualize blood flow and identifiy blockages.
The legs have pulses
Bukod sa pulselessness o pagkawala ng pulso, kapag naramdaman mo ang isang sintomas, maaaring hindi iyan arterial disease, pero kung walang pulso ang binti, kumonsulta ka na agad dahil iyan ay emergency, Nocom added. (The absence of pulse in your leg should prod you to seek emergency consult.)
PHA Director III and Advocacy Committee Chair Dr. Iris Garcia reiterated: “Kumonnsulta na kayo agad sa doctor kapag walang puslo ang inyong binti dahil delikado iyan.”
The bad news is treatment for limb ischemia in the Philippines is limited.  Treatment requires advanced procedures such as angioplasty, bypass surgery, or catheter-based interventions. In developed countries, these are increasingly common and accessible.
However, in the Philippines, such treatments are expensive and limited to specialized hospitals, according to Nocom. Access to vascular surgeons and interventional cardiologists is also scarce, especially outside Metro Manila.
Sa ating bansa, mahal ang gamutan at limitado ang mga espesyalista. Kapag huli nqa ang pagkonsulta, mas mataas ang tsansang umabot sa putol ng paa o ikamatay ng pasyente, Dr. Nocom said.
“Because treatment is not always within reach, prevention and early detection are critical, Nocom stressed.
Medications such as anticoagulants, antiplatelets and cholesterol-lowering drugs are prescribed.
Garcia added: “Kung ano ‘yung mga gamot natin sa diabetes, altapresyon, sa cholesterol, iyon din ang gamot na nakakatulong sa Peripheral Arterial Disease. Kung ano ang nagbabara sa puso, ganoon din sa utak, ganoon din sa binti, kaya ‘yung maintenance na mga gamot ay panatilihin nating inumin. Kung mayroon kang bara sa inyo binti, ang mga gamot na iyan ay maintenance na kaya kumonsulta sa manggagamot.”
Smoking: Top culprit in PAD
Nocom stressed that smoking is the top culprit in acquiring peripheral artery disease (PAD)   which can lead to limb ischemia.  Know and watch your numbers.
To put PAD at bay and manage limb ischemia, he said:   quit smoking. Tobacco use greatly increases the risk of artery damage and poor circulation. Equally important is keeping blood sugar, blood pressure, and cholesterol under control, as these factors directly affect the health of both the heart and the blood vessels. A heart-healthy diet–rich in fruits, vegetables, whole grains, and lean proteins — also plays a major role in protecting vascular health.
He added that physical activity is another key step, as it improves circulation and strengthens the cardiovascular system. He stressed, however, that lifestyle changes must go hand in hand with timely medical attention.

SPECIAL POWER OF ATTORNEY, MAY LIMITASYON 

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW ng Korte Suprema na wala ng  bisa ang Special Power of Attorney kapag namatay na ang nagpagawa  nito.
Sabi ng SC, lahat ng kilos ng ahente pagkatapos ng kamatayan ay awtomatikong wala nang bisa, maliban na lang kung sakop ng exception sa batas.
Ang paglilinaw ng SC ay ukol sa kaso ng isang ginang na si  Jessica Uberas na binigyan ng SPA ng kanyang amang si Meliton Alova para pamahalaan ang kanyang ari-arian.
Ginamit ni Jessica ang SPA ng ama kahit na pumanaw na ito makalipas ang ilang taon para umutang at  magsangla ng lupa sa San Miguel Foods.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, sinabi ng Korte Suprema na wala na siyang karapatan gamitin ang SPA dahil matagal nang patay ang kanyang ama.
Sa kabila nito, nilinaw din ng hukuman na hindi lahat ng sangla ay nawalan ng bisa.
Sinabi ng SC na may bahagi pa rin ang babae sa lupa dahil siya ay tagapagmana pero ito lamang ang sakop ng  mortgage at foreclosure. (Gene Adsuara)

Malakanyang kay Baste Duterte ukol sa imbestigasyon ng flood control project: ‘Manood na lamang po siya.’

