• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

P102K shabu, nasamsam ng NPD drug bust sa Valenzuela City

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P100K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang drug personality nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni P/Major Jeraldson Rivera, hepe ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang naarestong suspek na si alyas “Alfred”, 35, ng Brgy. Bignay.

Katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 7, ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang buy bust operation kontra sa suspek sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong alas-6:45 ng madaling araw nang dambahin ng mga tauhan ni Major Rivera ang suspek sa Elpidio Pacheco Street, Barangay Punturin, matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu, na may estimated standard drug price na P102,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at isang P500 boodle money.

          Kasong paglabagt sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang operating team.

“The timely and successful apprehension of this high-value suspect reflects our unyielding commitment to eradicate illegal drugs in CAMANAVA. We will continue to intensify our efforts and protect our communities from the menace of drug abuse and trafficking,” ani Ligan. (Richard Mesa)

Kelot na nasangkot sa kaguluhan sa Caloocan, timbog baril

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 29-anyos na lalaking may dalang baril matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Caloocan City.

Nakumpiska ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles kay alyas “Mar” ang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy. 17, Camarin, North Caloocan.

Sa ulat ni Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nagresponde sa tawag ng isang concerned citizen ang mga operatiba ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 hinggil sa nagaganap na riot ng ilang kalalakihan sa naturang lugar.

Nagpulasan ang mga sangkot sa kaguluha nang dumating ang mga pulis maliban kay alyas Mar na nabigo ng makatakas nang makorner kaagad ng mga alagad ng batas.

Kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Jeepney driver, pinagbabaril sa Caloocan, dedbol

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 55-anyos na jeepney driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa loob ng kanyang ipinapasadang sasakyan sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Fernando”, tubong Pangasinan, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek na mabiiis na tumakas patungo sa Pili Alley, Brgy. 152, matapos ang insidente.

Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Reparo St. Brgy. 152 habang nasa loob pa ng ipinapasadang sasakyan ang biktima.

Ilang mga saksi ang nagsabi sa pulisya na nakasuot umano ng itim na hood, asul na long sleeve shirt at jogging pants ang suspek na malapitang bumaril sa biktima.

Nagsagawa naman kaagad ng dragnet operation ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 5 subalit, bigo silang madakip ang suspek habang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang. (Richard Mesa)

PART-FILIPINO ACTORS KAITLYN SANTA JUANA AND TEO BRIONES LEAD THE CAST OF “FINAL DESTINATION BLOODLINES”

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Teo Briones and Kaitlyn Santa Juana in “Final Destination Bloodlines”

Photo courtesy of Warner Bros. Pictures

 

“THE cast in this film is really unique,” says co-director Zach Lipovsky about “Final Destination Bloodlines,” the latest movie in the fan-favorite horror franchise.

“In this film, we have an entire family. We have a character who’s 16, all the way to a character who’s in her late 70s. And together as a group, they have to survive Death coming after them. What’s really cool is seeing the dynamics of all those different age groups, all marked for death, all working together.

According to Lipovsky, finding a cast that could all work as a family was even more challenging than in the other films. “Not only did we have to find amazing actors that all feel unique, grounded, and relatable, but they all had to work together as a family – you really needed to believe their chemistry and history from all having been together for a really long time.”

Watch the trailer: https://youtu.be/yqmM8CK25lU

 

Kaitlyn Santa Juana in “Final Destination Bloodlines”

Photo courtesy of Warner Bros. Pictures

 

Leading the talented cast of “Final Destination Bloodlines” is Kaitlyn Santa Juana, a Canadian actress of part-Filipino descent. Santa Juana describes her character, Stefanie, as “a brainiac college student, very studious, top of her class. But she’s been suffering from nightmares that prevent her from reaching her full potential. And then she becomes like an action hero girl.”

In her early meetings with the filmmakers, Santa Juana says, “I mapped her out and, maybe this is a personal thing for me but, I think Stefani is three different people over the course of the movie. She’s kind of a detective in the beginning, trying to find answers to why she’s having the dream and why it keeps happening. And once she finds out, she becomes the protector of her family. And towards the end, she becomes a survivor of everything that she and her family have gone through.”

