• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Todo level-up ang premier drag club ng bansa: ‘Moulin Rouge: The Musicale’, pasabog na party ng Rampa para sa grand reopening

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal na paglipat nito sa mas malaki at mas bonggang location sa gitna ng Tomas Morato, Quezon City.
Mula nang mag-grand opening ito nuong unang quarter ng 2024, walang tigil ang Rampa sa commitment nito na bigyan ang community ng isang safe at open space para sa self-expression.
Sa pagsasanib puwersa ng mga Philippine LGBTQ+ icons at allies gaya nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Boy Abunda, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Vinas Deluxe, walang puknat ang Rampa sa pagbibigay sunod-sunod na parties na ang mensahe ay ang pagkakaisa at selebrasyon ng creative freedom kung saan ang pabolosang mundo ng drag ang nagbubuklod sa over-the-top fun ng venue.
Ngayon, with much hard work and dedication, kilala na ang Rampa bilang tahanan ng mga bagong simbolo na drag artists na kilala bilang Rampa Reynas, kasama ang kanilang homegrown dancers, ang Rampa Movers.
Ang nakaka-inspire na talento ng mga artists ng Rampa ay umani ng papuri di lamang ng kumunidad at ng Philippine press ngunit pati na rin ng international news organizations gaya ng The New York Times at pati ng mga international celebrities gaya ni Lady Gaga na napansin ang performance ni Precious Paula Nicole ng kanyang smash hit dance single na “Abracadabra.”
Kaya tuloy-tuloy ang party sa grand reopening nito ngayong gabi.
***
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa lahat ng miyembro ng gabinete at pinuno ng mga ahensya na magsumite ng kanilang courtesy resignation, pormal na naghain ng kanyang courtesy resignation ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio noong Biyernes, Mayo 23, 2025, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary Lucas P. Bersamin.
Sa kanyang liham na natanggap ng Office of the President, ipinarating ni Sotto-Antonio ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makapaglingkod sa administrasyong Marcos, Jr. at mamuno sa MTRCB sa pagpapatupad ng mandato nito na suriin at pag-uri-uriin ang mga pelikula, na tinitiyak na ang nilalaman ay nananatiling angkop at naaangkop sa edad para sa mga manonood na Pilipino lalo na sa mga bata.
“It has been a profound honor to serve in your administration and to lead the MTRCB in fulfilling its mandate of guiding and safeguarding the content consumed by the Filipino public,” sabi ni Sotto-Antonio.
“I remain grateful for the opportunity to contribute to nation-building through this agency and for the trust you have placed in me during my tenure.”
Si Chairperson Sotto-Antonio ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2022, at mula noon ay pinamunuan niya ang MTRCB na may diin sa pagpapalakas ng responsableng regulasyon sa nilalaman, pagtataguyod ng media literacy sa pamamagitan ng mga kampanya tulad ng Responsableng Panonood program, at paggawa ng makabago sa mga sistema ng pag-uuri ng Ahensya upang makasabay sa patuloy na nagbabagong tanawin ng media.
Lumahok at kinatawan niya ang Pilipinas sa iba’t ibang mga internasyonal na forum, kabilang ang Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, Latin America at Caribbean, Annual Asia Digital Communications, Media Forum sa Seoul, South Korea, at bilang resource speaker sa Miami, Florida Media Summit noong 2023.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Lupon ay nagtakda ng bagong benchmark na may higit sa 267,000 mga materyales na nasuri noong 2024, nakatanggap ng mga papuri mula sa mga co-regulator sa buong mundo, nakamit ang mataas na marka sa mga pagsusuri sa pagganap at pinalawak ang pakikipagtulungan nito sa mga pangunahing stakeholder, na muling pinagtitibay ang papel nito sa pagprotekta sa mga manonood ng Filipino—lalo na sa mga bata at pamilya—mula sa potensyal na nakakapinsalang content.
(ROHN ROMULO)

Have your very own pocket Toothless with the “How to Train Your Dragon” AR experience

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

How to Train Your Dragon brings the Toothless experience right to your phone with the Toothless AR experience. Open the website to find the Night Terror Toothless flying high above your location, and scan the ground for the perfect spot the dragon can land on.

Try out the “How to Train Your Dragon” AR experience: https://httyd.arweb.app/1.0.7/

The Toothless AR experience lets people bring the world of How to Train Your Dragon to their own in anticipation of the movie. Fly high as How to Train Your Dragon arrives in PH cinemas on June 11.

Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

About How to Train Your Dragon:

Cast: Mason Thames, Gerard Butler, Nico Parker, Nick Frost, Julian Dennison, Gabriel Howell, Bronwyn James, Harry Trevaldwyn, Ruth Codd, Peter Serafinowicz, Murray McArthur

Written and directed by:  Dean DeBlois

Producers:    Marc Platt, Dean DeBlois, Adam Siegel

From three-time Oscar® nominee and Golden Globe winner Dean DeBlois, the creative visionary behind DreamWorks Animation’s acclaimed How to Train Your Dragon trilogy, comes a stunning live-action reimagining of the film that launched the beloved franchise.

