• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Hiling ng mambabatas sa DSWD na tulungan ang senior citizen na tatlong beses nasagasaan

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAALALAHANAN ng isang mambabatas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad bigyan ng tulong ang pamilya ng 61 anyos na senior citizens na nasagasan ng tatlong sasakyan sa Quezon City.
Ayon kay Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo Ordanes, hindi makatao ang nangyari sa biktima na ginulungan na parang humps ang lolang walang-awang nadurog ang katawan.
Naniniwala pa ito na mayroong national public safety emergency at public health epidemic sa kalsada sa ngayon. Noong 2023, mahigit sa 13,000 katao ang nasawi sa akisdente sa kalsada sa buong bansa.
“That to me is an epidemic and emergency. The blame falls on multiple fronts: reckless drivers, poorly designed roads, the flawed system for screening who gets a driver’s license, and the lack of real accountability for those responsible for road crashes. It is not enough that the driver’s license of the motorists involved in road mishaps is suspended or revoked. The motor vehicle must be seized and impounded,” anang mambabatas.
Ang lahat aniya ng amicable settlements ay dapat aprubado ng korte o quasi-judicial bodies para maging balido ito dahil ang naabot na settlements ay maaaring maging disadvantageous sa mga biktima.
Sinabi pa nito na ang mga settlements ay hindi dapat maging hadlang sa pagsusulong ng pulis at LTO sa pagpupursige ng kriminal, civil, at administrative cases laban sa liable parties.
Ang desistance o pagtanggi ng naagrabyadong partido ay hindi dapat maging dahilan para mawala ang criminal, civil, at administrative liabilities dahil nagkaroon ng public crimes and offenses at hindi private offenses.
(Vina de Guzman)

2 HVIs, nadakma ng NPD sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIKLO ang dalawang  drug suspects na itinuturing bilang High-Value Individuals (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P370K halaga ng shabu nang madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jonel”, 40, at alyas “Raymart”, 30, kapwa residente ng lungsod.
          Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
          Dakong alas-4:51 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek sa Samagdaba Street, Barangay Bignay, matapos magsabwatan umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
          Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 12 pirasong P500 boodle money
          Kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings. (Richard Mesa)

Tricycle driver, tikbak sa truck, siklista sugatan

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAWI ang 61-anyos na tricycle driver habang sugatan naman ang isang siklista nang sagasaan ang mga ito ng isang dambuhalang truck sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
          Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle at tinatahak ang kahabaan ng C3 Road habang nakasunod sa kanyang likuran ang isang truck na minamaneho naman ng 35-anyos na lalaki.
          Pagsapit sa harap ng Lazada Hub sa Barangay 22, nang biglang salpukin ng kanang bahagi ng truck ang tricycle na minamaneho ng biktima dakong alas-5:35 ng madaling araw.
          Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima habang nakaladkad naman ng ilang metro ang tricycle hanggang ma-sideswipe nito ang nasa unahan niyang bisikleta na minamaneho ng 54-anyos na lalaki .
          Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ang tricycle driver sa Tondo Medical Center subalit, hindi na ito umanot ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Iinakbo naman ang siklista sa Caloocan City Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot habang naaresto ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 1 ang driver ng naturang truck na mahaharap sa kaukulang kaso.
“This arrest highlights the swift action of our personnel. Proactive measures like this are essential in preserving peace and order,” pahayag ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District. (Ricard Meas)