 

All of the “Final Destination” movies have begun with the main character having a premonition of an impending disaster. “What’s unique about this movie,” says Santa Juana, “is that it’s not a premonition, it’s a recurring nightmare of something that happened 50 years ago. It’s a huge twist.” Santa Juana’s previous acting works include “Dear Evan Hansen” on Broadway, and TV’s “The Flash.”

 

Playing Stefanie’s brother Charlie is Teo Briones, a Filipino-American actor. Briones is a huge fan of the franchise. “‘Final Destination 3’ is one of my favorite horror movies of all time,” he says. Devon Sawa, the star of the first movie, played Briones’s father in the first season of the “Chucky” TV series, which Briones was a part of. “Devon was the first person I texted when I got the part!” Briones says. They met up a few months later and, he says, “Devon regaled me with all kinds of stories that made me realize the ride I was in for. He told me that being a part of a death is a long and arduous process. The days are long and brutal, but they’re fun, and he told me I was in for an awesome journey that I was never going to forget. And that’s true!”

 

Of his work with Santa Juana, Briones says, “My relationship and connection with my own sister is one of the most important things in my life. Being able to recreate that a little bit in this movie was very special. Kaitlyn’s amazing, she’s so easy to work with. It didn’t really feel like acting in our scenes; it just felt like I was talking to my big sister.” Briones’s big sister is actress Isa Briones, who plays the divisive Dr. Santos on “The Pitt.” Their father is also an actor, JonJon Briones, who played the Engineer in the West End revival of “Miss Saigon,” and is also known for TV work including “Ratched” and the Emmy-winning “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.”

 

Rated R-16 without cuts, “Final Destination Bloodlines” takes audiences back to the very beginning of Death’s twisted sense of justice. Plagued by a violent recurring nightmare, college student Stefanie (Santa Juana) heads home to track down the one person who might be able to break the cycle and save her family from the grisly demise that inevitably awaits them all. The newest chapter in the bloody successful horror franchise is directed by Adam Stein and Zach Lipovsky.

 

New Line Cinema presents A Practical Pictures / Freshman Year / Fireside Films Production: “Final Destination Bloodlines,” now showing in cinemas!

 

(ROHN ROMULO) 

Nagpa-harvest at nagpa-freeze na ng eggs niya: CARLA, matagal nang pangarap na magka-anak kahit na walang asawa

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAGAL nang pangarap ni Carla Abellana na magkaroon ng anak kaya inihanda niya ang sarili sa isang proseso na pupuwede siyang magkaroon ng anak kahit walang asawa.
Aminado ang aktres na sa ngayong 38 going 39 sa June 12 ay baka mahirapan na siyang magka-anak.
Kaya naman umamin siya sa panayam ni Julius Babao sa vlog nitong ‘Unplugged’ na nagpa-freeze na siya ng egg cells.
“Ako po ay nagpa-egg harvest and freeze.  Kung alam ko po about it, mas earlier ginawa ko ng mas maaga, ideally nasa mid to late twenties n’yo dapat gawin sa mga kababaihan po, e, ako mid-thirties ko na nalaman.
“So, basically option po ‘yan sa mga kababaihan na ang inyong egg cells po ay ipapa-harvest ninyo of course by an accredited facility/clinic (pinakita ang video) ipi-freeze po nia ‘yun (egg cells) for future purposes.
“Para kung gusto n’yo nang mag-anak or magbuntis, kung baga nasa inyo ‘yung timing at saka nila gagamitin ‘yung mga frozen na egg cells. Let’s say you are married or have a husband call n’yo po yun kung kailan ninyo gagamitin ang egg cells,”cesplika ni Carla.
Hirit naman ng mommy niyang si Gng. Rea Reyes, “Or even if you’re single (puwedeng mag-anak pa rin).
Sabi pa ni Carla, “gagamitin na ‘yung frozen eggs, gagawin ng embryo through fertilization of IVF (in vitro fertilization) puwede na po kayong magbuntis.”
Pero hindi raw naging madali ang ginawang ito ni Carla dahil bukod sa magastos ay kailangang well-rested siya pero paano kapag lagi siyang may tapings.
“Mahal po talaga ang presyo pero may ways naman po, may options naman po na hindi naman kaagad buo na ‘yung pera na pambayad.
“Dapa emotionally ready kasi meyo mahaba ang process.  There are a lot of emotions involved  tapos may hormones pang ini-inject kasi the more (iniiksyunan), the more na nati-trigger ‘yung emtions nyo.
 “Dapat open minded kayo dapat ready kayo (sa maririnig mula sa duktor) sa sasabihing, ‘ay hindi successful or wala tayong nakuhang egg cells dapat accepting kayo kung anuman ang nangyari,” pahayag pa ni Carla.
Nagsimula raw si Carla no’ng Pebrero ay may nakuhang dalawang egg cells.
“But hindi po gaanong kaganda kaya magta-try na lang ulit hangga’t hindi nape-perfect ‘yung egg cells. Kaya as much as possible na dapat mas maaga (ginawa) and you have to harvest a lot kasi sasalain pa,” kuwento ni Carla.
Hirit pa ng mommy ni Carla, “kaya hindi mo na kailangan ng asawa para magka-anak, if you’re not the marrying type you can still have children.
Sa kasalukuyan ay maraming single women na raw ang hindi pa nag-aasawa agad dahil mas prayoriad muna ang career kaya nagpapa-freeze mula sila ng kanilang egg cells.
(REGGEE BONOAN)

