• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 28th, 2025

Kelot, huli sa marijuana at pagnanakaw ng alak sa Caloocan

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnininok ng alak at makuhanan pa ng marijuana sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacion, kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspel na si alyas “Ced”, 22, ng Brgy. 11 ng lungsod

Batay sa ulat, habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa Brgy. 11 nang maaktuhan nila ang suspek na nagnanakaw ng alak sa isang sari-sari store dakong alas-12:30 ng hating gabi na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya

Nakumpiska sa suspek ang pitong bote ng Gin na nagkakahalaga ng P560 at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 6 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P720 ang halaga.

Kasong Theft at paglabag sa Section 11, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

PBBM, bumisita sa Navotas at nagbigay ng tulong sa evacuees

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na nagtungo sa Navotas City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para inspeksyunin ang Tangos-Tanza Navigational Gate, kasama sina Congressman Toby Tiangco, at Mayor John Rey Tiangco bago binisita ang mahigit 100 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa Tanza National High School Evacuation Center.

Namahagi ang pangulo sa evacuees ng food packs, hygiene kits, at sleeping kits upang matiyak ang maayos nilang kalagayan habang nananatili sa evacuation center.

Nagsalamat naman ang magkapatid na Tiangco sa pagulo sa pagbisita nito at pagdala ng tulong sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

MAG LIVE-IN PARTNERS, 2 IBA PA NASAKOTE SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAKOTE ang mag-live-in partners na nagpapatakbo ng drug den at dalawa pang indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office, katuwang ang Cebu City Police Office Station 5, sa Sitio Everlasting, Barangay Pahina San Nicolas, Cebu City.

Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang mga pangunahing target sa operasyon at itinuturing na mga drug den maintainers na sina alyas Marjun, 55 taong gulang, walang trabaho at ang kanyang live-in partner na si alyas Mabel, 25, isang fish vendor, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli rin ang dalawa pang bisita ng drug den na sina alyas Marlon, 46, market porter mula sa Barangay Inayawan, Cebu City, at alyas Archer, 47, sewage cleaner mula sa Barangay San Nicolas, Cebu City.

Nakumpiska sa operasyon ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 10.12 gramo, buy-bust money na halagang ₱300 na hinihinalang kita mula sa pagbebenta ng ilegal na droga at iba’t ibang drug paraphernalia.

Isinailalim na sa chemical analysis at tamang disposisyon sa laboratoryo ng PDEA Regional Office ang mga nakumpiskang ebidensya.

Ang pagpapatakbo ng isang drug den ay may katumbas na pinakamabigat na parusa na habambuhay na pagkakakulong at multa mula ₱500,000 hanggang ₱10 milyon, habang ang pagpasok sa drug den ay may kaparusahang pagkakakulong mula 12 taon at 1 araw hanggang 20 taon at multa mula ₱100,000 hanggang ₱500,000. (PAUL JOHN REYES)

LCSP Urges Inter-Agency Motorcycle Taxi TWG for  Resolution of Move It Appeal

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IN APRIL 2025, the Interagency Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) sanctioned industry player Move It for violating fleet limitations and failing to comply with the mandatory reporting requirements set under the motorcycle taxi pilot study. The TWG ordered Move It to reduce its fleet size in accordance with the government’s allocation and to cease operations outside its authorized franchise areas, specifically in cities such as Cebu and Cagayan de Oro.

 

The sanctions stemmed from a show cause order issued in December 2024, which required motorcycle taxi companies to respond to allegations of exceeding their rider allocations. Records submitted to the TWG confirmed that while Move It was authorized to operate 6,836 motorcycle taxi units, it was found to be operating with at least 14,662 riders—more than twice the permitted number.

 

In response, Move It filed a Motion for Reconsideration urging the TWG to immediately suspend the implementation of its April 2025 order, which significantly reduced the company’s rider allocation.

 

Meanwhile, Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon granted temporary relief to thousands of Move It riders by deferring the implementation of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) decision. Secretary Dizon emphasized that the status quo should be maintained while the motion for reconsideration is under review. No action will be taken until the motion is resolved.

 

As of this writing, the TWG has yet to issue a resolution on Move It’s motion for reconsideration. In light of this, the Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) urges the TWG to promptly resolve the pending motion. We likewise appeal to the TWG to consider the real-world implications of enforcing the downsizing order. Currently, more than 14,000 riders operate under Move It. If the original fleet allocation is upheld—reducing the authorized fleet to just over 6,000 units—thousands of riders stand to lose their livelihoods.

