• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 28th, 2025

PBBM, tinukoy ang pangangailangan para sa ‘freedom of navigation’ sa South China Sea, Arabian Sea

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang pangangailangan na tiyakin ang ‘freedom of navigation’ para magarantiya ang daloy ng komersiyo sa South China Sea at sa Arabian Sea.
“The South China Sea and the Arabian Sea cover vital seabeds that serve as lifelines for regional and international commerce in both our regions. As such, it is necessary to provide the freedom of navigation to guarantee unimpeded commerce and to protect the marine environment through compliance to established international law, specifically UNCLOS,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa idinaos na 2nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.
Ang summit aniya ay testamento ng ‘strong commitment’ ng Pilipinas sa isang nakabahaging pananaw ng kapayapaan, seguridad at tagumpay sa pagitan ng dalawang interconnected regions.
“The Philippines, as country coordinator for ASEAN-GCC relations, wishes to express its sincere appreciation to ASEAN and GCC in their counterparts for their valuable contribution and hard work for this summit,” ang winika ng Pangulo.
“Your Majesty, Your Highnesses, Excellencies, as we confront the challenges to peace and security in various regions of the world, we commend the GCC and its member states for their increasing involvement and endeavors in peacemaking and in peacebuilding,” ang sinabi pa rin ng Chief Executive.
Tinuran pa ng Pangulo na ang pagsisikap ay iniambag sa pagpapahusay ng ‘global security at katatagan sa pamamagitan ng ‘mediation, dayalogo, at diplomasya, na kinalaunan ay nagbunga ng ‘mapayapang kasunduan, prisoner exchanges, at family reunifications.’
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, ang economic front, ang estratehikong kahalagahan ng ASEAN-GCC relations ay hindi maaaring ‘overstated.’
“We are two dynamic regions, rich in natural and human capital, bound by shared aspirations for prosperity and sustainable development,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

PBBM nanawagan ng pagkakaisa sa ASEAN

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lider ng ASEAN para sa isang makatao, inklusibo, at tuluy-tuloy na pag-unlad sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng rehiyon at ng buong mundo.
Sa kanyang talumpati sa plenary session ng ika-46th  ASEAN ­Summit sa Malaysia, binigyang-diin ng ­Pangulo ang kahalagahan ng temang “Inclusivity and Sustainability” na dapat ­maramdaman ng lahat, lalo na ng mga karaniwang mamamayan.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi sapat na may pag-unlad kung may naiiwang sektor ng lipunan, gayundin ang pantay na oportunidad at tulong, lalo na sa panahon ng krisis gaya ng pagbabago ng klima, pandemya, at kahirapan.
Iginiit din ng ­Pangulo ang mahalagang gampanin ng kabataan sa kinabukasan ng ASEAN.
Sa Pilipinas pa lamang, higit 30 milyong kabataan ang itinuturing niyang susi sa pagbabago at sa pagpapaunlad ng rehiyon.
Kabilang din sa mga tinutukan ng talumpati ng Pangulo ang pangangailangan ng agarang legal na kasunduan para sa South China Sea upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang tensyon sa karagatan.
Kasabay nito hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mas malawak na kooperasyon sa harap ng mga hamon sa klima, kalakalan, at seguridad, maging ang pagtiyak ng sapat at madaling ma-access na pondo para sa mga bansang apektado ng climate change.
Iginiit ng Pangulo na dapat patuloy na ­makipag-ugnayan ang ASEAN sa mga kaalyado, hindi lang upang palakasin ang ugnayan, kundi upang itaguyod ang tunay na diwa ng kapayapaan, pagkakaisa, at sabayang pag-unlad sa rehiyon. ( Daris Jose)

Traffic mitigation ­measures para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko… Odd/Even Scheme ipatutupad ng MMDA sa EDSA

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG ipatupad ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) ang traffic mitigation ­measures para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa muling pagsasaayos ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa press briefing sa MMDA Communications and Command Center nitong Lunes kaugnay sa “EDSA Rebuild”, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng mga mitigating ­measures upang maiwasan ang “carmageddon” sa panahon ng EDSA rebuild project.
Sa ilalim ng odd-even scheme, ang mgasasak­yang may plaka na nagtatapos sa odd ­number (1,3,5,7,9) ay hindi pinapayagang gumamit ng EDSA tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Samantala, ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa even na numero (2,4,6,8,0) ay ipinagbabawal na dumaan sa EDSA tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
“With the enforcement of the odd-even scheme, we are expecting a 40% reduction of vehicles along EDSA,” ani Artes na nilinaw ding ipatutupad pa rin ang number coding scheme sa ibang mga lansangan sa Metro Manila.
Bawal sa Edsa ang mga provincial bus at truck na may perishable goods, mga garbage truck, at mga aviation fuel delivery truck. Sila ay papayagang tumawid sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. Tatanggalin na rin sa EDSA ang mga bike lane separator.
Ipapatupad naman ng DOTr ang pagda­ragdagang mga unit sa EDSA Bus Carousel system para hikayatin ang mas maraming tao na sumakay ng mga public utility bus; pagdaragdag ng mga tren sa MRT 3; at pagkatanggal ng mga toll fee sa ilang mga seksyon ng Skyway Stage 3, sa pakikipag-ugnayan sa Toll Regulatory Board at San Miguel Corporation. ( Daris Jose)