On the rugged isle of Berk, where Vikings and dragons have been bitter enemies for generations, Hiccup (Mason Thames; The Black Phone, For All Mankind) stands apart. The inventive yet overlooked son of Chief Stoick the Vast (Gerard Butler, reprising his voice role from the animated franchise), Hiccup defies centuries of tradition when he befriends Toothless, a feared Night Fury dragon. Their unlikely bond reveals the true nature of dragons, challenging the very foundations of Viking society.

Inspired by Cressida Cowell’s New York Times bestselling book series, DreamWorks Animation’s How to Train Your Dragon franchise has captivated global audiences, earning four Academy Award® nominations and grossing more than $1.6 billion at the global box-office. Now, through cutting-edge visual effects, DeBlois transforms his beloved animated saga into a breathtaking live-action spectacle, bringing the epic adventures of Hiccup and Toothless to life with jaw-dropping realism as they discover the true meaning of friendship, courage and destiny.

Credit: “Universal Pictures”

(ROHN ROMULO)

Ads May 24, 2025

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Speaker Romualdez buo ang suporta sa direktiba ni PBBM na courtesy resignation sa kanyang gabinete

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na pagbitiwin ang mga miyembro ng gabinete upang mabigyan ito ng espasyo na mare-organize ang kanyang mga departamento.
“The House of Representatives fully supports President Ferdinand Marcos Jr.’s decision to revamp the Cabinet. It is a strong and necessary step – proof that he listens, acknowledges and acts with resolve,” ani Romualdez.
Naniniwala ang lider ng Kamara na ang direktiba ng pangulo ay bahagi ng mas malawak na istratihiya para ma-streamline ang burukrasya at masiguro na mas matutugunan nito ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
“As Speaker and leader of the 306-strong House of Representatives, I commend the President’s courage in demanding accountability and realigning governance. We are ready to work with the new Cabinet to create jobs, lower food prices, and ensure better public service,” dagdag nito.
(Vina de Guzman)

Pinas, nananawagan para sa agaran, malayang ‘aid access’ sa Gaza

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Pilipinas para sa mabilis at walang balakid na paghahatid ng tulong sa war-torn Gaza kasunod ng ilang linggong Israel-imposed blockade, dahilan ng seryosong alalahanin mula sa international community.
“Humanitarian aid must reach the civilian population of Gaza – particularly the most vulnerable, including the sick, women, children, the elderly, and persons with disabilities – without discrimination and in accordance with international humanitarian law,” ang nakasaad sa kalatas ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa DFA, ang tulong sa Gaza ay dapat na manatili sa ilalim ng liderato ng United Nations, na nauna nang inilarawan bilang kapos sa agarang access sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan bilang pagkakaroon “disastrous toll” sa Palestinians.
“Humanitarian response must be based on impartial needs assessments and guided by the principles of neutrality, humanity, and accountability,” ang sinabi ni DFA, nanawagan ito para sa “full, safe, rapid, and unhindered” probisyon ng tulong sa Palestinian civilian population sa buong Gaza Strip.
Simula Marso 2, ang pagkain, medisina at gasolina ay ipinagbabawal sa Gaza.
Sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na “basic amount of food” ay pinahihintulutan sa Gaza, subalit sinasabi ang kanyang country plans para kontrolin ang teritoryo.
Binatikos naman ng Britain, France at Canada ang Israel para sa “denial of essential humanitarian assistance to the civilian population,” tinawag itong “unacceptable and risks breaching International Humanitarian Law.”
Ang giyera sa Gaza ay bunsod ng sorpresang pag-atake ng Hamas na nagresulta sa pagkamatay ng 1,200 Israelis at ilang Filipino, noong Oktubre 7.
“Israel’s relentless offensives in retaliation to the Hamas attacks resulted to at least 53,000 deaths, mostly civilians, and displaced a huge number of the territory’s 2.3 million residents,” ayon sa ulat.
Sinabi ng DFA na ang lahat ng partido ay dapat na suportahan ang UN sa pagpupulong sa humanitarian mandate nito sa Gaza.
“Safeguarding the operational integrity, independence, and effectiveness of UN entities is essential to preserving the legitimacy and credibility of the UN system and its ability to respond meaningfully to humanitarian needs around the world,” ang sinabi ng departamento.
Tinuran pa ng DFA na patuloy na sinusuportahan ng PIlipinas ang two-state solution, ‘consistent’ naman sa UN General Assembly Resolution 181 at iba pang kaugnay na UN resolutions.
Ang two-state system ay “the only viable path toward a just, lasting, and comprehensive peace in the region,” ang sinabi ng DFA. ( Daris Jose)

