• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 30th, 2025

Outbreaks Loom as Vaccine Supply Delays Put Filipino Children at Risk

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THE PHILIPPINES  is facing a mounting threat of vaccine-preventable disease outbreaks as  expected delays in vaccine supply continue to hinder the country’s ability to protect its most vulnerable populations, particularly children under five.

“We’re not just seeing a spike in disease we’re seeing a signal that the systems meant to protect children are faltering,” said June Kunugi, UNICEF Regional Director for East Asia and the Pacific. “No child should suffer or die from a disease we know how to prevent.”

This warning comes amid an alarming report from the World Health Organization (WHO), which revealed a sharp increase in measles cases across East Asia and the Pacific, including the Philippines. Measles cases are now at their highest levels in the region since the onset of the COVID-19 pandemic, with WHO officials calling it a “dangerous comeback” of diseases the world once had under control.

From January to May 2025, the Department of Health (DOH) recorded 2,118 measles-rubella (MR) cases, an 8% rise compared to the same period last year. The spike in infections, most concentrated in NCR, CALABARZON, and Central Luzon, coincides with the reported delays in vaccine procurement intended to support the 2025 immunization program.

Despite pronouncements from the DOH that they are committed to achieving 95% vaccination coverage, impending delays may result to even worsening of the already low vaccination coverate rates. Public health facilities in the country are expecting gap in vaccine supply, as majority, if not all of the 2025 budget for immunization, remains unutilized. Secretary Herbosa, who also chaired this year’s World Health Assembly, vowed to strenthen immunization program in the country, but uncertainty in vaccine delivery timelines is forseen to becoming an important threat, dangerously leaving health facilities without supply as we near close to the latter half of the year.

Public health experts warn that these delays could result in critical vaccine stockouts in local health centers, missing the optimal window for routine and school-based immunization programs. The implications are dire: without timely access to vaccines, children face increased exposure to deadly yet preventable diseases, from measles and rubella to polio and pertussis.

The National Immunization Program currently provides protection against 12 life-threatening diseases. Yet in 2024, only 64.85% of children under one year old have been fully immunized far below the 95% coverage target announced by the Department of Health.

In 2024, DOH implemented Supplemental Immunization Activities (SIAs) to catch-up vaccination coverage. Despite these efforts, DOH remains short of achieving its immunization coverage targets. This year, no announcement has been made by the agency scale this up, as it sees potential delays in DOH vaccine supply in 2025, contributing to the expected worsening of immunization coverage in 2025. The renewed

DepEd-DOH partnership on school-based programs, including its “Bakuna BayaniJuan” drive and outreach to 3.8 million students may also be affected, leaving students at risk of aquiring vaccine preventable diseases in schools.

The WHO and UNICEF have both emphasized that the resurgence of measles should be treated as a wake-up call, especially in countries where routine coverage has dropped. The Philippines, still recovering from previous outbreaks, cannot afford another wave of preventable illnesses to affect its citizens.

With several regions already reporting rising MR cases, the time to act is now. The government must put attention to these important health programs before further outbreaks escalate. Every delay risks reversing progress made in recent years and every missed dose could cost a child their life. ###

Acquittal ni De Lima pinagtibay ng korte

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA ikalawang pagkakataon, inabsuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court si dating senador at incoming Congresswoman Leila de Lima at  dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan kaugnay ng kasong iligal na droga na ipinabalik ng Court of Appeals (CA) sa mababang korte.

Nanindigan si Muntinlupa RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara sa nauna niyang desisyon na “acquitted” si De Lima at Dayan sa Criminal case No. 17-165, Section 5, in relation to Section 3(jjj) Section 26 (b) at Section 28, Republic Act 9165.

“Wherefore both accused Leila M. de Lima y Magistrado and Ronnie Palisoc Dayan are hereby acquitted of the crime charged on the ground of reasonable doubt,” ayon sa desisyon.

Matatandaang noong Abril 30, 2025 nang i-remand ng CA sa RTC ang kaso kasunod ng inihaing petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa kabiguan ni Alcantara na patunayan ang kanyang pananaw sa diumano’y kakulangan ng ebidensya na hatulan sina De Lima at Dayan.

Sa bagong desisyon, sinabi ni Judge Alcantara na malinaw niyang sinabi ang mga “facts and Law” sa hatol niya noong Mayo 12, 2023 partikular ang paliwanag sa recantation o pagbawi ng pangunahing testigo para magkaroon ng reasonable doubt. “The totality of said recantation, by itself, was sufficient basis for the RTC to uphold the Constitutionally guaranteed presumption of innocence,” saad pa sa desisyon ni Judge Alcantara. (Daris Jose)

DILG, ipinagmalaki pagbaba ng focus crimes sa unang 6 na buwan

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbaba ng bilang ng focus crimes sa bansa sa unang anim na buwan ng 2025 kumpara sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.

Sa isinagawang 1st Joint National Peace and Order Council and Regional Peace and Order Council Meeting, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na bumaba ng 31.85% ang kaso ng rape, 30.21% sa physical injuries, at 26.47% sa robbery mula January 1 hanggang June 6, 2025.

