• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

DRRM Symposium, isinagawa ng Navotas DRRMO

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINAKSIHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang isinagawang DRRM Symposium ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office ng DRRM Symposium na layuning ipakita ang kakayahan ng lungsod sa pagtugon sa mga sakuna, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Nagsilbi rin itong pagkakataon para itampok ang pagtutulungan ng mga lungsod sa pagpapalakas ng katatagan laban sa mga natural na panganib. (Richard Mesa)

Pahayag ni Cong. Tiangco sa GAB transparency, pork barrel abuse

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng pahayag si Navotas City Congressman Toby Tiangco na ang pag-apruba ng General Appropriations Bill (GAB) ay dapat sumunod sa pamamaraan ng lahat ng iba pang House Bill.

Aniya, nangangahulugan ito na bago ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa, at pagkatapos isaalang-alang ang mga pag-amyenda ng komite, ang bawat indibidwal na pag-amyenda ay dapat pagdebatehan sa bukas na sesyon.

“And the Speaker’s office must stop controlling AICS, AKAP, TUPAD, and MAIP. What’s happening now, Congressmen are forced to request allocations from the Office of the Speaker. Dapat ang ahensiya lang ng DSWD, DOLE, at DOH ang may kontrol dito. Kapag kailangan hingin sa Office of the Speaker, lumalabas itong Pork Barrel ng office nya dahil sa kapangyarihang mag-apruba, mag-disapprove, o magdesisyon kung magkano ang ibibigay,” ani Cong. Tiangco.

“When you have to beg from the Office of the Speaker, it blatantly becomes the Speaker’s Pork Barrel, given their power to approve, disapprove, or dictate the amount to be given. Ito ay katumbas ng post-appropriation control by legislators, na ipinagbawal ng Korte Suprema sa kaso ng Belgica vs. Executive Secretary (PDAF Case, G.R. Nos. 208566, 208493, 209251; decided November 19, 2013) na nagdeklarang unconstitutional ang PDAF,” dagdag niya.

“Pag pinagpatuloy ang ganitong kalakaran, para na rin nating hinayaan na patuloy na abusuhin ang kapangyarihan para sa pansariling interes, sa halip na para sa kapakanan ng taumbayan,” sabi pa ni Tiangco. (Richard Mesa)

ABSURDIST COMEDY IS BACK! WATCH THE FIRST LOOK FEATURETTE FOR “THE NAKED GUN,” STARRING LIAM NEESON AS LT. FRANK DREBIN JR.

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“PEOPLE are kind of always ready to laugh,” says producer Seth MacFarlane (Ted, Family Guy) in a new featurette for this year’s The Naked Gun. “Growing up, I loved The Naked Gun [starring Leslie Nielsen]. This kind of broad, absurdist comedy would transcend all age groups.”
In The Naked Gun, Liam Neeson plays Lt. Frank Drebin Jr., son of Lt. Frank Drebin (famously played by Leslie Nielsen) and the only man who has the particular set of skills to lead Police Squad and save the world! Directed by Akiva Schaffer (Saturday Night Live, Popstar: Never Stop Never Stopping) and produced by MacFarlane, The Naked Gun stars Neeson, Pamela Anderson, Paul Walter Hauser, CCH Pounder, Kevin Durand, Cody Rhodes, Liza Koshy, Eddie Yu, with Danny Huston.
Watch “The Naked Gun – First Look Featurette”: https://youtu.be/K4zy9VWhirM
Check out the new posters:
Watch Liam Neeson wield his particular set of skills in The Naked Gun, only in cinemas August 13. Join the conversation with the hashtag #NakedGun and tag @paramountpicsph
Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”
(ROHN ROMULO)

Beach house nila sa Zambales puwede nang pagkakitaan: ZEUS, inoperang magsayaw sa gay bar at naging florist sa Dubai si NIKKO

