• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Ads July 29, 2025

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

29 – page 4-merged

BIGGER. RISKIER. SCARIER. “BARBARIAN” DIRECTOR ZACH CREGGER TALKS ABOUT HORROR/THRILLER “WEAPONS” IN NEW FEATURETTE 

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
#WeaponsMovie
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
AFTER the success of cult hit “Barbarian,” writer-director Zach Cregger set out to do something even more frightening. “I wanted to make something that felt a lot more ambitious,” says Cregger in a new featurette about his latest horror/thriller, “Weapons.”
So Cregger set out to “write something that was just going to be an escalation from everything I did in ‘Barbarian,” he continues. “‘Weapons’ is scarier than ‘Barbarian,’ but it’s also a much more fascinating story.” Aside from writing the story, Cregger also directed, produced and co-composed music for the film.
Take a look behind the scenes of “Weapons,” and hear more about what Cregger and his cast, including Josh Brolin, Julia Garner and Benedict Wong, have to say about the movie, in this new featurette: https://youtu.be/mLrI3Awhdq0?si=2oamD6ZeKQ3PLhAk
 
#WeaponsMovie
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
When all but one child from the same class mysteriously vanish on the same night at exactly the same time, a community is left questioning who or what is behind their disappearance. “Weapons” stars Brolin, Garner, Alden Ehrenreich, Austin Abrams, Cary Christopher, with Wong, and Amy Madigan.
Watch the mystery unfold when “Weapons” opens in cinemas August 6. Join the conversation and use #WeaponsMovie and visit MaybrookMissing.com for more information.
Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”
(ROHN ROMULO)

Muling tatanggap ang District Office ng mga request: Cong. ARJO, magbibigay ng assistance para sa medical, burial, financial at guarantee letter

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKABIBILIB talaga ang serbisyo ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang nasasakupan sa Distrito Uno ng Quezon City.
Matapos nilang tumulong sa mga nasalanta ng magkasunod na bagyo, ito naman ang bago nilang pagkakaabalahan.
Sa kanyang Facebook post na may kasama video na tungkol sa
“Assistance for Medical, Burial, Financial and Guarantee Letter is now open Mga Ka-Distrito.” [green hearts emoji]
Say pa ng aktor-pulitiko, “Muli na pong tatanggap ang ating District Office ng mga request para sa Medical Assistance, Guarantee Letter, Burial at Financial Assistance.
“Simula sa Lunes, Hulyo 28, 2025, mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM, bukas muli ang opisina upang tumanggap at magproseso ng inyong mga request, lalo na para sa Medical Assistance.”
Dagdag pa niya, “Panoorin na lamang ang video na ito upang malaman ang kumpletong step-by-step procedure at mga kailangang dokumento para sa mas mabilis at maayos na proseso.
“Kung may iba pa po kayong katanungan, huwag mag-atubiling lumapit o makipag-ugnayan sa ating opisina.
“Maraming salamat po, Distrito Uno! [green hearts emoji].”
Marami naman ang natuwa, pumupuri at nagpapasalamat kay Cong. Arjo, kaya inulan ng magagandang komento ang naturang post, na talaga namang malaking tulong sa kanyang mga ka-Distrito.
Mabuhay kay Cong. Arjo!
***
 
