• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Pinasaringan sa ika-apat na SONA ang mga opisyal ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo… “Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino” – PBBM “MAHIYA naman kayo sa inyong kapwa Pilipino.”

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ito ang ipinamukha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo na nakalaan para sa infrastructure projects, gaya ng flood control projects.

Tiniyak ni Pangulong Marcos sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, araw ng Lunes, Hulyo 28, na papanagutin niya sa batas ang mga ito.

‘Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ikinuwento pa ng Pangulo ang kamakailan lamang aniya ay nag-inspeksyon siya ng naging epekto ng Habagat, ng Bagyong Crising, Dante, at Emong kung saan aniya ay kitang-kita niya na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho, at ‘yung iba guni-guni lang.

“Wag na po tayong magkunwari. Alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto. Mga kickback, initiative, errata, SOP, for the boys. Kaya sa mga nakikipag-sabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino,” ang sinabi ng Pangulo.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa baha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo, na binulsa niyo lang ang pera,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

At para aniya hindi na maulit ito, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) aniya ay agad na magsusumite sa kanya ng listahan ng lahat ng flood control projects mula sa bawat rehiyon na nagsimula o natapos na dsa nakalipas na tatlong taon.

Susuriin aniyang mabuti ng regional project monitoring committee ang listahan ng mga proyekto at bigyan ng report ang mga nabigo, hindi natapos at iyong sinasabing ghost projects.

“We will publish this list. Isasapubliko natin ang listahang ito. Kaya ang publiko na saksi sa mga proyektong ito ay malayang suriin ang listahan at magbahagi ng kanilang nalalaman para makatulong sa ating imbestigasyon,” ayon sa Pangulo.

Magkakaroon aniya ng ‘audit at performance review’ kaugnay sa mga nasabing proyekto upang i-check, at tiyakin at malaman kung paano ang pera ay nagasta.

Tiniyak ng Pangulo na sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa imbestigasyon pati na ang mga kasabwat na mga kontratista sa bansa.

Kailangan aniyang malaman ng taumbayan ang buong katotohanan.

Kailangan pa ring may maging managot sa naging pinsala at katiwalian.

“Therefore, for the 2026 national budget, I will return any proposed general appropriations bill that is not fully aligned with the national expenditure program,” ayon sa Chief Executive.

“And further, I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget,” dagdag na wika nito.

Samantala, siniguro ng Pangulo na hindi niya aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa samabayanang Pilipino. (Daris Jose)

Sa tatlong huling tatlong taon sa panunungkulan:  PBBM, ibubuhos ang lahat-lahat

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taumbayan na sa huling tatlong taon ng kanyang administrasyon ay ibubuhos niya ang lahat-lahat. Hindi lamang upang mapantayan, kundi mahigitan pa ang pagbibigay-ginhawa sa mga Filipino.

Kaya nga ang panawagan ng Pangulo sa taumbayan ay isantabi ang pagkakaiba, at magkasundo na sa tatlong bagay na nagbibigkis sa lahat.

Sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, araw ng Lunes, Hulyo 28, sinabi ng Pangulo na sa pagiging Pilipino, kailangan ang pagiging makabansa, at ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan.

Sinabi pa ng Pangulo na makasaysayan ang katatapos na halalan nitong Mayo.

Kaya aniya pinaparating niya ang kanyang buong-pusong pagpupugay sa mga kababayan – lalo na sa mga kabataang botante.

“Sa ating lahat dito: Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan. Bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing serbisyo,” ayon sa Pangulo.

Ang leksyon aniya sa lahat ay simple lamang: kailangan pa ng lahat ang mas lalong galingan. Kailangan pa aniya na mas lalong bilisan.

Kung datos lamang aniya ang pag-uusapan, maganda ang ekonomiya, tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante. Bumaba ang inflation, dumami ang trabaho.

Ngunit ang lahat aniya ng mga ito ay palamuti lamang, walang saysay, kung ang mga mamamayang Filipino ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.

(Daris Jose)

Libanan, ibinotong lider ng 30-miyembro ng House Minority Bloc

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAHALAL naman si 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan bilang Minority Leader ng kamara ngayong 20th Congress.

Nakuha ni Libanan ang suporta ng 29 ibang miyembro ng minorya sa isinagawang caucus matapos ang isinagawa namang eleksyon para sa speaker kung saan nanalo para sa ikalawang termino si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Si Libanan ay nagsilbing House Minority Leader noong 19th Congress.