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“MANOOD na lamang po siya.”
Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang nang hingan ng komento hinggil sa sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa panayam dito sa The Hague, Netherlands.
Sa halip aniya na sabihin ni Baste Duterte na ang imbestigasyon sa di umano’y maanomalyang flood-control projects ay isang “PR (public relations) stunt”, makabubuting ‘manood na lamang po siya.’
Sinabi kasi ni Baste Duterte na ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood-mitigation projects ay isa lamang political theatrics, sabay sabing dapat na panagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil siya ang highest-ranking official ng bansa.
“Because he [Marcos] is turning that into a press release now, it’s his PR stunt now,” ang sinabi ni Baste Duterte sa naging panayam sa kanya ni dating presidential spokesperson Harry Roque.
“If there is someone to blame, that would be him,” aniya pa rin.
Sinabi ni Baste Duterte na kung seryoso si Pangulong Marcos sa usaping ito, dapat ay magsampa ito ng kaso “file a case […] If he’s really serious… then why not file a case? If you really want to show the people, okay, you want to redeem yourself, then go to jail.”
Samantala, binigyang diin ni Castro na pananagutin ni Pangulong Marcos ang lahat ng opisyal at politiko na mapatutunayan na sangkot sa maanomalyang flood-prevention projects, kung saan iniwang lubog sa tubig-baha sa panahon ng tag-ulan ang ilang bahagi ng bansa. ( Daris Jose)

Suplay ng bigas, sapat; mahigpit na nakamonitor para pigilan na dayain ang presyo- Malakanyang

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGSASAGAWA ng hakbang ang gobyerno para panatilihing matatag ang presyo ng bigas at tiyakin na sapat ang suplay nito.
Ito’y habang naghahanda ang bansa na ipatupad ang 60-day ban sa pag-angkat ng bigas simula sa susunod na buwan.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng mahigpit na price monitoring para protektahan ang mga consumers mula sa biglaang pagtaas ng presyo sa panahon na ikakasa ang pagbabawal sa pag-angkat ng bigas.
Winika pa ni Castro na mayroong aktibong koordinasyon sa pagitan ng DA at mahahalagang stakeholders kabilang na ang mga magsasaka, millers at mga mangangalakal para pigilan ang price manipulation sa rice market.
“Ayon po sa DA, nakausap po natin, ay magkakaroon sila ng price monitoring to enforce the maximum suggested retail price,” ang sinabi pa ni Castro.
Tiniyak naman ni Castro sa publiko na mayroong sapat na suplay ng bigas.
Nagsasagawa aniya ang DA ng ‘weekly monitoring’ ng buffer stock, pinupuno sa pagsisimula ng panahon ng pag-aani.
“So, with that, nakikita po natin na tama po ang supply ng bigas sa atin mula sa local farmers, so wala pong masyadong iniisip na magiging problema ang DA patungkol sa supply ng bigas,” ayon kay Castro.
Tinuran pa ni Castro na magpapalabas ang DA ng 1.2 milyong bags, o hanggang 100,000 metric tons (MT) ng lokal na bigas sa pamamagitan ng isang auction ngayong linggo, na may floor price na inaasahan na aabot sa pagitan ng P25 at P28.
“Layunin din ng auction na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng karagdagang suplay ng bigas. Ibig sabihin, maganda ang ani ng ating mga magsasaka,” ang sinabi ni Castro.
Idinagdag pa ni Castro na ang isa pang 100,000 MT ng bigas ay ipalalabas para palawigin ang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” Program ng gobyerno at tulungan na patatagin ang presyo sa merkado.
Sa ulat, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na suspendihin ang lahat ng rice importation sa loob ng 60 araw upang maprotektahan ang lokal na industriya ng palay.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, epektibo ang suspensyon ng pag-aangkat ng bigas simula September 1, 2025, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.
Layon ng hakbang na ito na bigyang proteksyon ang mga lokal na magsasaka na kasalukuyang dumaranas ng mababang presyo ng palay ngayong anihan.
Ang desisyon ng Pangulo ay ginawa kasunod ng konsultasyon kasama ang mga myembro ng Gabinete sa sidelines ng kanyang limang araw na state visit sa India. ( Daris Jose)

PBBM, Leviste dapat na pag-usapan ang isyu ukol sa flood control projects

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Malakanyang na makabubuti kung mag-uusap sina Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. at Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
”Kung sinuman po ang behind dito, mas maganda po na makausap din po ng Pangulo si Congressman Leviste, at kung ano ang kanyang mga nalaman kasi personal po siyang nakahuli dito kay district engineer at most probably, may mga contractor na nabanggit dito,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
”So, mas magandang makipag-ugnayan siya sa Pangulo para kung sinuman ang mga malalaking tao diumano na behind dito ay dapat ding makasuhan, hindi lamang po iyong district engineer,” aniya pa rin.
Sa ulat, pormal nang nagsampa ng reklamo si Batangas Congressman Leandro Leviste laban sa isang DPWH district engineer na nagtangka umanong suhulan siya.
Naniniwala ang kongresista na may malalaki pang taong nasa likod ng katiwalian sa flood control projects.
(Daris Jose)