Iwas-Pila: Travel Tax Payment, Nasa eGov PH Super App na!
MAS pinadali na ang karanasan ng mga Pilipinong biyahero patungong ibang bansa sa pamamagitan ng bagong digital na sistema ng pagbabayad ng travel tax gamit ang eGov PH Super App.
Noong Hulyo 24, 2025, pormal na nilagdaan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Manila Marriott Hotel, Pasay City upang opisyal na ilunsad ang digital integration na ito.
Pinangunahan ang seremonya nina TIEZA Chief Operating Officer Mark T. Lapid at DICT Undersecretary Christina Condez-de Sagon, na kumatawan kay DICT Secretary Henry Aguda. Kasama rin sa pagtitipon sina DICT Undersecretary David L. Almirol, Jr., DOT Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, ARTA Secretary Ernesto Perez, at TIEZA Assistant COO Joy M. Bulauitan.
Sa bagong sistemang ito, maaaring magbayad ng travel tax ang mga biyaherong palabas ng bansa kahit saan at anumang oras gamit ang eGov PH Super App. Sa pamamagitan ng pagpili ng “TIEZA Travel Tax” sa seksyong “National Government Agencies (NGAs),” dadalhin ang user sa isang mas pinadaling payment page na tumatanggap ng iba’t ibang payment methods gaya ng credit card at e-wallets. Pagkatapos ng bayad, awtomatikong ipinapadala ang digital acknowledgment receipt sa email ng user para magamit sa airport at immigration.
Ang travel tax payment ay naka-integrate na rin sa eTravel System—isang pinagsama-samang digital platform para sa immigration, health, customs, at ngayon, travel tax declaration ng mga biyahero papasok o palabas ng Pilipinas. Dahil sa API integration, awtomatikong nababasa at nabiberipika ng system ang pagbabayad ng buwis kaya’t wala nang kailangang i-print na resibo o exemption certificate.
Para sa mas mabilis na proseso, awtomatikong napupunan ang travel tax form gamit ang impormasyong dating naipasa ng biyahero sa eTravel. Kailangan na lang idagdag ang flight details at tapos na agad ang proseso. Sa eTravel declaration, maaaring tukuyin kung bayad na ang travel tax o kung may exemption. Kapag validated na, isang QR code ang ibibigay para magamit sa immigration clearance—na makatutulong sa pagbabawas ng pila at tagal ng hintayan sa airport.
Ayon kay COO Mark Lapid, “Mas kaunting papel, mas maikling pila, mas maraming oras para sa paglalakbay. Ang proyektong ito ay patunay na ang digital transformation ay hindi lamang pangarap—ito’y isang tungkulin upang gawing abot-kamay ang serbisyo ng pamahalaan para sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.”
Binanggit din ni DICT Undersecretary Christina Condez-de Sagon na ang inisyatibong ito ay isang halimbawa ng “digital bayanihan”. Aniya, “Lahat ng ahensya ng gobyerno ay nagsasama-sama para sa mas mabilis at maayos na serbisyo sa publiko.” Tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “whole-of-government approach” sa pagbibigay ng mas episyente at accessible na serbisyong pampubliko.
Ang hakbang na ito ay isang malaking pag-usad sa pagpapasimple ng mga travel-related transactions, at patunay ng pagtutok ng pamahalaan sa isang tuluy-tuloy at teknolohiyang pinangungunahang tourism experience.
Sa pamamagitan ng bagong partnership na ito, itinakda ng TIEZA at DICT ang bagong pamantayan kung paano maaaring baguhin ng teknolohiya ang serbisyong pampubliko—simula pa lamang ito ng mas magaan, mas mabilis, at mas masayang paglalakbay para sa bawat Pilipino.
(ROHN ROMULO)

Naging emosyonal nang basahin ang letter ni Mikoy: JUANCHO, tila umurong ang luha nang makitang groomsman sa kasal

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa raw nagkikita o nagkakausap ang ex-lovers na sina AZ Martinez at Larkin Castor.
Inamin ng PBB Collab housemate na simula noong matapos ang show, never pa sila nagkukrus ng landas ng Sparkle actor.
“When I got out of the house, I haven’t been in contact with him. Hindi na po kami nag-usap.  But I wish him all the best talaga,” diin ni AZ.
Inamin din ni AZ na hindi pa siya handa sa ngayon na harapin si Larkin.
“As of now, I’m not yet ready to talk muna. I’m not yet ready to talk to him but like I wanna focus more on myself and career,” ipinaliwanag pa niya.
Bago pumasok sa PBB house si AZ, nakipag-break sa kanya si Larkin dahil ayaw niyang sumali ito sa show.
Nagpadala pa ng sulat si Larkin para ayusin ang kanilang relasyon na dumaan sa ilang pagsubok habang si AZ ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Nali-link ngayon si AZ kay Ralph de Leon na nakagaanan niya ng loob sa PBB house.
***
BUMISITA si Kapuso actor Mikoy Morales sa bahay ng kaibigan na si Juancho Trivino para personal na ihatid ang imbitasyon para sa kanyang kasal.
Dito na rin tinanong ni Mikoy Morales kung maaari ba niyang maging groomsman si Juancho.
Sa isang maikling video, ibinahagi ng magkaibigan ang pagbubukas nila ng personalized gift box na inihanda ni Mikoy para sa kanyang wedding entourage.
Nagbibiruan pa ang dalawa tungkol sa isa pa nilang kaibigan at kapwa Kapuso na si Mikee Quintos na una nang inalok ni Mikoy para maging bestwoman sa kanyang upcoming wedding.
Laman ang gift box invitation ni Mikoy ang isang sulat para kay Juancho, personalized keychain na may ukit ng karakter ni Juancho na si Padre Salvi mula sa seryeng ‘Maria Clara at Ibarra’, at isang bote ng pabango.
Naging emosyonal si Juancho nang basahin ang letter ni Mikoy pero tila umurong ang kanyang luha nang makitang groomsman at hindi bestman ang papel niya sa kasal.
“Wait lang, naiyak pa ‘ko, talo pala ‘ko. Okay, Mikee, ikaw ang nanalo. Kung busy ka sa araw na ‘yun, ako ‘yung understudy,” biro pa ni Juancho.
***
NAGLUKSA ang American music industry sa pagpanaw last July 22 ng Grammy-winning jazz musician and composer na si Chuck Mangione sa edad na 84 sa bahay nito sa Rochester, New York.
Mangione was born on November 29, 1940, in Rochester, New York. He studied at the Eastman School of Music, graduating in 1963 with a bachelor’s degree in music.
Mangione launched a successful solo career, releasing more than 30 albums, and selling millions of records. He received 13 Grammy nominations and won two Grammy Awards for Bellavia, and The Children of Sanchez.
His 1977 album Feels So Good ay isa sa most successful jazz records ever produced.
He was inducted into the Rochester Music Hall of Fame in 2012.
Ilan sa mga hit singles ni Chuck ay Feel So Good, Maui-Maui, Chase The Clouds Away, Blues March, Are You Real? and Hill Where The Lord Hides.
 
