#WeaponsMoviePhoto courtesy of Warner Bros. Pictures
#WeaponsMoviePhoto courtesy of Warner Bros. Pictures
(ROHN ROMULO)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
#WeaponsMoviePhoto courtesy of Warner Bros. Pictures
#WeaponsMoviePhoto courtesy of Warner Bros. Pictures
(ROHN ROMULO)
TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga local chief executives (LCEs) na sapat ang pondo ng kagawaran para ayudahan ang mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, nasa 600,000 na food packs na ang naipamahagi ng DSWD sa mga mayors at governors na nangailangan ng ayuda ng ahensiya.
Una rito, inikot ni Gatchalian ang mga evacuation centers sa Marikina, Las Piñas, Pasig, Caloocan, Navotas, Bulacan at Rizal at pinangunahan ang pagkakaloob ng mga pangangailangan ng bawat evacuees .
Nakipagpulong din si Gatchalian kay Manila Mayor Isko Moreno para sa tulong sa Maynila.
“Disaster response ng DSWD is anchored on our own workers, and the relationship between the DSWD and the local government units (LGUs),” pahayag ni Gatchalian.
Samantalang kuntento naman si Gatchalian sa pagresponde ng mga LGU sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)
NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na bilang co-equal branch, dapat nirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial. “Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespesto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino. “
Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag pa niya. Bago rito, nagpahayag na ng kahandaan si Aquino na gampanan ang papel bilang senator-judge. “Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” wika ni Aquino sa isang Facebook post. Sa hiwalay na post, sinabi ni Aquino na kumonsulta na siya sa mga abogado at mga eksperto bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa pagdinig. “Sumangguni sa ilang kaibigang abogado at eksperto upang kumonsulta at paghandaan ang nalalapit na impeachment trial at ang responsibilidad bilang senator-judge,” ani Aquino. “Bubusisiing mabuti ang mga ebidensyang ipepresenta, magiging mapanuri, at bukas ang mata at isip sa proseso,” wika pa niya. (Daris Jose)
A DAY after typhoon Emong exited the Philippine Area of Responsibility, the Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan immediately delivered support services to Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs).
Among the farm machineries and equipment (FME) awarded are 4-wheel drive farm tractors, hand tractors, and knapsack sprayers. The DAR Pangasinan also turned over fertilizers, insecticides, and seeds. The said support services form part of the total of P80 million worth of FME and inputs that have been distributed by the DAR Regional Office I and DAR Provincial Office to Pangasinan ARBs since July 5, 2025.
Several recipients are from towns that were declared to be under a state of calamity after the almost weeklong rain brought by two consecutive typhoons and the enhanced southwest monsoon.
DAR Secretary Conrado M. Estrella III led the awarding ceremony today at the Rosales Farmers’ Market in Tomana, Rosales, Pangasinan.
“Kailangan dito sa Region 1 (ang mga support service). Kailangan umulan ng suporta para sa inyong mga magsasaka,” Sec. Estrella said. “Walang magsosolo flight sa inyo. Asahan ninyo lagi kaming nandito sa inyong likod. Kasama ninyo kami sa lahat ng iyong mga problema. Problema rin namin ang problema ninyo (BOY MORALES SR.)
HIMAS-REHAS ang 18-anyos na binata na wanted sa kasong rape matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat, ipinag-utos ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusadong si alyas “Totoy”, residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Goforth, si alyas Totoy ay nakatala bilang No. 6 Top Most Wated Person (TMWP) sa Northern Police District (NPD) at No. 3 TMWP naman sa Caloocan police dahil sa kaso ng panggagahasa.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 1, noong May 30, 2025 para sa kasong Rape, agad nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng operation.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang makorner ng mga tauhan ni Col. Goforth ang akusado sa kanilang lugar sa Brgy., 188, kung saan hindi naman umano pumalag si ‘Totoy’ nang isilbi sa kanya ang naturang arrest warrant na walang inirekomendang piyansa.
Matapos nito, dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center para sa medical at physical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit sa IDMS-WSS kung saan siya pansamantalang habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni NPD District Director P/BGen. Jerry Protacio ang pagsisikap ng mga operating team.
“This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, together with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law.” pahayag niya. (Richard Mesa)
LABING -anim na libo (16,000) na pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa Lunes (Hulyo 28).
Ayon kay Major Hazel Asilo, Spokesperon ng NCRPO mula sa inisyal na 12,000 ay dinagdagan pa ang mga pulis na ginawa nang 16,000 para mangalaga sa makasaysayang okasyon.
Kabilang dito ay ang 3,707 pulis mula sa support units at 3,320 naman mula sa reinforcement units mula sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na tutulong para sa pagma-maintain ng seguridad sa talumpati sa bayan ng punong ehekutibo.
“Hindi naman po overkill kaya lang mas minabuti po ng NCRPO na mas mag-prepare”, anang opisyal para maging handa sa lahat ng oras. Samantalang paiiralin rin ang maximum tolerance sa pagtrato sa mga kilos protesta.
Binigyang-diin nito na may mga itinakdang lugar para magdaos ng kilos protesta, bawal ang magmartsa at lumapit sa Batasang Pambansa kung saan itinakda ang SONA sa Lunes ng hapon.
Samantala, kanselado naman ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa panahon ng pagsasagawa ng State of the Nation Address SONA ni PBBM sa Lunes, Hulyo 28.
Ang suspension ng klase ay alinsunod sa Executive Order No. 10, Series of 2025 na nilagdaan at ipinalabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
“The suspension is intended to encourage everyone to listen to the State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. and to help the public avoid getting stuck in traffic,” ayon sa QC LGU. (Daris Jose)
ALL-SET na ang House of Representatives para sa pagbubukas ng First Regular Session ng 20th Congress at ang joint session ng Congress para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bukas July 28,2025.
Sinunod ni House Secretary General Reginald Velasco ang panawagan ni Leyte 1st district Representative Ferdinand Martin Romualdez na alisin na ang red carpet fanfare at fashion coverage upang ipahayag ang simpatiya sa mga kababayan natin na apektado ng malawakang pagbaha at bagyong Crising, Dante at Emong.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na hindi kaaya-aya na magkaroon ng fashion show gayong karamihan sa ating mga kababayan ay nahihirapan bunso ng naranasang kalamidad.
Una ng nanawagan si Romualdez na gawing simple ang pagdaraos ng SONA.
Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay pinatigil ang paglalagay ng mga tarpaulin na may kaugnayan sa SONA.
Nais ng Pangulo na unahin ang pagtulong sa ating mga kababayan.
Alas-10:00 ng umaga bukas magsisimula ang regular session at alas-4:00 ng hapon ang SONA ni Pangulong Marcos.
(Vina de Guzman)