Solar energy units naipamahagi sa 257 pamilya sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co, katuwang ang National Electrification Administration (NEA), Albay Electric Cooperative (ALECO), at sa pahintulot nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez, ang proyektong ito na pinondohan ng gobyerno na nagsu-supply ng malinis, ligtas, at tuloy-tuloy na kuryente sa mga lugar na matagal nang napag-iwanan.
“Sa proyektong ito, matatapos na ang paghihirap na nararamdaman ng mga kababayan natin at ang kadiliman sa kanilang lugar. Ang solar power ay nagbibigay hindi lang ng liwanag, kundi dignidad at pag-asa sa mga kababayang matagal nang namumuhay sa dilim tuwing gabi,” anang mambabatas.
Bawat kabahayan ay nakatanggap ng kumpletong Solar Home System na may kasamang solar panel, apat na bumbilya, charging port para sa cellphone, transistor radio, battery storage, at inverter.
May minimal na bayad na ₱7 kada araw para sa maintenance upang masigurong magpapatuloy ang serbisyo. Libre ang pagkakabit at kagamitan.
“Sa 12,000 solar units, 1,000 dito ay nakalaan para sa Albay. Sisiguraduhin natin na kahit ang pinakamalayong sitio ay magkakaroon ng ilaw at kuryente sa kanilang mga tahanan,” pahayag pa nito.
Samantala, sa Sitio Dinagsaan, Brgy. Hacienda, San Miguel Island sa Tabaco City, 50 pang kabahayan ang nakatanggap ng solar homes system units—patunay ng lawak ng saklaw ng programa at pagtutok sa inclusive development.
Itinutulak ni Pangulong Marcos ang 100% electrification sa pagtatapos ng kanyang termino, muling pinagtitibay ni Co at ng Ako Bicol Party-List ang kanilang paninindigan—na walang Pilipinong maiiwan sa pagsulong ng progreso at patas na akses sa enerhiya.
(Vina de Guzman)

2 miyembro ng criminal gang na sangkot sa pagbebenta ng baril, timbog

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DALAWANG umano’y notoryus na miyembro ng criminal gang na sangkot sa pagbebenta ng baril ang arestado sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino, nakipag-transaksiyon ang isang intelligence officer ng pulisya kina alyas “Hunasan”, 34, at alyas “Ate”, 41, sa Barangay 176, Bagong Silang na nagkunwaring bibilhin ang ibinebentang revolver ng dalawa.
Nang tanggapin ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng kalibre .38 gold plated na revolver na kargado ng tatlong bala, kaagad pinosasan ng mga tauhan ni NPD Director P/BGen. Josefino Ligan ang mga suspek dakong alas-9:00 ng gabi.
Si alyas Hunasan ang nag-abot ng ibinentang armas habang si alyas Ate naman ang tumanggap ng marked money.
Iprisinta na ng mga pulis ang dalawa sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin nilang kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act. (Richard Mesa)

Akbayan at ML Party Lists, welcome sa pagsali sa House Committee on Good Government and Public Accountability

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAHAYAG ng Akbayan at Mamamayang Liberal (ML) Party Lists na welcome sila sa pagsali sa House Committee on Good Government and Public Accountability.
Bilang chairperson ng komite, sinabi ni Manila Rep. Joel Chua na welcome ang dramatikong pagkakalagak sa pinaka-una sa party lists nitong nakalipas na halalan maging ang pagpasok ng bagong party-list na Mamamayang Liberal na nirerepresenta ni dating Senador at Justice Secretary Leila De Lima.
“I hope to work with Atty. Chel Diokno, Rep. Perci Cendaña, Rep. Dadah Kiram Ismula, and Atty. Leila De Lima on the committee that I chair. They are highly qualified to help in promoting good governance, transparency, and accountability,” ani Chua.
 (Vina de Guzman)

Lola na wanted, tiklo nang kumuha ng police clearance sa Valenzuela

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang 68-anyos na lola nang mabistong may nabinbin siyang warrant of arrest makaraang kumuha ng National Police Clearance sa Valenzuela City. Biyernes ng hapon.
          Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OCI Chief ng Valenzuela police, Dakong alas-2:45 ng hapon nang kumuha ang akusado na residente ng Brgy. Gen T De Leon ng police clearance sa Valenzuela City Police Station.
          Gayunman, nang isalang na ang kanyang papel ay lumabas sa pamamagitan ng e-warrant system na may nakabinbint siyang warrant of arrest para sa Sections 254 and 255 of the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.
Ang naturang arrest warrant ay inisyu ng Malabon City Regional Traial Court (RTC) Branch 169, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa pamamagitan ng gamit na body-worm camera bilang pagsunod sa mga operational standards at transparency protocol, dinakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa bisa ng naturang warrant of arrest kung saan ipinaalam din sa kanya ang nalabag niyang batas at kanyang mga karapatan.
          Dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurned sa pangangalaga ng Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

ALTODAP, nagpasalamat kay PBBM sa direktiba nitong repasuhin ang panukalang taasan ang insurance claims sa pribadong sasakyan 

