• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:37 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 6th, 2025

Lalaki na most wanted sa robbery sa Navotas, swak sa rehas

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa selda ang isang lalaking most wanted sa robbery matapos malambat sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela, ang akusado ay nakatala bilang No. 8 sa Top Ten Most Wanted Person sa Navotas CPS.
Isang impormasyon ang natanggap ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado kaya ikinasa nila ang joint opertaion, katuwang ang Patrol Base 1.
Dakong alas-11:25 ng gabi nang tuluyang masukol ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang akusado sa Brgy. NBBN kung saan isinilbi sa kanya ang arrest warrant na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286, para sa kasong Robbery with Force Upon Things.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Obrero na akusado sa homicide sa Caloocan, arestado

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa selda ang 29-anyos na construction worker na wanted sa kasong homicide matapos malambat ng pulisya sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa Caloocan City.
Batay sa ulat, ipinag-utos ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang pagtugis sa akusadong alyas “Elias” na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa Caloocan CPS.
Ayon kay Col. Gofroth, ang akusado ay may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong Homicide na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125, noong June 16, 2025.
          Nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusado, agad ikinasa ng team mula Cadena De Amor, Police Sub-Station 11 (SS11) ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Elias’ dakong alas-2:45 ng madaling araw sa Brgy. 174, Camarin.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Cadena De Amor SS11 habang hinihintay ang ipapalabas n autos mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinuri naman ni NPDActing District Director P/BGen. Jerry Protacio ang pagsisikap at professionalism ng arresting team na binibigyang-diin ang kanilang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Mataas na trust at satisfaction ratings ng Kamara, ikinatuwa ni Speaker Romualdez 

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IKINAGALAK ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nakuhang mataas na trust at satisfaction ratings ng Kamara sa survey na isinagawa ng OCTA Research Tugon ng Masa (TNM).
Lumitaw sa isinagawang nationwide survey na 57% ng mga Pilipino ang may tiwala sa Kamara, tumaas ng 8% kumpara sa nakalipas na taon habang 55% ang pabor sa performance nito na tumaas din ng 8%.
“This trust is not about numbers—it is about people. It is about the Filipino family who looks to Congress to fight for them, to listen, and to deliver. These results tell us that what we are doing—every debate, every bill, every late night in session—is making a difference,” ani Romualdez.
Binigyang kredito nito ang mga miyembro ng kamara sa suporta at pagsusumikap na maisulong ang mga polisiya para sa publiko, transparent budget reforms, at mga hakbang na maglalagay ng pagkain sa hapag kainan, trabaho at iba pang oportunidad para sa lahat. (Vina de Guzman)

