• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Speaker Romualdez,  nakiisa at sa buong bansa sa pagkakapanalo ni Tajarros ng unang gintong medalya sa 2025 Palarong Pambansa 

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga taga-Leyte at Eastern Visayas at sa buong bansa sa pagbati kay Chrisia Mae Tajarros sa pagkapanalo nito ng unang gintong medalya sa 2025 Palarong Pambansa na ginaganap sa Ilocos Norte.
“At just 13 years old, Chrisia Mae has shown the heart of a true champion. Her victory in the 3,000-meter run is a story of redemption, perseverance, and unshakable determination. Coming from last year’s second-place finish, she returned stronger – wiser, faster, and more focused,” anang lider ng Kamara.
Ayon sa Speaker, ang panalo ni Chrisia Mae, isang estudyante ng Tanauan National High School at trainee ng Leyte Sports Academy, ay isang testamento sa kakayanan na makamit ang panalo sa pamamagitan nang pag-invest sa kabataang atleta.
“Her triumph is not only measured by medals – it is marked by courage, discipline, and the power of never giving up. On behalf of the House of Representatives and the people of the First District of Leyte, I salute you, Chrisia Mae. May this be the first of many more victories in your journey. Mabuhay ka!” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (Vina de Guzman)

Walang conflict sa pagsama ni De Lima sa House prosecution team sa impeachment trial ni VP Sara

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DINIPENSAHAN ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pagsama ni Congresswoman-elect Leila de Lima sa House prosecution panel para sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na nagsabing walang conflict at mapapalakas ng kanyang kadalubsahan sa extrajudicial killings (EJKs) ang kaso.
Sa isang radio interview sa dzBB, inilarawan ni Adiong ang pagkatalaga kay De Lima na lehitimo, strategic at fully in line sa rules ng House of Representatives, na tumataliwas sa kritisismo ng ilang sektor ukol sa political history ng kongresista kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
“Wala naman siyang conflict dahil ang sinasabi naman sa rules, sa aming rules, ay kailangan miyembro ng House of Representatives. Si Congresswoman Leila De Lima naman ay magiging member ng House of Representatives sa 20th Congress,” paliwanag ni Adiong.
Sinabi pa nito na pinapayagan naman ang Kamara na kumuha ng external legal experts para makatulong na mapalakas ang kaso, halimbawa na rito ang naganap na 2012 impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.
“Allowed naman din na kumuha ang House of Representatives ng mga private lawyers. Makikita natin dun during the time of Corona na merong nag-appear dyan as members of the prosecution na mga private practitioners na mga lawyers,” pahayag ni Adiong.
Idinagdag pa nito na ang track record at legal experience ni De Lima ay dahilan upang maging kuwalipikado ito na makatulong na ma-prosecute ang verified impeachment charges sa drug war ng dating administrasyon.
“We would not deny that. Isa sa mga Articles of Impeachment ay ‘yung EJK. And I guess the background of Congresswoman-elect De Lima, as far as the issue on EJK is concerned, expertise talaga niya ‘yan,” giit pa nito.
Malaki rin ang kaalaman ni De Lima sa kaso ng pagkawala at bilang ng EJK victims.
Nakapaloob sa Article 5 ng impeachment complaint laban kay Vice President Duterte ang kasong murder at conspiracy to commit murder.
(Vina de Guzman)

Mga opisyal ng Barangay, suspek, patay habang nasa flag raising ceremony 

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATAY ang apat na katao, kabilang ang tatlong opisyal  ng Barangay  at suspek na dating isang barangay Tanod nang pagbabarilin ng huli  sa gitna ng isinasagawang flag-raising ceremony sa Dasmarinas City, Cavite kahapon umaga.
Pawang isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang biktimang si alyas Raul, Barangay Chairman ; alyas Marvin, 54, Barangay Kagawad; alyas Jose, 65, Barangay Kagawad, pawang sa Barangay Salitran 3, Dasmarinas City, Cavite, subalit pawang idineklarang patay dahil sa tama ng bala sa katawan.
Malubha namang nasugatan si alyas Christine, SK Secretary na kasalukuyang inoobserbahan pa sa ospital.
Kinilala naman ang suspek na si alyas Ariel, 50, ng Brgy Salitran 3, Dasmarinas City, Cavite, dating Barangay Tanod na nasawi matapos na nagbaril sa saril matapos ang insidente.
Sa ulat, bandang alas-8:00 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa loob  ng Barangay Hall ng Brgy Salitran 3, Dasmarinasa City, Cavite kung saan abala ang mga opisyal sa  flag raising ceremony  nang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing namaril gamit ang di pa nabatid na kalibre ng baril.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima kung saan dalawa sa kanila ang idineklarang dead on arrival habang namatay habang ginagamot ang isa pa.
Isinugod sin sa Paul Medical Center ang suspek subalit idineklara ding dead on arrival makaraang nagbail sa sarili.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Gene Adsuara)