 

This downsizing may also drive displaced riders to operate illegally as “colorum” drivers, outside of any regulated platform. Such operations pose serious risks to commuters. Rides with colorum motorcycles are not monitored or regulated, do not carry insurance for passengers in case of accidents, and raise broader security concerns.

 

In today’s transportation landscape, motorcycle ride-hailing services have become vital to commuters. Rather than limiting their growth, what is needed is robust regulation and effective monitoring to ensure that all operating riders comply with existing laws and the guidelines of relevant government agencies. Drastic reductions in available units could disrupt supply and demand, especially during peak hours when commuters already face difficulties in securing rides.

 

 

Atty. Albert N. Sadili

Spokesperson – Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09660859816 – Viber and Mobile number 

Rep. Leila de Lima, magkahalong lungkot at pagkadismaya sa desisyon ng Korte Suprema

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAHALONG  lungkot at pagkadismaya ang nadarama ng mga mambabatas matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa one year rule.

Ayon kay Mamayang Liberal Party List Rep. Leila de Lima, hindi lamang umano unprecedented ang naging desisyon ng SC kundi procedurally questionable pa ito.

“Ito po ay isang hatol na ipinasa nang hindi man lang pinagsalita ang kabilang panig. The House of Representatives, the principal respondent in the case, was not given the opportunity to file a formal Comment as required by Rule 65, Section 6 of the Rules of Court. No such order was issued by the Court,” ani de Lima.

Sa halip aniya na atasan ang kamara na maghain ng komento, nag-isyu ang korte ng kautusan ukol sa kaso.

“Paano naglabas ng pinal na desisyon kung wala pang pormal na tugon ang respondent? Even traffic violators are given more due process than what was accorded here. Isang desisyong walang patas na proseso ay isang desisyong nakabitin sa ere,” dagdag pa ng mambabatas.

Nirerespeto ng mambabatas ang SC ngunit sa nasabing kaso ay dapat magkaroon ng paglilinaw at paliwanag.

“Walang naburang kasalanan. Walang nalinis na pangalan. Teknikal ang desisyon. Ang mga alegasyon ay nananatiling totoo, malubha, at hindi pa nasasagot. We must not let this ruling numb our sense of justice. Hindi tayo dapat masanay sa mga lider na hindi napapanagot. Hindi pa tapos ang laban.” giit nito.

Sinabi naman ni Akbayan Rep. Chel Diokno na sa desisyong ito ay talo umano ang taumbayan at talo ang pananagutan.

“Impeachment is about accountability. The process followed the constitution: the complaint was verified, endorsed by more than one-third of the House, at iisa lang ang kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. There was no violation of due process—only a demand to present the truth to the Filipino people,” ani Diokno.

Para naman kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendana, nagbigay ng mapanganib na precedent ang ginawang pagbasura ng sc sa impeachment.

“Lahat ng tiwaling politiko, pwedeng magtago sa likod ng Supreme Court at takasan ang pananagutan sa sambayanan,” pahayag ni Cendana.

(Vina de Guzman)

NHA, NAGKALOOB NG ISANG BUWANG MORATORIUM SA MGA BENEPISYARYO NG PABAHAY

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na naglabas ng panuntunan ang NHA para sa isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon para sa mga benepisyaryo ng pabahay nito sa buong bansa, kasunod ng pinsalang dulot ng Habagat, at ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Sa ilalim ng direktiba ni General Manager Joeben A. Tai, ang moratorium na nakasaad sa NHA Memorandum Circular No. 2025-141 ay awtomatikong ipatutupad sa lahat ng benepisyaryo ng pabahay ng NHA sa buong bansa. Mula Agosto 1-31, 2025, suspendido ang pagbabayad ng amortisasyon at upa. Walang ipapataw na delinquency interest o multa sa loob ng isang buwang suspensyon. Magpapatuloy ang koleksyon ng amortisasyon at upa, at ang pagdaragdag ng delinquency at iba pang interes sa Setyembre 1, 2025.

Nilalayon ng moratorium na magbigay ginhawa sa mga pamilyang naninirahan sa mga proyekto ng NHA, kung saan marami sa kanila ang nararamdaman pa ang pisikal at ekonomikong epekto ng mga bagyo. Ayon kay GM Tai, ang pansamantalang moratorium ay pagbibigay-daan sa kanila na makabangon muli mula sa pinsalang dulot ng sunod-sunod na kalamidad nang walang karagdagang pasanin ng mga obligasyon sa pagbabayad.

Nilinaw din ng NHA na ang anumang bayad na ginawa sa panahon ng moratorium ay ilalapat alinsunod sa umiiral na hierarchy ng mga pagbabayad.

