• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 29th, 2025

DMW, OWWA tiniyak ang tulong at suporta sa pamilya ng OFWs na nasawi sa Myanmar

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga naiwang pamilya ng apat na overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa lindol sa Myanmar.

Pinangunahan nina OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan at DMW Assistant Secretary Regina Galias ang pagsalubong sa mga labi ng mga nasawing OFWs sa lungsod ng Pasay nitong nakaraang weekend, kasama ang kanilang mga naulilang pamilya.

“Ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Secretary Hans Leo J. Cacdac, sisiguraduhin naming maibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong at suporta sa mga naiwang pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati,” ani Administrator Caunan.

Ang Philippine Embassy sa Yangon, sa pakikipagtulungan ng Migrant Workers Office (MWO) sa Bangkok, ang nag-ayos ng repatriation ng mga labi ng OFWs na nasawi sa pagguho ng Sky Villa building dulot ng 7.7 magnitude na lindol na yumanig sa Mandalay, Myanmar noong Marso 28, 2025.

Bago ang repatriation, personal na nakipagpulong si Secretary Hans Leo J. Cacdac sa mga pamilya upang ipaabot ang taos-pusong pakikiramay, suporta, at tulong mula kay Pangulong Marcos.

Nabigyan na ng pinansyal na tulong mula sa DMW AKSYON Fund ang mga pamilya, at patuloy na bibigyan ng kaukulang serbisyo at suporta, kabilang na ang mga programa para sa reintegration. (PAUL JOHN REYES)

Mga kandidato na nagpasa ng kanilang SOCE kakaunti pa – COMELEC  

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYROON pa lamang iilang-kandidato na tumakbo sa nagdaang halalan ang naghain ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE).

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco, na inaasahan nila ang pagdami ng mga magsusumit ng kanilang SOCE ilang araw bago ang deadline na Hunyo 11.

Giit nito na lahat ng mga kandidato panalo man o hindi pinalad ay dapat magsumite ng kanilang SOCE.

Nagbabala rin ito na ang mga panalong kandidato na hindi sila makakaupo sa pauwesto kapag hindi nagsumite ng kanilang mga SOCE.

Get ready to fall in love in the new trailer of “Materialists,” the newest romcom from A24 and Celine Song

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

She’s the perfect matchmaker, but who is her perfect match? Dakota Johnson, Chris Evans, and Pedro Pascal are caught up in a love triangle in Materialists, the newest romcom from A24. The film is directed by Past Lives director Celine Song.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/oZSFKLV_Bu8

 

Materialists is out to catch people’s hearts in Philippine theaters soon.

 

About Materialists:

 

Materialists is written and directed by Celine Song, and produced by David Hinojosa, Christine Vachon, Pamela Koffler, Celine Song. The film stars Dakota Johnson, Chris Evans, and Pedro Pascal.

 

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

 

(ROHN ROMULO)

Mapangahas na digital series, mapapanood na…  ZAIJIAN at JANE, nagpamalas ng lawak at galing sa pag-arte sa ‘Si Sol at si Luna’  

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mapangahas na digital series na tampok sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza na handog ng Puregold Channel, ito ng ‘Si Sol at si Luna’

Isang kuwento ng pangungulila, pagluluksa, at kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng mga komplikasyon ng buhay.

Magsisimula na itong mapanood sa Puregold Channel osa Mayo 31, Sabado, ipinapangako ng palabas ang isang mahusay na naratibo na ikinuwento gamit ang mga kaakit-akit na biswal na hindi pa nakikita kailanman sa digital entertainment.

 

Ang unang episode ng serye na pinamagatang “Babae sa Bus” at  sumusunod sa tauhang ginagampanan ni Zaijian na si Sol, habang gumagawa siya ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Dito, hinaharap ni Sol ang hamong ibinigay ng kanyang propesor: gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan.

