• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Ads May 12, 2025

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ads May 12, 2025

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

All-out support ng mayorya ng 3 million botante ng Eastern Visayas sa buong Alyansa senatorial slate 

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING kinumpirma ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang malakas na suporta ng mahigit sa tatlong milyong boto mula sa Eastern Visayas para sa lahat ng senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“All out support ang Region 8 para sa Alyansa senatorial slate pahayag ni Romualdez kasunod ng Region 8 unity rally sa pangunguna nina Tingog Party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) para sa kandidato ng administrayon.

The Alyansa slate comprises House Majority Leader Erwin Tulfo, former Interior Secretary Benhur Abalos, Deputy Speaker Camille Villar, Makati Mayor Abby Binay, Senators Bong Revilla, Francis Tolentino, Pia Cayetano and Lito Lapid, former Senators Ping Lacson and Manny Pacquiao and former Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Nang tanungin sa bilang ng botante mula sa rehiyon, inihayag ni Romualdez na mahigit sa 3 million.

Ipinarating din ng Speaker sa Pangulo ang naturang rally.

“Of course sinabi ko naman na andito tayo at nandito ‘yung ibang mga senatoriables at mga representante nila. Alam mo naman si Presidente, hindi lang Ilocano, kalahati ‘yan, Waray,” dagdag ng Speaker.

Umaasa ito na makakapasok ang kandidato ng administrauon at tutulong sa abot ng kanilang makakaya para magwagi ang mga ito.

Dinaluhan ng libong supporter, lokal na opisyal at community leders ang naturang rally sa Tacloban City na nagpapakita sa suporta ng rehiyon.

Ang Eastern Visayas ay binubuo ng anim na probinsiya. (Vina de Guzman)

High-value individual, tiklo sa P360K shabu sa Navotas buy-bust

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa rehas ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos pagbentahan ng shabu ang isang pulis sa loob ng sementeryo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “Dey Dey”, 23, ng Brgy. Tangos South.

          Batay sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Cortes ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng droga ng isa sa mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

          Matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa loob ng Navotas Public Cemetery sa Brgy. San Jose, dakong alas-10:47 ng gabi.

          Nakumpiska sa suspek ang nasa 53 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P364,480.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money.

          Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng SDEU sa laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

          Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD, ang operating team para sa kanilang matagumpay na operation

“The timely and successful apprehension of this high-value suspect reflects our unyielding commitment to eradicate illegal drugs in CAMANAVA. We will continue to intensify our efforts and protect our communities from the menace of drug abuse and trafficking,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)

Poll watchers bawal kumuha ng larawan ng balota, VVPAT

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa dalawang fake news na kumakalat ngayon online na nagsasabing may karapatan ang poll watchers na kunan ng litrato ang mismong Voter-Verified Paper Audit Trail (VVPAT) o voter receipt ng mga botante.

“Ang maaari lamang kunan ng litrato ng mga watchers­ ay ang proseso at ang insidente, kung mayroon man habang nagsa­sagawa ng Final testing and Sealing (FTS), Transmission, Printing ng Election Returns (ERs) at Proseso ng Pag-scan ng VVPAT,” paglilinaw ng Comelec.

Nilinaw din na tanging­ ang National Citizen’s Move­ment for Free Elections (NAMFREL) ang pinapa­yagan na mag-scan ng VVPAT para sa piling clustered precincts matapos ang botohan, consolidation ng resulta sa presinto, prin­ting ng election returns at transmission sa iba’t ibang servers.

“Kailanman ay hindi naging legal ang pagkuha ng litrato ng balota at ng VVPAT dahil lumalabag ito sa ballot secrecy na Karapatan ng bawat botante,” ayon pa sa pahayag ng Comelec, na nagsabing mahaharap sa kasong election offense na may parusang kulong na hanggang anim na taon.

Nagpaalala rin ang poll body na ang mga nagpapakalat ng false at alarming information ay isang election offense sa ilalim ng Section 26 ng Omnibus Election Code.