Binigyang-diin din ni Remulla ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms, kung saan nakumpiska ang halos 13,000 iligal na baril at mahigit 5,300 indibidwal ang naaresto.

Isinagawa rin ang halos 23,000 na anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng mahigit 24,000 indibidwal at pagkakasabat ng mahigit 200,000 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P2.17 bilyon.

Ayon kay Remulla inatasan niya ang Philippine National Police (PNP) at maging ang mga barangay officials na paigtingin ang kanilang mga programa at kampanya laban sa kriminalidad.

Hinikayat naman ni Remulla ang mga bagong talagang regio­nal and local peace and order council chairpersons na paigtingin ang pamamahala sa pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan. (Daris Jose)

Palasyo nangatwiran sa naudlot na fuel subsidy

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL umano sa pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kaya hindi itinuloy ng ­gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidy sa transport sector, gayundin sa mga magsasaka at mangingisda.

Tugon ito ni Palace Press officer Atty. Claire Castro sa pagkadismaya ng ilang transport group sa hindi natuloy na fuel subsidy nitong nakalipas na linggo matapos umakyat ng hanggang limang piso ang itinaas na presyo ng langis na ginawang staggered o utay-utay ng mga kumpanya ng langis.

Paliwanag ni Castro, hindi rin umakyat sa $80 kada bariles ang krudo na siyang basehan para magbigay ng fuel subsidy ang gobyerno.

May mga pagkakataon din aniya na hindi agad makapagdesisyon ang gobyerno dahil nakadepende ito sa kasalukuyang sitwasyon tulad ng nangyari sa Israel at Iran na humupa bago pa man maikasa ang fuel subsidy.

“Sa kasalukuyan kasi ay umabot lamang sa US$65 to US$68 per barrel ang presyo ng krudo, world market, global market price so hindi agad ito mati-trigger,” ayon pa kay Castro.

Hindi naman aniya ipinagkakait ng gobyerno kung ano ang kailangan ng transport sector basta naaayon ito sa batas at polisiya dahil kasama sa prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtiyak sa kapakanan ng PUV drivers, operators at transport groups. (Daris Jose)

VP Sara Duterte nilinaw na hindi sila nag-apply ng interim release sa Australia para sa amang si ex-Pres. Duterte

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ngayon ni Vice President Sara Duterte na hindi sila nag-apply para sa interim release ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Australia.

Kasunod ito sa naging pagtanggi ng gobyerno ng Australia hindi nila tatanggapin ang temporary release ng dating pangulo at hindi rin nila ikinokonsidera na maging host para sa dating pangulo.

Sinabi ng pangalawang pangulo na ang kanilang defense team ay kailanman hindi sila nakipag-ugnayan sa gobyerno ng Australia.

Dagdag pa nito na hindi naman kasama ang Australi sa dalawang bansa na pinangalanan ng defense team para sa urgent request ng interim release bago ang International Criminal Court.

Nakatanggap umano ito ng sulat mula sa gobyerno ng Australia na kanilang hindi tatanggapin ang kaniyang ama.

Magugunitang nagtungo ang bise presidente sa Australia noong nakaraang mga araw para pulungin ang mga Filipino community doon.

Nais umano nito ng makapulong si Australian Foreign Minister Penny Wong noong Hunyo 23 subalit dahil sa kakulangan ng oras ay hindi na ito natuloy. (Daris Jose)

Depensa ni VP Sara hindi bloodbath kundi bubble bath – House impeachment spokesperson

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI bloodbath kundi bubble bath ang tingin ng House prosecution panel sa Answer Ad Cautelam na isinumite ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court bilang tugon sa mga alegasyon sa kanya.

Ito ang inihayag ni House Impeachment Spokersperson Atty. Antonio Audie Bucoy.

Sinabi ni Bucoy na sa halip na harapin ang mabibigat na alegasyon, tila mas nakatutok ang kampo ni Duterte sa pagpigil sa tuluyang paglilitis.

Noong Biyernes, inihain ng prosekusyon ang pormal na Reply sa Answer Ad Cautelam ni Duterte, na naglalaman umano ng “misconceptions, falsehood and general denial.”

Binigyang-diin ni Bucoy na bigong sagutin ng depensa ang mga tiyak na alegasyon ng katotohanan at sa halip ay nagbigay ng pangkalahatang pagtanggi na walang paliwanag.

“Hindi ho niya sinagot ‘yung mga factual allegations. Sinabi lang niya hindi totoo ‘yan. Ang problema sa general denial, na hindi mo sinagot in particular ‘yung sakdal. Dapat kasi pag ide-deny mo, sasabihin mo kung bakit,” paliwanag pa niya.

Sa ilalim ng batas, ipinaliwanag ni Bucoy na ang ganitong uri ng pagtanggi na walang paliwanag ay maaaring ituring na pag-amin.