Malabon LGU, nanawagan para sa wastong paghihiwalay, pagtatapon ng basura

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIMOK ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga residente na makibahagi sa wastong paghihiwalay at pagtatapon ng basura para mapanatili ang kalinisan sa komunidad matapos makakolekta ng mahigit 6,000 metro kubiko ng basura mula sa iba’t ibang lugar lungsod makaraan ang sunod-sunod na pag-ulan na dala ng bagyo.
“Malabueños, nitong nakaraang bagyo at pagbabaha sa lungsod, nasiguro po natin na hindi tayo nagkaroon ng malaking problema sa basura. Agad po tayong nagpadala ng mga tauhan para isagawa ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada at daanan ng tubig tuwing tumitigil ang ulan at humuhupa ang baha. Ito ay upang maiwasan ang pagtaas ng tubig sa mga daanan at kabahayan. Ngunit ang mga basurang nakolekta ay paalala na dapat tayong maging responsable pagdating sa kalinisan. Magtapon ng basura sa tamang lagayan at makibahagi sa mga programa para sa kapakanan ng kapaligiran,” ani Mayor Jeannie Sandoval.
Sa ulat ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), agad silang nagsagawa ng clean-up operations sa mga kalsada at daluyan ng tubig sa iba’t ibang barangay mula Hulyo 21 hanggang 27, nang humupa ang tubig-baha.
Ang mga nakolektang basura ay binubuo ng mga plastic sachet, styrofoam, kahoy, at iba pang mga itinapon na materyales. Nakakolekta din ang Automatic Trash Rake ng lungsod sa Letre, Barangay Tonsuya, ng 281 sako ng basura mula sa daluyan ng tubig sa lugar.
Binigyang-diin ni CENRO Chief Mr. Mark Mesina na dahil sa mabilisang pagsasagawa ng mga clean-up drive ng pamahalaang lungsod, napigilan nila ang pagtatambak ng mga basura sa mga sulok ng kalye at iba pang kritikal na lugar.
Nitong Sabado, inilapit ng pamahalaang lungsod ang Key Mobile Jeannie Services nito sa Malabon National High School para sa iba’t ibang serbisyo sa paglilinis, kaligtasan, kalusugan, paglalaba at paliligo sa mga residente.
Ipinakalat din ng lungsod ang Mobile Power Washer, Water Tanker, at firetruck mula sa BFP para sa flushing operations sa lugar, Dampalit Elementary School, sa Barangay Hulong Duhat, at iba pang natukoy na mga lugar sa lungsod.
Kinilala rin ni Mesina ang mahalagang papel ng mga barangay bilang mga unang tumugon sa pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang lugar.
Tiniyak niya sa mga residente na hindi pinapabayaan ng pamahalaang lungsod ang mga responsibilidad nito at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga barangay upang palakasin ang mga pagsisikap sa pamamahala ng basura sa Malabon.
Samantala, ibinahagi ni City Adminstrator Dr. Alexander Rosete na tinitiyak ng pamahalaang lungsod ang regular clean up drives araw-araw para sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente. (Richard Mesa)

QC-LGU, NAGBABALA SA PAGTAAS NG KASO NG LEPTOSPIROSIS SA LUNGSOD

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALA si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga mamamayan sa lungsod bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis, na pinalala ng walang tigil na pag-ulan at malawakang pagbaha dahil sa naranasang nagdaang magkakasunod na bagyo at habagat.
Batay sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Division o QC-ESD, nilampasan na ng lungsod ang Epidemic Threshold matapos na maitala ang 43 bagong kaso mula July 24 hanggang July 30, 2025.
Ayon kay QC-ESD Chief  Dr. Roly Cruz, aabot na sa 178 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa QC ngayong taon na mas mataas ng 23% kumpara noong January hanggang July 30 ng nakaraang taon.
Aniya, nasa 23 ang nasawi sa leptospirosis ngayong taon na mas mataas sa 18 naiulat na namatay sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Base pa sa record ng QC-ESD, nasa 99 na kaso ang direktang na-expose sa baha, habang ang 34 na kaso ay iniuugnay sa kontaminadong tubig na pinagmumulan ng sari-saring sakit.
Dahil dito, nagpaalala si QC Health Department officer-in-charge Dr. Ramona Abarquez na iwasang lumusong sa tubig baha o kaya ay ugaliing magsuot ng protective gear tulad ng bota at raincoat.
Kanya ring pinayuhan ang sinumang nababad sa baha na agad magtungo sa mga health center sa lungsod para sa libreng Doxycycline treatment at medikal na atensyon kung nakakaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, panginginig at pananakit ng katawan, pagtatae, pagdilaw ng balat at pamumula o paninilaw ng mga mata.
Babala ni Mayor Joy Belmonte, “nakakamatay ang leptospirosis, kaya’t huwag itong balewalain lalot handa ang QC-LGU na tumulong at magkaloob ng libreng gamot”. (PAUL JOHN REYES)

