• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:47 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 6th, 2025

Gilas Pilipinas, sasabak na sa FIBA Asia Cup 2025

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang nagsimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin mula Agosto 5 hanggang 17 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Makakaharap ng pambansang koponan sa Group D ang Chinese Taipei, New Zealand, at Iran.
Pinamumunuan ng batikang coach na si Tim Cone ang grupo, layunin din ng Gilas na malampasan ang ikalawang puwesto noong 2022 kung saan nagtapos lamang sila sa ika-siyam na pwesto.
Game Schedule ng Gilas Pilipinas (Group Stage):
Agosto 6 (Martes), 2:00 AM – vs Chinese Taipei
Agosto 7 (Miyerkules), 11:00 PM – vs New Zealand
Agosto 9 (Sabado), 4:00 PM – vs Iran
Narito naman ang 12-man Lineup ng Gilas Pilipinas:
AJ Edu
Calvin Oftana
Carl Tamayo
Chris Newsome
Dwight Ramos
Jamie Malonzo
Japeth Aguilar
June Mar Fajardo
Justin Brownlee
Kevin Quiambao
Scottie Thompson
CJ Perez
Kahit may ilang manlalarong may iniindang injury, inaasahang magbibigay ng matinding laban ang Gilas para sa karangalan ng bansa.

PFF tiwalang magkakamit ng gintong medalya ang football teams ng bansa sa SEA Games

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATUON ang Philippine Football Federation (PFF) na magkamit ng gintong medalya sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.
Ayon kay PFF President John Gutierrez, na naghahanda na ang men’s at womens’ team sa nasabing torneo.
Bago kasi ang SEA Games ay magaganap ang ASEAN MSIG Serenity Cup 2025 na siyang magsisilbi sa Filipinas na bilang defending champion ay maging bahagi ng kanilang paghahanda.
Naniniwala din nito na maglalagay ng full line up ang Filipinas na sasabak sa nasabing torneo.
Pinasalamatan din nito ang Philippine Sports Commission dahil sa suporta na ibinibigay sa kanila.

Half kilo ng SHABU naharang sa NAIA Cargo Warehouse 

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAHARANG ng mga awtoridad ang isang palabas na parsela na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride, o shabu, sa interdiction operation sa isang warehouse malapit sa NAIA Complex, Andrews Avenue, Pasay City, bandang alas-2:00 ng hapon noong Agosto 4, 2025.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office NCR, kasama ang mga composite units mula sa Bureau of Customs – CAIDTF, PNP Aviation Security Group (AVSEG), Airport Police Department (APD), PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG), National Bureau of Investigation (PNP-DEG), National Bureau of Investigation (BIN).
Ang parsela, na idineklara bilang “Books/Picture Frame,” ay ipinadala ng isang partikular na indibidwal mula sa Cavite at ipinadala sa isang tatanggap sa Auckland, New Zealand. Sa pag-inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang isang asul na book safe na naglalaman ng knot-tied transparent plastic bag na nakabalot sa duct tape, carbon paper, at aluminum foil, na nagtatago ng humigit-kumulang 500 gramo ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.
Nakita rin sa loob ng parsela ang tatlong sari-saring libro, tatlong picture frame, isang flower bouquet, at isang board game.
Bagama’t walang ginawang pag-aresto sa puntong ito, ang pagsusumikap sa pagbabawal ay nagdulot ng mas malalim na pagsisiyasat sa mga pagkakakilanlan ng mga nagpadala at tatanggap ng mga parsela. Ang lahat ng nasabat na ebidensiya ng droga ay itinurn-over sa PDEA Laboratory Service para sa confirmatory examination, at nagsasagawa na ng formal case build-up para sa tamang pagsasampa ng mga kaso sa ilalim ng Section 4, Article II ng Republic Act 9165, na may parusang habambuhay na pagkakakulong hanggang kamatayan at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10 milyon, depende sa circumstance. (PAUL JOHN REYES)

DBM, itinutulak ang ‘menu system’ para sa infra, flood projects para labanan ang isyu ng budget insertions