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA pagsusumikap at sipag ng former Hashtag members na sina Nikko Natividad at Zeus Collins, naitayo nila ang kanilang Sunset Serenity Beach House in Zambales.
“Finally, tapos na ‘yung resort namin dito sa Iba, Zambales. Malaki ito kasi ang Airbnb namin kasya ang 18 hanggang 20 na tao. Lahat may higaan ‘yun. Siyempre malaki ang TV para kung manood sila ng Netflix or mag-videoke sila,” post na video pa ni Nikko sa Instagram.
Hindi nga raw naging madali ang buhay para kina Nikko at Zeus bago sila nag-showbiz.
Si Nikko raw marami ang pinasukan na trabaho, kabilang na ang maging OFW sa Dubai bilang florist kahit wala siyang alam a flower arrangement.
“Marami akong napagdaang work noon bilang waiter at wedding coordinator.
Naglinis din ako noon ng mga jeep at nagtrabaho rin sa salon. Plantsa, blower, ayon. Muntik akong turuan maggupit.
“Ang mindset ko dati, basta ‘pag nakapag-abroad, gaganda buhay. ‘Di ba laging ganiyan noon? Basta makapunta lang ako, um-oo ako kahit wala akong alam sa ginagawa ko!” tawa pa niya.
Si Zeus naman daw ay mahilig na sa pagsasayaw mula pa pagkabata. Hindi naman daw niya tinanggap noon ang offer na magsayaw sa mga gay bar.
“Sa sobrang hirap ng buhay namin noon sa Pasay, 15, nagtrabaho na ako. Tumigil ako ng pag-aaral para makatulong na ako sa magulang ko. ‘Yun, dire-diretso na po. Wala na po akong alam na ibang trabaho.
“Dahil matangkad ako at may katawan, may nag-offer na po sa akin sumayaw sa gay bar, pero tumanggi ako. Hindi ko kaya ‘yan. Kasi, siyempre may ibang skills ‘yan eh. Nilaban ko ‘yung talent na meron ako, na marunong akong mag-breakdance, mag-hiphop.”
(RUEL J. MENDOZA)

Bagay silang pagsamahin ni Barbie sa isang GL project: MARIS, pang-Best Actress ang pinakitang husay sa ‘Sunshine’

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAPAKAHUSAY nga si Maris Racal sa sports drama film na “Sunshine” na sinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone.
Tungkol ito sa young gymnast na nalaman nagdadalang-tao sa linggo pa naman ng national tryouts, na magbibigay sa kanya ng pagkakataon na makalaban sa Olympics.
Kasama sa movie sina Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Merryl Soriano, Annika Co at Jennica Garcia na pinupuri rin sa pagganap bilang older sister ni Sunshine na Geleen.
May special participation dito si Piolo Pascual bilang Pastor Jaime.
At dahil nga sa magagandang reviews at word of mouth, sumugod nga mga manonoood noong Sabado at Linggo, kahit na maulan pa rin.  Nagdagdag pa ng screenings ang SM Cinemas dahil nagkaubusan ng tickets.
Palabas pa rin ito ngayon sa ilang sinehan, kaya puwede pang humabol ang gustong manood.
And this early, mukhang may slot na si Maris sa Best Actress race sa susunod na taon. Tiyak na palaban din ang ‘Sunshine’ sa Best Picture.  Worth din ma-nominate sina Direk Antoinette at Jennica bilang Best Director at Best Supporting Actress.
***
SAMANTALA, nagpakita naman ng pagsuporta si Barbie Forteza sa “Sunshine” sa kanyang post sa ‘X’, na ikinatuwa ni Maris at nagpasalamat.
Ni-repost naman ni Maris ang screenshot ng photos kila na magkasama sa isang Netflix digital show noong nakaraang taon.
“Barbie what if… work tayo,” ang caption ng young actress sa ipinost niyang picture sa X.
Sumagot naman si Barbie na mukhang gusto ring makasama si Maris.
“What if… game!”, post ng bida ng pelikulang “P77” na showing na ngayon.
Tuwang-tuwa naman ang kanilang fans ang nag-wish ngang magsama sa isang teleserye o pelikula ang dalawang mahusay na aktres.
Ilan sa komento nila sa X
“Barbie x Maris soon please.”
“Legends supporting legends!!”
“Thank u, miss Barbieeee! Sana magka-work kayo ni Maris soon!”
“Thank you Barbie for supporting Maris. Dahil jan follow na po kita.”
May nagsa-suggest naman na bigyan ng GL o Girl’s Love project ang dalawang aktres at nagma-manifest din sila na maidirek sila ni Direk Tonet.
“Collab kayo pls.. If you haven’t seen may famous tiktok edit kayong dalawa haha, ang dami gustong e GL kayo he he.”
Bagay daw kina Barbie at Maris ang remake ng classic LGBTQ movie na “T-Bird at Ako” nina Star for All Seasons Vilma Santos at Superstar Nora Aunor.
Narito pa ang ilang comments nila
“Any pwedeeehh!”
“MarBie I’m SEATED.”
“Ito na ang KABA.”
“Amoy GL!”
“Naririnig ko boses nyong dalawa. super saya nito pag nagsama silaaaaa.”
“BIGYAN NA YAN NG GL I’LL BE THE FIRST ONE SEATEDDDD.”
“Yeah make it happen.”
“Support. sa dami ng bading sa Pinas marami kayong mapapasaya.”
“Title: barbie and the haggard diaries… charizzz.”
“MariBie ba sainyo mismo ang magiging lalayag sa bago GL eh hahahahaha!”