Kabilang sa mga miyembro ng kamara na bumoto kay Libanan bilang Minority Leader ay sina      Edgar Erice (Caloocan, 2nd District), Presley De Jesus (PHILRECA), Sergio Dagooc (APEC),      Jonathan Clement Abalos II (4Ps), Stephen James Tan (Samar, 1st District), Leila De Lima (Mamayang Liberal), Percival Cendaña (Akbayan), Antonio Tinio (ACT Teachers),  Jesus Suntay (Quezon City, 4th District), Christopher “Sheen” Gonzales (Eastern Samar, Lone District),  Jose Manuel Diokno (Akbayan), Renee Louise Co (Kabataan), Roberto Gerard Nazal Jr. (Bagong Henerasyon) Jernie Jett Nisay (Pusong Pinoy),  Niko Raul Daza (Northern Samar, 1st District), Allan Ty (LPGMA),  Cielo Krisel Lagman-Luistro (Albay, 1st District),  Terry Ridon (Bicol Saro),  Arlene “Kaka” Bag-ao (Dinagat Islands, Lone District), Dadah Kiram Ismula (Akbayan),  Elijah San Fernando (Kamanggagawa), Jan Rurik Padiernos (Galing sa Puso),  Florabel Yatco (Nanay),  Arlyn Ayon (Swerte), Nicanor Briones (AGAP), Audrey Zubiri (Bukidnon, 3rd District), Michael Tan (Samar, 2nd District), Rachel Marguerite Del Mar (Cebu City, 1st District) at Paolo Henry Marcoleta (SAGIP).

 Sa ginanap na caucus, ang nomination ni Libanan ay ginawa ni de Lima na sinigunduhan naman nina Erice, Tinio, De Jesus, Abalos, at Briones.

Isang abogado, nagsilbing Kongresista si Libanan ng tatlong termino bilang kinatawan ng lone district ng Eastern Samar. Pinamunuan niya ang House committee on justice at naging Majority Leader ng Bicameral Commission on Appointments.

Nagsilbi rin si Libanan bilang Commissioner ng Bureau of Immigration sa ilalim ng administration ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo.

(Vina de Guzman)

Pormal na tinanggap ni Rep. Romualdez ang Speakership ng House of Representatives sa pagbubukas ng 20th Congress

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA SUPORTA ng mayorya o botong 269, sinabi ni Speaker Romualdez na tinatanggap niya ang panibagong tiwalang iniatang sa kanya para magsilbing pinakamataas na lider ng Kamara.

Nagpasalamat din si Romualdez sa mga Kongresistang bumoto at patuloy na nagtiwala sa kanya.

“With humility in my heart and a deep sense of duty, I rise today to accept the renewed trust you have given me to serve once again as Speaker of the House of Representatives. Ang tiwala ay hindi gantimpala, kundi panibagong hamon. At bawat hamon ay pagkakataon para maglingkod nang mas tapat, mas totoo, at mas buo,” anang speaker.

Inihayag din nito na bagama’t nirerespeto niya ang Korte Suprema maging ang desisyon nito ay hindi naman aniya yuyuko ang Kamara kalakip ng katahimikan.

Iginiit nito na ang papel ng kamara ay usapin ng accountability at pagpapatupad ng constitutional boundary sa pagitan ng mga sangay ng gobyerno.

“At the same time, we draw a line: the power to initiate impeachment is the exclusive domain of this Chamber. It flows from the people’s will and rests solely on the clear language of the Constitution. It is neither granted nor guided by any outside institution. The Court may close a case, but it cannot close a cause. The pursuit of accountability is not a moment — it is a mandate,” patuloy ni Romualdez.

(Vina de Guzman)

Majority Leader, Deputy Speakers, at iba pang opisyal ibinoto

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHALAL ng Kamara si re-elected Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos bilang Majority Leader matapos magbukas ang first regular session ng 20th Congress kasunod nang botohan ng Speaker kung saan muling nahalal si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Isa si Marcos sa pinakabatang mambabatas na nailuklok sa mataas na posisyon matapos mag-mosyon si acting floor leader, Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor.

“There is a motion to elect the Hon. Ferdinand Alexander A. Marcos as the Majority Leader of the House of Representatives. There being no objection, the Hon. Ferdinand Alexander A. Marcos is elected as Majority Leader of the House of Representatives,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Samantala, si Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ang napili naman bilang Senior Deputy Speaker.

Kasama rin sa nahalal bilang Deputy Speakers sina Janette Garin (Iloilo, 1st District), Yasser Alonto Balindong (Lanao del Sur, 2nd District), Paolo Ortega V (La Union, 1st District), Jay Khonghun (Zambales, 1st District), Kristine Singson-Meehan (Ilocos Sur, 2nd District), Ronaldo Puno (Antipolo City, 1st District), Faustino Dy III (Isabela, 6th District), Ferjenel Biron (Iloilo, 4th District), at Raymond Democrito Mendoza (TUCP party list).

Inihalal ding muli si Reginald Velasco bilang Secretary General at retired Police Maj. Gen. Napoleon Taas bilang Sergeant-at-Arms.

(Vina de Guzman)

Rep. Tiangco, magsisilbing independent sa 20th Congress

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Navotas City Representative Toby Tiangco na magsisilbi na lamang siya bilang independent member of the House of Representatives.

Ayon kay Tiangco, dahil ito sa nangyari sa 2025 national budget na hindi na umano niya kayang suportahan ang liderato sa House of Representatives at hindi na rin aniya ito dapat mangyari ulit.

“Hindi ito isang madaling desisyon, ngunit ito ay hindi na rin bago sa akin—mula December 2011 hanggang 2019, ako rin ay naging independent, at alam kong hindi madali ang landas na ito,” pahayag niya.