Sa magkasunod na pagpanaw nina Pilita at Ricky: JACKIE LOU, inaming hindi madaling maka-cope agad sa nangyari

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Jackie Lou Blanco na hindi madaling maka-cope agad, lalo na kung magkasunod na pumanaw ang kanyang inang si Pilita Corrales at ex-husband na si Ricky Davao.

Sey ni Jackie na she and her kids are taking it one day at a time.

“I don’t know. By God’s grace, by God’s love. I take it a day at a time, which is the same thing I tell my children. Let’s take it a day at a time. There will be a day when we’re okay, the next day, we’re not okay, and it’s okay.”

Sa pagpanaw ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya, ang importante daw ay manatili ang pagmamahal na ibinahagi sa kanila.

“What I’ve realized is when you lose a loved one even with my situation with Ricky, what is left is just love. I don’t think of the not so good times, I don’t think of anything else but what last pala talaga is love both for mom and Ricky.

“When there is death all you remember is love and love stays. It may be a different kind of love but it’s love that stays.”

***

RAMDAM ang excitement nina Andrea Torresat Marco Masa para sa bagong suspense drama series na Akusada.

Sa kanilang Instagram accounts, ipinasilip nina Andrea at Marco sa kanilang followers at fans ang taping nila para sa naturang palabas.

Ibinida ng Kapuso actress ang kaniyang solo photo na tila ipinakikilala na niya ang kaniyang karakter sa serye.

“Loving this journey so far, #Akusada. Can’t wait for you to see it! Soon on GMA Afternoon Prime,” caption ni Andrea.

Bukod kay Andrea, masaya ring ipinasilip ng Sparkle star na si Marco ang set ng ‘Akusada’ at ang kanyang mga photos kasama ang kanyang co-stars sa bago niyang proyekto.

Samantala, matatandaang bago sumalang sa taping, sumabak ang ilang cast members ng upcoming series sa isang acting workshop.

***

NAGTATAKA ang Cuban-Spanish actress na si Ana de Armas kung bakit biglang nagkaroon ng public interest sa kanyang lovelife.

Ayon sa 37-year old actress: “I have never been someone that wants any attention that’s not about my work. So, when the attention is not about my work, it is upsetting, and it feels disrespectful, and it feels inappropriate, and it feels dangerous and unsafe.”

Nali-link romantically ang bida ng The World of John Wick: Ballerina sa actor-producer na si Tom Cruise. Ilang beses silang nakitang magkasama since February  2025. Huli silang nakitang magkasama sa 50th birthday bash ni David Beckham.

Ayon sa rep nila Tom at Ana, the two are “just friends,” and “have no romantic connections.” May movie silang ginagawa titled Deeper.

Nakilala si Ana dahil sa mga pelikulang Blade Runner 2049 at Knives Out. She received an Oscar best actress nomination for the 2022 film Blonde na tungkol sa buhay ni Marilyn Monroe.