PBBM, ipinag-utos ang lifestyle check sa lahat ng mga opisyal na may kinalaman sa flood control project

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang tuluy-tuloy na pag-check sa mga records ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa mga maanomalyang proyekto.
“Unang-una po, hindi po natin makakaila na mayroong mga DPWH officials na sinasabing involved at malamang ay magsimula sila doon,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Ongoing din ang investigation ng pamahalaan upang matukoy ang mga nasa likod ng mga proyektong dapat sana ay makakatulong sa solusyon ng malawakang pagbaha sa bansa,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na ang ginagawang pag-iimbestiga ng Pangulo sa usaping ito ay hudyat na rin para sa mga ibang government agencies gaya ng COA, BIR, LGUs, Bureau of Customs na magkaroon po ng pag-iimbestiga rito.
“Marami po tayong nakikita na maraming nagkakaroon ng luxury cars, malamang ay dapat makita rin po ito ng BOC kung ito po ba ay bayad sa mga taxes na required; at sa mga LGUs po, kung makikita po natin na itong mga contractors na ‘to, mga kontratista na ‘to ay napakalaki ng mga proyekto at malaki ang kanilang kinikita, tingnan po nila kung ito po ay naaayon din sa mga mayor’s permit or business permit na kanilang binabayaran sa LGUs, pati po sa BIR,” litanya ng Pangulo.
“So, ito pong pag-iimbestiga ng Pangulo ay hudyat sa bawat ahensiya na gawin din nila ang kanilang trabaho upang mag-imbestiga patungkol dito,” ayon pa rin kay Castro.
Sa kabilang dako, sa ngayon aniya ay umabot na sa 11 proyekto ang personal na nainspeksiyon ng Pangulo. Ito’y mga proyekto sa arikina, Iloilo, Bulacan at Benguet ilang araw matapos na matanggap ang mga reklamo sa sumbongsapangulo.phhttps://sumbongsapangulo.ph/.
“As of 9 A.M. today, umabot na sa 9,020 na reports kaugnay sa flood control projects ang natatanggap ng Pangulo. Muling hinihikayat ng pamahalaan ang taumbayan na makialam at isumbong sa Pangulo ang mga kuwestiyonableng flood control projects,” ang sinabi pa ni Castro. ( Daris Jose)

Bagong posisyon na inialok kay Gen. Torre, kinumpirma ng Malakanyang

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ng Malakanyang na may inialok na bagong posisyon para kay dating Philippine National Police chief Police General Nicolas Torre III na sinibak kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwesto.
Iyon nga lamang ay tumanggi si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ihayag kung ano ang government post na inialok kay Gen. Torre at kung Cabinet rank ito.
”Confirm po na may inaalok na posisyon,” ayon kay Castro.
Nauna rito, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kinokonsidera ni Pangulong Marcos na ilagay si Torre sa isang government position kasunod ng biglaang pagsibak sa kanya bilang hepe ng national police.
“I was privy to a conversation that the President is considering him for another post in government,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, araw ng Martes, sa isang press conference.
“We will know soon if General Torre will accept,” aniya pa rin.
Si Torre ay umupo bilang pang-31 PNP chief noong Hunyo. (Daris Jose

NavoRun 2025

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Backpack Runners ang ikalawang edisyon ng NavoRun, noong Linggo sa Navotas Centennial Park. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, umabot sa 636 runners ang tumakbo sa 16-kilometer at 8-kilometer categories fun run na ang kikitain nito ay pakikinabangan ng Josefheim Foundation na sumusuporta sa mga may sakit, matatanda at Navotas Drum and Bugle Corps, isang grupong naghahasa ng talento sa musika. (Richard Mesa)