Higit P.3M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang isang drug suspect na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC Chief ng Valenzuela police ang suspek na si alyas “Mac Mac”, 26, ng Brgy. Canumay West.
          Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ng suspek.
          Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales, matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
          Nakumpiska sa suspek ang nasa P50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, coin purse, P200 cash at buy bust money binubuo ng isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money.
          Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Ligan ang pangako at mabilis na pagtugon ng mga operatiba. “Our operatives’ swift action and thorough preparation played a key role in this success. This is proof that with unity and resolve, we can strike hard against illegal drugs,” saad niya. (Richard Mesa)

Kelot, timbog sa sugal at baril sa Valenzuela

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang kelot matapos mahuli sa aktong naglalaro ng iligal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Valenzuela City.
          Sa ulat ni Daladanan Police Sub-Station (SS6) Commander P/Capt. Doddie Aguirre kay Valenzuela police OIC chief P/Col. Relly Arnedo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activity sa D. Santiago St., Brgy. Malanday.
          Kagaad inatasan ni Capt. Aguirre ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Jordan”, 21, at alyas “Mark”, 23, matapos maaktuhang naglalaro ng cara y cruz dakong alas-3:10 ng madaling araw.
          Nasamsam ng mga pulis sa luga ang tatlong one-peso cpins na gamit bilang ‘pangara’ at P250 bet money habang nang nakuha naman kay alyas Jordan ang walang lisensiya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code ang kakaharapin pa ni ‘Jordan’.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan ang Valenzuela police sa kanilang mabilis na pagresponde.
“This arrest highlights the vigilance and swift action of our personnel. Proactive measures like this are essential in preserving peace and order, especially during sensitive electoral periods,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)

Rider na walang helmet, buking sa pampasabog sa Oplan Sita

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang rider nang mabisto ang dalang pampasabog makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
          Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station ng Oplan Sita sa Phase 1, Package 3, Barangay 176-A, Bagong Silang, nang parahin nila ang isang rider dahil walang suot na helmet dakong alas-2:00 ng madaling araw.
          Nang hingan kanyang driver’s license, nagtangka itong tumakas at biglang pinahaharurot ang kanyang motorsiklo subalit, kaagad naman siyang nahabol at napigilan ng mga pulis na dahilan ng pagkakaaresto nito.
          Nakumpiska sa 45-anyos na rider na si alyas “Inggo” ang isang MK2 Hand Fragmentation Grenade, glass cutter, wire cutter/stripper, steel measuring tape, long nose pliers, flat screw, black bag back at gamit nitong Kawasaki Fury.
          Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
          Pinuri naman ni Gen Ligan ang Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon, na nagbibigay-diin sa dedikasyon ng mga frontline officers sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko. (Richard Mesa)

3 inaresto sa demolisyon sa Tondo, Maynila 

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INARESTO ang tatlo katao sa nagaganap na demolisyon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo,Maynila .
Bahagya namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga demolition team at mga residente na ayaw pa ring lisanin ang kanilang mga tirahan.
Paliwanag ni Sheriff Raymundo Rojas ng Metropolitan Trial Court, pinaiiral nila ang humanitarian consideration dahil sa masamang panahon lalo na’t nahihirapang makahanap ng matutuluyan ang mga residente.
Paliwanag ng sheriff na sa ilalim ng batas ay dapat itigil ang demolisyon kapag umuulan kaya naman pansamantala itong itinigil.
Sa kabila nito, desidido ang demolition team na ipatupad ang kautusan ng korte.
Bantay sarado naman ng mga residente ang mga lagusan upang hindi makapasok ang mg demolition team at mga pulis na nakabantay din sa dalawang barangay.
Ayon kay Rojas, tanging Temporary Restraining Order o TRO lamang mula sa korte ang maaaring makakapagpigil sa demolisyon na ilang taon na ring hindi naipapatupad.
Giit naman ng mga residente, gusto nilang makita ang kautusan o dokumento mula sa korte at magkukusang aalis pero mabigyan sana sila ng disenteng malilipatan.
(Gene Adsuara)