Take a trip to Cat Francisco with Gabby and the gang in “Gabby’s Dollhouse: The Movie”

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THE worldwide-hit streaming series is on its first ever cinematic adventure in Gabby’s Dollhouse: The Movie.
In the new movie, Gabby (Laila Lockhart Kraner, reprising her role from the series) heads out on a road trip with her Grandma Gigi (four-time Grammy Award winner Gloria Estefan) to the urban wonderland of Cat Francisco. But when Gabby’s dollhouse, her most prized possession, ends up in the hands of an eccentric cat lady named Vera (Academy Award nominee Kristen Wiig), Gabby sets off on an adventure through the real world to get the Gabby Cats back together and save the dollhouse before it’s too late.
Watch the trailer: https://youtu.be/4bgD2Zd4qW
Buckle up for a fun adventure as Gabby’s Dollhouse: The Movie arrives in Philippine cinemas on September 24. Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.
About Gabby’s Dollhouse: The Movie:
DreamWorks Animation elevates its global smash streaming series into its first ever cinematic adventure with Gabby’s Dollhouse: The Movie.
Since the debut of the Gabby’s Dollhouse series in 2021, kids around the world have been having one big sprinkle party with Gabby and her friends on Netflix. Created by celebrated storytellers Traci Paige Johnson and Jennifer Twomey, Gabby’s Dollhouse is a mixed media preschool series that unboxes a surprise before jumping into a fantastical animated world full of adorable cat characters that live inside Gabby’s dollhouse.
The all-star comedic voice cast includes Saturday Night Live powerhouses Ego Nwodim, Kyle Mooney and Melissa Villaseñor, as well as Emmy nominee Thomas Lennon (Reno 911!, American Dad!), Jason Mantzoukas (Invincible, Big Mouth), and Fortune Feimster (Fortune Feimster: Crushing It, Velma). The beloved series voice cast reprises their roles as Pandy Paws, CatRat, Cakey, DJ Catnip, Baby Box, MerCat and more.
Gabby’s Dollhouse: The Movie is directed by Ryan Crego (executive producer of Home: Adventures with Tip & Oh, I Heart Arlo), who earned a Children’s and Family Emmy nomination for his television feature Arlo the Alligator Boy. The film is produced by Steven Schweickart, who has served as a production supervisor or co-producer on some of DreamWorks Animation’s biggest blockbusters including How to Train Your Dragon, The Croods and most recently, Kung Fu Panda 4, which has earned almost $500 million worldwide. The film is executive produced by Jennifer Twomey and Traci Paige Johnson, based on the Gabby’s Dollhouse series created by them.
 (ROHN ROMULO)

Kaya ‘fake news’ ang kumalat na balitang naghiwalay na:   SOFIA, nagbakasyon sa Bali kasama si DANIEL at anak na si ZOE