DOH isinusulong HIV education, services sa mga opisina, workplaces

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DAHIL sa pagtaas ng bilang ng nada-diagnose ng human immunodeficiency virus, target ng Department of Health na maabot maging ang mga opisina at iba’t ibang workplaces para maisulong ang kampanya kontra HIV.
Sa datos ng 2025 Q1 HIV & AIDS Surveillance of the Philippines (HASP) Report, mula Enero hanggang Marso 2025, isa sa bawat dalawang tao ang may HIV mula sa working population na nasa edad 25-34 years old kung saan malaki ang oras na iginugugol ng mga manggagawa sa mga opisina o workplace.
Parte sa kampanyang ito ang pagbibigay ng libreng condoms, lubricants, at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP), HIV testing, at edukasyon sa pagsunod sa antiretroviral therapy sakaling magpositibo sa HIV.
Unang workplace na binisita ng DOH ang iba’t ibang mga Business Process Outsourcing (BPO) companies sa Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City ngayong Linggo.
Mayroong 305 DOH-Designated HIV Care Facilities sa bansa na handang magbigay ng mga serbisyo para sa HIV prevention, maging ang gamutan ng Persons Living with HIV.
Ani Health Secretary Teodoro Herbosa, “Ang HIV ay nananatiling isa sa mga pangunahing isyung pangkalusugan sa bansa. Kailangang mas mapaigting ang kampanya at serbisyo para sa HIV sa pampubliko at pribadong sektor – kasama ang workplaces.”

Bob Odenkirk returns as all-around family man and deadly assassin Hutch Mansell in “Nobody 2” THE life of an assassin is never easy, but the work-life balance of Hutch Mansell (Bob Odenkirk) gets catastrophically unhinged Nobody 2.

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
A new chapter in Hutch’s life as a workaholic assassin, he agrees to take his wife and kids for a much needed vacation at Wild Bill’s Majestic Midway and Waterpark. A minor encounter with the town bullies pulls Hutch and the family into the crosshairs of the town’s corrupt theme park operator, a shady sheriff, and a bloodthirsty crime boss.
Watch the trailer: https://youtu.be/WpbNrOaH1zM
After the events of 2021’s Nobody the filmmakers wanted to form the next steps in Hutch and his family’s life, now that his identity as an assassin is out.  “Three years have passed since the events of the first film, and we see how Hutch and his family have evolved,” producer Kelly McCormick says. “They went through a lot in the first film and with Nobody 2 they go through even more.”
As Hutch struggles to balance his unconventional job with family life, filmmakers saw this as an opportunity to create a very relatable story.  “The challenge in a sequel is, once the genie is out of the bottle, how do you tell a compelling story and create suspense,” producer Marc Provissiero says. “We know that Hutch has a particular set of skills. We decided to show the challenge and create themes around work-life balance. Even with the job that Hutch does, he’s still got to come home to a family. That evolves the story into universal relevance.”
They throw a wrench in the works as the classic family vacation gets violent, as things often do in Hutch’s line of work.  “Hutch’s penchant for violence may be the thing that makes him great at his profession, but it’s not such a great thing in other areas of life,” McCormick says.
“So, while they are on vacation Hutch gets agitated and gets into some trouble, and now he has got to figure out how to get out of that trouble while his family is by his side every minute. When you are on a family vacation, you are much more connected and you don’t have your normal routine, so this time his family is much closer to the danger and Hutch has to figure out how to navigate that.”
Actor and producer Bob Odenkirk says that this is the perfect recipe to create humor, action, and heart in Nobody 2. “Nobody 2 is a bigger film, and it’s been a bigger job,” star and producer Odenkirk says. “I had extra responsibility trying to make the story work, and there’s just a lot more to it. There’s more fighting, character, story; there’s more everything.” The result, Odenkirk says, is a film that is “powerful, funny, surprising, out of control, bloody—and sweet.”
An action-packed Nobody 2 awaits as the film arrives on August 13 in Philippine cinemas. Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.
(Credit: “Universal Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Tama ang desisyong ‘wag ng dumalo sa ‘GMA Gala 2025’: POKWANG, nagluto na lang ng paninda kesa malait sa isusuot na gown