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINUTULAK ng Department of Budget and Management (DBM) ang “menu” ng pre-identified infrastructure projects simula sa flood mitigation programs para lutasin ang usapin na may kaugnayan sa budget insertions.
Sa katunayan, sa naging paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang paglikha ng menu ng pre-approved infrastructure projects sa buong bansa ay magbibigay pahintulot sa mga ahensiya at mga mambabatas na pumili mula sa listahan ng mga panukala na masusing sinuri.
Ang mga proyektong ito ayon kay Pangandaman ay nakahanay na sa national priorities at available funding sa ilalim ng President’s budget o National Expenditure Program (NEP).
“Ang naisip po sana namin na maganda ay magkaroon kami ng menu ng mga proyekto sa buong Pilipinas. Kung kaya namin kaagad, kunyari sa flood control and water management, makapag-identify kami ng sampu. Kunwari po, tapos napondohan namin sa President’s budget o kaya sa NEP, kung sa tingin nila hindi yan priority pa ngayon, pwede sila tumingin sa ibang menu na meron kami,” ang sinabi ng Kalihim.
Winika pa rin nito na kumikilos at nagtatrabaho ang gobyerno tungo sa mas “coordinated and data-driven approach” sa paglaan ng pondo partikular na para sa flood mitigation projects.
“‘Di lang yan one-size-fits-all na solusyon. Marami pwedeng solusyon na gawin depende sa lugar at area,” ang tinuran ni Pangandaman.
Idinagdag pa ng Kalihim na isinama na ng DBM ang prinsipyong ito sa national budget process, tiyakin na ang mga ahensiya ay sangkot sa project planning para i-maximize ang kahusayan.
“Para makatipid tayo sa pondo, tsaka to ensure na tama yung pagpa-plano. Nilagay natin yan sa budget, lahat ng ahensya may stake doon at gagawin ang proyekto,” aniya pa rin.
Sa ulat, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nito lamang buwan ng Hulyo ang P6.793-trillion NEP para sa Fiscal Year 2026.
Ani Pangandaman, mismong si Pangulong Marcos ang nakipag-usap sa iba’t ibang ahensiya para siguraduhin na ang lahat ng prayoridad ay nakahanay tungo sa ‘common goal’ na makamit ang pananaw ng Bagong Pilipinas. ( Daris Jose)

PBBM, dumating sa Rashtrapati Bhavan para makapulong si Indian PM Modi

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rashtrapati Bhavan, ang official residence ng President of the Republic of India.
Isang ceremonial welcome ang ibinigay kay Pangulong Marcos ng mga Indian officials. Present naman si First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa nasabing reception.
Makakapulong ni Pangulong Marcos si Indian Prime Minister Narendra Modi at President Droupadi Murmu para pag-usapan ang regional issues, kabilang na ang defense at security at maging ang ekonomiya.
At nang tanungin kung ano ang dapat asahan sa kanyang byahe, sinabi ng Pangulo na ito’y ang muling pagpapatibay sa alyansa sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na ang pagpapalakas sa kanilang partnership.
”Well, we used to refer to the Asia-Pacific region. We now refer to as the Indo-Pacific region, which is I think a correct evolution of that understanding because of the global nature of all politics and of all of trade and all of the economy,” ayon sa Pangulo.
Samantala, sa five-day state visit ni Pangulong Marcos, kasama niya ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete at high-level business delegation.
Ang pagbisita ng Pangulo ay inaasahan na aani ng konkretong kasunduan at bagong commitments at mas makakapagpahusay at magpapalakas sa partnership sa pagitan ng Maynila at New Delhi. ( Daris Jose)

Pinas, determinado na makakuha pa ng direct flights sa India

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DETERMINADO ang Pilipinas na makakuha pa ng mas maraming direct flights papunta at mula India.
“We launched the visa-free scheme for Indian tourists last June. This will be complemented soon by the recovery of direct flights led by Air India,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa meet and greet kasama ang Filipino community sa New Delhi.
“We are determined to expand this to other carriers and to link other cities between the Philippines and India,” aniya pa rin.
Ang Pangulo ay nasa India para sa kanyang five-day visit sa imbitasyon na rin ni Prime Minister Narendra Modi.
Simula October 1, 2025, bubuksan ng Air India ang direct flights sa pagitan ng New Delhi at Manila, ang inanunsyo ng nasabing carrier.
Matatandaang, nagkaloob ang Pilipinas ng visa-free entry sa Indian tourists.
“Indian tourists will be able to stay in the country visa-free for 14 days,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)
“The visa-free arrangement aims to increase tourism arrivals from India, which rose 12% in 2024 to nearly 80,000,” ayon naman sa data mula sa Department of Tourism. ( Daris Jose)

PBBM, hawak na ang mga pangalan na responsable sa flood-control mess

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HAWAK na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangalan na responsable sa nabigong flood-control projects na naging dahilan ng pagkalubog sa tubig-baha ng ilang bahagi ng bansa nitong lamang mga nakaraang linggo.
Sa Part 1 ng ikatlong episode ng PBBM Podcast na pinamagatang “Sa Likod ng Sona”, sinabi ni Pangulong Marcos na “We already have some names that are coming up, which will be—first of all, corporations that—contractors whose poor work is very obvious.”
Tiniyak ng Pangulo na ilalagay niya ang mga ito sa blacklist.
Hindi na aniya magagawa ng mga ito na makakuha ng kontrata sa gobyerno.
Ang mga kumpanya aniyang ito ay kailangan na magpaliwanag kung paano nila ginamit ang pondo para sa mga proyekto.
“If they can’t explain properly, we will have to take it to the next step,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaang sa ikaapat na State of the Nation Address ng Pangulo, inatasan niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsumite ng listahan ng lahat ng flood control projects sa ilalim ng kanyang administrasyon upang madetermina kung ano ang nabigong gawin, hindi natapos o “ghost” projects.
Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga mamamayan na nakasaksi ng iregularidad sa flood control projects sa kanilang lugar na repasuhin ang listahan at tumulong sa imbestigasyon.
(Daris Jose)