CONTRACTOR, PINAKAKASUHAN NI YORME SA ILLEGAL DEMOLITION 

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SASAMPAHAN ng kasong kriminal ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang isang construction company dahil sa “illegal” na demolition ng Rizal Avenue Sports Athletics Complex (RASAC) covered court sa Sta.Cruz. Manila.
Isasampa ang kaso sa City Prosecutor’s Office Miyerkules ng hapon laban sa general manager ng Jelsie Construction and Supply na si Jesse Rmahusay kabilang ang Special Cases of Malicioums Mischief sa ilalim ng Article 328 ng Revised Penal Code sa pamamagitan ng City General Services Office (CGSO).
‘Unlawful demolition and construction without necessary permit ‘ dahil sa paglalabag ng National Building Code of the Philippines. Ito ay isasampa ng City Department of Engineering and Public Works ( DEPW )
‘ Unauthorized taking of Government Facility’ dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10344 o ang “Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act,” na isasampa naman ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO)
Sa karagdagang pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH) North Manila District Engineering Office, nagsiwalat na ang proyekto ay P145.5 milyon
“Multi-Purpose Building, Sentro Komunidad de Santa Cruz, Manila (Phase 1),” na iginawad sa Jelsie Construction sa pamamagitan ng Notice of Award na may petsang May 22, 2025.
Nilagdaan ang contract agreement makalipas ang isang araw , May 23 na sinundan ng ‘notice to proceed ‘ noong May 26.
Sa datos mula sa tanggapan ng City Accountant, sinabi ni Domagoso na ang na-demolish na ari-arian ay may net book value na ₱10.4 milyon noong 2025.
Ipinakita rin sa mga rekord na nakuha ng Jelsie Construction and Supply, Inc. ang higit sa P1.43 bilyong halaga ng mga proyekto sa flood control sa Lungsod ng Maynila, ayon sa datos mula sa website ng “Sumbong sa Pangulo” ng gobyerno.
Ang contractor ay mayroon ding mga proyekto sa lahat ng anim na distrito ng Maynila, na nagraranggo bilang pangalawang pinakamalaking flood control contractor sa lungsod.
Ayon kay Domagoso, ang demolition sa RASAC site ay walang koordinasyon sa Manila City Hall at wala ring mga kaukulang permit o clearance.
Dagdag pa ng alkalde, maraming nakuhang kontrata ang nasabing kumpanya kabilang na sa flood control project na aniya ay hindi naman epektibo.(Gene Adsuara)

Ikalawang NavoRun, inilunsad ng Navotas LGU

Posted on: August 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ikalawang edisyon ng NavoRun, noong Linggo sa Navotas Centennial Park.
Umabot sa 636 runners ang sumali sa 16-kilometer at 8-kilometer categories fun run na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan sa Backpack Runners.
Unang inilunsad ang NavoRun noong 2024 na naging taunang run for a cause na pinagsama ang fitness, sports tourism, at community service.
Ang kikitain nito ay pakikinabangan ng Josefheim Foundation na sumusuporta sa mga may sakit, matatanda at Navotas Drum and Bugle Corps, isang grupong naghahasa ng talento sa musika.
Ayon Kay Mayor John Rey Tiangco, layon nito na maisama ang lungsod sa mapa bilang isang running destination na binabanggit ang lumalagong running culture nito sa kahabaan ng C4 Road at R-10 kung saan regular na tumatakbko, nagbibisikleta at nag-eehersisyo ang mga residente.
“Hinihikayat natin ang lahat na ipagpatuloy ang ganitong mga gawain, at isulong pa natin ang aktibo at malusog na pamumuhay,” aniya.
Sa 16-kilometer male category, nasungkit ni Pinmark Balagon ng Mandaluyong ang championship, na sinundan nina Redie Kim at Symon Santos, kapwa ng Navotas.
Para sa female division, nanguna sa karera si Lorelyn Magalona ng Dasmariñas, Cavitet, pumangalawa si Kimberly Ilustrisimo ng Navotas at pangatlo naman si Marjorie Tan ng Dasmariñas, Cavite.
Ang 8-kilometer male categor ay pinamunuan ni Aljur Rendon ng Quezon City na nanguna kay Cyrus Lasibal ng Malabon at Merck Jounes Tribo ng Pulilan, Bulacan.
Sa female division, si Renelyn Tribo ng Pulilan, Bulacan ang nanguna na sinundan nina Aubrey Mata ng Malabon at Sophia Yurango ng Imus, Cavite.
Ang turnout ngayon taon ay nagpatibay sa lumalagong reputasyon ng NavoRun bilang parehong tradisyon ng komunidad at isang showcase potensyal ng lungsod hub para sa sports and wellness tourism. (Richard Mesa)