Aniya, pagkatapos ng SONA, ang pinakaimportanteng panukalang batas na tatalakayin ay ang 2026 national budget kaya napakahalaga ng maayos na 2026 budget dahil dito nakabase ang mga proyekto, programa at serbisyo para sa tao.

“Hindi na pwede ang dating sistema ng pagtalakay sa budget. May mga kailangang baguhin sa proseso ng pagbubuo ng budget, kailangan na transparent ito mula simula hanggang matapos,” ani Tiangco.

“Hindi na pupwede ‘yung mga sikretong sinisingit (budget insertions) na mga items. Mas magiging epektibo ako na maisusulong ang mga repormang ito bilang isang independent,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Romualdez, nahalal muli bilang Speaker sa ikalawang termino

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAHALAL muli si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng walang kalaban at ibinoto ng mayorya ng mga mambabatas bilang Speaker ng Kamara ngayong 20th Congress.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na maninilbihan bilang Speaker si Romualdez kung saan nagsilbi itong Speaker nitong nakalipas na 19th Congress.

Sa naging botohan, nakakuha ng 269 boto si Romuladez para sa Speaker.

Nanumpa si Romualdez kasama ng kanyang pamilya sa harap ni Bulacan Rep. Salvador Aquino Pleyto Sr.

Para naman sa majority leader, si Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos ang nahalal matapos inominate ni Quezon Rep. David ‘Jayjay’ Suarez.

(Vina de Guzman)

Pamilya Duterte, isa pang mambabatas, nagdeklara ng pagiging independent mula sa House Majority at Minority Blocs  

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGDEKLARA bilang independent members sina Davao City Representatives Paolo Duterte, Omar Duterte, at Isidro Ungab, kasama na si Puwersa ng Pilipinong Pandaragat (PPP) Party-list Representative Harold Duterte sa kamara matapos mag-abstain sa pagboto para sa eleksyon ng Speaker.

“A House member who chooses not to join the majority or minority can be considered an independent member of the House,” pahayag ni Rep. Paolo Duterte.

Sinabi ni Ungab na isang historical precedent ang kanilang naging desisyon kung saan nagkaroon din ng ganitong historical precedents sa Philippine Congress, U.S. Congress, at maging sa British Parliament kung saan mas pinili ng mga miyembro na manatiling independent sa halip na pumanig sa majority o minority.

Sinabi naman nina Rep. Omar Duterte at Rep. Harold Duterte na ang kanilang desisyon ay nagpapakita sa dedikasyon na magsilbi sa kanilang constituents ng walang partisan constraints.

“Our choice to become independent members demonstrates our commitment to principled governance and our intent to serve our country and constituents free from partisan considerations,” pahayag ng mga ito.

(Vina de Guzman)

Kelot na wanted sa murder sa Bohol, laglag sa Valenzuela police

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG most wanted na kriminal sa lalawigan ng Bohol ang timbog nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtaguan lugar sa Valenzuela City, Sabado ng hapon.

Nakipag-ugnayan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Tracker Team ng Tagbilaran City Police Station at Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bohol Provincial Police Office nang matanggap sila ng impormasyon na sa Valenzuela City nagtatago si alyas “Rodel”, 27.

Nagawa umanong pumuslit ng akusado sa kanilang lalawigan nang malamang nasa No. 2 na siya sa listahan ng mga Top Most Wanted Person, hindi lamang sa Lungsod ng Tagbilaran, kundi sa buong Police Regional Office (PRO)-7 na sumasakop sa Bohol, Cebu, at Siquijor, matapos isagawa ang karumaldumal na krimen.

Nang makarating ang impormasyon P/Col. Gerson Bisayas, hepe ng Valenzuela Police Station sa lungsod nagtatago si alyas Rodel, agad niyang inatasan ang kanyang mga tauhan na alamin ang kinaroroonan nito.

Dakong alas-5:40 ng hapon nang tuluyang matunton at maisilbi ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police ang warrant of arrest na inilabas nito lang Enero 30,2025 ng Tagbilaran Regional Trial Court (RTC) Branch 49, para sa kasong Murder laban sa akusado sa pinagtaguan sa Brgy. Gen. T. De Leon.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police Station hangga’t hinihintay ang utos ng korte para sa pagbiyahe sa kanya sa Tagbilaran City Jail. (Richard Mesa)

PNP, tiniyak na walang banta sa SONA ni PBBM’; 23-K kapulisan at personnel, ipinakalat

Posted on: July 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG na-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. araw ng Lunes, ayon kay PNP chief Police General Nicolas Torre III.

Bagama’t walang banta, naka-full alert pa rin ang PNP at mahigit 23,000 personnel ang ipinakalat para tiyakin ang seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa.

Kabilang dito ang 16,000 mula sa PNP at 6,000 mula sa iba’t ibang ahensya.

Tatlong grupo lamang ng mga raliyista ang may permit na magsagawa ng programa sa mga lugar sa St. Peter Chapel, Sandiganbayan, at White Plains sa Quezon City.

Tiniyak pa ng PNP na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga kilos-protesta ngayong SONA.