Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGSAGAWA ng clean-up at declogging operations ang Malabon City Engineering Office, katuwang ang CENRO at MMDA mula Women’s Club hanggang Don Basilio St., Brgy. Hulong Duhat na bahagi ng paghahanda sa paparating na tag-ulan upang maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada at kabahayan. Personal rin binisita ni Mayor Jeannie Sandoval ang lugar at hinikaya’t niya ang Malabueños na makiisa sa kampanya para sa kalinisan. (Richard Mesa)
IGINIIT nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at ACT Teachers Partylist Rep. elect Antonio Tinio na walang dapat na papel si Presidente Bongbong Marcos sa bicameral conference committee (Bicam) para sa national budget.
Ayon kay Castro, ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura at hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo.
“Ang presensiya ni Marcos o ng sinumang kinatawan ng ehekutibo sa Bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang pressure at banta
sa kalayaan ng mga mambabatas na magpasya batay sa interes ng mamamayan, hindi ng Palasyo,” ani Castro.
Sinabi naman ni Tinio na ang bicameral conference committee ay hindi isang secret club para sa Pangulo at kanyang kaalyado para pagdesisyunan kung papaano gagastusin ang pera ng taumbayan.
“Walang lugar ang Pangulo sa bicam. Dapat ay lantad at bukas sa publiko ang lahat ng pag-uusap. Panahon nang wakasan ang mga closed-door negotiations na nagtatago ng tunay na dahilan ng mga budget cut at dagdag sa
sa pork barrel,” dagdag ni Tinio.
Muling nanawagan si Castro na magkaroon ng full transparency at public scrutiny ang susunod na Bicam.
A worldwide search was on for the actor who will take on the mantle of Karate Kid for Karate Kid: Legends, and producer Karen Rosenfelt felt that Ben Wang was the perfect fit for the role. “It’s always like threading a needle when you’re looking for the center of a film,” she says. “I couldn’t be happier with Ben. He’s exactly what I saw in my mind. I think he’s the Marty McFly of our generation. He’s so talented—he performed most of his own stunts—and I think he’s got an amazing career ahead of him.”
Watch the new trailer: https://youtu.be/BtACuGrq2uA
Ben Wang plays Li Fong, a young kung-fu fighter who moves from Beijing all the way to New York City. He’s faced with new challenges trying to adjust to the new environment, and attracts trouble from the local martial arts group. With the help of his master, Mr. Han (Jackie Chan), they seek out original Karate Kid Daniel LaRusso (Ralph Macchio) to hone his fighting skills and prepare for an epic martial arts showdown.
Wang was no stranger to the hit martial arts franchise, having been introduced to the 2010 The Karate Kid film starring Jackie Chan and Jaden Smith. . “It takes place in Beijing, and I had just moved back to the U.S. from Beijing when it came out,” says Wang.
Drawing parallels from his and Li Fong’s shared backstory also helped in fully embracing his character. “It gets me emotional, this idea of going somewhere completely new and having to start over and finding people who help you along the way. And that’s what these movies are really about, you know? Behind the kung fu and the karate and all that cool stuff, it’s about finding your way, learning to fit in, and finding good teachers,” he says.
Wang also has the seal of approval from Ralph Macchio, who’s enjoyed working with the new Karate Kid. “His work ethic, his preparedness, his not taking anything for granted—he will be this generation’s Karate Kid!” Macchio says. “Yes, I carry that, that’s not going away for me, ever. And I am extremely proud and privileged to have it. He’s in almost every frame of the movie, like I was.” Then he adds, with a laugh, “I didn’t have to speak another language, though, like he does. So he’s already ahead of me right there!”
Watch the rise of the new Karate Kid in Karate Kid: Legends, arriving in Philippine cinemas on May 28. Karate Kid: Legends is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)
TURNING five years old na pala sa September 10 ang anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari.
At tatlong taon na ang lumipas bago nagkaroon ng Season 3 ang ‘Masked Singer Pilipinas’ ng TV5.
Kuwento ni Billy, “You know, it feels wonderful, kasi everything is in God’s time para sa akin.
“Kasi I got to spend time with my son nung hindi pa namin ginagawa yung Masked Singer.”
Pagpapatuloy ni Billy, “Nung dumating yung offer ng Masked Singer sa amin, e dun na parang naging malaking blessing ulit e, because I got to have fun again.
“For Masked Singer it’s actually…it’s not I’m working e, para akong naglalaro, promise! Tapos nagsama pa kami ng tatay kong si Daddy Janno, e wala, talagang magulo na ‘to.
“So it just feels ano, it feels like a joy and such a pleasure to work and especially with Masked Singer, because we get to just have fun on stage.”
Ito ring Season 3 ang pinakaunang edisyon na may live audience.
“Yes,” bulalas ni Billy. because we did the first 2 seasons pandemic, so lahat… yung audience namin, yung Masked audience namin ay through zoom, so ngayon may live audience kami, so we get to interact with the audience.
“Nabubuhayan yung mga Masked Singers especially, and the judge detectives and including myself.”
Si Billy ang host ng programa at makakasama niya ng all-star at powerhouse na bagong panel of celebrity judge-detectives na susubukang tukuyin at hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses: Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at si Ms. Pops Fernandez.
Ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?
“Pati na rin ang host…ako, hindi rin ako binibigyan ng kung sinu-sino ang nasa likod ng maskara. So the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya yung makakausap ko.
“Kaya that I guess is my biggest challenge lang for me, and also kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po dito sa Masked Singer season 3,” at tumawa si Billy.
“Kaya iyon yung challenging point dito.”
Kumusta katrabaho si Nadine?
“I’ve worked with Nads so many times and she has not changed once. She’s always professional, iyan yung makikita niyo kay Nadine e, she’s always professional.
“She does her own makeup and you know, she’s always on time and talagang she’s… kung yung tinatanong mo how do you prepare? She’s always prepared, iyon si Nadine.”
Best memory with Nadine?
“Kung kilala niyo si Nads kasi, tahimik na tao si Nads e, she’s not so… yung out there, na outspoken, she’s very tahimik, she’s very smart.
“Paminsan-minsan sobrang mahiyain yun, pag may sasabihin siya yung walang nakakarinig, so kailangan mong, ‘Ano yun, Nads?’
“Tapos ayaw na niyang ulitin, hindi na niya uulitin yun kasi nahihiya na siya, ganun siya e. So that’s how I know Nadine.
“And when she works, ganun talaga siya, pero there are certain memories din na kengkoy din kasi si Nads e, palaban din yun especially sa hulaan, competitive din yung tao.”
Kumusta katrabaho sina Janno, Pops and Arthur?
“I’ve said it numerous times, it’s a gem working with amazing, talented people on a regular taping day, so parang it’s not even work anymore.
“Kumbaga nag-e-enjoy lang ako kasama nila.”
Kung meron kang gustong pasalihin sa Masked Singer, sino yun?
“Siguro ako sa sobrang dami ng beses na na-mention yung pangalan niya, gusto kong sumali sa Masked Singer si Jed Madela, kasi si Jed ang isa sa pinakakilala kong singers na kayang-kayang mag-iba ng boses niya, sa mataas, sa mababa, so yun yung sa tingin ko mahihirapan kilatisin, si Jed Madela.”
(ROMMEL L. GONZALES)