• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Foreign hands, posibleng may kinalaman sa naharang na milyun-milyong piso sa Mactan airport

Posted on: May 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang P441 million na cash na naharang mula sa 11 suspects sa Mactan-Cebu International Airport nito lamang weekend ay nagdulot ng seryosong alalahanin hinggil sa potensiyal na election-related illegal activities, kabilang na ang vote-buying at money laundering.
“The involvement of multiple foreign nationals strongly suggests the alarming possibility of foreign interference in our sovereign electoral process,” ang sinabi ng AFP.
Tiniyak ng AFP sa mga pinoy ang kanilang commitment na pangalagaan ang integridad ng democratic institutions at ito’y nakahanda para magibigay ng buong suporta sa nagpapatuloy na masusing imbestigasyon.
“We laud the vigilance and rapid response of the Philippine National Police and other law enforcement agencies, whose actions may have averted a significant threat to our democracy,” ang sinabi pa rin ng military.
Ang nasabing pera ay nakasilid sa pitong trolley bags at natuklasan sa pagitan ng 11:30 p.m. noong May 9 at 4:14 a.m. noong May 10.
“Security Screening Officer (SSO) Missy Ayessa Cafe, the X-ray operator at the time of the incident, detected an unusual image on the X-ray monitor. This prompted her to call the attention of SSO Rosendo Anoos and an officer from the Philippine National Police Aviation Security Unit. They then discovered that the 7 trolley bags contained bundles of cash,” ang nakasaad sa report ng Office for Transportation Security.
Ang pera ay nakatakdang isakay sana sa pribadong aircraft flight RP-C9968 bound pa-Maynila. Ang 11 suspek ay binubuo ng anim na intsik, isang Malaysian, isang Indonesian, isang Kazakhstani, at dalawang pinoy.
Dumating ang grupo sakay ng van at di umano’y nagtangkang i-bypass ang standard security protocols.
Wala ni isa man ang nakapagbigay ng balidong dokumentasyon para sa tinangkang ipasok na pera, na isang paglabag sa Seksyon 28 of Comelec Resolution No. 11104, ipinagbabawal ang pagdadala o pagkakaroon ng pera na labis sa P500,000, na may kasamang campaign paraphernalia at/o patunay na ebidensiya.
Ang tinatawag na money ban ay epektibo mula May 10 hanggang 12.
“We call on all citizens to remain vigilant and report any suspicious activities as we work together to safeguard the peaceful and credible conduct of the upcoming elections,” ang sinabi ng AFP. ( Daris Jose)

VP Sara, handa para sa kalabasan ng impeachment trial NAKAHANDA si Vice President Sara Duterte sa kung anuman ang magiging hatol sa Senate impeachment trial, na pansamantalang itinakda sa Hulyo.

Posted on: May 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Matatandaang, sinampahan ng impeachment complaint si VP Sara noong Pebrero ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng lumalaking hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte sa pamilyang Marcos at mga dati niyang kaalyado.
Matapos bumoto, sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview na handa siya sa anumang kalalabasan ng impeachment trial sa Senado na magdedetermina ng kanyang ‘political future.
Maliban sa maalis sa tanggapan, isang guilty verdict ng senator-judges ang kanyang tinitingnan para permanente siyang pagbawalan sa pampublikong tanggapan.
“Hindi ko naman siya tiningnan na gano’n, hindi ko tiningnan na nangampanya ako para sa issues ko o sa issue ni dating pangulong Duterte, dahil ang isyu ko lang naman ay impeachment,” ang sinabi ni VP Sara.
“Sinasabi ko nga na ‘yung impeachment naman kahit ano’ng mangyari diyan, guilty or acquittal, handa na ako sa kung ano’ng mangyayari,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ni VP Sara na seryoso niyang kinokonsidera ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections, isang pahayag na para sa Malakanyang ay “too premature.”
Samantala, ipinauubaya na ni VP Sara sa Panginoon ang kapalaran ng 10 Duterte-backed senatorial aspirants.
Aniya, sinabi niya sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mahigit sa dalawang kandidato na suportado ng mga ito ang maaaring makasungkit ng Senate seat. (Daris Jose)

Kasama ang Pangulo sa mahigit na 68 milyong rehistradong botante sa buong bansa… PBBM, bumoto para sa Eleksyon 2025