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Boy Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa direktiba nitong repasuhin ng Department of Transportation (DOTr) ang panukalang taasan ang insurance claims para sa mga pribadong sasakyan.
Ayon kay Vargas, ikinatuwa ng mga advocate ng makatarungang insurance system ang aksyon ng Pangulo dahil ito ang unang pagkakataon na may nakaupong Pangulo na tumugon sa kanilang matagal nang hinaing.
“Kung tutuusin po ay wala po kaming pakialam dito dahil kami naman ay nasa sektor ng public transport. Hindi lang po matanggap ng aming konsensya na habang malaki ang claim ng mga pasahero sa bus at ibang pampublikong sasakyan ay parang kinawawa naman yung mga nasa private vehicles. Maliwanag na hindi makatarungan ito,” dagdag pa niya.
Isa sa mga naging inspirasyon ng grupo upang muling itaguyod ang patas na insurance benefits ay ang aksidente sa Katipunan Flyover sa Quezon City noong Disyembre ng nakaraang taon.
Apat ang nasawi at 25 ang nasugatan sa insidente. Ayon kay Vargas, sa kabila ng dami ng mga biktima, P200,000 lamang ang kabuuang insurance na ibinayad at ito pa ay hinati-hati sa 29 na katao alinsunod sa polisiya ng insurance.
Ganito rin umano ang nangyari sa insidente kamakailan sa SCTEX kung saan 10 ang nasawi at P200,000 lamang ang kabuuang insurance para sa lahat ng namatay, habang tig-P100,000 naman para sa mga nasugatang pasahero ng bus.
Bilang alternatibo, iminungkahi ni Vargas na pag-aralan ng DOTr ang umiiral na insurance program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampasaherong sasakyan.
Tinukoy niya ang Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) Program na pinangangasiwaan ng LTFRB at ng Insurance Commission, kung saan umaabot sa P400,000 ang maximum na bayad sa kada nasawi at P100,000 naman sa bawat nasugatan.
“Ito po yung sinasabi namin na dapat ay patas. Ang DOTr po ang bahala kung anong klaseng diskarte ang gagawin nila kasama ang Insurance Commission pero kung meron namang sistema na at maayos na gumagana, bakit maghahanap pa ng iba eh tatagal ng tatagal na naman yan sa kakaaral eh,” ani Vargas.
“May Presidente tayo ngayon na gusto ng mabilis na pagbabago na nararamdaman agad namin sa baba. Sana samantalahin na natin ito na baguhin na ang sistema para sa kapakanan ng nakakarami sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Hiling ng LTFRB sa PUV ang patas na pagtrato sa mga pasahero

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng pampasaherong sasakyan na  tiyaking pantay-pantay ang pagtrato sa kanilang mga pasahero.
Ang pahayag ay­ ginawa ni LTFRB Spokesperson Atty Ariel Inton, kasunod ng report na  isang jeepney driver sa Project 8 Quezon City ang namahiya sa isang PWD na mataba.
Sinabi ni Inton na bagama’t hindi naman nagsumbong ang natu­rang PWD sa LTFRB ay naiparating sa kanya ng isang kasakay na pasahero na pinahiya ng driver ang PWD nang magbabayad ng pasahe na may 20 percent discount pero sinabihan ng driver na dapat ay wala na itong discount dahil halos dalawang tao ang okupadong upuan dahil sa ito ay mataba.
Binigyan-diin ni Inton na bawal ang ginawa ng driver sa kanyang pasahero alinsunod sa Anti Discrimination Act at batas na nagbibigay ng fare discount sa mga pasaherong sernior citizen, PWD at mga mag-aaral.
Dulot nito, nanawagan si Inton sa publiko na ireklamo agad sa LTFRB ang ganitong mga insidente upang maaksyonan ang mga ganitong pangyayari at kunin lamang ang plate number ng sasakyan para sa mabilis na aksyon.
Sinabi ni Inton na ang insidente ay tulad ng nangyari kamakailan sa isang UV express driver na ayaw magpasakay ng matatabang pasahero sa unahan ng sasakyan o dodoblehin ang bayad kung nais sumakay. Ito anya ay naparusahan na ng LTFRB.

Consistent sila ni Rambo sa pagprotekta sa anak: MAJA, ramdam na in-love kay baby MARIA kahit dumaan sa postpartum depression

Posted on: May 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IN fairness kay Maja Salvador, kahit wala pang isang taon simula nang ipanganak niya ang baby nila ng asawang si Rambo Nuñez na si Maria, ang sexy na!