Mga empleyado ng Caloocan, LGU, naglabasan sa lindol

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABASAN at nagtipon-tipon ang mga empleyado ng Caloocan City Government sa Caloocan People’s Park (South) at SDC court (North) kasunod ng naramdamang lindol sa paligid ng Metro Manila. Agad din inatasan ni Mayor Along Malapitan ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department na padaliin ang paglikas at tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at residente sa loob ng lugar. (Richard Mesa)

Mister, kalaboso sa panunutok ng baril at pagbabanta sa ginang sa Caloocan

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINELDA ang isang lalaki matapos pagbantaan at tutukan ng baril ang 53-anyos na babaeng negosyante sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
          Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ng biktima na nakatanggap siya ng mga mensahe ng pagbabanta sa pamamagitan ng facebook messenger mula sa suspek na si alyas “Michael”, 38, na sinasabing kanyang kaibigan.
          Pagdating niya sa kanyang bahay, laking gulat ng biktima nang madatnan sa loob ng bahay ang suspek nang walang pahintulot sa kanya at nang tangkain niyang umalis ay hinarang siya ng lalaki.
          Nauwi ang dalawa sa pagtatalo hanggang maglabas ng baril ang suspek at tinutukan nito ang biktima.
          Matapos ang insidente, humingi ng tulong ang biktima sa pulisya at sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 8 ay naaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang isang lisensiyado at nakarehistro sa kanyang pangalan na Glock 17 9mm pistol na kargado ng apat na bala.
          Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong Grave Threat, Grave Coercion under the Revised Penal Code, at paglabag sa RA 10591 in relation to Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code) sa Caloocan City Prosecutor Office. (Richard Mesa)

Most wanted person sa Negros Occidental, nasilo sa Malabon

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAKAS na ang mahigit isang taon pagtatago sa batas ng isang most wanted person sa Negros Occidental nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa lungsod ang 56-anyos na si alyas “Kadyo”.
Dakong alas-5:00 ng hapon nang tuluyang matunton ng tumutugis na mga tauhan ni Col. Baybayan ang akusado sa inuupahan niyang tirahan sa Brgy. Panghulo na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Sinabi ni Col. Baybayan na nakakuha sila ng warrant of arrest na inilabas ng Sipalay City, Negros Occidental Regional Trial Court (RTC) Branch 77, laban kay alyas Kadyo para sa dalawang bilang na kadong Acts of Lasciviousness.
May inilaan namang piyansang P216,000 ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ngayon ay nakapiit sa Custodial Facility ng Malabon Police Station habang hinihintay ang ilalabas na commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Sipalay City Jail. (Richard Mesa)

3 tulak, tiklo sa pagbenta ng droga sa pulis sa Malabon

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI inakala ng tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga na pulis ang napagbentan nila ng shabu matapos silang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Enteng”, 28, at alyas “Bebeng”, 27, kapwa residente ng Brgy., Tonsuya.
Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad silang dinamba ng mga tauhan ni Col. Baybayan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kanto ng C. Perez at Samatob Sts., Brgy. Tonsuya.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 12.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P85,000 at buy bust money.
          Alas-3:35 ng Martes ng madaling araw nang matiklo ng mga operatiba din ng SDEU sa buy bust operation sa Gulayan, Brgy. Catmon si alyas “Benben”, 25, at nakuha sa kanya ang nasa 5.2 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P35,360.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ginang na wanted sa Carnapping sa Pasig, nalqmbat sa Caloocan

Posted on: May 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang 53-anyos na ginang na wanted sa kaso ng carnapping sa Pasig City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Lungsod ng Caloocan.
Sa ulat, nakakuha ng warrant of arrest ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 para kay alyas “Juliet Jardin”, na kabilang sa mga Most Wanted Person sa naturang lungsod.
Nang makatanggap ang mga tauhan ni Gen. Ligan ng impormasyon kung saan nagtatago ang akusado, agad bumuo niyang iniutos sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ang pagdakip sa kanya.
Kaagad namang ikinasa ng DACU-NPD ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Juliet Jardin na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-2:50 ng hapon sa kanyang tinutuluyang lugar sa Caloocan.
Binitbit ang akusado sa bisa ng naturang warrant of arrest para sa paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansa na P300,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)