LTO inilunsad ang makabag Mobile  Motor Vehicle Inspection Facility

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nitong Lunes, Mayo 26, ang isang makabagong kagamitan para sa pagsusuri ng road worthiness ng mga sasakyan.
Tinawag na Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF), pinangunahan ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang paglulunsad ng kauna-unahang yunit nito na itinayo sa LTO Central Office sa Lungsod ng Quezon.
Si Asec. Mendoza mismo ang nagsulong ng pagbili ng apat na bagong Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF) upang matiyak na ang lahat ng sasakyan, lalo na ang mga ginagamit sa pampublikong transportasyon, ay ligtas gamitin sa kalsada lalo na sa gitna ng sunod-sunod na aksidente sa kalsada nitong mga nagdaang linggo.
“Ang isang responsibilidad ng LTO ay mag-inspection ng mga sasakyan bago i-rehistro para malaman natin kung ang sasakyan ay roadworthy o hindi. Sa ngayon medyo nagkukulang tayo dyan, kulang tayo sa materyales, sa equipment, para magawa natin ang trabaho natin ng mabuti,” ani Asec. Mendoza.
Kaya ng MVIF na magsuri ng parehong Light Duty Vehicles (LDV) at Heavy Duty Vehicles (HDV), kung saan tumatagal lamang ng 10 hanggang 12 minuto ang bawat transaksyon para sa LDV at humigit-kumulang 30 minuto naman para sa HDV.
Ganap na awtomatiko ang buong proseso lahat ng resulta ng pagsusuri ay diretsong naitatala sa sistema real-time at walang kahit anong human intervention, kaya’t mas mabilis, mas eksakto, at hindi madaling dayain ang mga pagsusuri.
Taglay ng MVIF ang lahat ng kakayahan ng isang fixed test station, ngunit may karagdagang benepisyo ito ng pagiging mobile o madaling ilipat kung saan ito kinakailangan.
Personal na sinubaybayan ni Asec. Mendoza ang pagdating at pag-install ng unang MVIF sa LTO Central Office noong Mayo 13.
Ang natitirang tatlong MVIF, sa oras na dumating, ay ipapamahagi sa tatlong pangunahing rehiyon ng bansa.
“Meron na tayong isa at may tatlo pa tayong darating sa katapusan ng buwan o sa unang bahagi ng Hunyo. Gagamitin natin ito, susubukan nang paulit-ulit, at kung maganda ang resulta, hihiling tayo ng dagdag pa para maipamahagi sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,” pahayag ni Asec. Mendoza.
“Plano rin naming kopyahin ito sa bawat district office kung kinakailangan. Para sa ganun ma-testing natin ng Mabuti ang mga sasakyan, hindi yung patingin-tingin lang para makita natin na ang sasakyan ay talagang roadworthy,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Legal advice online ng eGovPH bukas na

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUKAS na sa publiko ang pagbibigay ng legal advise online ng eGovPH ng pamahalaan.
Ito naman ang sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta kung saan pareho rin ito aniya ng 24 oras na hotline ng PAO kung saan may mga abogadong nakatalaga para sumagot sa mga tawag o hihingi ng legal assistance.
Aniya, nasa dalawang abogado at dalawang staff ng PAO ang kanilang itatalaga sa application ng gobyerno.
Ko
Ipinunto ng PAO Chief na hindi magkakaroon ng serbisyo kung walang naka-duty na abogado.
Paliwanag pa ni Acosta na napakahalaga kapag nasasagot agad ang mga katanungan kaugnay sa batas dahil hindi lahat aniya ng mga Pilipino ay nag-aral ng batas at kailangan din aniyang ipaalam sa ating mga kababayan ang dati na at bagong mga batas.

Nominated bilang National Artist for Film and Broadcast Arts: DINGDONG, positibo at bilib na bilib sa kakayanan ni VILMA

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang na-nominate si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para sa National Artist for Film and Broadcast Arts.
Ang anunsiyo ay mula mismo kay Dingdong Dantes, ang president ng Aktor (League of Filipino Actors).
Ang samahang ito ng mga nasa showbiz ang isa sa mga nag-indorso kay Ate Vi with matching  documents and video materials, sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
“Vilma Santos has turned in incomparable works for six decades. “She is a paragon of professionalism, a cultural champion and nation-builder.” lahad pa ni Dingdong.
Dagdag pa ng aktor na sa edad na 70 years old ay very much popular sa lahat ng henerasyon ang nagbabalik bilang gobernadora ng Batangas.
Bukod sa pagiging most awarded actress, ay nagsilbi ng tatlong termino as mayor of Lipa City (1998 to 2007) and three-term governor of Batangas. (2007 to 2016).
Ilan sa mga grupong kasamang nag endorso para sa nominasyon ng Star for all Seasons para sa Pambansang Alagad ng Sining ay ang Association of State Universities and Colleges, University of the Philippines College of Mass Communication, Bicol University through president Baby Boy Benjamin Nebres III, Fashion Designer Association of the Philippines through chair Gil Granado, Society of Filipino Archivists for Film, University of Santo Tomas Department of Communications and Media Studies, Multimedia Press Society of the Philippines through president Ambet Nabus and chair Jun Nardo, Ladlad, Viva Communications, Inc., Hundred Islands Film Festival, Montañosa Film Festival, Mapua University Digital Film Program, Regal Entertainment, Star Cinema/ABSCBN, GMA 7, Ako Bicol party-list and Bantayog Film Festival Cam Norte.
Maging si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Lone District of Santa Rosa (Laguna) Rep. Danilo Ramon Fernandez, ay nag-submit din ng kanilang endorsements.
Kasama rin ang lahat ng mga nagkakaisang  samahan ng fan clubs ni Ate Vi under the leadership of Engr. Jojo Lim.
Positibo naman ang paniniwala ni Dingdong na makukuha ni Ate Vi ang pagiging National Artist.
(JIMI C. ESCALA)