• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 20th, 2025

COA, na-retrieve na ang mga dokumento sa kontrobersiyal na flood control projects sa Bulacan

Posted on: August 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NA- RETRIEVE na ng Commission on Audit (COA) ang unang batch ng mga dokumento sa kontrobersiyal na flood control projects sa Bulacan.
Sa isang video na inilabas ng COA sa mga kawani ng media, lumalabas na nakuha ng audit team ang naturang mga dokumento mula sa district engineering offices ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Central Luzon.
Ayon sa komisyon, agad na ipinadala ang mga narekober na dokumento sa COA Central office para sa malalimang imbestigasyon.
Ang pagkakarekober naman ng mga dokumento ay kasunod ng direktiba ng COA para sa paglulunsad ng isang fraud audit o pagsisiyasat sa posibleng anomaliya sa bilyun-bilyong halaga ng flood control projects na ipinatupad ng DPWH sa lalawigan.
Base sa COA, ang Central Luzon ang nakakuha ng pinakamataas na halaga ng pondo para sa flood control projects na nagkakahalaga ng P98 billion.
Kung saan ang probinsiya ng Bulacan ang may pinakamalaking alokasyong pondo sa buong rehiyon na aabot sa P44 billion. (Daris Jose)

Bangkay ng nag-suicide na nursing student, lumutang sa ilog sa Malabon

Posted on: August 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NATAGPUANG nakalutang sa ilog ang bangkay ng 21-anyos na binatang nursing student matapos ang umanong pagpapatiwakal sa Malabon City, Lunes ng umaga.
Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-7:35 ng umaga nang madiskubre ng isang barangay tanod ang paglutang ng katawan ng 2nd year college student na si alyas “Anton” residente ng Brgy. San Antonio, Quezon City, sa Tanong River sa C-4 Road, Brgy. Tañong na kaagad niyang inireport sa pulisya.
Sa ulat nina P/MSg. Mardelio Osting at SSg. Sandy Bodegon , may hawak ng kaso, kay Malabon police chief P/Col Allan Umipig, bago ang pagpapatiwakal ay gumawa muna umano ng 12-pahinang suicide note si Anton na nagdedetalye sa mga kapighatian niya sa buhay at hiniling sa pamilya na huwag ng hanapin ang kanyang bangkay.
Marami umanong inilagay sa suicide note ang binata na may kaugnayan sa dinaranas na kasawian, kabilang na ang problema sa pag-ibig, at iba pang kapighatian, kasabay ng kahilingan sa pamilya na kung sakaling makita ang kanyang bangkay, kaagad itong i-cremate at huwag ng paglamayan.
Ayon sa pulisya, binura lahat ng biktima ang lahat ng laman ng kanyang laptop, maliban sa kanyang suicide note at hindi nagdala ng anumang pagkakakilanlan kaya’t tanging ang suot lamang niyang itim na leather jacket na may hoodie, itim na pantalon, at sapatos ang iniwan niyang palatandaan.
Inamin naman sa pulisya ng ama ng biktima na dumaranas na matinding depresyon ang anak at minsan na rin umanong tinangkang magpatiwakal bagama’t kanila naman umanong naagapan. (Richard Mesa)

Zero Balance Billing program ‘maayos na nagpapatuloy’- PBBM

Posted on: August 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAAYOS na nagpapatuloy ang “Bayad na Bill Mo” program o kilala rin bilang zero-balance billing policy ng gobyerno.
Sa katunayan, mas maraming Filipino ang nag-a-avail ng libreng medical services sa mga state-run hospital.
Sa naging pagbisita ng Pangulo sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City, pinuri ng Pangulo ang inisyatiba na tiyakin na aalis at lalabas ng ospital ang isang pasyente na hindi na magbabayad pa o maglalabas pa ng ‘out-of-pocket expenses, habang nagbigay-pugay naman sa mga healthcare workers para sa kanilang “heroism and dedication” sa serbisyo.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na ipabatid sa hospital personnel at mga pasyente ang tungkol sa programa.
“I’m happy to be able to report that the zero billing program is proceeding well,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Siyempre sa umpisa, we have to [do] information drive. Hindi lang sa mga ospital pati na rin sa mga pasyente and I think we are succeeding with that.” aniya pa rin.
Nauna rito, binisita ng Pangulo, araw ng Lunes ang Eastern Visayas Medical Center (EVMC) sa Tacloban City, kung saan tsinek niya ang mga pasyente na makikinabang mula sa programa.
Sinabi ng Pangulo na mahigit 12,000 pasyente sa EVMC at may 2,000 sa EAMC ang nag-avail ng programa.
Binigyang kredito naman ng Pangulo ang mga healthcare worker para sa kanilang serbisyo lampas sa kanilang duty hours at inalala ang kanilang sakripisyo sa panahon ng Covid-19 pandemic.
“Isa na ako doon, I was one of the beneficiaries. Kung ‘di sa inyo, wala na ako rito. Natangay na ako ng Covid,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Tinuran pa ng Pangulo na nakatulong ang ‘word of mouth’ sa pagpapalaganap ng kamalayan, hinikayat ang mga Filipino na magpagamot nang walang pag-aalinlangan.
“So ikalat natin, ipaalam natin sa lahat ng tao para hindi na sila nagdadalawang isip na magpatingin, magpagamot at magpagaling,” aniya pa rin.
Samantala, ang medical assistance ay pinondohan ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), at alokasyon sa mga DOH hospital.
Ang tulong ay karagdagan sa financial support mula sa Philippine Health Insurance Corporation. (Daris Jose)

Ads August 20, 2025

Posted on: August 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

20 – 4-merged