(RUEL J. MENDOZA)

Nag-viral ang panggulat na kissing scene nila ni Zaijian: JANE, na-hook agad sa digi-serye na ’Si Sol at si Luna’ 

Posted on: May 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASUNOD ng breakout digital hits na ‘My Plantito’ at ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’, malaki ang kumpiyansa ng Puregold Channel sa muling paghakbang sa larangan ng cinematic-scale storytelling sa pinakabagong handog nito ‘Si Sol at Si Luna’ na pinagbibidahan ng dating mga child stars na sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza.
Ang digi-serye ay inihayag pati na ang official poster sa isang star-studded press conference na ginanap kahapon, Mayo 16 sa World Trade Center, Pasay City, na gumawa ng isang quantum leap sa journey ng Puregold bilang isang puwersa sa Filipino digital entertainment.
Sa ‘Si Sol at Si Luna’, inilabas nina Zaijian at Jane kanilang child-star images para makatawid at makatapak sa emotional complexity and adult vulnerability.
Ito ay isang career-defining turn para sa batang aktor, na nag-uudyok sa na ihatid ang pinaka-mature at mapangahas na pagganap. Ito ang first intimate scene niya na isang matapang na sandali hindi lamang para sa kanya kundi para sa Philippine retailtainment.
Gayunpaman, ang tunay na kapangyarihan ng serye ay higit pa sa sensual habang sinasaliksik nito ang kalungkutan, pananabik, at ang hindi komportableng espasyo sa pagitan ng koneksyon at timing.  Si Sol, isang mag-aaral sa pelikula na naghahanap ng malikhaing spark, ay nahuhulog sa mas matanda sa kanya na si Luna na dumadaan sa matinding pagsubok. Ang kanilang relasyon ay pinipilit ang paghaharap sa mahihirap na katotohanan ng edad, pagkawala, at pag-ibig na hindi akma sa hulma.
Para sa Senior Marketing Manager ng Puregold na si Ivy Hayagan-Piedad, ang malungkot na mga insight na inilalarawan sa ‘Si Sol at si Luna’ ay higit pa sa inyong garden variety romcom.
“At its core, the series is about love-but not the kind that comes easy,” pahayag ni Hayagan-Piedad.
“It asks: Where do we find love? What do we do with it when it comes at the most unexpected time? Luna’s story is about loving through grief. Sol’s is about loving through transformation. Whether love can survive both that’s the question the audience will ponder on.”
Sa ‘Si Sol at Si Luna’, itinatatak ng Puregold Channel ang pag-angkin nito bilang isang powerhouse content studio-one na pinagsasama ang komersyal na halaga sa malikhaing katapangan.
Halatang excited sa press conference ang mga lead series na sina Zaijian at Jane, nagsigawan ang mga nakapanood nang makita ang trailer ng serye na kung saan ipinakita ang pinag-uusapang kissing scene nila sa social media.
Tugon nga ni Zaijian tungkol sa eksena, “Siguro po ang masasabi ko lang ay marunong akong humalik!”
Say pa niya, pinaghandaan daw talaga niya ang pagganap kay Sol, na hindi pa nakikita sa mga nagawa na niya sa pelikula at teleserye.
“Ibang-ibang Zaijian talaga ang makikita nila sa serye na ito.  Pinaghandaan at trinabaho ko talaga ang pagganap bilang si Sol.
“Nasanay na kasi ang mga tao sa dati kong ginampanan, na parang nag-stick sila sa pagiging ‘banal’. Kaya gusto kong ipakita ‘yung other side ko.”
Aminado naman si Jane na isa ito sa dream project niya.
Pagbabahagi pa niya, “sobrang ganda kasi ng kuwento, as in nang binabasa ko ang script, hindi ko talaga siya mabitawan.
“Inabot ko ng gabi hanggang umaga.  Sobrang nakaka-excite ang bawat episode at siyempre gusto ko ring makatrabaho si Zaijian.  Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Puregold sa paggawa ng serye na ito.”
Na-excite din ang mga sumusuporta at miyembro ng star-studded cast, kasama sina Joao Constancia, Uzziel Delamide, Vaughn Piczon, Lyle Viray, Jem Manicad, Marnie Lapus, at ang breakout star na si Atasha Franco.
Ipalalabas ng ‘Si Sol at si Luna’ ang pinakaunang episode nito sa Puregold Channel sa YouTube sa Mayo 31, na may bagong episode na ipapalabas tuwing Sabado pagkatapos nito.
Manatiling nakatutok!  Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok para sa higit pang updates.
(ROHN ROMULO)

5 indibidwal, timbog sa sugal at droga sa Valenzuela

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang limang indibidwal, kabilang ang isang bebot matapos maaktuhang nagsusugal at makuhanan pa ng illegal na droga ang dalawa sa kanila sa magkahiwalay na operation sa Valenzuela City.

