• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:49 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2025

Rider na walang helmet, buking sa pampasabog sa Oplan Sita

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang rider nang mabisto ang dalang pampasabog makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
          Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station ng Oplan Sita sa Phase 1, Package 3, Barangay 176-A, Bagong Silang, nang parahin nila ang isang rider dahil walang suot na helmet dakong alas-2:00 ng madaling araw.
          Nang hingan kanyang driver’s license, nagtangka itong tumakas at biglang pinahaharurot ang kanyang motorsiklo subalit, kaagad naman siyang nahabol at napigilan ng mga pulis na dahilan ng pagkakaaresto nito.
          Nakumpiska sa 45-anyos na rider na si alyas “Inggo” ang isang MK2 Hand Fragmentation Grenade, glass cutter, wire cutter/stripper, steel measuring tape, long nose pliers, flat screw, black bag back at gamit nitong Kawasaki Fury.
          Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
          Pinuri naman ni Gen Ligan ang Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon, na nagbibigay-diin sa dedikasyon ng mga frontline officers sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko. (Richard Mesa)

3 inaresto sa demolisyon sa Tondo, Maynila 

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INARESTO ang tatlo katao sa nagaganap na demolisyon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo,Maynila .
Bahagya namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga demolition team at mga residente na ayaw pa ring lisanin ang kanilang mga tirahan.
Paliwanag ni Sheriff Raymundo Rojas ng Metropolitan Trial Court, pinaiiral nila ang humanitarian consideration dahil sa masamang panahon lalo na’t nahihirapang makahanap ng matutuluyan ang mga residente.
Paliwanag ng sheriff na sa ilalim ng batas ay dapat itigil ang demolisyon kapag umuulan kaya naman pansamantala itong itinigil.
Sa kabila nito, desidido ang demolition team na ipatupad ang kautusan ng korte.
Bantay sarado naman ng mga residente ang mga lagusan upang hindi makapasok ang mg demolition team at mga pulis na nakabantay din sa dalawang barangay.
Ayon kay Rojas, tanging Temporary Restraining Order o TRO lamang mula sa korte ang maaaring makakapagpigil sa demolisyon na ilang taon na ring hindi naipapatupad.
Giit naman ng mga residente, gusto nilang makita ang kautusan o dokumento mula sa korte at magkukusang aalis pero mabigyan sana sila ng disenteng malilipatan.
(Gene Adsuara)

LTO inilunsad ang makabag Mobile  Motor Vehicle Inspection Facility

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nitong Lunes, Mayo 26, ang isang makabagong kagamitan para sa pagsusuri ng road worthiness ng mga sasakyan.
Tinawag na Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF), pinangunahan ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang paglulunsad ng kauna-unahang yunit nito na itinayo sa LTO Central Office sa Lungsod ng Quezon.
Si Asec. Mendoza mismo ang nagsulong ng pagbili ng apat na bagong Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF) upang matiyak na ang lahat ng sasakyan, lalo na ang mga ginagamit sa pampublikong transportasyon, ay ligtas gamitin sa kalsada lalo na sa gitna ng sunod-sunod na aksidente sa kalsada nitong mga nagdaang linggo.
“Ang isang responsibilidad ng LTO ay mag-inspection ng mga sasakyan bago i-rehistro para malaman natin kung ang sasakyan ay roadworthy o hindi. Sa ngayon medyo nagkukulang tayo dyan, kulang tayo sa materyales, sa equipment, para magawa natin ang trabaho natin ng mabuti,” ani Asec. Mendoza.
Kaya ng MVIF na magsuri ng parehong Light Duty Vehicles (LDV) at Heavy Duty Vehicles (HDV), kung saan tumatagal lamang ng 10 hanggang 12 minuto ang bawat transaksyon para sa LDV at humigit-kumulang 30 minuto naman para sa HDV.
Ganap na awtomatiko ang buong proseso lahat ng resulta ng pagsusuri ay diretsong naitatala sa sistema real-time at walang kahit anong human intervention, kaya’t mas mabilis, mas eksakto, at hindi madaling dayain ang mga pagsusuri.
Taglay ng MVIF ang lahat ng kakayahan ng isang fixed test station, ngunit may karagdagang benepisyo ito ng pagiging mobile o madaling ilipat kung saan ito kinakailangan.
Personal na sinubaybayan ni Asec. Mendoza ang pagdating at pag-install ng unang MVIF sa LTO Central Office noong Mayo 13.
Ang natitirang tatlong MVIF, sa oras na dumating, ay ipapamahagi sa tatlong pangunahing rehiyon ng bansa.
“Meron na tayong isa at may tatlo pa tayong darating sa katapusan ng buwan o sa unang bahagi ng Hunyo. Gagamitin natin ito, susubukan nang paulit-ulit, at kung maganda ang resulta, hihiling tayo ng dagdag pa para maipamahagi sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,” pahayag ni Asec. Mendoza.
“Plano rin naming kopyahin ito sa bawat district office kung kinakailangan. Para sa ganun ma-testing natin ng Mabuti ang mga sasakyan, hindi yung patingin-tingin lang para makita natin na ang sasakyan ay talagang roadworthy,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Legal advice online ng eGovPH bukas na

