
BUKAS na aklat sa publiko ang pagkakasakit ni Lani Misalucha at ng mister niyang si Noli ng bacterial meningitis noong 2020.
At hanggang ngayon, 2025, ay patuloy na lumalaban sa buhay ang Asia’s Nightingale kahit hindi pa lubusang gumagaling.
Paano nabago ang sistema niya sa kanyang performance, ano ang mga adjustments niya as a singer na may iniindang sakit?
“Hindi lang nawala yung pandinig, it was really weird and it’s kinda hard to explain because masyado kaming sensitive sa mga high frequency.
“When we got back to our condo, yung mga matatalas, like yung mga kalansing ng mga kutsara or tinidor or mga umaano sa mga plato, it was really irritating, that’s how weird it was.
“So ganun ka-sensitive yung tenga namin sa frequency na ganun and then yung mga low frequencies medyo mahirap talaga, hindi namin talaga nadidinig.
“So, yung mga time na yun, I was like re-training myself, parang I’m trying to re-learn how to sing again, ganun kahirap sa totoo lang.
“Parang kumbaga sa mga dancers na nabalian ng buto or whatever, yung tuhod, parang kailangan mo munang i-nurture ulit or pagalingin yung tuhod, pagalingin yung nabali, parang ganun yung nangyari sa akin, parang kailangan pagalingin muna lahat.
“At saka parang talagang kailangan kong sabihin sa sarili ko na, ‘Ito na yung current mo na sitwasyon, you have to deal with it and you just have to work around it.’
“Kumbaga sa buhay, eto lang yung resources mo e, you have to you know, learn how to live that way.
“So I tried to re-train myself, I have to re-train yung hearing ko, because this one [right ear] hindi na siya nakakarinig, ang nadidinig niya lang is distorted sound.
“So, kumbaga kailangan kong alagaan itong kaliwa na nakakarinig, pero hindi din siya ganun kalakas na pandinig, so ganun yung ginagawa kong proseso.
“Number 1, accept, in-accept ko na yung ganitong klaseng sitwasyon and just really try to work around it.”
At tila walang pagbabago, napakaganda pa ring umawit ni Lani.
“Awww, salamat,” reaksyon ng Asia’s Nightingale.
Paano niya iyon nagagawa kahit kulang na ang kanyang pandinig?
“Yun minsan nga… sa totoo lang nung mga medyo nag-start ako ulit bumalik, kasi nangyari yun 2020, nung pandemic, parang buong 2020 hanggang sa kalahatian ng 2021 ganun pa din yung sitwasyon namin.
“Pero somehow unti-unti…hindi siya gumaling kumbaga, hindi pa din kami… nandiyan pa din yung… kasi buti kung bingi lang e, siguro kakayanin namin yung bingi.
“Pero yung the other damage that came along with it, which is yun nga vestibular disorder, yung nahihilo kami, as in nahihilo talaga kami at saka yung gumagalaw yung tingin, nandiyan pa din siya.
“Kunwari yung mga low notes para siyang eto yung note na mababa, pag eto yung nota talaga pero pag under… parang semi-tone ba siya, parang it’s just underneath that note.
“Pero pag matataas naman yung mga notes, kunwari malakas na malakas na yung sound, lahat na ng instruments gumagana, tapos lahat ng boses nandiyan na. “Kunwari eto yung mga high notes, parang it’s just above it, it’s just really weird, I am telling you. Alam mo yung keyboard na Nord ba yun?
“Na parang… or yung guitar na nababali mo yung tune or yung pitch, ganun, parang ganun.”
Sa awa ng Diyos ay nakapag-adjust na si Lani sa kanilang situwasyon, sa katunayan ay may major concert siya.
Ito ay ang ‘Still Lani: concert sa August 21 sa The Theater at Solaire kung saan mga guest performers ay ang Ben&Ben, ang pop duo na sina Leanne & Naara, si Shaira Opsimar, at si Paeng Sudayan.
Produced ng Backstage Entertainment (with executive producer Atty. Nate Quijano) ang Still Lani ay sa direksyon ni Calvin Neria at ang musical director ay si Toma Cayabyab, na anak na lalaki ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.