 

Ang tila imposibleng gawaing ito ang nagtutulak kay Sol patungo sa tahimik na pagdurusa ni Luna, na ginagampanan ni Jane, at sa matatagpuan ng dalawang nawawalang karakter sa isa’t isa.

 

Mula ito sa direksyon ng kilalang direktor na si Dolly Dulu, tampok sa Si Sol at si Luna ang makapangyarihang pagganap nina Jaranilla at Oineza na nagpapamalas ng lawak at galing nila bilang mga aktor.

 

Kilala ang Puregold Channel sa mga kuwentong hindi lamang nagiging viral kundi maganda at mahusay ang mga naratibo Sa pagkakataong ito, handog naman ng Puregold ang pinagsamang kaakit-akit na cinematography sa digital na mundo.

 

Ibinahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, kung paanong tumataas ang antas ng seryeng ito kompara sa mga naunang handog ng Puregold. “Isa itong makasaysayang sandali para sa Filipino entertainment—isang bagong yugto sa pangako ng Puregold na maghatid ng mga kuwento na tunay na tumatagos sa puso ng mga Pilipino. Ang unang episode ng Si Sol at si Luna ay tiyak na magdadala ng kakaibang karanasan sa isang platapormang libre at madaling mapanood ng lahat.”

 

Kasama nina Jane at Zaijian sa serye ang mahuhusay na artista na sina Joao Constancia, Karina Bautista, Cheena Crab, Marnie Lapus, Uzziel Delamide, Lyle Viray, Vaughn Piczon, Jem Manicad, at Atasha Franco.

 

Huwag palampasin ang bawat episode ng Si Sol at si Luna, mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa YouTube. Ang kahanga-hangang cinematography nito, tapat na diyalogo, at isang kuwentong pag-ibig ay tiyak na kokompleto sa inyong Sabado.

 

Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok para sa iba pang updates

(ROHN ROMULO)

Umaakting na rin ang viral food content creator: ‘Lumpia Queen’ na si ABI, ‘di nahirapang kaeksena sina DENNIS at JENNYLYN

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng kanilang pakikiramay ang maraming local celebrities sa pagpanaw ng Philippine music legend na si Freddie Aguilar.

Pumanaw si Ka Freddie noong May 27.

Born Ferdinand Pascual Aguilar and fondly called Ka Freddie, he started performing in the early ’70s.

Isa si Aguilar sa naka-penetrate sa global music scene with his hit song na “Anak,” a finalist in the first Metropop Song Festival. It was released in March 1978 and translated in various languages worldwide.

Aguilar was also known for his rendition of “Bayan Ko,” which became the anthem of the first People Power Revolution in 1986.

Bukod sa “Anak,” inawit din ni Ka Freddie  ang “Bulag, Pipi at Bingi,” “Magdalena,” “Pulubi, “Ipaglalaban Ko,” and “Minamahal Kita.”

In their respective social media accounts, celebrities and personalities remembered, paid honor and said farewell to Aguilar.

“One of best if not the best singer/composer iI have produced. We love you Pareng Freddie! He will now be performing for a far greater audience,” wrote senator-elect Vicente “Tito” Sotto III.

“Farewell Freddie. Salamat sa mga awiting iniwan mo,” singer-songwriter and APO Hiking Society member Jim Paredes wrote.

“Sadly another OPM icon has passed Freddie Aguilar,” theater veteran Audie Gemora tweeted.

“Paalam Freddie Aguilar. Your music will live on #anak #ipaglalabanko #magdalena,” Senator Sonny Angara tweeted.

“OPM icon Freddie Aguilar has passed away today (May 27) at the PH Heart Center Hospital. He was 72 years old. Our heartfelt condolences to his family and loved ones. His music will forever live on in our hearts,” actress Vivian Velez wrote.

Just last month, three gems of Philippine music passed away — OPM hitmaker Hajji Alejandro, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales and National Artist and Superstar Nora Aunor.