Deliberasyon ng National Budget, target simulan ng Kamara sa September 1

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TARGET ng Kamara na simulan sa Setyembre 1 ang formal deliberations ng panukalang 2026 national budget, habang nagpasimula na ng inisyal na preparations sa kabila ng kaunting pagkaka-delay sa kalendaryo.
“Ang target po natin DBCC (Development Budget Coordination Committee) ay September 1,” pahayag ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing navsiyang chairwoman ng House Committee on Appropriations.
Sa kabila nang inaasahang isusumite ang National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso sa susunod na linggo o August 13, ilang hakbang ang kailangang gawin bago pormal na maihain ang General Appropriations Bill (GAB).
Ipinaliwanag ni Suansing na sa kabila na medyo maiuusog ng kaunti ang budget hearings ngayon taon, inilinya na ng komite ang mga preliminary activities nito.
“May intermediate activities din po tayo bago magsimula ‘yung aktwal na deliberation sa September 1.
Habang hinihintay po natin ‘yung pag-file ng mismong GAB ay gagawin natin ‘yung initial engagement natin, ‘yung tinatawag natin na People’s Budget Review,” pahayag nito.
Siniguro naman ni Suansing na sa kabila ng kaunting shift dahil sa congressional calendar ay kumpiyansa itong makakaabot sila sa deadline.
“Kaya naman po. As usual marami lang pong mga gabi na hindi kami pwedeng matulog. Hindi lang gabi, ilang linggo. But we will get the budget passed on time po. And very strongly deliberated on. Yun po yung mahalaga,” patuloy nito.
Plano rin nitong magsagawa ng sunud-sunod na budget hearings, tulad ng mga nakalipas na taon, upang mapabilis ang proseso. (Vina de Guzman)

Bagong batas, nagkaloob ng awtorisasyon sa Pangulo para i- streamline ang executive agencies

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas na magkakaloob sa kanya ng  karapatan na i- reorganize at i-streamline ang executive branch agencies, sa layuning lumikha ng ‘ more  responsive at efficient bureaucracy.’
Ang Republic Act (RA) 12231, o Government Optimization Act ay nilagdaan at inilathala sa  Official Gazette, araw ng Lunes habang ang Pangulo ay lumipad patungong  India para sa five-day state visit doon.
Ang bagong batas, isang priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), binigyang karapatan ang Pangulo na palakasin , pagsamahin, at i-abolish ang mga ahensiya at tungkulin na itinuturing na kalabisan o misaligned, habang pino-protektahan ang kapakanan ng  civil servants.
Hangad ng batas na  “promote efficiency, equity, and ethical accountability” sa government operations at i- improve  ang frontline services sa pamamagitan ng pag-eliminate ng duplication, gawing simple ang mga  procedure, at pagsusulong ng digitalization at e-governance.”
Sa ilalim ng batas, “the President may scale down programs better carried out by local governments or the private sector and transfer functions across agencies as necessary.
It also allows the creation or deactivation of agencies, upon recommendation by a newly created Committee on Optimizing the Executive Branch (COEB), chaired by the Executive Secretary.”
Magsasagawa naman ang COEB ng pag-aaral hinggil sa mandato, functions, programa, proyekto, operasyon, istraktura, at manpower complement ng iba’t ibang government agencies; at  i-develop at paghahanda sa  Optimized Organizational Structure at overall change management programng mga ahensiya.
Saklaw ng batas ang lahat ng ahensiya ng  executive branch, kabilang ang mga departmento,  bureaus, tanggapan, at iba pang entities sa ilalim ng supervision ng department  at government owned or controlled corporations (GOCC) na hindi saklaw  ng RA 10149 o GOCC Governance Act of 2011.
Ang Teaching at teaching-related positions, at maging ang military at uniformed personnel, ay hindi kasama mula sa bagong batas.
Ang legislature, judiciary, constitutional commissions, Office of the Ombudsman, at local government units ay maaaring i- optimize ang kani-kanilang tanggapan sa Isang optional basis.  ( Daris Jose)

Valenzuela LGU, tinalakay ang mga plano sa pag-iwas sa baha

Posted on: August 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN nina Mayor WES Gatchalian at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagtalakay sa mga plano sa pag-iwas at pagpapagaan ng baha kasama ang mga kinatawan mula sa NLEX Corporation, at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ginanap sa Valenzuela City Hall.
Nakatuon ang pagpupulong sa malawakang paglilinis at dredging operations sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa buong lungsod na naglalayong maiwasan ang pagbaha, lalo na sa mga pangunahing lansangan tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), at itinatampok ang pangako ng lungsod sa mga pangmatagalang solusyon na mabisang tutugon sa pagbaha sa Valenzuela. (Richard Mesa)