DQ KONTRA TULFO, IBINASURA

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBINASURA  ng Commission on Elections (Comelec) ang petition for disqualification laban kay Senator-elect Erwin Tulfo sa May 2025 midterm elections.
Sa 25 pahinang desisyon , sinabi ng Second Division na ang disqualification case na inihain ni Toto Cauing at Graft Free Philippines Foundation INc. (GFPFI) laban kay Tulfo ay ibinasura dahi sa kabiguang  petitioner na sumunod sa ilang mga requirements.
“The Petition is DISMISSED”, saad sa desisyon.
Ang certificate of candidacy (COC) na isinumite ng petitioners ay walang affidavit of authentication. Wala ring sertipika ng sekretarya.
Nanawagan ang grupo ni Causing na madiskwalipika si Tulfo sa 2025 senatorila race dahil nahatulan sa krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude at hindi pagigigng mamamayang Pilipino.
Binanggit din ng petitioner ang umano’y paglabag sa Section 26 ng Article II ng 1987 Constitution sa pantay na pag-access sa mga pagkakataon sa serbisyo publiko, mga probisyon ng political dynasty at nepostimo.(Gene Adsuara)

Pusher, laglag sa P300K droga sa Caloocan

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAMSAM sa isang bagong identified High-Value Individual (HVI) drug pusher ang mahigit P.3 milyong halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat, nagawang makipagtransaksyon kay alyas “Boy”, 44, tattoo artist at residente ng Pasig City ng P7,500 halaga ng marijuana ang isa sa mga miyembro ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kaya ikinasa nila ang drug buy-bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang undercover police na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang plastic pack ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:20 ng hapon sa Brgy., 28, ng lungsod.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 1,500 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may estimated street value na P180,000, 19 pirasong vape cartridges na naglalaman ng hinihinalang cannabis oil na may estimated value na P133,000 at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money.
Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutors Office.
Pinapurihan naman ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan ang dedikasyon at teamwork ng Caloocan City Police Station sa matagumapay nitong operation. (Richard Mesa)

Obrero, sinaksak ng selosong kapitbahay sa Malabon

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SUGATAN ang isang construction worker matapos ng srewdriver ng selosong kapitbahay makaraang paghinala ang suspek na may gusto ang biktima sa kanyang live-in partner sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan dakong alas-10:50 ng umaga nang maganap ang pananaksak ng suspek na si alyas “Pecto” 40, aircon technician ng P. Concepcion St. Brgy. Tugatog sa biktimang si alyas “Erwin”, 42, sa kanilang lugar.
Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa Ospital ng Malabon habang pinigilan naman ng ilang kalalakihan ang suspek na inaresto nina P/SSg Joseph Lagutao, P/SSg Jaypee Talay at P/SSg Mark Anthony Petilla ng Malabon Police Sub-Station-2 na rumesponde sa lugar.
Nabawi ng mga pulis sa suspek ang ginamit na screwdriver sa pananaksak habang inilahad naman ng biktima sa pulisya na nagselos aniya sa kanya ang kapitbahay kaya siya pinagsasaksak.
Kasong frustrated homicide at BP 6 o illegal possession of deadly weapon ang kasong isasampa ng pulisya laban sa suspek. (Richard Mesa)

Lalaki arestado sa pagre-receuit ng mga  aplikante sa PCG

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang isang lalaki dahil sa illegal na pagre-recruit ng mga aplikante ng Philippine Coast Guard (PCG) kapalit ng pera.
Ayon sa PCG, ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na inireklamo ng tatlong aplikante ng PCG sa Sampaloc, Maynila nitong May 22 ng hapon.
Ang suspek na si Morris Javier Ladjaanang ay dati umanong ahente ng PDEA na nahaharap sa mga kasong “qualified estafa’ at ‘usurption of authority’.
Pinangakuan umano ng illegal recruiter ang mga aplikante na siguradong makakapasok sa organisasyon kapait ng P350,000 kada aplikante.
Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gavan, nagpapatuloy ang masusing koordinasyon ng PCG sa PNP tungo sa pagtataguyod ng malinis at maayos na ‘nationwide recruitment process’ ng organisasyon. (Gene Adsuara)

2 holdaper ng coffe shop sa Caloocan, swak sa selda

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang dalawang holdaper nang masapol sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera ang ginawa nilang panghoholdap sa isang coffee shop sa Caloocan City.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang pasukin nina alyas “Topher”, 47, na armado ng Uzi submachine gun, at alyas “Balueg”, 50, ang coffee shop sa 191 A. Mabini St. Maypajo, Brgy, 30, bago mabilis na tumakas, tangay ang dalawang Ipad ng mga customer na sina alyas “Eugene” at alyas “Lyssa”, kapuwa 24-anyos at P2,500 sa kaha ng coffee shop.
Nang makaalis ang mga suspek, kaagad lumabas ng coffee shop ang mga service crew na sina alyas “Jhon”, 22, at alyas “Carl” 19, para humingi ng saklolo sa mga nagpapatrulyang tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Topher at pagkakabawi sa Uzi submachine gun na may anim na bala ng kalibre 9mm na nakalagay sa pulang bag na kanyang bitbit.
Sa follow-up operation naman ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan at Tuna Police Sub-Station 1, nadakip sa Brgy. Longos sa Malabon City si alyas Balueg na positibong kinilala ng mga biktima.
Ayon kay BGen. Ligan, mahaharap sa kasong Robbery ang mga suspek habang karagdagang paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 o ang Omnibus Election Code si alyas Topher sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)