***

UMAAKTING na rin ang viral food content creator na si Abi Marquez o mas kilala bilang “Lumpia Queen.”

Matapos kilalanin bilang Best Food Blogger sa World Influencers and Bloggers Awards 2025 sa Cannes, France, ang pag-arte sa isang teleserye ang sunod na aabangan sa award-winning blogger.

Kasama si Abi sa cast ng upcoming GMA Prime teleserye na ‘Sanggang-DiiPhone’ na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Gaganap siya as Chef Abi Martes, ang supplier ng merienda sa presinto at kaibigan niya ang mga pulis.

Ayon kay Abi, hindi siya nahirapan na kaeksena sina Dennis at Jennylyn.

“It’s so crazy to be working with superstars. When we’re taping, in-o-observe ko lang how do people do this and try to learn from them as much as I could, and Dennis and Jennylyn have been very friendly.

“So first day pa lang ng taping, we introduced ourselves and inaasar na ako ni Jennylyn. Light lang yung scenes so masaya kami kapag taping.”

Bukod kay Abi, mapapanood din sa ‘Sanggang-Dikit FR’vang iba pang content creators gaya nina Tito Abdul & Marsyyy, Zaito, Shernan, Ayanna Misola, at Alona Navarro.

***

KINASAL na ang singer at former Disney Channel star na si Demi Lovato sa singer-songwriter na si Jordan “Jutes” Lutes sa California.

Three years pa lang ang relationship nila Demi at Jutes na nagsimula sa pag-collab nila sa album niya na Holy Fvck. Nag-propose si Jutes noong December 2024.

Suot ni Demi sa kanyang wedding ang pearl Vivienne Westwood original of silk-satin with a corseted bodice with dramatic, ivory-tulle veil and train.

“I have been a fan of Vivienne Westwood’s designs for a long time. Her silhouettes, really compliment the curves of my body,” sey ng singer na dating na-link kina Joe Jonas and Wilmer Valderrama.

Dati nang na-engage si Demi sa actor na si Max Ehrich.

Nagsimula si Demi sa children’s television series na Barney & Friends in 2002. Nagbida siya sa musical television film na Camp Rock in 2008 at sa sequel nto na  Camp Rock 2: The Final Jam in 2010 kasama ang The Jonas Brothers.

Mga naging hit singles ni Demi ay “This is Me”, “Skyscraper”, “Heart Attack”, “Sorry Not Sorry”, “Confident”, “Really Don’t Care”, and “Let it Go”.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads May 29, 2025

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, deadma sa pagbaba ng kanyang trust ratings

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGKIBIT- balikat lang ni Pangulong President Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pagbaba ng kanyang trust ratings
Ang katuwiran ng Pangulo, hindi dapat ibinabase sa isang survey lamang.
”Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” ang tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin sa briefing kasama ang Philippine media delegation kung ano ang kanyang gagawin sa naging pagbaba ng kanyang ratings.
At nang tanungin naman ni Pangulong Marcos ang media kung sino ang nagsagawa ng survey at nang sumagot ang mga mamamahayag na Pulse Asia, isang matamis na ngiti ang tugon ng Pangulo.
Winika ni Pangulong Marcos na dapat din na maging maingat ang source ng survey.
”Again, let’s look at other surveys before we — know your source. That’s a – that’s always an… Imperfect information makes you make imperfect decisions. The more perfect your information, the more perfect your decision will be. That is one source of information, and you have to understand where it’s actually coming from,” ang sinabi ng Pangulo.
Sa pinakahuling “Pulso ng Bayan” survey ng Pulse Asia, nakakuha si Pangulong Marcos ng 32% trust rating.
Tatlong porsyentong mas mataas ito kumpara sa 29% noong nakaraang buwan .
Samantala, bumaba naman ng 7% ang trust rating kay Vice President Sara Duterte. Kung dati ay nasa 57% ito noong Abril, 50% na lang ito ngayong buwan.
Isinagawa ang survey nitong May 6-9 sa 1,200 registered voters. ( Daris Jose)