 

Kasabay ng launching ng kanyang line of body products, ang Majeskin Calming Body Lotion, Majeskin Calming Body Scrub at Majeskin Calming Body Wash, parang soft launch din ng kanyang new look at ng kanyang balik alindog.

 

“Siyempre kasi majeskin, skin—so, kailangan niyong makita na I’m very confident sa sarili ko. I’m very confident sa sarili kong skin even after giving birth. Parang yun ang message, ‘the new Maja and mas confident sa kanyang skin.”

 

Inaamin naman ni Maja na malaking tulong din daw sa pagpapayat niya sina Dr. Aivee na kulang na lang daw, araw-arawin niya ang mga machine sa clinic.  

Sa loob ng limang buwan, nakapag-lose si Maja ng 12 pounds. Pero goal daw niyang ma-achieve yung weight niya noong ikinasal siya, 110 pounds daw siya noon habang nasa 124 pounds pa siya ngayon.

 

Sa isang banda, kitang-kita namin kay Maja kung gaano siya ka-in-love sa baby nila ni Rambo na si Maria. Dumaan sa postpartum depression si Maja at malaking bagay sa kanya ang suporta ng pamilya at mister niya. 

 

Pero tingin namin, yung love ni Maja sa kanilang anak ang talagang nakapagpatibay sa kanya na mapaglabanan ang depression.  Very proud nga ito na magkuwento ng mga milestones ng anak. Tulad na lang sa kahit nine months pa lang daw ito, nakakapaglakad na.

 

Consistent naman sina Maja at Rambo na it’s up to their daughter kung gusto nitong makita sa social media. Kaya hangga’t mapoprotektahan, hindi talaga nila gagawan ng face reveal ang anak.

 

“Gusto namin ibigay ang freedom kay Maria kung paano niya gustong makilala siya. Siyempre, pinoprotektahan namin siya,” sey ni Maja.

 

Naa-appreciate naman daw nila na kapag nasa public places sila at may nakakakuha ng picture ng anak nila, napapakiusapan nila na ‘wag na lang ikalat o i-post.

 

“Siya talaga, halimbawa kung six or seven siya at sinabi niya na, ‘Mama, I want to have my own Tiktok.’ Eh, gusto niya or halimbawa, may show ako at sinabi niya na, “Mama, I want to dance with you.'”

 

Dahil sa Canada ipinanganak si Maria, dual citizen na raw ito. Sinigurado raw nila na dual talaga ang nationality ng anak.

 

At sa huli, kinumpirma nga ni Maja na ang Majeskin products ay hindi under Beautéderm. Pero kung sa huli ay isa siya sa mga ambassador, this time, business partner naman sila ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

 

“Sinabi naman ni Manang kanina na hindi siya Beautéderm. It’s a new company, Reigning Majesty. Nakakatuwa lang na si Manang is very supportive.

“Kaya totoo rin naman yung sinabi ng puso ko kanina na mas meaningful itong journey na ito sa amin. Itong passion project na ito ay kasama namin siya.”

 

***

 

SADYANG may mga makikitid ang kaisipan sa social media.  

May mga nababasa kaming bina-bash si Nadine Lustre dahil sa ginawa niyang pagpa-file ng complaints regarding Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313 o kilala rin bilang Bawal Bastos Law.

 

May comment na, “Ikaw pa talaga ang nag-complaint niyan e, ang hilig mo namang maghubad kahit sa mga post mo. Mas kapani-paniwala pa kung si Sarah ang naghain ng complaint.”

 

Nakalimutan yata nito na kahit anong suot pa ng isang indibidwal, lalo na sa part ni Nadine na isang artista at kadalasan, bahagi ng pictorial niya ang mga sexy photos niya, nakapaloob sa batas na ‘yon ang protection sa bawat individual  laban sa gender-based sexual harassment tulad sa publikong lugar, school, work place at online platforms.

 

Suportado si Nadine ng dating Senator Leila de Lima at ng kanyang Partylist na ML.  At saludo ito sa tapang na ipinapakita ng actress.

 

Actually, katulad ng ibang netizens na napahanga sa ginawa,

 ever since naman, bilib kami kay Nadine na talagang magsasalita, gagamitin ang kanyang boses at ang kanyang platform para magpahayag ng kanyang saloobin mapa-socio, civic o pulitika man ‘yan.

 

(ROSE GARCIA)