
Pinanghahawakan pa rin nila na nananatiling tahimik pa rin si Paul sa isyu ng break-up nila.
Pero upon checking, pareho na talaga silang naka-unfollow sa Instagram ng isa’t-isa.
May fan ang PaulKee na panay nagpapadala ng private message sa amin. Nagtatanong ito ano na raw ba talaga ang lagay ng dalawa? Talagang wala na raw bang chance? Halatang affected ito sa naging break-up nila.
Pinanghahawakan niya na may pelikula pa silang ginawa bago mag-break, ang “Sweet at Chocolate.” Tinatanong nito kung kailan daw ang showing.
The truth is, wala rin talaga kaming balita sa dalawa. Tinatanong namin ang malalapit sa kanila, pero, wala rin mai-chika. Ang huling alam namin, may plano pa rin si Paul na suyuin si Mikee.
Pero, with the rate things are going, bakit parang hindi gano’n ang direksiyon, huh
Personally, nanghihinayang din kami sa kanilang dalawa. All the while, akala rin namin ay meant for each other na sila.
***
SINERYOSO agad ng ibang followers ni Sofia Andres ang Instagram story niya kunsaan, nagbigay siya ng mga qualification ng isang PA (Personal Assistant) na hinahanap niya raw.
Sey niya kasi, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule). Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to “I forgot.
“Think that’s you? Slide into the inbox- applications open, excuses closed.”
At saka niya binigay ang kanyang email address kunsaan, pwedeng magpasa muna ng resume.
So hayun na, sineryoso ng iba at tinawag na ng kung ano-ano si Sofia.
Nag-post naman agad si Sofia joke lang ‘yon.
Sey niya, “Makalagot uy! Walang sense of humor… chill ra!”
(ROSE GARCIA)