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATANGGAP kami ng mga larawan nina Sofia Andres, Daniel Miranda at anak nilang si Zoe na kasalukuyang nasa Bali, Indonesia.
Kaya sabi ng taong malapit kina Sofia at Daniel na fake news ang kumalat na baka hiwalay na ang mag-asawa dahil sa pag-unfollow sa isa’t isa sa kanilang IG account.
Nasulat namin na hindi totoong hiwalay na ang dalawa base ito sa taong malapit sa kanila.
At noong Abril 29 ay muli naming sinulat na magkasama sina Sofia at Daniel sa ABS-CBN dahil may panayam sila sa online show ni Melai Cantiveros na ‘Kuan On One’ na galing din sa taong malapit sa kanila.
Mukhang masaya ang bakasyon ng pamilya sa Bali base sa nakasulat sa straw hat na ‘vacation mode’ at may ilang larawang tumatakbo si Zoe sa tabing dagat ay may larawan ding magkakasama silang tatlo. Isa pang kuha habang nakaupo sila at may mga hawak na puting talulot ng rosas.
Samantala, mababasa naman sa komento ng netizens na natutuwa sila na sina Daniel at Sofia pa rin na inakalang nagkahiwalay na nga.
Anyway, palaisipan pa rin kung bakit naka-unfollow sila sa kanilang IG account, nalimutan na nilang ibalik?
***
“PARANG painting ‘yung mga kuha sa Incognito, yung nasa yelo sila,“ ito ang komentong narinig namin sa isang showbiz event na dinaluhan namin.
Nagkita kami ng killalang TV/movie executive at tuwang-tuwang binanggit na avid viewer siya ng ‘Incognito’ nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at Daniel Padilla.
“Nakikita ko ‘yung mga post mo pag nanonood ka ng Incognito, ako rin, grabe ang ganda-ganda.  Updated ako, ah,” sabi sa amin.
At dahil ‘Incognito’ ang topic ay nabanggit nga ng kasamahan namin ang mga episodes na napanood niya na mahirap ang tapings dahil mahirap makipaghabulan sa yelo.  
Ito raw pala ‘yung kinukuwento ng cast sa nakaraang midterm presscon na ginanap sa Seda Hotel last month na hindi madaling mag-shoot sa Japan kapag winter season.
“In fairness ha, hindi nasayang ang kuwento kay Baron kasi hindi siya nakasama sa Japan, ‘yun pala may sarili siyang kuwento o pinagdadaanan sa Baguio, ha, ha,” tsika sa amin.
Sabi pa ng aming kausap, “alam mo palaisipan ang role ni Ian (contractor) di ba siya ang taga-utos ng kontraks kung ano ang gagawin, hindi kaya ang ending siya pala ‘yung kaaway?”
Kaabang-abang ang mga kaganapan ngayong linggo sa ‘Incognito’ na nandog ng Star Creatives at Studio Three Sixty na napapanood sa Kapamilya channel, iWantTFC, TV5, A2Z at cable channel, mula sa direksyon nina Lester Pimentel Ong, Ian Lorenos at Wang Yan Bin.
(REGGEE BONOAN)

Aminadong walang lakas ng loob para maging houseguest:  BARBIE, sobrang proud kay DAVID sa pagpasok sa Bahay ni Kuya

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SOBRANG proud nga si Barbie Forteza sa pagpasok noong Linggo (May 4) ng kanyang on-screen partner na si ni David Licauco sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition(PBB) bilang isang houseguest.
“I’m just really really proud of him,” sabi ng aktres.
“Ako, to be honest, parang wala akong ganoong level na lakas ng loob para pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.”
Ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na talagang gusto ni David na pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya para makilala ang mga housemates.
Nabanggit din ni Barbie na swak ang pagpasok nito sa PBB dahil sigurado siyang makakatulong ang Pambansang Ginoo sa mga housemates.
“Si David kasi yung tipo ng tao na marami ka din talagang makukuha sa kanya in terms of outlook sa buhay,” paliwanag ni Barbie.
Samantala, lilipad patungong Korea si Barbie para sa taping ng kanyang upcoming series na ‘Beauty Empire’.
Malapit na itong mapanood sa Viu kasama sina Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez bago ito opisyal na umere sa GMA.
***
NASA Telangana, India na ang ating Philippine representative para sa ‘2025 Miss World’ na si Krishnah Gravidez.
Nakilala na raw ni Krishnah ang ibang delegates at pinost niya ito sa kanyang Instagram account.
Roommate ni Krishnah ay si Miss World Indonesia Monica Kezia Sembiring. Tinawag niya itong “a sweet lady!”
Sa sent off ni Krishnah, bitbit nito ang “pride and dreams” ng ating bansa. Bago siya lumipad for India, binisita niya ang Indian Ambassador to the Philippines na si His Excellency Harsh Kumar Jain, and his esteemed spouse, Smt. Vandana Jain.
Nagkaroon sila ng “enriching conversations about the vibrant history and rich culture of India.”
Ang advocacy ni Krishnah ay ang pagtulong sa daycare center sa Purok 15 in Irisan, Baguio City. Ito ay para sa Color the World with Kindness’ Beauty With A Purpose project.
***
MULING nagbabalik si Jessica Sanchez sa pagsali niya sa 20th season ng ‘America’s Got Talent.
Unang nag-perform sa AGT stage ang 29-year old Fil-American singer ay noong 10 years old siya sa first season ng show.
“Being 10 years old on ‘AGT’ played such a massive role in me believing in something bigger for myself, for my voice. What a huge blessing it is to be able to come back and chase after my dreams again after 20 years. Can’t wait to see what God has in store for me,” post ni Jessica sa Instagram.
Sumikat si Jessica sa season 11 ng American Idol in 2012.  Naging first runner-up siya sa winner na si Phillip Phillips. Lumabas siya sa TV shows na ‘Glee’ at nag-guest sa maraming A-list concerts. 
Kinasal si Jessica to Rickie Gallardo in Texas noong 2021.
Nag-perform siya sa Miss Universe Philippines coronation night noong 2023.
(RUEL J. MENDOZA)

