KAHIT 13 years nang namaalam ang Comedy King ng Philippine Cinema na si Dolphy, patuloy pa ring kumikita ito dahil sa mga produkto na nakakabit sa pangalan niya.
Isa sa mga produkto na ito ay ang Pidol’s Banayad Whisky na hango sa isang comedy scene sa pelikulang ‘Father En Son’ in 1995.
Ayon kay Eric Quizon: “Matagal na talaga namin iniisip ‘yan, buhay pa ang Daddy ko. However, hindi naman siya nag-materialize Parang it’s not appropriate to sell whisky when my dad has COPD (chronic obstructive pulmonary disease) di ba?”
Pumanaw ang Comedy King noong June 10, 2012 sa edad na 83.
May nauna nga raw na naglabas ng banayad whisky gamit ang larawan ni Dolphy, pero walang permiso ito sa Quizon Family.
“I told them that this is copyrighted. The author of that is my dad, and this is part of a movie. Anything that is part of a movie is copyrighted. Sabi ko, ‘I can sue you. Pero hindi ako masamang tao. Let’s collaborate and let’s make this better.’ Nakipag-usap namq sila sa akin, pero bigla silang nag-disappear,” sey ni Eric.
Kaya tinuloy na ng pamilya ang pag-create ng liquor brand na Pidol’s Banayad Whisky. Naging hit ang kanilang produkto noong magkaroon ito ng soft launch sa isang travel expo. Pinagmamalaki ni Eric na isang premium Scotch whisky ang Pidol’s Banayad Whisky. May sariling social media ito for orders.
Bukod sa liquor product, naka-establish na rin sila ng neighborhood bakery called Pidol’s Bakeshop. At ang mga na-produce naman na mga pelikula under RVQ Productions, inaasikaso na rin ni Eric ang pag-release ng mga ito on streaming platforms.
“Sabi ko nga, my dad is already dead, but he is still providing for us. It is true because all of these things that are happening online now, naka-attach ang name niya.
“So, kaming magkakapatid, let’s prolong his legacy and let’s push it para people won’t forget him. Yun talaga ang goal namin,” pagtitiyak pa ni Eric.
***
Ginanap ang naturang fun run noong May 11, na dinaluhan ng maraming runners, kabilang na ang ilang celebrities.
Ang naturang fun run ay inorganisa ng Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND) at ng Myriad Corporation ni Alden para matulungan mga marginalized Filipino film workers.
Dumalo rin sa naturang event ang MOWELFUND board members na sina Mrs. Boots Anson Roa-Rodrigo, Ms. Gina Alajar, Mr. Rez Cortez, at si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Nag-donate ang Sparkle GMA Artist Center ng PhP 100,000 sa naturang charity event.
Pinasalamatan ni Alden ang lahat ng mga dumalo, lalo na ang mga nakitakbo na celebrities.
“Actually this is the first time for my company to mount a fun run, but I think this one will definitely not be the last so marami pa kayong fun run na aasahan sa amin,” sey ni Alden.
***
NA-SUBPOENA si Taylor Swift para maging star witness sa legal war ng kanyang kaibigang si Blake Lively at ng actor-director na si Justin Baldoni.
In response to the subpoena, the pop superstar’s rep told TMZ: “Taylor Swift never set foot on the set of this movie, she was not involved in any casting or creative decisions, she did not score the film, she never saw an edit or made any notes on the film, she did not even see ‘It Ends With Us’ until weeks after its public release, and was traveling around the globe during 2023 and 2024 headlining the biggest tour in history.
“The connection Taylor had to this film was permitting the use of one song, ‘My Tears Ricochet.’ Given that her involvement was licensing a song for the film, which 19 other artists also did, this document subpoena is designed to use Taylor Swift’s name to draw public interest by creating tabloid clickbait instead of focusing on the facts of the case.”
Blake filed a legal complaint with the California Civil Rights Department claiming Baldoni sexually harassed her on set. Nag-file naman ng countersuit si Baldobi accusing Lively and husband Ryan Reynolds of extortion, defamation, and invasion of privacy.
Lively and Baldoni’s case is set for a March 2026 trial.