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
USAP-USAPAN nga ang hindi pagdalo ng TV host-actress na si Pokwang sa naganap na GMA Gala 2025 noong Sabado, August 2.
Kaya naman may mga nagtanong kung bakit wala siya sa event, dahil imposible naman na hindi siya invited dahil meron siyang show sa Kapuso Network na “TiktoClock” at “Stars On The Floor.” Kasama rin siya sa seryeng “Binibining Marikit” na pinagbidahan ni Herlene Budol.
Nagpaliwanag naman si Pokwang kung bakit wala siya GMA Gala, na kung saan mas tinutukan niya ang food business.
“Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s gourmet meron po kasi deadline mga bulk na order po,” panimula ng pahayag ni Pokwang.
Kasunod nito ang may hugot na katuwiran ng komedyana…
“Attend ka ng GALA gagastos ka e effort ka tapos lalaitin kapa ng tao hahahhaha, edi magluto nalang ng paninda.”
Sumangayon naman ang netizens sa naturang sagot ni Pokwang sa ‘X’…
“True naman.
“Hair and Make-up = about 10K + na plus meals and transpo
“Hotel accomodation = 15K +
“Gown = 25K + stylist
“Dyan pa lang, talo ka na. Magastos talaga ang umattend ng balls, gala, debut, wedding etc hahaha!”
“My point si mamang hahaha!”
“Oo nga. Lalaitin lang suot mo kagaya nung suot ng isang celebrity na mukhang reyna ng mga alien na kalaban ni Darna.”
“Kaso mamang its the 75th Anniversary na Gala. sayang. Pero yah. Hirap din tas lalaitin lang. Go pabili ng gourmet.”
“Wow ang sipag mo lang talaga dapat lang dahil sa dumami order na yan eh kaya pagtuloy mo pokie atleast kumita ka pa at tiyaga-tiyaga to paraan lamang to.”
“Madami kase mga laitera tlga mamang… cno ba yun? hahaha!”
“Forda kabuhayan muna, good decision.”
“Love this minset, mamang! Hayaan na sa jugets ang Gala dahil prio natin ang kadatungan!”
Dagdag pa ng nagmamahal kay Pokwang…
“Hope sa abscbn ball aattend ka po. You will be surprised how much the Kapamilyas miss you.”
“Mamang, sa ABS-CBN Star Magic Ball sana. We miss your presence sa Kapamilya network!”
“Mamang magbukas ka na ng resto mo.  True sa di pag-attend ng gala. Mahal ka namin khit wala ka dun Mamang!”
Sagot naman niya tungkol sa pagtatayo ng resto at kung saan makaka-order…
“Resto soon po pero nasa tiktok shop po kami at fb page po ng Mamang Pokwang’s gourmet.”
 
(ROHN ROMULO)

Pinagpapaalam pa rin para walang gulatan: RHIAN, never na pinagbawalan ni SAM sa intimate scenes

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UNANG beses pa lamang magtambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at JC Santos sa ‘Meg & Ryan’ ay sumabak agad sila sa kissing scenes.