          Sa ulat ng Paso De Blas Police Sub-Station 1 kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Chief ng Valenzuela police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may lalaro ng cara y cruz sa Francisco Compound, De Castro Subdivision, Brgy. Paso De Blas.

          Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar kung saan naabutan nila ang dalawang lalaki na sina alyas “Danilo”, at alyas “Ryan” na naglalaro ng cara y cruz na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila dakong alas-8:00 ng gabi.

          Nasamsam ng mga pulis ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P540 bet monet habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Danilo.

          Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Ugong Police Sub-Station 8 sina alyas “Lyn”, alyas “Randy” at alyas Efren” nang maaktuhan nilang naglalaro din ng sugal na cara y cruz sa Brgy. Mapulang Lupa, bandang alas-10:45 ng gabi.

          Nakumpiska ng mga tauhan ng SS8 sa lugar ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P470 bet money habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Lyn.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa nina ‘Danilo’ at ‘Lyn’. (Richard Mesa)

Dalagita, lolo utas sa sunog sa Caloocan

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 16-anyos na dalagitang estudyante at isang lolo, habang lima ang sugatan sa naganap na sunog na tumupok sa 70 kabahayan at establisimiento sa Caloocan City.

Unang nakita ang bangkay ng 62-anyos na lalaki na nagpapagaling pa lamang matapos sumailalim sa operasyon sa ulo, habang Huwebes na ng umaga nahukay ang labi ng dalagitang estudyante na na-trap din sa loob ng nasunog na tirahan sa Natividad St. Brgy. 81.

Sugatan naman ang lima pa, kabilang ang isang fire volunteer na nakuryente at dinala sila sa MCU Hospital para magamot.

Sa ulat ng Caloocan Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ng alas-4:49 ng hapon sa bahay ng isang alyas “Melanie”, negosyante ng prutas at may-ari rin ng inuupahang bahay ng nasawing lalaki.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil bukod sa hindi kaagad makapasok ang mga bumbero sa napakasikip ng lugar, dikit-dikit din ang mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials dahilan upang itinaas ang sunog sa ikalawang alarma.

Bandang alas-6 ng gabi nang ideklarang kontrolado na ang sunog bago tuluyang maapula ng alas-9:57 ng gabi.

Aabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan na ngayon ay pansamantalang nasa covered court ng barangay kung saan sila pinadalhan ng mga pangunahing pangangailangan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

May hinala na naiwang naka-charge na cellphone ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na tumupok sa tinatayang P300,000 halaga ng mga ari-arian.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng arson investigators matapos matuklasan na karamihan sa mga kabahayan ay gumagamit ng jumper sa kanilang kuryente. (Richard Mesa)

Kelot na wanted sa rape sa Navotas, sumuko sa Caloocan policeKelot na wanted sa rape sa Navotas, sumuko sa Caloocan police

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUSANG loob na sumuko ang 32-anyos na akusado sa panghahalay sa isang menor-de-edad babae sa Navotas City nang matuklasang inilunsad na ang malawakang pagtugis sa kanya ng pulisya sa Caloocan City.
Nagtungo sa Bagong Barrio Police Sub-Station-5 na nasa kanto ng G. De Jesus St. at Malolos Avenue, Brgy. 146 sa Caloocan City ang akusadong si alyas “RJ”, dakong ala-1:32 ng hapon upang isuko ang kanyang sarili
Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen, Josefino Ligan, inilabas nitong Mayo 6, 2025 ni Navotas Family Court Presiding Judge Cecilia Bunagay-Parallag ng Branch 1 ang warrant of arrest laban kay RJ para sa kinakaharap na kasong Qualified Rape of a Minor.
Nang makarating sa kaalaman ng akusado na inilagay na siya ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes bilang isa sa Most Wanted Person sa lungsod ay minarapat na lamang nitong sumuko sa pulisya.
Pinuri naman ni BGen. Ligan ang mga tauhan ng Sub-Station-5 sa mabilis na pagproseso sa boluntaryong pagsuko ng akusado na pansamantala munang ipiniit sa naturang presinto ng pulisya habang hinihintay ang kautusan ng hukuman sa paglilipat sa kanya sa Navotas City Jail. (Richard Mesa)