Posted on: May 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUMOTO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Eleksyon 2025 sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.
Bumoto ang Pangulo sa Presinto Numero36-A sa Mariano  Marcos Memorial Elementary School, Batac City, Ilocos Norte, araw ng Lunes Mayo 12.
Kasama ng Pangulo ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, at kapatid na si Irene Marcos.
Kasama ang Pangulo sa mahigit na 68 milyong rehistradong botante sa buong bansa.
Ang mga senior citizens ay kabilang sa mga maagang bumoto sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.
Ayon sa mga ito, maayos at madali ang eleksyon ngayon.
Ang mga senior citizens at persons with disabilities ang mga pinaunang pinaboto ngayon, alas 5 ng umaga nagsimula ang botohan.
Matatandaang, idineklara ni Pangulong Marcos Jr. ang 12 Mayo 2025 bilang isang espesyal (hindi nagtatrabaho) na holiday sa pamamagitan ng Proclamation No. 878 upang bigyang-daan ang mamamayang Pilipino na magamit nang maayos ang kanilang karapatan sa pagboto.
Ang holiday ay inirekomenda ng COMELEC upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mamamayan na bumoto at itaguyod ang demokratikong proseso. ( Daris Jose)

Congressman Toby Tiangco sa Navotas National High School, bumoto na

Posted on: May 13th, 2025 by people's balita No Comments

BUMOTO na rin si Congressman Toby Tiangco sa Navotas National High School bandang alas-11:15 ng umaga nitong May 12, 2025. (Richard Mesa)

 

 

Nakaboto na rin si Laguna Rep. Dan Fernandez na tumatakbong gobernador kasama ang kanyang pamilya.

Posted on: May 13th, 2025 by people's balita No Comments

Nakaboto na rin si Laguna Rep. Dan Fernandez na tumatakbong gobernador kasama ang kanyang pamilya.

 

Ads May 13, 2025

Posted on: May 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Mayor Tiangco, bumoto na sa Navotas Elem. School

Posted on: May 12th, 2025 by people's balita No Comments

KASAMA ang kanyang asawa at mga anak, ay bumoto na si Mayor John Rey Tiangco sa Navotas Elementary School nitong Mayo 12, dakong alas-8:10 ng umaga. Naghain din si Tiangco ng certificate of challenge matapos ang kanyang voter receipt ay nagpakita ng overvote. (Richard Mesa)

 

     

TINGNAN: ONLY IN TAGUIG.

Posted on: May 12th, 2025 by people's balita No Comments

 

SI LINO CAYETANO, kandidato sa pagka-Congressman ng District 1, ay nakalista pa rin bilang botante ng District 2. Hindi siya pinayagang lumipat at bumoto sa District 1 ng Comelec at ng korte dahil sa residency issues.

PBBM at pamilya nakaboto na sa Ilocos

Posted on: May 12th, 2025 by people's balita No Comments

NAKABOTO  na si Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong ‘ Marcos Jr.  kasama ang  kanyang  pamilya ngayong araw , Lunes Mayos 12 sa  Batac, Ilocos Norte.

“Bilang mga mamamayan, tungkulin nating makilahok sa halalan at tiyaking ito’y magiging mapayapa, maayos at tapat.
Sama-sama nating pangalagaan ang demokrasya,” pahayag ng Pangulo.

Eleksyon 2025, walang banta sa seguridad – PNP

Posted on: May 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG namo-monitor na anumang seryosong banta sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng gaganaping lokal at nasyonal na halalan ngayong Lunes, Mayo 12.

Ito ang inihayag nitong Sabado ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Jean Fajardo kung saan handang-handa na ang PNP para sa pagbabantay sa midterm polls.

“Wala naman tayong namo-monitor na seryosong banta… pero hindi tayo nagkukumpiyansa at patuloy ang ating intelligence gathering,” pahayag ni Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na sa kabuuan ng election period ay naging mapayapa ito bagaman may ilang mga insidente ng karahasan na naitala dulot ng alitan sa pulitika.

Una rito, isinailalim ng PNP sa full alert status ang buong puwersa nito upang tiyakin ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng halalan.

Nasa 163,000 pulis ang idineploy sa buong bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa 40 ang naitalang Election Related Incident (ERIs), 26 dito ang bayolente at 14 naman ang non-violence.

Karamihan naman sa mga bayolenteng insidente na may kinalaman sa halalan ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakapagtala ng 8 insidente at Cordillera Administrative Region (CAR) na may pito namang kaso.

Patuloy ang monitoring ng PNP lalo na sa araw ng botohan, bilangan at hanggang sa mailuklok ang mga nagwaging kandidato. (Daris Jose)