Inaayos agad ang problema kesa i-broadcast sa social media: DENNIS, inaming ‘di sila magpo-post ng cryptic message ni JENNYLYN

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIRTHDAY ngayon (May 12) ni Dennis Trillo, ang newest Belle Dolls Zero Filter Sunscreen ambassador.
Kaya naman sinorpresa siya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pamamagitan ng isang bonggang birthday cake, pagkatapos ng signing of contract at Q&A, na ginanap noong May 8 sa Solaire North, Quezon City.
Anyway, magkalapit lang pala ang birthday ni Dennis at asawang si Jennylyn Mercado, na magsi-celebrate naman sa May 15, Huwebes.
Kaya say ni Dennis, “Election po sa Monday at magkakasama kaming buong pamilya. Siguro kakain lang sa labas or kahit sa bahay lang,” sambit ni Dennis.
Kahapon naman, May 11, ang Mother’s Day, kaya isang celebration na lang.
“Birthday wish ko ay, sana, laging maging masaya yung pamilya. Yun lang ang hiling ko.
“Yun na, yun siguro!” Pahayag pa ng premyadong Kapuso actor.
Dagdag niya, “Yun ang the best para sa akin.”
Samantala, mas tahimik at tapos na raw ang mga isyu at intriga sa pagsasama nila ngayon, dahil mas matured na sila.
Kaya, hindi raw uso sa kanila ang pagpo-post ng cryptic message sa social media.
“Naku, yun ang hindi namin gagawin,” sabi ni Dennis.
“Dahil siyempre, unang-una, bilang mag-asawa, kung ano yung problema niyo, mas magandang ayusin niyo muna, kayong dalawa lang, kesa i-broadcast niyo sa iba.
“Dahil maraming manghihimasok na maaring makaapekto ng relasyon niyo.”
Inamin naman ni Dennis, nung bata pa siya ay meron siyang in-unfollow.
“Ahhh, meron, meron din. Hindi ko naman bina-block. Pero siyempre, para wala lang maging problema, minabuti ko na lang din,” pagbabahagi pa niya, sabay sabing hindi naman lahat ng kanyang ex-girlfriends ay in-unfollow niya. Dahil may iba na friends pa rin sila.
Samantala, marami nga ang nakapansin na mas bumata si Dennis at ang kinis ng mukha.
Hindi naman ikinaila ni Dennis, sumasabay siya kay Jennylyn sa paggamit ng ilang beauty products na iniendorso ng asawa.
Kaya hindi big deal sa Kapuso actor na mag-endorse ng bagong produkto ng Belle Dolls na Zero Filter Sunscreen, na gamit na gamit hindi sa taping o shooting, lalong-lalo na pagmo-motor siya.
Ayon pa sa founder of Beautéderm ang Belle Dolls Zero Filter Sunscreen ay suitable for both men and women, dahil kailangan natin ng sun protection for outdoor activities.