 
(RUEL J. MENDOZA)

Ipinaalam kung gaano niya ito kamahal:  GLAIZA, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGULAT kami nang makita namin ang social media post ni Glaiza de Castro. Pumanaw na ang kanyang ama noong Sabado, July 26.
Marami ang nakakakilala sa tatay ni Glaiza dahil bata pa lang ang actress, matiyaga na siyang sinasamahan ng tatay niya sa mga taping, shooting o showbiz ganap niya. Ang alam din namin, ang ama ang isa sa pinagkuhanan ni Glaiza ng husay sa pag-awit.
Sa post ni Glaiza, sinabi niya kung gaano niya ito kamahal at alam niyang alam ng tatay niya ito.
Aniya, “Ganito kita aalalahanin, yung mga tawa’t ngiti, boses mo lalo na pag kumakanta ka… fan na fan mo talaga ako. At salamat sa pagsuporta mo sa mga pangarap ko.
“Masaya akong nakasama ka na makamtam yun. Salamat sa pagmamahal mo sa amin… sa lahat-lahat. Mahal na mahal kita ‘tay alam mo yan… pahinga ka ng maigi.”
Ang aming pakikiramay kay Glaiza, sa nanay niya na inseparable sa kanyang tatay at sa buong Galura family.
***
NAIINTINDIHAN na namin ngayon kung bakit sa halip na ma-pressure na sa July 30 ay ipalalabas na ang horror movie na P77 at pinagbibidahan ni Barbie Forteza, nasabi niyang “fulfilment” ang nararamdaman niya.
Nagkaroon ng advance screening ang P77 bago ang premiere night nito ngayong gabi sa SM Megamall. Dumating si Barbie at ang plano sana niya, hindi niya papanoorin muna ng buo ang movie, pero hindi na rin niya nabitawan at tinapos na rin ito.
Napakahusay ni Barbie sa P77! Magaling naman na talaga siyang actress, pero sa pelikulang ito, may pakiramdam kaming pwede siyang ma-shortlisted bilang Best Actress.
Maganda ang pelikula na sa genre ng horror, ilan lang ang masasabi naming matino o may katuturan. How your nightmare can really scare or change your life.
Actually, hindi siya yung typical na horror film. Malinaw ang premise ng pelikula na naitawid at napapanahon. Directed by Derrick Cabrido, written ng Enrico Santos at under GMA Pictures, GMA Public Affairs at Warner Bros.
Sa isang banda, birthday ni Barbie sa July 31. Ngayon pa lang daw, nakuha na niya ang birthday gift niya dahil sa movie. At masaya ito na marami na ang may pa-block screening on Wednesday. Kaya maghapon daw siyang mag-iikot sa lahat ng block screening ng P77.
(ROSE GARCIA)

DSWD sapat ang pondo para sa mga biktima ng kalamidad — Gatchalian

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga local chief executives (LCEs) na sapat ang pondo ng kagawaran para ayudahan ang mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, nasa 600,000 na food packs na ang naipamahagi ng DSWD sa mga mayors at go­vernors na nangailangan ng ayuda ng ahensiya.

Una rito, inikot ni Gatchalian ang mga evacuation centers sa Marikina, Las Piñas, Pasig, Caloocan, Navotas, Bulacan at Rizal at pinangunahan ang pagkakaloob ng mga pangangailangan ng bawat evacuees .

Nakipagpulong din si Gatchalian kay Manila Mayor Isko Moreno para sa tulong sa Maynila.

“Disaster response ng DSWD is anchored on our own workers, and the relationship between the DSWD and the local government units (LGUs),” pahayag ni Gatchalian.