(ROHN ROMULO)

Nagsimula na para sa ‘The Devil Wears Prada 2’: Fans ni MERYL STREEP, nagkagulo nang mag-shoot sa New York 

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MASAYANG-MASAYA ang former sexy actor na si Carlos Morales dahil magiging tatay na siya.
Next month ay isisilang na ng kanyang fiancée na si Felicia Fong ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Zoei Belle.
Aminado ang actor-director na late na siya nagsimula na magkaroon ng pamilya. Magiging daddy raw siya sa edad na 49.
“I’ve always had a feeling, even from a young age, that I’d start a family a bit later in life. Coming from a broken family myself, it’s only been in the last 20 or so years that my parents found their way back to each other.”
Mula sa pagiging dancer at model, sumikat  si Carlos noong mauso ang pito-pito o mga low budget sexy films noong late ’90s. Pero nakagawa siya ng ilang critically-acclaimed films tulad ng ‘Tatarin’ at ‘Laro Sa Baga’ kunsaan nanalo siya ng best actor award.
Huling napanood si Carlos sa mga teleserye na ‘Wildflower’ (2017) at ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ (2016).
***
NAGKAGULO ang fans ni Meryl Streep sa New York dahil nagsimula na itong mag-shoot para sa pelikulang ‘The Devil Wears Prada 2.’
Nakunan ang 76-year old 3-time Oscar winner na in character na as Miranda Priestly habang palabas ng kanyang trailer in Manhattan. Kumaway pa ang aktres sa crowd na hinihintay siyang lumabas.
Nag-trend agad on social media si Meryl. Post ng isang netizens: “This gave me full-body goosebumps. She hasn’t changed at all since 2006!”
One fan of the New Jersey posted: “I can’t wait to see this movie, I’m so ready! Meryl still looks great.”
Kinunan sa araw na iyon ang eksena nang muling pagkikita nila Meryl at Anne Hathaway who plays Andy Sachs, Miranda’s former assistant at Runway magazine.
(RUEL J. MENDOZA)

Ads July 31, 2025

Posted on: July 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

31 – Page 4-merged

P20/kg bigas ilulunsad na nationwide

Posted on: July 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na palalawakin ang P20 rice program sa buong bansa.

Ayon kay Marcos, naglaan ang gobyerno ng P113 bilyon para palawakin ang programa kaya malapit nang mabili ang bigas sa halagang P20 kada kilo sa mga KADIWA store sa buong bansa.

Sinabi rin ni Marcos na ang P20 kada kilo ng bigas na programa ay inilunsad sa mga lalawigan tulad ng Pangasinan, Cavite, Occidental Mindoro, Cebu, Bacolod, Guimaras, Siquijor, at Davao del Sur.

Dahil aniya sa inilaang pondo ay mapapalakas ang programa ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng daang-daag KADIWA stores at centers sa iba pang lokal na pamahalaan.

Kasalukuyang nagbebenta ang ­gobyerno ng P20/kilo ng bigas sa ilang margina­lized sectors, kabilang ang mga persons with disabilities (PWDs), solo ­parents, 4Ps ­beneficiaries, at senior citizens.

Ang P20 kada kilo ng bigas ay isa sa ipinangako ni Marcos sa kanyang pinaka-unang SONA.

Ads July 30, 2025

Posted on: July 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

30 – 4-merged

Carl Tamayo, handa ng magpakitang gilas sa FIBA Asia cup 2025

Posted on: July 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG-handa na si Gilas Pilipinas forward Carl Tamayo para sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2025, dala ang karanasan at tagumpay mula sa kanyang international stints.

Sa loob ng tatlong taon, dalawang professional league titles na ang naiuwi ni Tamayo —isa sa Japan B.League at kamakailan lang sa Korean Basketball League (KBL) kasama ang Changwon LG Sakers. Siya rin ang kauna-unahang Pilipinong nagkampeon sa parehong liga.

Ayon kay Tamayo, malaking tulong ang kanyang international experience sa pagharap sa mas matatanda at beteranong manlalaro. “At first it wasn’t easy… but I adjusted,” ani Tamayo.

Mapapanood muli ng mga Pinoy fans si Tamayo sa Araneta Coliseum sa Lunes, sa send-off game ng Gilas kontra Macau Black Bears, bago tumulak ang koponan patungong Saudi Arabia para sa Asia Cup na gaganapin sa loob ng dalawang linggo.