Umamin naman sila na bagamat hindi agad kumportable sa mga intimate scenes nguni’t dahil kapwa mga propesyonal na mga alagad ng sining ay naitawid nila ng makatotohanan ang kanilang mga eksena.
Lahad ni Rhian, “There’s a part naman na siyempre alam naming kailangan, kasi siyempre love story ito.
“Kailangang ma-feel ng ibang tao na hindi kami lang yung nakaka-feel nung chemistry as actors’
“Sumusunod lang kami sa direktor namin,” pagtukoy ni Rhian kay direk Catherine Camarillo.
“Pero kahit naman si direk, nakita niyo napaka-passionate niya and napaka-sincere niyang tao.
“Ganun din siya at the start of every scene, pinapaintindi niya talaga ang mga feelings during the scene.
“Habang ginagawa namin, kami mismo kinikilig, parang ganun.
“Kasi yung preparation ni direk sa amin, may ganun siya e, na masasakyan mo talaga ang passion niya.
Ang ‘Meg & Ryan’ ay mula sa Pocket Media Productions at Pocket Media Films.
At siyempre dahil going strong ang pagmamahalan nina Rhian at Sam Verzosa ay hindi na kagulat-gulat na ipinagpapaalam ni Rhian sa kanyang negosyanteng boyfriend kapag may intimate scenes siya sa anuman niyang proyekto.
Kahit kasi nauunawaan ni Sam ang trabaho ni Rhian bilang aktres iniiwasan nila ang gulatan lalo na sa mga intimate scenes.
“Oo, ipinaaalam ko rin, sinasabi ko naman.
“Ayoko kasi na may gulatan, so on the day it was scheduled, I tell him.
“Well, hindi naman super serious yung naging reaction niya, but it’s always, ‘Heyyy, iyan naman.‘ May ganun.
“Well, I know that kasi if I put myself on his shoe, I will find a hard time watching him kissing another girl.
“But I think it’s an understood thing din na ever since naman we met, this has always been what I do and this is my career and my passion.
“Nandun din yung tiwala niya sa akin, that the way I look at my work is alam niya na ganun ang utak ko na wala talagang malisya.
“Talagang pine-perform ko kung ano ang gagawin ng karakter ko and sobrang passionate ako sa ginagawa ko.
“Para sa akin nga pag nakita ko sa script a certain thing, nagde-decide ako on my own, e.
“Kung kailangang bawasan, babawasan ko, pag kailangang dagdagan, dadagdagan ko rin.
Never raw siyang diniktahan o pinagbawalan ni Sam na gumawa ng maselang eksena.
“No, never talaga! I think it’s something he always accepts din, kasi before he met me mas una naman niyang nakita na yung job ko kaysa makilala ako, e.
Nasa Meg & Ryan rin, na palabas ngayong August 6 sa mga sinehan, sina Ces Quesada, Cris Villanueva, Cedrick Juan, Jef Gaitan and introducing J-mee Katanyag, Poca Osinaga & Alison Black at ang sikat na content creator na si Steven Bansil.
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Binigyan nila ng magandang memorial service si Red: Reunion project ng ‘T.G.I.S.’ cast, hinahanda na nina Direk MARK

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYAN ng magandang memorial service nila Direk Mark Reyes at ng ‘T.G.I.S.’ barkada ang yumaong cast member na si Red Sternberg.
Pumanaw ang ’90s teen heartthrob noong May 27, 2025 sa edad na 50 sa Amerika.
Present sa naturang tribute sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, Kim delos Santos at Rica Peralejo.
Post ni Direk Mark via Instagram: “The TGIS Barkada hosts a memorial service for @redsternberg. Welcome home, Kiko!”
Post ni Angelu sa IG: “Hanggang sa muli, Red.”
Post ni Michael: “Remembering our brother, Red Sternberg.”
Sa isang IG post ni Bobby: “I miss his presence, his humor, his heart. Thank you for the friendship brother. Rest easy.”
Ni-reveal nga ni Direk Mark na may hinahanda na silang reunion project ng ‘TGIS’ cast para sana sa 30th anniversary ng naturang TV show ngayong August.
Kinuwento nga ni Bobby na huling pag-uusap nila ni Red ay excited na itong umuwi at nagsimula na raw itong mag-diet at mag-workout. Pero bigla raw itong inatake sa puso.
Noong 2003 ay nag-retire na sa showbiz si Red para magtrabaho bilang hotel manager sa Amerika kunsaan nakilala niya ang kanyang wife na si Sandy at meron silang tatlong anak.
***
PUMANAW na sa edad na 79 ang isa sa Hollywood sex symbols noong ’70s and ’80s na si Loni Anderson.
Sumikat si Loni sa comedy series na WKRP In Cincinnati (1978-1982) bilang ang dumb blonde receptionist na si Jennifer. Lumabas din siya sa mga TV shows na S.W.A.T., Phyllis, Police Woman, Barnaby Jones, The Bob Newhart Show, The Love Boat, Fantasy Island and Three’s Company.
Nagbida rin si Loni sa 1980 TV movie na The Jayne Mansfield Story.
Kinasal siya ng apat na beses at isa rito ay sa aktor na si Burt Reynolds in 1988 at nag-divorce sila in 1994.
Naging aktibo pa si Loni sa pag-arte until 2023. Last TV project niya ay ang Ladies Of The ’80s: A Divas Christmas kunsaan nag-reunion sila ng kapwa niya ’80s poster girls na sina Donna Mills, Morgan Fairchild, Linda Gray and Nicollette Sheridan.
(RUEL J. MENDOZA)