Available ito nationwide in two sizes: 80 mL (facial mist) and 50 mL (lightweight lotion). Parehong protection para sa skin from UV damage, nagpi-prevent ng sun-related skin problems, moisturize the skin, reduce blemishes, at nag-i-improve overall skin texture and tone.

Ini-invite nina Ms. Rei at Dennis ang lahat subukan ang produkto para sa isang zero-filter journey.

(ROHN ROMULO)

Tagalized version ng ‘Picnic’, Mother’s Day offering ng Nathan Studios: CES at NOVA, pinalakpakan nang husto sa kahusayan sa pagganap

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA na namang groundbreaking and moving movie na ‘Picnic’ ang hatid ng Nathan Studios na siguradong swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy.
Unang pinalabas ang “Picnic” sa South Korea at dinirek ito ni Kim Yong-gyun. Ni-reimagine ng Nathan Studios ang pelikulang ito bilang isang Filipino-language movie.
Patuloy na pagiging tapat at consistent ng Nathan Studios sa commitment nito sa paghain ng mga kakaiba at de kalidad na istorya para sa mga Pinoy.
Kaya naman pinili nito ang “Picnic” bilang Mother’s Day offering ngayong 2025, na kasalukuyang pinalalabas sa higit 110 cinemas nationwide.
Sa pamumuno ni Ria Atayde na President at CEO ng Nathan Studios, binigyan nila ng distinct Pinoy flavor ang “Picnic” nang pinagsama-sama nila ang isang intergenerational cast na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.
Nakaaantig ang “Picnic” sapagkat pinapakita nito ang tunay na pagmamahalan na subok na ng panahon.
Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim. Markado ang paganap ni Ces puno ito ng quiet strength at vulnerability. Damang-dama namin ang kanyang pagganap kahit sa boses lang.
Isinalarawan naman ng mga early reviews ang voice acting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner na Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.
Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim. Kaabang-abang ang kakaibang performance ni Nova na talaga namang tutunaw sa puso ng mga manonood.
Pinalakpakan talaga ang husay nina Ces at Nova, na gumanap nga bilang matalik na magkaibigan.
Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukumpleto sa central trio ng movie sa kanyang sensitibong paganap sa papel ni Tae-ho na haharapin ang kanyang mga nakatagong emosyon.
At gagampanan naman ng on-scren partner ni Fyang na si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.
Ang mga orihinal na aktor na tampok sa “Picnic” ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho).
Kinunan ito sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.
Sa budget nitong 1.2 billion KRW ($911,000.00), USD$2.2M ang kinita ng original South Korean version ng “Picnic.”
Dalawang linggo pa itong nasa top spot ito ng independent at art-house box office charts ng South Korea at umani ito ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.
Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.
At makikita pa rin ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.
Kilala ang Nathan Studios sa mga kakaibang content nito. Mapa-genre-defying series man o daring casting choices, o kakaibang storytelling directions, tiyak na hindi “play safe” ang Nathan Studios.
Sa kaso ng “Picnic,” muli nanamang naghahain ang Nathan Studios na binabali ang nakasanayang konsepto ng pamilya.
Habang hindi naman nabago ng Filipino-dubbed version ang istorya, ginawa naman nitong mas swak sa panlasang Pinoy ang pelikula, na siguradong marami ang makaka-relate.
Ang resulta ay isang viewing experience na pamilyar na pamilyar para sa lahat — ang pag-aalaga sa mga nakakatanda at pagpapahalaga sa mga kaibigan at pamilya.  Matatawa ka at malulungkot din habang pinapanood ang pelikula, na siguradong kukurot at sasapol sa ating puso.
Pinapakita ng pelikula kung paano mabuhay ng may tunay na pagmamahalan at sigurado kaming kapupulutan din ito ng maraming aral.

Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc

(ROHN ROMULO)