NASA 279 sa 285 mambabatas na nagpahayag ng suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang lider ng papasok na ika-20th Congress ang lumagda sa manifesto of support.
“This is the most cohesive and confident House we have seen in decades. It is not just a supermajority in numbers but a supermajority borne out of trust, built on performance and held together by the strong, principled and competent leadership of Speaker Romualdez,” ayon kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon.
Mula sa iba’t ibang partido, mula Liberal Party (LP) sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), isa aniya itong manifestation ng tiwala para sa liderato ng K amara.
“President Marcos called for unity. Speaker Romualdez delivered it. And he delivered it not through words, but through work. Hindi natin maikakaila na ang 19th Congress ang isa sa pinaka-produktibong Kongreso sa kasaysayan, at lahat ng iyan ay dahil may lider tayong responsible at maaasahan,” pahayag pa nito.
Sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez, nagawa ng Kamara na makapagpasa ng average 12 panukalang batas kada sesyon at mahigit sa 230 batas mula Hulyo 2022 hanggang May 2025, kung saan karamihan sa mga ito ay naging instrumento sa national development at paglalaan ng tulong sa mga Pilipino.
Kabilang na dito ang pagkumpleto ng kamata sa buong Common Legislative Agenda (CLA) ng Marcos administration, na nagsiguro na maipapasa ang lahat ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC)-priority bills sa takdang panahon.
Ilan sa mga major measures na naipasa ay ang Maharlika Investment Fund, Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Magna Carta for Seafarers, at New Agrarian Emancipation Act.
“Tahimik lang si Speaker Romualdez, pero well-oiled machine ang Kongresong pinapatakbo niya. Lahat ng kulay, kasama basta naniniwala sa pagkakaisa. Magaling din siyang consensus builder, kaya hindi kataka-taka na madami ang susupoorta sa kanya,” paliwanag ni Suarez.
(Vina de Guzman)