Dahil sa pagmamalasakit sa mga benepisyaryo ng pabahay ng NHA, idineklara ni GM Joeben Tai ang pagpapalabas ng moratorium na ito bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na magbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

“Kami po sa NHA ay taos-puso ang malasakit sa aming mga housing beneficiaries. Hangad po namin na sa pamamagitan ng moratorium na ito ay makatulong kami sa inyong pamilya kahit paano,” pahayag ni GM Tai sa isang panayam.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng NHA ang pangako nitong magbigay ng tunay na suporta at tulong sa mga benepisyaryo sa panahon ng kanilang matinding pangangailangan.

Ang NHA ay isang attached agency ng Department of Human Settlements and Urban Development na pinamumunuan ni Secretary Jose Ramon Aliling. (PAUL JOHN REYES)

Malacañang sa publiko: Makinig ng SONA

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na makinig at panoorin ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 28.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na mahalagang mapakinggan ng sambayanan ang mga tagumpay ng Marcos administration nitong nakalipas na taon gayundin ang mga susunod na plano para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Bagamat abala aniya ang Pangulo ay patuloy ang paghahanda nito para sa kanyang ika-apat na SONA, partikular ang balangkas ng magiging laman ng kanyang ihahayag sa taongbayan sa Lunes.

Matatandaan na sinabi ni Marcos na halos patapos na ang draft ng kanyang magiging speech at kahit abala ito sa kanyang mga aktibidad pagda­ting mula sa Amerika ay inaasikaso nito ang kanyang paghahanda para sa kanyang nakatakdang SONA.

Wala naman ibinigay na ibang detalye ang PCO kaugnay sa mga ginagawang paghahanda ng Presidente para sa kanyang SONA bukas.

Carlo Biado, kampeon muli sa World Pool Championship

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING  gumawa ng kasaysayan si Carlo Biado matapos niyang talunin si Fedor Gorst ng USA sa isang thrilling 15-13 na laban sa finals ng 2025 World Pool Championship sa Jeddah, Saudi Arabia, nitong Linggo ng umaga.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng dalawang World Pool Championship titles (2017 at 2025).

Tumanggap siya ng $250,000 (humigit-kumulang P14.2 milyon) bilang premyo.

Natalo niya si Gorst sa kabila ng matinding comeback ng kalaban mula sa 2-9 at 9-13 na pagkakalamang.

Sa semifinals, binigo niya ang kapwa Pinoy na si Bernie Regalario sa iskor na 11-3.

Pitong Pilipino ang umabot sa huling 16 ng torneo, kabilang sina James Aranas, Anton Raga, at Jeffrey Ignacio.

Torre, ‘winner by default’ nang hindi dumating si acting mayor Baste Duterte

Posted on: July 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng kakaibang twist sa inaabangang boxing showdown sa pagitan ni Philippine National Police Chief P/Gen. Nicolas Torre III at acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos hindi sumipot ang alkalde sa laban.

Dahil dito, idineklarang panalo by default si General Torre.

Pero una nang sinabi ni Duterte na hindi siya available ng Linggo dahil mayroon siyang mga prior commitment.

Inabangan sana ang laban bilang bahagi ng civic exhibition events na may layuning ipakita ang sportsmanship ng mga public figures at ipamahagi naman ang mga nalikom na tulong mula sa ticket sales.

Ayon sa organizers, may sapat na oras at abiso kay Duterte upang dumalo, ngunit ito ay nasa Singapore, kasama ng kaniyang pamilya.

Marami ang nanghinayang sa posibilidad na makitang magkaharap ang dalawang personalidad sa ring.

Si General Torre ay dating atleta at kilala sa kanyang aktibong lifestyle kahit bilang opisyal ng PNP.

Matapos ang hindi natuloy na laban, namahagi ng tulong si Torre sa mga taga Baseco Compound na nasalanta ng bagyo at habagat.

Bitbit niya ang relief items tulad ng bigas, canned goods, tubig, gamot, at hygiene kits para sa mga residente.

Ang Baseco ay kabilang sa mga pinaka-naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo sa nakalipas na linggo.

Kasama sa relief operation ang mga tauhan ng PNP Community Affairs and Development Group (CADG).

Nagpasalamat naman ang mga residente sa mabilis na aksyon ng PNP kahit walang kinalaman sa laban.

Ayon kay Torre, mas mahalaga ang makatulong, kaysa magpakasikat sa ring.

Ang hindi pagsipot ni Duterte ay naging laman ng mga diskusyon, at marami ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na sangkot si Torre sa mga non-combat civic events; aktibo siya sa fun runs at outreach missions.