Operation linis kanal at sapa sa Valenzuela

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PUSPUSAN na ang isinasagawang paglilinis ng mga tauhan ng Rivers and Waterways Management Office (RWMO) sa mga kanal at sapa sa Lungsod Valenzuela, bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan. Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, maliban sa declogging at cleaning operation, tiniyak din nila na nasa working condition ang mga pumping station sa ating lungsod. (Richard Mesa)

NAGPANGGAP NA PINOY AT MAY KAUGNAYAN KAY TONY YANG AT POGO, INARESTO

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang naarestong Chinese national noon May 21 na si Xu Shiyan ay posibleng may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nakatanggap siya ng impormasyon mula kay Melody Penelope Gonzales, head ng BI Mindanao Intelligence Task Group (MITG), na si Xu ay incorporator ng Philippine Sanjia-Steel Corporation (Phil-Sanjia).
Kabilang sa mga incorporators ng nasabing kumpanya ay si Antonio Lim, na alyas Tony Yang na unang inimbestigahan ng legislative bodies dahil sa pagkakasangkot nito sa POGO operations sa Pilipinas.
Narekober mula kay Xu ay iba’t-ibang dokumento sa Pilipinas kabilang ang birth certificates, Philsys slips, SSS forms, UMID forms, Postal ID, TIN ID, driver’s license, at COMELEC registration slip, na lahat ay sa kanyang pangalan.
Matatandaan na unang naaresto ng BI si Tony Yang non 2024 matapos na nagpanggap na isang Filipino.
“We will not allow foreign nationals to abuse our systems, falsify their identities, and use Philippine documents to cover their tracks,” ayon kay Viado. “The Bureau is fully committed to supporting the President’s campaign to rid the country of criminal elements linked to illegal POGOs,” dagdag pa nito.
 (Gene Adsuara)

Gobyerno pinag-aaralan ang rice ‘floor price’ para protektahan ang kita ng mga magsasaka-PBBM

Posted on: May 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinag-aaralan na ng gobyerno ang implementasyon ng “floor price” para sa bigas upang matiyak na sapat ang magiging kita ng mga magsasaka at nakahanda ang mga ito para sa susunod na ‘planting season’.
Sa isang dayalogo kasama ang mga magsasaka sa ginawang pagbisita ng Pangulo sa bodega ng National Food Authority (NFA) sa San Ildefonso, Bulacan, binigyang diin ni Pangulong ang pangangailangan na magkaroon ng balanse sa pagitan ng panatilihin ang bigas na ‘affordable’ para sa mga mamimili at tiyakin na ang mga magsasaka ay hindi dehado sa pagbebenta ng kanilang produkto.
Ang paliwanag ng Pangulo, ang panukalang hakbang ay ginaya matapos ang floor pricing system para sa tabako sa kanyang home province sa Ilocos Norte.
“Pinag-aaralan namin, ginagaya namin sa tobacco doon sa amin sa Ilocos, may floor price. So never bababa doon sa floor price,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
“So, pinag-aaralan naming magkaroon ng floor price para wala namang malugi,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Chief Executive na ang hindi matatag na ‘market prices’ ang sagabal sa ‘planning at long-term sustainability’ kapuwa sa mga magsasaka at gobyerno.
“Kapag masyadong malikot ang presyo, hindi tayo makapagplano ng maganda. Siguro kayo ganun din ang experience niyo,” ang sinabi ng Pangulo sa mga magsasaka.
“Binabalanse talaga namin – ‘yung presyo para sa mga namimili at saka yung buying price naman namin galing sa mga farmers para maganda ang sitwasyon,” ang dagdag na pahayag nito.
Samantala, nangako naman ang Pangulo na itataas ang suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng karagdagang agricultural machinery at logistics para bawasan ang ‘production losses’ at paghusayin ang post-harvest operations. ( Daris Jose)