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUKAS na sa publiko ang pagbibigay ng legal advise online ng eGovPH ng pamahalaan.
Ito naman ang sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta kung saan pareho rin ito aniya ng 24 oras na hotline ng PAO kung saan may mga abogadong nakatalaga para sumagot sa mga tawag o hihingi ng legal assistance.
Aniya, nasa dalawang abogado at dalawang staff ng PAO ang kanilang itatalaga sa application ng gobyerno.
Ko
Ipinunto ng PAO Chief na hindi magkakaroon ng serbisyo kung walang naka-duty na abogado.
Paliwanag pa ni Acosta na napakahalaga kapag nasasagot agad ang mga katanungan kaugnay sa batas dahil hindi lahat aniya ng mga Pilipino ay nag-aral ng batas at kailangan din aniyang ipaalam sa ating mga kababayan ang dati na at bagong mga batas.

Nominated bilang National Artist for Film and Broadcast Arts: DINGDONG, positibo at bilib na bilib sa kakayanan ni VILMA

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang na-nominate si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para sa National Artist for Film and Broadcast Arts.
Ang anunsiyo ay mula mismo kay Dingdong Dantes, ang president ng Aktor (League of Filipino Actors).
Ang samahang ito ng mga nasa showbiz ang isa sa mga nag-indorso kay Ate Vi with matching  documents and video materials, sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
“Vilma Santos has turned in incomparable works for six decades. “She is a paragon of professionalism, a cultural champion and nation-builder.” lahad pa ni Dingdong.
Dagdag pa ng aktor na sa edad na 70 years old ay very much popular sa lahat ng henerasyon ang nagbabalik bilang gobernadora ng Batangas.
Bukod sa pagiging most awarded actress, ay nagsilbi ng tatlong termino as mayor of Lipa City (1998 to 2007) and three-term governor of Batangas. (2007 to 2016).
Ilan sa mga grupong kasamang nag endorso para sa nominasyon ng Star for all Seasons para sa Pambansang Alagad ng Sining ay ang Association of State Universities and Colleges, University of the Philippines College of Mass Communication, Bicol University through president Baby Boy Benjamin Nebres III, Fashion Designer Association of the Philippines through chair Gil Granado, Society of Filipino Archivists for Film, University of Santo Tomas Department of Communications and Media Studies, Multimedia Press Society of the Philippines through president Ambet Nabus and chair Jun Nardo, Ladlad, Viva Communications, Inc., Hundred Islands Film Festival, Montañosa Film Festival, Mapua University Digital Film Program, Regal Entertainment, Star Cinema/ABSCBN, GMA 7, Ako Bicol party-list and Bantayog Film Festival Cam Norte.
Maging si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Lone District of Santa Rosa (Laguna) Rep. Danilo Ramon Fernandez, ay nag-submit din ng kanilang endorsements.
Kasama rin ang lahat ng mga nagkakaisang  samahan ng fan clubs ni Ate Vi under the leadership of Engr. Jojo Lim.
Positibo naman ang paniniwala ni Dingdong na makukuha ni Ate Vi ang pagiging National Artist.
(JIMI C. ESCALA)