Kabilang sa seryosong alegasyong hindi tinutulan ng kampo ni Duterte ay ang umano’y maling paggasta ng P125 milyon sa confidential funds sa loob lamang ng 11 araw, na na-flag sa audit findings.

Dagdag niya, hindi rin sinagot ni Duterte ang paratang ng prosekusyon na tinangka niyang pigilan ang paglalabas ng mga dokumento ng Commission on Audit (CoA), kabilang na ang diumano’y pagpwersa sa CoA na huwag isapubliko ang ilang records.

Pinuna rin ni Bucoy ang kampo ni Duterte sa umano’y pagtatangkang ilihis ang usapin sa pamamagitan ng mga procedural objections, gaya ng forum-shopping at jurisdictional claims, sa halip na harapin ang mga aktwal na paratang.

Aniya, hindi dapat madistract ang Senado bilang Impeachment Court sa mga taktikang ito, at iginiit na ang tunay na usapin ay kung nararapat pa bang manatili si Duterte sa kanyang posisyon bilang opisyal ng gobyerno.

Sa kabila ng mga pampublikong pahayag ni Duterte na hinahamon ang mga nag-aakusa sa kanya na ituloy ang trial, sinabi ni Bucoy na iba ang ipinakikitang galaw ng kanyang legal team. (Daris Jose)

Gobyerno ng Australia, tumanggi umanong tanggapin si FPRRD para sa kanyang interim release

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGI ang gobyerno ng Australia na maging host country kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang interim release.

Matatandaan nauna ng sinabi ni Vice President Sara Duterte sa panayam ng media sa Melbourne nang bumisita ang Bise Presidente doon, na nasa listahan ng mga bansa ang Australia na ikinokonsidera ng kaniyang ama na maging host country para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Ayon sa Bise Presidente, nangako ang Melbourne na tutulong o tatanggapin nito ang dating pangulo subalit hindi naglabas pa ng karagdagang mga detalye.

Batid din ng gobyerno ng Australia ang petisyon ng dating pangulo para sa interim release mula sa detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands. Subalit hindi umano ito pumayag na mag-host sa dating Pangulo at hindi din ikinonsidera ito.

Nakikita ng Australia ang aplikasyon ng dating pangulo para sa provisional release bilang isang usapin na dapat ikonsidera ng ICC sa ilalim ng Rome Statute, ang founding treaty ng korte kung saan member state din ang Australia.

Una rito, sa petisyon na inihain para sa interim release ng dating Pangulo noong Hunyo 12, kinumpirma ng defense team niya na nagpahayag ng kahandaan ang isang bansa para tanggapin ang dating pangulo sa panahon ng kaniyang interim release at ipatupad ang mga kondisyon para sa kaniyang paglaya. Subalit ang pangalan ng bansa ay redacted o hindi isinama sa dokumento. (Daris Jose)

Alex Eala, bigong nasungkit ang kampeonato sa Eastbourne Open

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIGONG  nasungkit ng Pinay tennis ace na si Alex Eala ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open matapos talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10).

Ang 20-anyos na Pilipina ay nagtala ng makasaysayang tagumpay sa naturang kompetisyon bilang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Finals ng prestihiyosong tennis tournament.

Ito ang kauna-unahang Finals appearance ni Eala sa WTA Tour at hindi niya napigilang maiyak matapos ang laban.

Sa kabila ng pagkatalo, magpapatuloy ang laro ni Eala habang siya’y naghahanda para sa pagbubukas ng kanyang kampanya sa Wimbledon laban sa defending champion na si Barbora Krejcikova.

PBBM, pinasalamatan si Alex Eala sa makasaysayang pag-abot sa WTA 250 Final

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Alex Eala matapos ang makasaysayang pag-abot nito sa final ng Lexus Eastbourne Open, kung saan naging kauna-unahang Filipino na nakarating sa Women’s Tennis Association (WTA) 250 singles final.

Bagamat natalo sa isang matinding three-set na laban kontra sa Australian na si Maya Joint, ipinaabot ng Pangulo kay Eala na ang kanyang tagumpay ay simula pa lamang ng isang matagumpay niyang karera.

“Keep going, your best is yet to come,” sabi ni Marcos, kasabay ng pasasalamat sa natamo nitong tagumpay na nagbigay-pugay sa buong bansa.

Ibinahagi pa ng Pangulo na ang pagkakapasok ni Eala sa final ay isang malaking tagumpay para sa Pilipinas.

Samantala inaasahan na ang susunod na laban ni Eala ay sa Wimbledon, kung saan haharapin niya ang defending champion na si Barbora Krejcikova ng Czech Republic.

CASTRO TAKES OATH FOR SECOND TERM.  

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanumpa si Bise Gobernador Alexis C. Castro para sa kanyang ikalawang termino kasama ang kanyang pamilya sa harap ni Executive Judge Hermenegildo C. Dumlao II sa ginanap na “Pagpapasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin ng Lahat ng Bagong Halal na Opisyal sa Lalawigan ng Bulacan” sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan ngayong araw, Linggo Hunyo 29.