Samantalang kuntento naman si Gatchalian sa ­pagresponde ng mga LGU sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)

Sen. Bam Aquino nanindigan na dapat ituloy impeachment trial

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na bilang co-equal branch, dapat nirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial. “Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespesto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino. “

Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag pa niya. Bago rito, nagpahayag na ng kahandaan si Aquino na gampanan ang papel bilang senator-judge. “Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” wika ni Aquino sa isang Facebook post. Sa hiwalay na post, sinabi ni Aquino na kumonsulta na siya sa mga abogado at mga eksperto bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa pagdinig. “Sumangguni sa ilang kaibigang abogado at eksperto upang kumonsulta at paghandaan ang nalalapit na impeachment trial at ang responsibilidad bilang senator-judge,” ani Aquino. “Bubusisiing mabuti ang mga ebidensyang ipepresenta, magiging mapanuri, at bukas ang mata at isip sa proseso,” wika pa niya. (Daris Jose)

Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan delivered support services to Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs)

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

A DAY after typhoon Emong exited the Philippine Area of Responsibility, the Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan immediately delivered support services to Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs).

Among the farm machineries and equipment (FME) awarded are 4-wheel drive farm tractors, hand tractors, and knapsack sprayers. The DAR Pangasinan also turned over fertilizers, insecticides, and seeds. The said support services form part of the total of P80 million worth of FME and inputs that have been distributed by the DAR Regional Office I and DAR Provincial Office to Pangasinan ARBs since July 5, 2025.

Several recipients are from towns that were declared to be under a state of calamity after the almost weeklong rain brought by two consecutive typhoons and the enhanced southwest monsoon.

DAR Secretary Conrado M. Estrella III led the awarding ceremony today at the Rosales Farmers’ Market in Tomana, Rosales, Pangasinan.

“Kailangan dito sa Region 1 (ang mga support service). Kailangan umulan ng suporta para sa inyong mga magsasaka,” Sec. Estrella said. “Walang magsosolo flight sa inyo. Asahan ninyo lagi kaming nandito sa inyong likod. Kasama ninyo kami sa lahat ng iyong mga problema. Problema rin namin ang problema ninyo (BOY MORALES SR.)

18-anyos na wanted sa rape sa Caloocan, timbog

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang 18-anyos na binata na wanted sa kasong rape matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat, ipinag-utos ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusadong si alyas “Totoy”, residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Goforth, si alyas Totoy ay nakatala bilang No. 6 Top Most Wated Person (TMWP) sa Northern Police District (NPD) at No. 3 TMWP naman sa Caloocan police dahil sa kaso ng panggagahasa.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 1, noong May 30, 2025 para sa kasong Rape, agad nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng operation.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang makorner ng mga tauhan ni Col. Goforth ang akusado sa kanilang lugar sa Brgy., 188, kung saan hindi naman umano pumalag si ‘Totoy’ nang isilbi sa kanya ang naturang arrest warrant na walang inirekomendang piyansa.

Matapos nito, dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center para sa medical at physical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit sa IDMS-WSS kung saan siya pansamantalang habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri naman ni NPD District Director P/BGen. Jerry Protacio ang pagsisikap ng mga operating team.

“This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, together with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law.” pahayag niya. (Richard Mesa)

16,000 NCRPO cops ide-deploy sa SONA ni PBBM

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LABING -anim na libo (16,000) na pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa Lunes (Hulyo 28).

Ayon kay Major Hazel Asilo, Spokesperon ng NCRPO mula sa inisyal na 12,000 ay dinagdagan pa ang mga pulis na ginawa nang 16,000 para mangalaga sa makasaysayang okasyon.

Kabilang dito ay ang 3,707 pulis mula sa support units at 3,320 naman mula sa reinforcement units mula sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na tutulong para sa pagma-maintain ng seguridad sa talumpati sa bayan ng punong ehekutibo.

“Hindi naman po overkill kaya lang mas minabuti po ng NCRPO na mas mag-prepare”, anang opisyal para ma­ging handa sa lahat ng oras. Samantalang paiiralin rin ang maximum tolerance sa pagtrato sa mga kilos protesta.

Binigyang-diin nito na may mga itinakdang lugar para magdaos ng kilos protesta, bawal ang magmartsa at lumapit sa Batasang Pambansa kung saan itinakda ang SONA sa Lunes ng hapon.

Samantala, kanselado naman ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa  panahon ng pagsasagawa ng State of the Nation Address SONA ni PBBM sa Lunes, Hulyo 28.

Ang suspension ng klase ay alinsunod sa Executive Order No. 10, Series of 2025 na nilagdaan at ipinalabas ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte.

“The suspension is intended to encourage everyone to listen to the State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. and to help the public avoid getting stuck in traffic,” ayon sa QC LGU. (Daris Jose)